Multi-bilyon pisong ‘collective bargaining benefits’ at iba pang ‘monetary gains’ ang inaksyunan ng Department of Labor and Employment (DOLE), alinsunod sa alternative dispute resolution (ADR) mechanism -- ito’y kumakatawan sa humigit-kumulang 25 libong manggagawang nagkaroon ng labor dispute noong 2010.
Sa report ng National Conciliation and Mediation Board (NCMB), umabot sa 1,719 cases ang na-disposed ng DOLE noong 2010 -- ito’y ‘high settlement rate’ at nabawasan ang actual strike/lockouts. Take note: nakapagtala ng 88% improve rate sa dispensation, as in pito sa walong actual strike ang naresolba ng DOLE at tatlo ang nauwi sa collective bargaining na nagkakahalaga ng P29 milyon -- kumakatawan sa 2,041 manggagawa.
Sa administrasyon ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino, prayoridad ang ‘settlement’ sa bawat labor disputes na natengga sa mahabang panahon -- isang paraan ng gobyerno para bawasan ang mga kasong nakabinbin sa DOLE at makapag-move on ang bawat partido. Nagkakahalaga ng P3.7 bilyon ang collective bargaining benefits ng nakaraang taon -- ito’y ‘positive settlement rate’, hindi lamang sa panig ng gobyerno bagkus sa hanay ng mga obrero.
***
Napag-usapan ang positive settlement rate, hindi maitatangging ‘positive effect’ din ang pamumuno ni PNoy, malinaw ang pag-ariba ng Philippine exports o ‘gawang-Pinoy’ -- ito’y umakyat sa 33.7%, katumbas ang $51.393 bilyon, simula January hanggang December 2010, alinsunod sa datos ng National Statistics Office (NSO).
Noong 2009, nakapagtala lamang ng $38.436 bilyon ang Philippine exports, nangangahulugang $12.96 bilyon ang naidagdag ng nakaraang taon. Take note: umabot sa $4.162 bilyon ang merchandise exports noong December 2010, mas mataas ng 25.3% kumpara sa $3.321 bilyon noong December 2009.
Ang electronic products noong December 2010 -- ito’y nagkaroon ng 54.2% increase at naitala ang $2.256-bilyong total receipts, mas mataas ng 19.4% kumpara sa $1.899 bilyon (December 2009), maging apparel at clothing accessories -- tinaguriang ‘third top earner’ at kumakatawan sa 3.3% total exports -- ito’y umabot sa $137.91 milyon, as in tumaas ng 4.9% (131.51 milyon).
Ang kinita sa woodcraft at furniture exports, umabot sa $113.5 milyon (4th top gainer) noong December 2010 -- ito’y nakapagtala ng 65.7% increase mula $68.21 milyon noong 2009, maging ang coconut oil exports nagkaroon ng 20.5% increase. Ibig sabihin, hindi kailangan pang umasa at mangibang-bayan upang kumita dahil nasa ‘tabi-tabi’ lamang ang puwedeng pagkakitaan o kabuhayan.
Tatlong higanteng bansa ang ‘top export destination’ ng Philippine products -- Japan, China at Amerika. Nangunguna ang Japan sa malaking bulto ng Philippine exports -- ito’y may kabuuang 15.4% shares sa total exports at nagkakahalaga ng $642.73 milyon, mas mataas 26.4% mula $508.48 milyon noong 2009.
Bagama’t No. 2 lamang sa ‘top export destination’, lomobo ang pangangailangan sa Philippine products ng China -- ito’y nakapagtala ng 14.3% shipment ($594.8 milyon) nakaraang taon, katumbas ang 151.6% increase mula $236.22 milyon noong 2009, kabaliktaran sa Amerika -- ito’y nabawasan ng 11.3% ($563.92 milyon) mula $635.58 milyon (2009). Kahit pa 13.6% share ang Amerika sa total exports, mas mabenta ang ‘Made in the Philippines’ sa China. Laging tandaan: “Bata mo ko at Ako ang Spy n’yo”. (mgakurimaw.blogspot.com)
No comments:
Post a Comment