Himala na lang! | |
Kahit ‘himala’ na lamang ang pinanghahawakan ng gobyerno, lahat ng paraan upang maisalba ang buhay ng tatlong Pilipinong nakatakdang bitayin sa China ngayong Pebrero 21 -- ito’y ginagawa ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino, patunay ang pagsulat ng nakaraang Agosto para iapela at hingin ang pag-commute sa mga ito.
Nakakalungkot ang kaparusahang ipinataw sa tatlong Pinoy workers sa China lalo pa’t walang death penalty sa Pilipinas kahit pa sangkatutak at ‘drum-drum’ ang drogang nakumpiska, mapa-local o foreign nationals ang naaktuhan.
Sa Pilipinas, tanging deportation o pagpapatapon pabalik sa pinagmulang bansa ang batas na umiiral kaya’t hindi maiwasang emotional ang pamilya ng tatlong Pinoy workers na nagsilbing ‘drug courier’ patungong China dahil walang nasasampolang dayuhan.
Nagiging ‘pattern’ ang pagsangkalan sa kahirapan kung bakit nasadlak sa pagtutulak ng droga at palaging palusot ang katagang ‘hindi alam ang laman ng kanyang bagahe’ -- ito’y mahinang depensa at napakalaking kalokohan lalo pa’t sa simula’y nalalaman ng sinumang pasahero kung gaano kahigpit sa paliparan.
Malupit ang batas subalit iyan ang batas sa China, as in walang magagawa ang pamilya ng tatlong bibitayin kundi magdasal at wala rin ibang choice ang pamahalaang Pilipinas kundi magmakaawa at tanging “himala” ang tsansa.
***
Napag-usapan ang ‘himala’, animo’y magkasunod na “nag-aparisyon” ang katotohanan sa appointment ni Commission on Audit (COA) Chairman Reynaldo Villar at impeachment complaint laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez -- dalawang malalapit kay Mrs. Arroyo, aba’y naglalabasan ang dokumento at nagsalita ang mga mahistrado.
Sa estado ni Villar, nadiskubreng nag-expire ng nakaraang Pebrero 2 ang kanyang termino.
Ibig sabihin, wala nang silbi ang mga nilagdaang dokumento, alinsunod sa appointment paper na ipinagkaloob ni Mrs. Arroyo lalo pa’t malinaw ang katagang “vice Guillermo Caraque for a term expiring on 02 February 2011” -- ito’y NABABASA at NASUSULAT sa dokumentong pinaghahawakan ng Commission on Appointments (CA) na may petsang April 15, 2008.
Hindi kailangang UP graduate para maintindihan ang sitwasyon ni Villar -- tatapusin lamang ang naiwang termino ni ex-COA Chairman Guillermo Carague -- ito’y kahalintulad sa estado ni Ombudsman Gutierrez na naunang kinukuwestyon ni Senador Francis ‘Chiz’ Escudero dahil sa pagkakaalam nito’y ‘minana’ lamang ang naiwang termino ni ex-Ombudsman Simeon Marcelo.
Sa botong 7-5-2 ng Supreme Court (SC), nagbibigay ng ‘green light’ sa impeachment proceedings laban kay Ombudsman Gutierrez -- ito’y isang malaking himala lalo pa’t mismong sa bibig ni Atty. Midas Marquez (high court’s spokesperson at administrator) nagmula ang katagang “We are not an Arroyo court”.
Kaya’t magkakaalaman kung papayag si Mam Mercy na mahalukay ang buong pagkatao kapag umakyat sa Senado ang reklamo, maliban kung magre-resign ito?
Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo”. (mgakurimaw.blogspot.com)
No comments:
Post a Comment