Kinopya lang! | |
Humigit-kumulang 50 libo-katao ang dumalo sa ika-25 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution (People Power 1) nakaraang Biyernes -- ‘di hamak na mas kakaunti kumpara sa aktuwal na bilang noong Pebrero 25, 1986 kung saan milyong Pilipino ang nakimartsa at humarang sa tangke para palayasin ang rehimeng diktaturya.
Hindi man kasing-dami sa nakaraan, malinaw ang mensahe ng bawat isa -- “Buhay ang diwa ng EDSA at nagsalinlahi ang ipinaglabang demokrasya”.
Sa bagong henerasyon, maaaring nakaligtaan at hindi abot ng kanilang kaalaman ang bawat detalye sa mga pangyayari noong EDSA 1, maging ang pagturing sa Pilipinas bilang modelo at simbulo ng isang mapayapang rebolusyon -- ito’y kinopya ng iba’t ibang bansa, mapa-Asya hanggang Europa, pinaka-latest ang Egypt, isa sa “Land of Promise” na nababasa sa Luma at Bagong Tipan.
Hindi kailangan ang serbisyo ni Gregorio Zaide (Philippine historian) para malaman kung paano binago ng Pilipinas, sa pamamagitan ni Pangulong Corazon Aquino ang kahulugan ng “rebolusyon” -- ito’y naging inspirasyon ng mga taga-Germany, South Korea, Czech Republic at Chile. Hindi ba’t giniba ng mga Aleman ang Berlin Wall noong November 9, 1989 -- pawang ordinaryong mamamayang nanindigan at nagkaisa para sa kapayapaan at kalayaan, ilang taon makalipas ang EDSA 1?
Nagkaroon ng ‘domino effect’ ang 1986 People Power Revolution, animo’y isang “hangin” na nakahawa sa buong daigdig -- isang taon makaraang mapatalsik ang rehimeng Marcos, nanindigan ang mga taga-South Korea laban kay General Chun Doo-hwa -- ito’y humantong sa repormang demokratiko.
***
Napag-usapan ang ‘domino effect’, nakawala sa “kamay na bakal” ang mga taga-Chile dahil napuwersang kumandidato at natalo si President Augusto Pinochet -- ‘naghari’ simula 1973 hanggang 1989, as in nagkaroon ng ‘democratic domino effect’ sa buong daigdig ang people power revolution -- ito’y kinopya sa Poland, naging inspirasyon ng ‘Singing Revolution’ sa Estonia, Latvia at Lithuania sa Baltic States noong 1989, gayundin ang kilusang demokratiko sa Germany.
Ang “Velvet Revolution” ng Czechoslovakia sa Wenceslao Square -- ito’y naging daan ng paglalaho ng isa sa dalawang pinakamakapangyarihan at nagpabalik ng demokrasya. Marami pang bansa ang sumunod dito -- kasama ang Eastern Europe at kumalat hanggang Central Europe na nag-angat sa ‘Iron Curtain’ ng Soviet Union.
Ang demokrasya at people power na sinimulan ng mga Pilipino sa ilalim ni Tita Cory ang naging daan kaya’t nagwakas ang “Cold War” sa bansa -- isang katangi-tanging halimbawa ng rebolusyon na nagsilbing ‘formula’ ng mga bansang uhaw sa kalayaan at demokrasya.
Sa 25th EDSA anniversary, malinaw ang mensahe ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino -- kailangan ang tulong ng bawat isa kung nais mabura ang problemang minana.
Take note: tanging si PNoy lamang ang ‘pumutol’ sa nagmamantikang allowances ng mga nakaupo sa government-owned and controlled corporations (GOCCs) na naging ‘gatasan’ sa loob ng 11-taon; nagpatupad ng logging ban; bagong patubig at irigasyon upang makaani ng 1.56 metrikong tonelada ng palay kada taon ang mga magsasaka; P200 monthly amortization sa housing ng mga kapulisan at kasundaluhan. Higit sa lahat, tiniyak ni PNoy na hindi tatantanan ang plea bargaining agreement, sa pagitan ni retired General Carlos Garcia at Office of the Ombudsman, sampu ng AFP comptroller na sangkot sa katiwalian. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo”.(mgakurimaw.blogspot.com)