Wednesday, January 5, 2011

January 5. 2010

Share
Makatwirang 2011!
Rey Marfil


Bago magpaalam ang taong 2010, malinaw ang resulta ng Social Weather Station (SWS) -- 93% ng mga Pili-pino ang naniniwalang gaganda ang kanilang buhay sa pagpasok ng 2011 -- isang magandang senyales at indikasyong malaki ang pagtitiwala ng publiko sa liderato ni Pangulong Noynoy “PNoy” Aquino.
Hindi nakakagulat ang resulta ng SWS survey -- ito’y ‘patotoo’ lamang sa naunang performance at trust rating ni PNoy -- nagsasabing walo (8) sa sampung (10) Pilipino ang nagtitiwala sa pamumuno nito. Kung corrupt ang occupant sa Palasyo, hindi pagtitiwalaan ng 93% Pilipino ang isang Pangulo.
Sa huling SWS survey, may petsang November 27-30, hindi nagsisinungaling ang ebidensya -- siyam (9) sa sampung (10) Pilipino -- ito’y buo ang pag-asang gagan-da ang kanilang buhay sa pagpasok ng 2011. Take note: tanging 2% ang ibinaba kumpara noong December 2002 survey, mas mataas ng 4% kumpara noong 2009, sa panahon ni Mrs. Gloria Arroyo.
Kung susuriin ang SWS survey, malinaw ang katotohanang 7% lamang ang merong ‘agam-agam’ sa sarili o may pagdududang gaganda ang kanilang buhay sa pagpasok ng 2011 -- ito’y mas mababa ng 11% kumpara noong 2009 kung saan tigmak sa katiwalian ang pamahalaan, patunay ang samu’t saring imbestigasyon, mapa-Batasan o Upper House.
Iisa ang damdamin ng publiko, partikular ang ‘socio-economic classes’, magiging positibo at produktibo ang taong 2011 -- ito’y tumaas ng 97%, ‘di hamak malayo sa 91% noong 2009, maging sa Class ABC, umangat sa 95% mula 89% habang sa Class D, mas kilalang ‘masa’ -- umakyat sa 89% mula 87%, as in 2% ng mahihirap ang umaasang gaganda ang kanilang buhay sa 2011.
***
Napag-usapan ang survey, pinakamalaking ‘paggalaw’ sa Metro Manila -- ito’y pumaimbulog sa 96%, mas mataas ng 9% kumpara sa naitalang 87% noong 2009, maging sa Luzon area (hindi kasama ang Metro Manila) -- ito’y pumalo sa 94% mula 90%, nangangahulugang walang epekto ang samu’t saring pang-iintriga sa estilo ng pagtitimon ni PNoy. Take note: malapit sa kusina, as in nasa ‘Imperial Manila’ ang Metro Manila at Luzon area.
Ang nakakagulat sa lahat, kahit malayo sa ‘Imperial Manila’ -- ito’y madalas reklamo ng mga taga-Visayas at Mindanao, positibo ang pananaw ng ating mga kababa­yan sa pagpasok ng 2011. Sa Visayas region, nakapagtala ng 97%, mas mataas ng 9% kumpara sa 88% noong 2009 habang umakyat sa 89% mula 87% sa Mindanao -- indikasyong tiwala ang mga ito sa isang masagana at makatwirang 2011.
Aminin o hindi ng mga kritiko ni PNoy, isang magandang programa ang conditional cash transfer (CCT) -- ito’y malaking tulong sa mga mahihirap at napaka-imposibleng mauwi sa bulsa lalo pa’t ‘walang hilig sa pera’ ang nakaupo sa MalacaƱang. Kung hindi inaprubahan ng Kongreso at Senado ang CCT fund, walang ibang kawawa kundi ang 2.5 milyong mahihirap. Kung tutuusin, walang dapat ipangamba ang mga senador at kongresista, kahit tambakan ng sangkaterbang pera si PNoy, itaga n’yo sa bato: Kahit isang duling, walang makukupit at hindi magagamit sa pamumulitika, hindi katulad sa nagdaang panahon na bayung-bayong ang bitbit ng mga local official, palabas ng MalacaƱang. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: