Monday, May 31, 2010

Mayo 31 2010 Abante Tonite

Solon, nanghihimas ng reporter
(Rey Marfil)

Sa halip magbago ng pag-uugali ngayong maituturing ng “matandang hukluban”, mas lumalala ang nakaugaliang paghimas at pananantsing ng isang matandang miyembro ng Kongreso sa mga kababaihang reporter.


Sa isang ambush interview, muling naispatan ng mga kurimaw, sa pangunguna ng TONITE Spy ang “pagpapasimple” ng matandang solon kung saan nanghihimas ng braso at balikat ng lady reporter.


Kung hindi lamang may edad na ang matandang solon at hindi iisiping malabo nang umigkas ang ipinagmamamalaking “barangay tanod”, mapagkakamalan pang “nagpapatigas” ang mokong dahil panay ang himas sa braso at balikat ng mga natitipuhang lady reporter.


Madalas “sinisimplehan” ng paghimas sa braso at balikat ng matandang solon ang mga batang reporter na nag-i-interview, katulad ang pagkunyaring kinakamusta, sabay hapit sa bewang ng bebot upang dumikit sa maselang parte ng katawan nito.


Kung hindi hinihimas-himas ang kamay ng natipuhang lady reporter, pasimpleng inaakbayan ng matandang solon sa buong interview ang bebot o kaya’y pinipisil at nilalambutsing ang muscle ng mga ito.


Hindi lang iyan, kapag napapansing hindi pumapalag ang natitipuhang lady reporter sa nakaugaliang paghimas sa kamay at braso, nagiging routine ng matandang solon ang pumindot ng bilbil, as in pinipisil-pisil ang mga “baby fats” ng reporter, sabay birong tumataba ang bebot upang hindi maakusahang nanantsing ito.


Bagama’t asiwa ang mga reporter na nabibiktima ng matandang solon sa mga pagpapasimple nito, wala naman magawa at hindi rin umaangal ang mga bebot dahil “yakap-lolo” ang turing at pagtanggap dito.

Ang nakakadismaya lamang, mistulang “child abuse” ang ginagawa ng matandang solon dahil walang ibang binibiktima kundi ang mga batang reporter, malinaw ang pagkakaroon ng malisya at agenda sa pananantsing lalo pa’t hindi naman ginaganito ang mga senior reporter na nag-interview, partikular ang mga tumanda na sa beat.


Clue: Madaling mahanap sa session hall ang matandang solon dahil isa sa maingay ngayong magpapalit ng bagong liderato. Kung kongresista o senador, itoy meron letrang “A” sa kabuuan ng apelyido, as in Ang hilig sa mestisang bebot kaya’t kamuntikang mademanda ng sariling staff dahil minanyak sa abroad. (mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: