Tuesday, May 18, 2010

Mayo 17 2010 abante tonite




Alalay ng vice presidentiable, astang-VIP at nanghawi sa presscon
(Rey Marfil)

Nagmukhang ‘maliit na langaw’ sa isang press conference ang alalay ng isang vice presidentiable matapos mang-agaw eksena at umastang-VIP o very important person kahit “papel de hapon”, walang papel ito.


Sa isang napakahalaga at malaking press conference na pinangunahan ng isang presidentiable, nasaksihan ng TONITE Spy kung paano umastang-VIP ang alalay ng isang vice presidentiable, animo’y maliit na langaw na dumapo sa long table gayong wala naman pakpak ito.


Unang nakapansin sa pag-astang langaw ng alalay ng vice presidentiable ay ang mga mediamen na nagku-cover sa campaign sorties kung saan kamuntikan pang natanong sa isyu ang mokong sa pag-aakalang government official ito.


Hindi maiwasang masuka ng mga embedded media matapos malamang hindi public official ang alalay ng vice presidentiable na sumali sa press confe­rence, katabi ng mga kilalang personalidad.


Sa original plan, tanging presidentiable, vice presidentiable at isang kongresista ang kasali sa press conference o uupo sa long table para himayin ang mga mahahalagang isyu.


Ang isa pang nakakatawa, nagawa pang manghawi ng reporter ng alalay ng vice presidentiable at dalawa sa kanyang nabiktima’y taga-radyo at broadsheet newspaper.


Nang magsimula ang presscon, mapagkakamalan pang lehitimong persolinalidad ang alalay ng vice presidentiable dahil umupo katabi ng isang kongresista habang nasa kanan ang presidentiable.
Sa kasagsagan ng presscon, nagsimulang magkislapan, as in nag-flush ng camera at nag-roll video ang mga taga-TV kung saan aksidenteng natabingan ng ilang reporter ang alalay ng vice presidentiable dahil nagkasiksikan sa tagiliran sa dami ng nagko-cover sa event.


Ang ikinagulat ng lahat, sinita ng alalay ng vice presidentiable ang mga reporter at galit pang pinagsabihang lumayo dahil natatabingan ng camera at hindi makukunan ng litrato.


Pagkatapos ng presscon, ipinagtanong ng mga reporter kung ang pangalan ng congressman na nanita, sa pag-aakalang lehitimong mambabatas ito at laking-gulat ng malamang alalay lamang ng isang vice presidentiable.


Clue: Naging tauhan ni Mrs. Arroyo ang alalay ng vice presidentiable at naupo, gamit ang impluwensya ng kapatid subalit ngayo’y nagsisipsip sa ibang kampo dahil nangangarap mabigyan ng puwesto. Ito’y isa sa nagpabagsak sa imahe ng vice presidentiable at sumira sa kampanya ng amo kung saan meron letrang “D” as in Dupang sa Power, as in Pagcor ang expertise. (mgakurimaw.blogspot.com)




No comments: