Saturday, May 29, 2010

Mayo 29 2010 Abante Tonite

Senatoriable, masama ang loob sa ama
Rey Marfil

Sa halip tumatatag ang samahan at relasyon sa panahon ng kampanya, mas nagkaroon ng gap ang pagtitinginan ng mag-ama matapos sumama ang loob ng anak dahil pinabayaan sa kampanya.

Sa impormasyong natanggap ng TONITE Spy, merong kinikimkim na sama ng loob sa kanyang ama ang isang natalong senatoriable dahil pakiramdam nito'y pinabayaan siya sa pangangampanya.

Maging naglipanang kurimaw sa campaign headquarters ng partidong kinabibila­ngan ng talunang senatoriable, ito'y nagtataka kung bakit mas madalang pa sa patak ng ulan sa tag-araw ang pagsama sa kampanya ng ama nito.

Sa loob ng tatlong buwang kampanya, minsan lamang sumama sa kampanya ang ama ng talunang senatoriable kung saan nagsilbing substitute lamang, as in pamalit dahil merong dinaluhang meeting ang anak.

Sa katatapos na eleksyon, magkaiba ang posisyong tinakbuhan ng mag-ama kung saan nagkumpiyansa ang anak sa magandang ratings sa iba’t ibang survey, kalakip ang paniniwalang maililipat sa kanyang pangalan ang popularidad ng kapamilya.

Kung susuriing mabuti ang sitwasyon ng dalawa, napakalayo sa popularidad ng ama ang tinatamasa ng talunang senatoriable kaya’t kailangan ang matinding suporta at tulong para maiangat ang imahe nito.

Sa kabuuan ng kampan­ya, walang ibang inatupag ang ama ng talunang senatoriable kundi ang tumambay sa kanilang lugar gayong higit kaila­ngan ng anak ang suporta.

Sa pagkatalo ng anak ngayong eleksyon, isa sa nakikitang butas ng mga political analyst ang mahinang suportang ipinagkaloob ng ama dahil mas sikat at popular ito.

Mismong talunang senatoriable, meron umanong kinikimkim na sama ng loob sa kanyang ama dahil pakiramdam nito'y napabayaan at mas pinahalagahan ng una ang sariling propesyon gayong mas importante ang posisyong kanyang tinakbuhan.

Katulad ng inaasahan at prediksyon ng mga kurimaw, nanalo ang ama at maaaring napabilang sa Magic 12 ang anak kung tumodo lamang sa suporta ang una lalo pa’t mas maraming kaibigan ang natulungan.


Clue: Madaling makilala ang talunang senatoriable dahil barado ang eskinita sa lapad ng katawan. Kung bagong salta sa pulitika o kongresista, ito’y meron let­rang "B" sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Bardagol.

(mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: