Saturday, May 22, 2010

mayo 23 2010 abante

Bata ng presidentiable, ‘nag-self proclaim’ sa cabinet post

Kung marami ang nahihiyang magpa-appoint, kabaliktaran sa pag-uugali ng isang abogadong bataan ng presidentiable dahil “nagwa-water-water” na maitalaga sa palasyo.


Hindi maiwasang masuka ni Mang Teban matapos mabalitaang napakaadelantado ng isang abogadong bataan ng presidentiable, patunay ang pagsi-self proclaim bilang gabinete gayong mismong amo nito’y hindi pa napoproklama ng Kongreso.


Sa isang interview, biglaang isiningit ng abogadong bataan ng presidentiable ang pag­hirang ng kanyang amo bilang gabinete, sabay pakiusap na isulat subalit huwag lamang i-quote ito.


Hindi pinatulan ng mga reporter ang pagsi-self proclaim ng abogadong bataan ng presidentiable bilang bagong gabinete dahil mismong amo nito’y walang kumpirmasyon.


Mismong mediamen ay pinagduduhan ang pagsi-self proclaim ng abogadong bataan ng presidentiable, katulad ang senaryong pinapa­lutang lamang ang kanyang pangalan para hindi makalimutang i-appoint ng kanyang amo.


Ang pinaka-classic sa lahat, dati-rati’y tuwang-tuwang nadidikit ang pangalan sa grupo ng mga dating gabineteng nagtraydor kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo subalit ngayo’y inilalayo ang sarili at harapang inilalaglag ang mga dating katsukaran dahil sumama ang image ng mga ito.


Pintahan n’yo na: Madaling makilala ang abogadong bataan ng presidentiable dahil pala­ging nagsasalita kahit hindi kasali sa forum. Kung bagito sa trabaho, ito’y meron letrang “D” sa pangalan at apelyido as in Delikado lalo pa’t merong “suicidal tendency” ang hugis ng mukha nito.

No comments: