Friday, May 21, 2010

Mayo 19 2010 Abante Tonite

Presidentiable, may sapak
(Rey Marfil)

Sa halip ipagtanggol sa media, mismong legal staff ng isang presidentiable ang nag-text brigade sa mga mediamen upang ipamalita ang pagkakaroon ng sapak sa ulo ng kanyang amo, pagkatapos ng kampanya.


Hindi maiwasang matawa ng mga kurimaw, sa pa­ngunguna ng TONITE Spy matapos mag-text brigade ang pinagkakatiwalaang legal staff ng presidentiable para ipabatid sa mga kaibigang mediamen ang pagkakaroon ng sapak nito.


Sa panahon ng kampanya hanggang mag-concede ang ilan sa presidentiable, hindi iniwanan ng legal staff ang kanyang amo subalit nagbago ang lahat ng makitang sinasapian ng ibang espiritu ang mokong.


Ang rason, kung anu-anong pinagsasabi ng presidentiable sa mga interview at mistulang nilukuban ng masamang espiritu dahil nagha-hallucinate sa mga kaganapan ngayong eleksyon.


Sa panahong magkasama sa kampanya ang mag-amo, halos himurin ng legal staff ang tumbong ng presidentiable para ipagtanggol sa mga taong bumabatikos kahit pa puro sablay ang pinaggagawa nito.


Kabaliktaran ngayong nalalapit ang pag-proklama sa nanalong Pangulo, nag-iba ang tingin ng legal staff sa kanyang amo at agarang nagbitiw dahil nagbabago ng kilos ang hinahangaan at ipinagtatanggol nitong boss.


Sa text brigade ng legal staff ng presidentiable, mistulang kinumpirmang may “uyot”, as in sapak sa ulo o kulang sa turnilyo dahil ginawang rason sa pagre-resign ang pagiging maligalig ng kanyang amo kung saan wala sa wisyo ang mga galaw at kilos nito.


Maliban dito, harapan din inamin ng legal staff na hindi pinagsisihan ang umalis sa poder ng presidentiable, kabaliktaran sa mga naunang press release na mahusay ang kanyang amo.


Clue: Nagsilbing chief of staff ng presidentiable ang legal staff at palaging kaututang dila, mapa-telepono o kaya’y oras ng trabaho at office hours. Kung bagong salta sa pulitika o miyembro ng Kongreso, itoy meron letrang “A” sa palayaw ang presidentiable, as in Ang hilig makipag-away at matapobre sa tunay na buhay. (mgakurimaw.blogspot.com)