Wednesday, December 30, 2009

december 30 2009 abante tonite

Senador nangopya ng opinyon,
nang-away pa ng reporter

(Rey Marfil)

Sa hangaring makapagpasiklab sa publiko, sa pamamagitan ng pag-astang ‘super-henyo’, lalo pang lumutang ang kawalan ng good manners and right conduct (GMRC) ng isang konyong miyembro ng Upper House matapos mang-away ng reporter gayong nangopya lamang ng ibang opinyon ito.

Sa kasagsagan ng diskusyon at debate tungkol sa legalidad ng pagdedeklara ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng martial law sa Maguindanao, nasaksihan ng TONITE Spy kung paano lumabas ang pagiging ‘utak-kamote’ ng isang konyong senador.

Ang rason, inaway ng konyong senador ang isang lady reporter matapos mapanood sa telebisyon ang kabuuan ng news report kung saan hindi naisama ang pangalan ng mambabatas sa mga binanggit nito.

Ang nakakasuka sa lahat, bago inaway ng konyong senador ang lady reporter, mas nauna pang tinawagan ng mambabatas ang mga bossing sa giant television at inirereklamo ang pagkakalatag ng istorya o nilalaman ng news report.

Ang reklamo ng konyong senador, ito’y hindi isinama sa news report ng lady reporter, as in gusto nitong maging bida sa balita kahit walang kakuwenta-kuwenta ang mga ideya at pinagsasabi sa floor.

Maliban sa walang kuwenta at puro kuwento lamang ang dinaldal ng konyong senador sa joint session na naganap sa Batasan Complex, meron pang naunang mambabatas, katulad ng mga kongresista ang nagbigay ng kaparehong pananaw, suhestyon at pangamba sa epekto ng martial law.

Dahil inulit lamang ng konyong senador ang mga opinyon at isyung tinalakay sa floor, as in kinopya o xerox copy ang lahat ng diskarte sa joint session, mas pinahalagahan ng lady reporter ang mga naunang kongresista at senador na nagsalita dahil mas kapaki-pakinabang ang mga ito.

Sa puntong ito, ikina-bad trip ng lady reporter ang pagsusumbong ng konyong senador sa kanyang bossing at ipinarating ang sama ng loob sa mambabatas dahil umaastang news editor at gustong ‘magbida-bidahan’ sa news repor gayong nangopya lamang ng opinyon ito.

Sa halip mag-sorry sa lady reporter, nagmatapang pa ang konyong senador at ipinagdidiinan na wala sa kanyang parte ang pagkakamali, as in ayaw amining meron ibang mambabatas ang nagbigay ng kaparehong opinyon o nangopya lamang ito.

Ang pinakamalungkot sa lahat, hindi man lamang ikinunsidera ng konyong senador na nakakatapak ng ibang tao o merong nasasagasaan na puwedeng mapagalitan ng mga amo dahil mas iniisip ang pansariling interes lalo pa’t maimpluwensiya ang katulad nito.

Clue: Saksakan ng kunat ang konyong senador, patunay ang nakahiligang pagregalo ng pipitsuging ham tuwing Pasko, pagpapakain ng popcorn sa birthday party. Kung reeleksyunista o mapapaso ang termino sa 2013, ito’y ipagtanong sa mga manggagapas ng mais. (mgakurimaw.blogspot.com)

Tuesday, December 29, 2009

december 29 2009 abante tonite

Mga ‘Transformers’
Rey Marfil


Aminin o hindi, apek­tado ng ‘Krista Ranillo controversy’ ang popularidad ni Manny Pacquiao--ito’y malinaw sa nangyaring parada ng mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival ng nakaraang Dis­yembre 24, animo’y hanging dumaan lamang sa kanilang harapan ang float ng pelikulang “WapakMan” sa kahabaan ng Roxas Boulevard, ka­baliktaran tuwing ipinaparada ni Pacman ang bagong belt na nasungkit sa Nevada.

Kahit anong hagis ng kendi at T-shirt, malamig ang trato sa cast gayong naggagan­dahan ang katabi sa itaas ng sasakyan ni Pacman--sina Rufa Mae Quinto at Bianca King. Anuman ang kuwento sa likod ng Krista Ranillo scandal, ito’y hayaang resolbahin ni Pacman subalit nakakapanghinayang kung mapalitan ng pagka-bad trip ang kasikatang tinatamasa ng People’s Champ!

Sa parada ng mga artista, pinaka-blockbuster ang float ni Senator Bong Revilla, halos hindi makausad ang sasakyan sa dami ng taong nakikisigaw ng “Panday”, maging si Flavio nagmukhang bida sa parada. Sa kuwento ng isa nating kaibigan, pati mga foreigner, nagpapa-picture at nakigulo sa float ni Senator Bong.

In fairness, maganda ang review ng Panday, maraming nagsasabing de-kalidad at ma­kabago ang atake ng direktor, nangangahulugang umaasenso ang pelikulang Pinoy. Ang nakakatuwa, pinaghihiwalay lamang ng float ni Mang Dolphy sina Senator Bong at Ruffa Guttierez ng pelikulang “Shake Rattle and Roll XI”.

Ang biruan tuloy ng mga kurimaw habang dumadaan ang truck ng ‘Nobody but Juan’, hindi kaya sinadya ni “Congresswoman” Lani Mercado ang bumuntot sa parada dahil baka meron tumawid sa ibang float?
***
Napag-usapan ang float, dapat isinama sa parada si Bayani Fernando kahit isa nang ‘ex-men’ ng Metro Manila Development Autho­rity (MMDA), malay n’yo makatulong ang mga sidewalk vendor, as in matauhan sa pagtakbong vice pre­sident kapag nasubukang mabato ng kamatis sa Bac­laran area.

Mantakin n’yo, pagkatapos ipauso ang ‘pink fences’ sa Metro Manila, ginawa pang lamp shade ng ‘bayaning isinusuka ng mga vendor’ ang mga traffic enforcers, aba’y suriin ang mga sumbrero ng mga taga-MMDA, hindi ba’t bombilya na lang ang kulang? Mabuti sana kung umiilaw--ang problema, dumidi­lim ang paningin ng mga driver dahil wala sa ayos kung manita at maglista ng violations ang mga tauhan.

Kahit pa mag-barangay captain sa San Juan, Navotas at Makati, ‘magkakakuba-kuba’ lamang sa panga­ngampanya si Bayani, ito’y malabong lumusot. At kahit tumakbong senador, hindi pa rin mananalo kung pag­babatayan ang resulta ng mga survey, aba’y 0.3% hanggang 1% ang ratings, puwede pa sigurong pumalit sa trono ni Bayani Casimiro dahil mahusay sumayaw ng Pandang­go at na-perfect ang folk dance sa ‘GMA-7 Celebrity Duets’.

Hanggang ngayon, kakapiranggot ang nakukuhang percentage sa Pulse Asia at SWS, ito’y masuwerte kung makaka-dalawang (2) milyong boto sa 2010, maliban kung sob­rang bilib sa sarili at kumita sa mga naglipanang pink fences ng MMDA at gusto lamang ibalik sa mga botante ang kanilang money?

Maging si Dick Gordon, hindi maintindihan ng mga kurimaw kung na-virus ang isipan, aba’y tumakbong Presidente kahit mas malabo pa sa used oil at grasa ang tsansang manalo, ma­liban kung naimpluwensiyahan ni BF lalo pa’t ‘MMDA co­lor’ ang kulay ng “The Transformers” (blue at pink). Ang nakakatawa, maraming ibig pakahulugan ng katagang ‘transform’, ito’y nag-iiba ng hugis at nagbabagong-anyo, katulad ng mga aswang at sigbin, maging ‘machong papah’, ito’y nagta-transform ‘pag kagat ng di­lim.

Kung target din lang pala nina Dick at BF ang boto ng mga balim­bing at bading, sana sinamahan sa krusada ang Ladlad partylist! (mgakurimaw.blogspot.com)

http://www.abante-tonite.com/issue/dec2909/opinions_spy.htm


Monday, December 28, 2009

december 28 2009 abante tonite

VP candidate nagpapasko ng campaign stickers
(Rey Marfil)

Kung merong presidentiable na nagpa-raffle ng wall clock at isang primadonang lady solon ang namudmod ng pinaglumaang jewelry box na pinaglagyan ng mga regalo ng mga manliligaw, mas malupit ang isang walang kabuhay-buhay na vice presidentiable.

Ang rason, campaign sticker ang pinamudmod ng walang kabuhay-buhay na vice presidentiable sa mga nanghihingi ng aginaldo, as in pamasko ngayong Disyembre.

Bagama’t paulit-ulit na ipinapaalala ng TONITE Spy na wala sa halaga ng regalo ang diwa ng Pasko, naging katawa-tawa ang giveaway ng isang walang kabuhay-buhay na vice presi dentiable dahil sa campaign sticker nito.

Dahil Pasko, marami ang umaasa ng regalo, katulad ang paghingi ng giveaways sa mga pulitiko at isa sa na nakantiyawan ang walang kabuhay-buhay na vice presidentiable kung saan inakalang magbibigay ng magandang pamasko.

Kabaliktaran sa inaasahan ng mga na ngantiyaw ng regalo, hindi man lamang ka­lendaryo ang ipinamudmod ng walang kabuhay-buhay na vice presidentiable kundi tumataginging na campaign sticker nito.

Sa harap ng mga nanghihingi ng giveaways, ipinatawag ng walang kabuhay-buhay na vice presidentiable ang kanyang alalay at pinakuha ang kanyang bag.

Inakala pang cash ang ipamimigay ng walang kabuhay-buhay na vice pre­sidentiable kung kaya’t namilog ang mga mata ng mga humihingi ng regalo dahil pinakuha sa security ang kanyang bag subalit laking pagkadismaya nang madiskubreng campaign sticker lamang ang binunot ng kumag.

Sa kabilang banda, meron naman natuwa sa aginaldo ng walang kabuhay-buhay na vice presidentiable dahil ilan ang masuwerteng nakatanggap ng ‘organizer’ o notebook planner.

Ang nakakatawa lamang, meron pa ring sticker ng walang kabuhay-buhay na vice presidentiable ang ilang piraso ng organizer o planner na ipinamudmod kung saan nakapinta ang malaking pangalan nito.

Sa tindi ng pagka-bad trip ng ilang nakatanggap ng campaign sticker, idinikit sa kubeta, as in comfort room ang panga lan ng walang kabuhay-buhay na vice presidentiable at pinintahang ‘huwag iboboto’.

Clue: Kung gaano kawalang buhay ang vice presidentiable bid, ito’y kabaliktaran sa pag-uugali dahil saksakan ng angas sa kalye. Kung Senado o ex-employee ni Mrs. Arroyo, ito’y isinusuka ng mga nabambo. (mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/dec2809/hulaan_blues.htm

Friday, December 25, 2009

december 25 2009 abante tonite

Dalawang bimpo!
Rey Marfil


Kung ngayon ang eleksyon, walang pinag-iba sa ‘kaning-baboy’ ang ending ng senatorial race -- magulo ang komposisyon gayong iisa pa rin ang lasa at amoy. Sa hu ling SWS at Pulse Asia survey, namayagpag ang reelectionists, ex-senators at House contingent. Ang malungkot lang, nagkalat sa Magic 12 ang mga TRAPO (traditional poli tician), Anak ng mga Trapo at BIMPO, as in Batang Itinulak ng Magulang sa Politika.

Ibig sabihin, mag-ingat ang 45 mil yong botante sa 2010, huwag pabobola sa mensahe ng TV ads, aba’y meron pang mamimigay ng cellphone at load kahit napakaimposible. Hanggang ngayon bigo ang gobyerno na mabawi ang lahat ng ill-gotten wealth ng pamil a Marcos at patuloy na nananaghoy ng katarungan ang mga biktima ng martial law, pagkatapos tumatakbong senador si Bongbong at gusto pang mag-Presidente sa 2016 election. Wala pa bang kadala-dala ang mga Pinoy, maliban kung namumu nga ng mangga ang santol?
Ang nakakasuka, hindi pa nga nagsisimula ang kampanya at hindi nananalong sena dor, pinag-iisipan ng anak ng tinaguriang diktador ang maupong Pangulo, aba’y maagang nagbilang ng bunga gayong hindi pa nakapagtanim at nakakapagbungkal ng lupa. Hindi kaya agenda ng pamilya Marcos ang ‘magbawi’ lalo pa’t maraming ari-arian ang nakahulagpos nang maupo si dating Pangulong Corazon Aquino at kakasangkapanin si Bongbong upang ma-redeem ang buong angkan sa kahihiyang inabot?

Ni sa panaginip, ayokong isiping orchestrated ang pagdalaw sa mga labi ni Mrs. Aquino, as in planado ang galaw bilang preparasyon sa pagtakbong senador dahil pagkatapos makipagbeso-beso sa mga Aquino, biglaang lumutang ang pa ngalan ni Bongbong bilang senatoriable. At nakakatawang isipin, mas piniling sumama kay Manny Villar na iniimbestigahan sa C-5 road scandal dahil na-divert ang kalsada sa 13 pag-aaring subdibisyon. Ang tanong ng mga kurimaw: alin ang kakaiba o meron bang pagkakaiba kina Manny at Bongbong?

Hindi lang iyan, ang lakas pa ng loob ni Bongbong na atakehin ang misis ni Jose Pidal sa corruption at nagawa pang ikumpara ang kanyang ama at binigyan ng bagsak na grado si Mrs. Arroyo. Hindi kaya humaba ang ilong ng utol ni Imee Marcos tuwing binabanatan si Mrs. Arroyo sa katiwalian, sampu ng mga magnanakaw sa Malacañang?

Kaya’t huwag ikagulat ng publiko kung ma-deform ang iba’t ibang parte ng katawan ni Bongbong at ibang mukha ang umakyat sa entablado. Kung malinis ang pamilya ni Bongbong, hindi sana napatalsik sa Malacañang noong 1986, maliban kung nahawa kay Atty. Jess Santos na puro ‘kabusilakan’ ng loob ni First Gentleman Mike Arroyo ang bukambibig sa publiko?
***
Napag-usapan ang mga BIMPO, ang anak ni ex-House Speaker Jose de Venecia Jr., aba’y gustong mag-senador gayong sariling ama, hindi magawang pagsali tain kung anong nalalaman sa broadband deal habang ka-golf sa China ang First Couple. Kung pabahuan din lang ang usapan, kasamang su minghot ang matandang De Venecia sa gobyerno ni Mrs. Arroyo at nanatiling nakakun yapit sa pundya ng admi nistrasyon habang nagtutunug-tunugang oposisyon ang anak.

Sa napakahabang panahon, walang katapusang ‘Yes Mam’ ang sagot ng ama kay Mrs. Arroyo -- ito’y isa sa namuno para masibak si Erapsky at nakaupong Speaker nang magkabali-bali ang martilyo ng mister ni Megastar Sharon Cuneta sa kaka-‘Noted’ para idepensa ang pandaraya ni Mrs. Arroyo -- si Senador Prancaceus Francis Pangilinan. At ngayong nag-aambisyong mag-senador ang anak, umaastang anghel ang pamil ya De Venecia at kandidato pa ni Erapsky si Joey!

Talagang ‘onli in da Pilipins’, ka-tiket pa si Manong Johnny Enrile sa Puwersa ng Masang Pilipino (PMP) ga yong numero unong pumapalag ang Senate President dahil meron nga namang pananagutan sa eskandalo si Joey D, as in pumutak lamang dahil tinabla ni Mrs. Arroyo at mas pinili ang kumpanya ni banker Ben Abalos. Ganito rin ang posisyon ni Dick Gordon kaya’t isinama sa listahan ng pinakakasuhan ng Senate blue ribbon committee.

Ayokong isiping kinasangkapan lamang ni Joey D ang pag-witness sa broadband deal upang buma ngo ang imahe lalo pa’t ka sing-lansa ng boneless ba ngus sa Pangasinan ang popu laridad ng ama. Mantakin n’yo, hindi nga nasubukang mag-konsehal gusto nang mag-senador, maliban kung type matawag na Your Hono r and Gentleman from ZTE? Ano ba talaga ang tamang campaign slogan, “De Venecia, may delicadeza o oportunista’? Anyway, isang Merry Pasko sa lahat! (mgakurimaw.blogspot.com)


Wednesday, December 23, 2009

december 23 2009 abante tonite

Pagkatalo ng presidentiable, ipinag-party ng mga staff
(Rey Marfil)

Kung nagkuripot ang ilang senador ngayong Kapaskuhan, kabaliktaran sa ginawa ng isang tauhan ng presidentiable matapos magpa-Christmas party at mistulang ipi nagbunyi ang pag-alis sa poder ng kanyang amo.

Nasaksihan ng T O NITE Spy kung paano ipinagdiwang ng ilang tauhan ng mestisuhing pre sidentiable ang pagkawala sa poder ng amo patunay ang pagbigay ng Christmas party sa mga katrabaho nito.

Mas malabo pa sa sa baw ng pusit ang tsansang manalo ng mestisuhing presidentiable dahil kulelat sa survey ang amo kaya’t matinding kalungkutan ang nararanasan ng mga staff ngayong Pasko.

Sa pangambang mapapabilang sa mga mababakante o walang trabaho pagkatapos ng 2010 national election, nag-isponsor ng Christmas party ang ilang staff ng mestisuhing presidentiable, as in isang ‘get-together’ para aliwin ang kanilang sa rili sa inaaba ngang pagka talo ng kanilang amo.

Ang nakakatawa lamang, nauwi sa Christmas party ang padespedida ng ilang staff ng mestisu hing presidentiable sa hangaring makapagbigay ng konting kasiyahan sa mga kasamahan sa opisina lalo pa’t nanganganib mapabilang sa lomolobong unemployment rate kapag sumapit ang Hulyo.

Sa ngayon, ilan sa mga staff ng mestisuhing presi dentiable ang nagsimulang maghanap ng ibang trabaho, kabilang ang isang researcher na nagdesisyong mag-aral at ha napin ang kanyang kapalaran sa ibang bansa dahil nanganganib mawalan ng career sa Pi lipinas matapos tumakbo sa mas mataas na posisyon ang kanyang amo.

Maging iba pang kasamahan sa trabaho ay nagbigay na ng limang buwang palugit sa kanilang sarili para manatili sa poder ng mestisuhing presidentiable, as in tatapusin lamang ang presidential election.

Pagkatapos ng presidential election, karamihan sa mga staff ng mestisuhing presidentiable ay nagbabalak mag-abroad at meron pang nagpare serba ng posisyon sa kampo ng ibang senador dahil ngayon pa lamang malinaw sa kanilang kaisipan ang pagkatalo ng kanilang amo.

Dahil Pasko, walang naganap na ‘iyakan blues’ sa Christmas party ng mga staff ng mestisuhing pre sidentiable bagkus bumaha ng laway matapos mauwi sa kantahan o sing-along ang pagtitipon.

Clue: Hindi kuwes tyon ang husay ng mestisu hing presidentiable subalit ga-hibla ang popularity ra tings kaya’t napakaimposibleng lumusot sa pre sidential race. Ito’y mas kilalang “Mulaway”, as in nagkaka-flash flood ng laway sa floor. (mgakurimaw.blogspot.com)


Tuesday, December 22, 2009

december 22 2009 abante tonite

‘Di bawal ang pork!
Rey Marfil


Sa kabuuang P1.5 tril­yong 2010 national budget, pumalo ng P64 bilyon ang pork barrel allocation ng mga senador at kongresista. Sa halip mabawasan, nagkaroon ng ‘tongpats’, malinaw ang 100% na idi­nagdag sa pork barrel ng bawat isa. Mula P40 mil­yon, itinaas sa P70 milyon hanggang P200 milyon ang pork barrel ng isang congressman, hindi pa kasama ang sangkaterbang insertion.

Pinakamalupit ang mga senador, aba’y umabot sa P400 milyon gayong P200 milyon lamang ang original allocation. Mantakin niyo, kung anong iwas ng mga nagkaka-edad sa nagmamantikang pork, sa takot na tumaas ang cholesterol at mapaaga ang pakikipag-usap kay San Pedro, walang takot ang mga solon, as in hindi ka­yang mabuhay ng mga kongresista at senador kung walang ‘pork’.

Kada taon, animo’y ‘Christmas gift’ ni Mrs. Arroyo ang multi-milyong pork barrel sa mga kongresista at senador. Ang nakakalungkot lamang, ta­nging kaporal ni Mrs. Arroyo sa Kongreso ang masaya at naglalangis ang bunga­nga tuwing naghihiwalay ang taon at pasuwertehan pa kung makakatikim ng pork barrel ang mga taga-oposisyon.

Kundi nagkakamali ang Spy, kamuntikan pang pumalo sa tig-P200 milyon ang pork barrel ng mga kongresista habang tig-P600 milyon ang mga senador -- ito’y proposal sa panahong nagkaroon ng deadlock sa bicameral conference committee, maliban kung panakot lamang ng ‘kaibigang matalik’ ni Loren Legarda -- si Edong Angara, chairman ng finance committee para mapuwersa ang mga congressman bumalik sa negotiating table.
***
Napag-uusapan ang pork, kung hindi nagsosoli ng pork barrel si Senator Ping Lacson kada taon, hindi pa mabibisto ang ‘tongpats’ sa pork barrel ng bawat senador sa ilalim ng 2010 budget. Hindi li­ngid sa kaalaman ng publiko na kada taon, ipinapa­kaltas ni Lacson ang P200 mil­yong pork barrel allocation -- ito’y ipinababawas sa utang ng gobyerno. At dahil nga nauwi sa P400 milyon ang pork barrel ng mga senador, napuwersa si Lolo Edong na ikaltas ang P400 milyon ni Lacson.

Ang ipinagtataka ng mga kurimaw, dati-rati’y isa si Lacson sa miyembro ng bicameral conference committee pero binura sa listahan ngayong taon, ma­liban kung takot ang bes­pren ni Loren Sinta na madiskaril ang inihandang formula ng Palasyo?

Kung tutuusin, barya lamang ang P400 milyon pork barrel ng mga senador kumpara sa multimil­yong insertions bawat departamento -- ito ang ma­laking rason kung bakit nakisabay ang mga congressman sa pagsisingit ng pondo. Ang suma-tu­tal, pumalo sa P16.4 bil­yon ang pork barrel na ‘pinagpartehan’ ng mga senador, hindi pa kasali ang insertion.

Sa kasaysa­yan ng General Appropriation Act (GAA) -- ito ang ‘pinakamatabang badyet’ na i­naprubahan ng Kongreso, animo’y nakikipag-kumpetisyon kay Mrs. Arroyo. Sabagay, ‘di hamak na mas malaki ang nakukuha ng mga taga-Palasyo, mapa-intelligence fund o social fund ng Pa­ngulo. Ika nga, nga­yon ang panahon ng ‘pag-iipon’ lalo pa’t nabibilang ang araw ng administrasyon.

Sa dalawamput-tatlong miyembro ng Upper House nakiparte ng tig-P400 mil­yong pork barrel, pinaka­malupit ang isang kasamahang senador, aba’y pinakamasuwerte sa lahat ng nilalang at nasalo ang lahat ng buwenas nga­yong Pasko. Mantakin niyo, umabot sa P2 bilyong pork barrel ang ‘na-Pamaskuhan’, sa ilalim ng 2010 national budget.

Sa simpleng explanation, napakagara ng nakuhang perks ng isang senador at nagkalat ang insertion sa iba’t ibang departamento. Kung sino ang senador -- ito’y ipagtanong sa miyembro ng bica­meral conference committee. Walang masama sa pork, kung maayos ang pinagagamitan. Ang masakit lamang, ito’y ginagawang gatasan. Subukan niyong tanggalin ang pork barrel, ewan lang kung me­ron pang tumakbong senador at congressman sa 2010 elections? (mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/dec2209/opinions_spy.htm

Monday, December 21, 2009

december 21 2009 abante tonite

Jewelry box ng mga ex-bf ipina-raffle ng lady solon
(Rey Marfil)

Kung meron nagpa-raffle ng tiyani at baryang load, ‘di hamak na mas nakakatawa ang ginawa ng isang primadonang lady solon matapos ipa mudmod ang mga pinaglumaang gamit sa bahay, kabilang ang jewelry box na pinaglagyan ng ipinang regalo rito.

Bagama’t wala sa halaga ng regalo ang diwa ng Pasko, katulad ng pangaral ng mga matatanda sa mga anak at apo, hindi maiwasang matawa ng mga kurimaw, sa pangunguna ng TONITE Spy matapos masaksihan ang kakaibang pa-raffle ng primadonag lady solon.

Ang rason, mistulang nagbabawas ng basura sa kanyang kuwarto o pag-aaring mansion ang primadonang lady solon dahil ipinamudmod ang mga pinaglumaang gamit, kabilang ang mga pinaglumaang jewelry box at sisidlan ng relo kung saan hindi lamang isang piraso kundi sanda makmak ito.

Sa unang tingin, mapag kakalaman pang ‘arena’ ng mga gagamba ang pinaglumaang jewelry box ang ipina-raffle ng primadong lady solon, as in ginagamit na kahon ng mga bata para paglabanin at pagpustahan ang mga gagamba.

Maliban sa pagmukhang kahon na pinaglalabanan ng mga gagamba, meron pang nanalo sa raffle ang nag-akalang sisidlan ng sinulid at karayom ang pinaglumaang jewelry box kaya’t nauwi sa tawanan ang party.

Kaagad nagduda ang mga kurimaw na pinag lagyan ng mga na tanggap na regalo mula sa mga kaibigan o kaya’y manliligaw ang pinaglumaang jewelry box at sisidlan ng relo na ipinamudmod ng primadonang lady solon lalo pa’t maraming matatandang lalaki ang umaaligid dito.

Maliban sa mga matatandang kelot na nagpapalipad-hangin, makailang-beses ding nagkaroon ng mga nakarelasyong DOM, as in dirty old man, ang primadonang lady solon kaya’t posibleng bahagi ng mga pinaglagyan ng regalo ang pinaglumaang jewelry box na ipina-raffle.

Tanging kina-bad trip lamang ng mga nakatanggap ng pinaglumaang jewelry box, banaag sa kabuuan ng kasangkapang ipina-raffle ng primadonang lady solon ang kalumaan nito, as in naninilaw ang kulay, tuklap ang pintura at disenyo dahil matagal nang nakatago sa basement o bodega.

Hindi lang iyan, wala na rin sa uso ang pinaglumaang jewelry box ng primadonang lady solon at hindi rin puwedeng isanla sa mga pawnshop ng sinumang ‘big winner’ dahil walang halaga, as in walang ‘kabagay-bagay’ lalo pa’t hindi naman antigo o antique na papatulan ng mga buyer.

Clue: Saksakan ng plastic ang primadonang lady solon at napakahilig manita ng reporter kapag nababanatan sa blind item. Kung senador o kongresista, ito’y tuma­takbo sa mas mataas na posisyon at meron letrang “A” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Ang hilig sa matandang kelot. (mgakurimaw.blogspot.com)


Thursday, December 17, 2009

december 17 2009 abante tonite

Bayani sina Dick at Jamby!
Rey Marfil


Sa halip kutyain at ismolin ang pagtakbo nina Dick Gordon at Doña Consuelo, alyas Jamby Madrigal, kesyo ‘panapon’ at aksaya-laway ang bawat diskurso sa entablado, ito’y dapat pang papurihan at hangaan, aba’y walang ka­sing-lakas ng loob ang dala­wa. Kahit maubos ang lahat ng kinita ni Manny Villar sa pamba­yad ng TV ads, ito’y mero­n pang babalikang 3-taon sa Upper House, katu­lad din ni Noynoy Aquino.

Sa lahat ng tumatakbo sa 2010 election, ‘di hamak pinakamasuwerte ang kaibi­gang matalik ni Edong Angara -- si Loren Sinta, aba’y puwedeng pang tabihan sa session hall ang mga ‘political mongrel’ kahit malasin kay Mar Roxas. At malaking kalokohan kung walang ‘deal’ na inilatag si Sinta, kapalit ng ‘pagyakap’ kay Villar lalo pa’t isinusumpa sa C-5 road scandal, mali­ban kung intriga lamang ang P500 milyon hanggang P1-bil­yong reward?

Ikumpara sina Dick Gordon at Dona Consuelo, ito’y sure winner kung humirit ng reelection subalit iba ang tumatakbo sa isipan ng dalawa -- paniwalang mananalo ang bawat isa, maliban kung napagod si Dick sa kadadal­dal at gustong mag-explore sa ibang bagay o kaya’y pinatakbo ng Malacañang upang hatiin ang boto ng kalaban?

Sa kaso ni Doña Consuelo, abangan ang inihahandang party ng Senate media, aba’y hindi umatras sa last minute ang lady solon at itinu­loy ang pagtakbong Pangulo -- nanga­ngahulugang epektibo ang nobena at orasyon tuwing alas-sais ng hapon. Sa malamang, babaha ng pandesal at mamon sa PIMRO mula kay Pan de Pidro, as in ex-Senate media director Peter Sing, isama natin ang chicken at ‘patak-patak system’ ni ABS-CBN reporter Lynda Jumilla tuwing Huwebes. At sa malamang, masaya si Ted Failon!
***
Napag-usapan ang 2010, lumuwag ang senatorial race sa pag-atras nina Dick at Doña Consuelo -- ito ang mala­king rason kung bakit nagkaroon ng ‘last minute fi­ling, katulad ni Gilbert Remulla (NP) at iba pang senatoriables na nasa labas ng Magic 12. Balikan ang huling Pulse Asia at SWS survey, limang senatoriables ang tumakbo sa mas mataas na posisyon. Ibig sabihin, hindi kasama sa bilang ang tatlong vice presidentiables -- sina Roxas, Jojo Binay at Edu Manzano, plus Doña Consuelo.

Habang si Koko Pimentel, mas piniling umasa ng ‘himala’ mula sa Senate Electoral Tribunal (SET) members. Iyon nga lang, nakumbinse ni Villar si Ate Gwen -- elder daughter ni Senator Nene Pimentel. Kung palarin sa 2010 si Ate Gwen at pumabor kay Koko ang election protest kontra Migz Zubiri, dalawang set ng magkapatid ang mag-seatmate -- ito’y kapareho ng Cayetano siblings.

Hindi kailangang UP graduate para maintindihan kung paano nabuhayan ng dugo ang ibang senatoriables, katulad nina Ralph Recto at Tito Sotto. Sa hu­ling SWS at Pulse Asia survey, naglalaro sa No. 7 si Recto habang No. 11 si Sotto -- nasa unahan ng dalawan­g ex-senator sina Roxas, Edu Manzano, Koko Pimentel at Doña Consuelo.

Kaya’t huwag ikagulat kung umakyat sa Top 5 sina Recto at Sotto, maging ang pagpasok sa Magic 12 ni Manong Johnny Enrile. Ewan lang kung uubra ang pagrorosaryo nina Silvestre Bello, Ramon Guico Jr., Raul Lambino at Jesus Arranza, aba’y mukhang kapitbahay lamang ang nakakilala, ‘di bale si Pareng Rey Langit, aba’y kakampi ang heaven and earth, isama natin pati wind and fire, sabay kanta ng Reason (with the tune of Yaaah).

Kung gusto n’yo malayo sa tukso, iboto si Imelda Papin, sampu ng taga-KBL, ewan lang kung kakayanin ng inyong po­wers sina Alma Lood, Hector Villanueva, Ma. Judea Millor, Regalado Maambong at Shariff Ibrahim Albani!

Kung tutuusin, kabayanihan pa ngang maituturing ang ginawa nina Dick at Doña Consuelo, aba’y bagong mukha ang iko-cover ng Senate reporters at mababawasan ang oras sa diskusyon, as in hindi magkaka-flashflood ng laway sa floor.

Ang tanong lamang: kung mananalo ang mga katulad nina Monmon Mitra, at Toots Ople lalo pa’t nalipasan ng panahon ang apel­yido ng ama? Paano pa kaya sina Martin Bautista at Yasmin Busran-Lao ng Libe­ral? Isa pang question: kilala n’yo ba sina Adrian Sison, Hector Tarrazona, Jo Aurea Imbong, Ma. Gracia Riñoza-Plazo, Manue­l Valdehues­a Jr., Reginald Ta­mayo, at Rizalito David ng Ang Kapatiran Group?

Kung mismong Spy, walang maha­nap na sagot, iyon pa ka­yang tambay sa kanto. Kung gusto n’yo pang magka-migraine, heto pa ang ilang ‘sena­toriables kuno’ -- Israel Virgines, Ramoncito Ocampo, Reynaldo Princesa, at Zafrullah Alonto, aba’y tropa lang ni Bro. Eddie Villanueva sa Ba­ngon Pilipinas ang naka­kilala. (mgakurimaw.blogspot.com)

http://www.abante-tonite.com/issue/dec1709/opinions_spy.htm


Wednesday, December 16, 2009

december 16 2009 abante tonite

Makunat na solons, naging galante sa Christmas party
(Rey Marfil)

Mistulang ‘napaso’ sa kahihiyang inabot sa nakaraang dalawang Pasko ang dalawang miyembro ng Kongreso matapos maging galante at gawing magarbo ang inisponsorang Christmas party kabaliktaran sa pagiging saksakan ng kunat ng mga ito.

Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano nagbago ng diskarte ang dalawang miyembro ng Kongreso ngayong Pasko, patunay ang pagpapa-raffle ng mamahaling regalo o gift items.

Dati-rati’y P250 halaga ng load at mahiwagang kalan ang ipinara-raffle sa taunang joint Christmas party, ngayo’y tinamaan ng konting kahihiyan ang dalawang mambabatas dahil may ‘konting weight’, as in bigat ang mga pamasko at premyo ng mga kumag.

Maliban sa magarbong premyo, binago rin ng dalawang solon ang venue ng Christmas party dahil nagawi sa kilalang restaurant, partikular sa mayamang lungsod sa National Capital Region (NCR) gayong nakasanayan sa nagdaang dalawang taon ang mag-tipar sa pipitsuging lugar.

Sa nagdaang dalawang Christmas party na inisponsoran ng dalawang solon, puro libre ang venue, gamit ang kanilang impluwensiya bilang government officials, as in ayaw gumastos gayong multi-milyon ang pork barrel, insertion at kickback.

Mula sa P250 load at mahiwagang kalan na Chinese character ang tatak, naging IPOD Nano ang pa-raffle ng dalawang solon at itinaas sa P500 ang load, hindi pa kabilang ang pagbaha ng mga cash prizes sa major event, pinakamahina ang tig-P1 libo hanggang P2 libo.

Ang matinding revelation sa lahat, wala ring naganap na ‘picture taking’ o photo ops sa sinumang nanalo ng P500 load taliwas nakaugaliang gawin ng mga staff sa nakaraang dalawang taong Christmas party bilang ebidensiya na merong nanalo sa pa-raffle ng kanilang amo.

Clue: Parehong political butterfly ang dalawang solon at ‘pera-pera’ ang policy kaya’t nagpalipat-lipat ng organisasyon. Idinadaan sa pagsasabi ng “God Bless’ kaya’t maraming nauutong pulitiko ang unang solon habang puro pagpadyak at ribbon cutting ang bisyo ng ikalawang solon. Kung senador o kongresista, ipagtanong kina Matet at Lotlot ng Senado (mgakurimaw.blogspot.com)


Tuesday, December 15, 2009

december 15 2009 abante tonite

Cayetano kada kanto!
Rey Marfil


Likas sa mga Pinoy ang pasaway, aba’y kung kailan ibinigay ang hilig sa TV ads, walang gustong magpa-advertise, maliban kay Manny Villar na patuloy nagwawaldas ng pera. Balikan ang kaganapan bago sumapit ang November 30 deadline ng Comelec, mapa-presidentiables, vice presidentiables at senatoriables, pasiklaban sa pre-campaign ads at ngayong niluwagan ng Supreme Court, nagtipid ang lahat at mag-isang naiwan si Villar sa primetime.

Ang TV ad ni Dick Gordon, napagod sa katatayo, maging ang TV ad ni Noynoy Aquino, nawalan ng sindi ang sulo, animo’y namaos si Regine Velasquez, sampu ng talents ni Tito Boy. Hindi lang ‘yan, pati TV ad ni Gibo Teodoro, animo’y nabopols at nawala ang galing at talino. Sabagay, kung hindi maghihinay-hinay sa gastos ang mga tatakbo sa national level, maagang magkakaubusan ng pondo at baka pupugak-pugak ang kandidatura at hindi umabot sa May 10 election.

Ang nakakalungkot lamang, kinakapital ni Villar sa infomercials ang pagtulong sa mahihirap gayong mas maraming matutulungang mahihirap kung ipinambili ng pagkain, ipinatayo ng bahay, ipinantustos sa scholarship program at job creation ang bilyones sa TV ad.

Sa laki ng ginagastos ni Villar kada araw tuwing lumalabas sa television ang kanyang mukha, walang kasagutan kung paano babawiin ang ipinambayad sa TV ad kung luhaan sa presidential race at mas nakakatakot kung manalo, aba’y kalokohan kung hindi magbabawi sa ginastos. Take note: Pumapalo sa P250 libo kada 30 seconds ang rate card sa television at bilangin kung ilang spots lumalabas ang TV ad ni Villar sa dalawang giants network, bilyones ang winawaldas nito!
***
Napag-uusapan ang 2010, walang pinag-iba sa Arroyo clan ang mga Cayetano, aba’y parehong promotor ng poli tical dynasty at iisa ang diskarte. Kapag nagkataon, balik sa apat ang mga Arroyo sa Kongreso -- ang mag-inang Gloria (Pampanga) at Datu (Camarines), Iggy (Negros), at Marilou (party-list). Mabuti na lang, hindi dinagdagan ang congressional district ng Pampanga para ma-accommodate si Mikey na nagbi gay-daan sa kanyang ina.

Sa kaso ng mga Cayetano, balik sa tatlo ang mauupo sa 15th Congress kung mananalo ang nakababatang kapatid ng katukayo ni Joselito Cayetano -- si Ren-ren Cayetano. Ni sa panaginip, ayokong isipin ang senaryong gawing Cayetano ang apelyido ng mga tambay sa Taguig at Pateros at patakbuhing konsehal para okupado ng pamilya ang buong konseho. At katarantaduhan kundi pinupuntirya ng katukayo ni Joselito ang vice presidency o presidency sa 2016?

Mantakin niyo, hindi na nakuntento sa pagkakaroon ng dalawang senador, pati pagka-Congressman gustong i-monopolyo ng mga Cayetano -- ito’y napakalaking insulto sa mga constituents dahil wala na bang magaling sa Taguig at Pateros, maliban sa pangalang Cayetano?

Take note: Hindi pa nga nakakatatlong termino ang asawa ng katukayo ni Joselito -- si Congw. Lani Cayetano, ito’y tumakbong mayor ng Taguig at gusto pang ipalit sa mababakanteng congressional seat ang kanyang brother-in-law (Ren-ren). Mabuti na lang, pagdidirek ng pelikula ang hilig ni Lino Cayetano.

Kung nagkataong aral sa tatlong utol, sa malamang tumakbo ding Congressman o kaya’y alkalde ito. Ang tanging ipinagpapasalamat ng mga taga-Pateros, ka-tropa ng mga Cayetano ang mga nakaupong mayor at vice mayor.

Kung ganito ang patakaran ng mga Cayetano, posibleng mapuno ng mga Ca­yetano ang executive department kung mananalo si Villar bilang pangulo, aba’y halos ‘magpakamatay’ sa kade-depensa ang katukayo ni Joselito tuwing nasisiko ang kanyang amo, alangang hindi humirit ng mga sensitibong posisyon sa palasyo? Talagang, ‘Onli in da Pilipins’, saan ka nakakitang kapwa-senador ang spokesperson.

Hindi kailangan pang magpakalayu-layo, balikan ang C-5 road scandal, hindi ba’t daig pang legal counsel kung dumepensa ang katukayo ni Joselito para pagtakpan ang eskandalo ni Villar? Ano pang aasahan ng publiko kung mananalo si Villar sa 2010 election, maliban kung aral kina Atty. Jess Santos o Raul Gonzalez ang katukayo ni Joselito? (mgakurimaw.blogspot.com)


Monday, December 14, 2009

dec 14 2009 abante tonite

Senador, namudmod ng wall clock
(Rey Marfil)

Bagama’t wala sa halaga ng regalo ang diwa ng Pasko, nauwi sa katatawanan at kantiyawan ang Christmas party na inisponsoran ng isang ambisyosong miyembro ng Upper House dahil walang katapusang wall clock ang pa-raffle nito.

Kalakip ang motibong mapalapit sa mga mediamen bilang preparasyon sa 2010 election, ginawang gimik ng ilan sa mga hand ler ng ambisyosong sena dor ang mag-sponsor ng Christmas party sa iba’t ibang press corps o media organization kahit hindi ‘regular constituents’, as in hindi nagko-cover ng Senado.

Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano ‘na-divert’ sa wall clock ang pa-raffle ng ambisyosong senador gayong ipinangalandakan ng isa sa mga media handler ang magandang pamasko ng kanyang amo bago pa man nag-imbita ng mediamen.

Karamihan ng dumalo sa Christmas party, ito’y gumastos ng P200 hanggang P500 sa taxi at kailangang magpakarga ng ilang litro ng gasolina para lamang makarating sa venue, partikular sa mansion ng ambisyosong senador kung saan malayo sa press office na tambayan ng grupo.

Sa tindi ng pagka-bad trip ng mga umattend sa Christmas party lalo pa’t ‘bagsak ang mga tuka’ na umuwi ng bahay, kamuntikan pang ibinalibag sa kalsada ang napanalunang wall clock at meron namang minumura ang litrato ng ambisyong senador na nakadikit sa wall clock habang bumibiyahe, sakay ng taxi cab.

Ang nakakatawa lamang, sa halip matuwa ang mga miyembro ng press corps dahil nag-sponsor ng Christmas party ang ambisyosong senador, pagka-bad trip ang naging kapalit matapos masayang ang oras at nagpagod lamang ang mga ito.

Kabaliktaran sa ipinangakong magagandang Christmas gift, animo’y kalsadang na-divert sa wall clock ang ipinamudmod ng ambisyosong senador dahil ipina-raffle ang pang-giveaways na dapat sana’y ipamimigay at hindi kailangan pang bunutin sa tambiyolo ang pangalan ng mga winners o makakatangap nito.

Sa kabuuan ng Christmas party, tanging P5 libong cash ang inilabas o ipina-raffle ng ambisyosong senador bilang grand prize kung kaya’t nagulat ang mga umaasa ng magandang premyo lalo pa’t napakalayo ng biniyahe ng mga ito.

Para masaya ang lahat, napagkasunduan ng press corps na hatiin sa tig-P1 libo para limang miyembro ang manalo kesa isang tao lamang ang masuwerteng mag-uuwi ng P5 libo.

Clue: Madaling makilala ang ambisyosong senador lalo pa’t sandamakmak ang TV ads. Kung presidentiable o vice presidentiable, ito’y meron letrang “R” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Raketista kaya’t yumaman. (mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/dec1409/hulaan_blues.htm

Friday, December 11, 2009

dec 11 2009 abante

Lady solon, nagpa-raffle ng pambati ng itlog at garapon

Nauwi sa ukay-ukay ang Christmas party na inisponsoran ng isang primadonang lady solon matapos magpa-raffle ng mga tira-tirang gamit o recycled gift, pinakamalala ang mga naglipanang garapon.


Bagama’t wala sa halaga ng regalo ang diwa ng Pasko, hindi maitago ni Mang Teban ang pagka-bad trip at mapataas ng kilay matapos makitang tira-tirang gamit, animo’y pinaglumaan sa bahay ang ipina-raffle ng lady solon.


Ilan lamang sa ipina-raffle ng primadonang lady solon sa Christmas party ang sangkaterbang garapon, na animo’y taguan ng mga karayom at sinulid, at maging pipitsuging t-shirt na mabibili ng tig-P50 sa wholesale ay ipina-raffle din.


Hindi pa nakuntento sa mga dispalinghadong appliances na imposibleng makita sa mga appliance center dahil hindi papasa sa quality, pati egg beater, as in pambati ng itlog ay ipina-raffle.


Pintahan niyo na: Saksakan ng plastic ang solon na ito at napakaambisyosa. Kung senadora o congresswoman, ito’y merong letrang “A” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Ang hilig sa matandang karelasyon.

http://www.abante.com.ph/issue/dec1109/kartada5.htm


Thursday, December 10, 2009

dec 10 2009 abante TONITE

Bakit ‘di ako?
Rey Marfil


Ilang dekada ang nagdaan, iisa pa rin ang mukha ng halalan, patuloy ang pamamayagapag ng political dynasty sa bansa. Suriin ang listahan ng mga tumatakbo ngayong 2010 election -- iisa ang apelyido kundi naman, ‘kinakapital’ ang kasikatan ng ibang tao.

Isang halimbawa si Alex Lacson, daig pang kabute ang pagsulpot at isang kandidato sa pagka-senador ng Liberal Party, ewan lang kung ipinagpaalam kay Senator Ping Lacson ang pagtakbo lalo pa’t hindi ‘magkaanu-ano’, maliban sa magkapareho ng apelyido. Sabagay, kahit pagtabihin ng upuan ang dalawa, hindi kailangan pang ipagtanong kung bakit hindi magkamag-anak ang mga ito!


Hindi kuwestyon ang credentials ni Alex Lacson subalit sino nga ba ang nakakakilala bilang author ng patriotic books, hindi ba’t mga kauring civil society na umaastang righteous group gayong kapangyarihan din ang target kapag nakara­ting ng palasyo ang kanilang manok?

Sa Pilipinas, mas sikat pa ang gumagawa ng komiks keysa author ng libro. Kahit itanong n’yo kay Carlo J. Caparas na masterpiece ang massacre stories. Aminin o hindi ng Comelec, maraming botante ang engot at pag-thumb mark ang alam sa araw ng halalan, as in hindi nakakabasa ng diyaryo at ‘sound familiar’ ang bata­yan.

Ibig sabihin, mapagkakamalang pinsan o kapatid ni Senator Ping Lacson ang ‘Alex Lacson’ na tumatakbo sa tiket ng Liberal -- iyan ang rason kung bakit ayokong isiping sinasamantala at ginagamit ang kasikatan ni Super Cop!
***
Napag-usapan ang panga­ngapital sa apelyido, mas malala ang Nacionalista Party (NP) ni Manny Villar. Sa hangaring makabuo ng 12-man senatorial line-up, ‘pinakyaw’ ang anak ng mga ‘X-Men’ at kulang na lamang, pati apo sa tuhod ng mga ex-politician, ito’y kinuhang senatorial bet ni Villar, katulad ni Ramon “Monmon’ Mitra III -- ito’y anak ni ex-House Speaker Ramon Mitra Jr. kung pagka-Pangulo.

Maging si Susan Ople (anak ni ex-Senate President Blas Ople), aba’y nagpauto sa ilang katabi ga­yong mas mananalong congresswoman sa Bulacan, hindi bale si Ate Gwen, as in Atty. Gwendolyn Pimen­tel-Gana, maiintindihan kung bakit kinakapital ang apel­yido ng ama -- si minority leader Aquilino “Nene” Pimentel Jr., dahil hindi pinaupo ang kanilang bunso -- si Atty. Koko!

Ang pinaka-classic sa lahat, si Bongbong Marcos, animo’y wala pa ring kadala-dala sa pagkatalo noong 1995 at hindi nahiyang kinakapital ang apel­yido ng amang diktador, maliban kung nabago ang kasabihang ‘hindi mamumunga ng santol ang ma­nga’.

Hindi lang ‘yan, nahawa kay Mrs. Arroyo ang mga Marcos, aba’y gustong pairalin ang political dynasty sa Ilocos region. Si Imelda, hindi na nga napagod sa kabibili ng sapatos, ito’y tumatakbo pang pagka-congresswoman, maging si Imee sa pagka-gobernador at nilabanan ang sari­ling pinsan -- si Michael Marcos-Keon. Ang nakakatawa lang, nagsasama sa NP ticket sina Ate Gwen at Bongbong, animo’y kinalimutan ni Tatay Nene ang 20-taong batas-militar ni Macoy!

Maging sa Liberal Party, kinakapital ni Cong. Ruffy Biazon ang ama at nakipagpalitan pa ng tinakbuhang posisyon. Sa tingin n’yo, maglalakas-loob tumakbong senador kung barangay tanod si Senador Rodolfo Biazon?

Si Sonia Roco ang apelyido ng kanyang mister -- si ex-Senator Raul Roco ang kinakapital para manalo. Bagama’t guro, hindi man lamang naupong deputado sa Lower House o kaya’y barangay captain sa Bicol region, animo’y hindi pa rin ‘napaso’ sa pagka­talo noong 2007 election si Inang Guro, maliban kung si idol Senator Maria Ana Consuelo Madrigal-Valade, alyas Jamby, as in umaa­sang papasa at makakuha ng magandang grado sa ‘pag-take 2’.

Ang katotohanan: saku-sako ang pulseras na ipinanghagis ni Donya Consuelo at maraming na-contact sa phone kaya’t umubra ang pagiging ‘repea­ter’ noong 2004. Ang ha­mon ng mga kurimaw: bakit hindi tumakbo ang mga pulitiko, bitbit ang credentials bilang AKO, hindi dahil kaapelyido at kamag-anak si Pontio Pilato! (mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/dec1009/opinions_spy.htm


Wednesday, December 9, 2009

december 9 2009 abante tonite

Gabinete may armed group
(Rey Marfil)

Kung meron unang dapat disarmahan si Pangu long Gloria Macapagal-Arroyo, hindi ang mga naghaharing-uring pamilya Ampatuan sa Maguindanao kundi mismong galamay sa Malacañang.

Ang rason, meron sari ling armed group o private army ang isang tigasing gabinete ni Mrs. Arroyo, patunay ang pagkalat ng bodyguard sa kahit saang lupalop ng Pilipinas magpunta, mapa-out of town o foreign trip ito.

Pinakamasagwang nasaksihan ng TONITE Spy, kahit simpleng pagdalo lamang ng public hearing, sandamakmak ang armed group ng tigasing gabinete ni Mrs. Arroyo.

Tanging nakakalungkot, charge to experience, as in kargo ng gobyerno ang suweldo ng mga kinuhang bodyguard ng tigasing gabinete dahil nagmula sa iba’t ibang unit ng Armed Forces of the Philippine (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang mga ito.

Sa tuwing dadalo ng public hearing sa Upper House ang tigasing gabinete, pinakamahina ang sampung security personnel na nagsisilbing bantay sa loob ng Senate building, hindi pa kabilang ang mga naka-standby sa perimeter ng gusali.

Kapag lumakad ang tigasing gabinete, animo’y sasabak sa isang malaking giyera dahil sangkaterba ang back-up o convoy vehicle na punung-puno ng bodyguard, hindi pa kabilang ang dalawang hagad o nakamotorsiklong police escort.

Isa pang kinasuka ng mga kurimaw, astang-senador ang tigasing gabinete, as in feeling-Mr. Highway star kapag uma-attend ng public hearing o Senate probe dahil sa special lane na nakalaan sa mga senador na pinapasukan nito.

Sa halip dumaan sa ordinaryong lane sa entrance gate, partikular sa 2nd row ng parking area, pinapasalubong ng tigasing gabinete sa kanyang driver ang kalsada o nagkaka-counter flow, sabay parada sa harapan ng gusali ang kumag.

Tigasin ang gabinete, hindi dahil saksakan ng tapang kundi dahil kapit-tuko sa puwesto, as in nagkukunyapit sa palda ni Mr. Arroyo kahit isinusuka ng publiko, maging sariling tauhan sa departamento.

Clue: Pinaniwalaang may balat sa puwet ang tigasing gabinete dahil nagkakakrisis sa bawat aksyon. Ito’y meron letrang “A” sa kabuuan ng pangalan at tinaguriang “ASG” ang police at military personnel na nagsisilbing armed group, as in “Ang Security Group”. (mgakurimaw.blogspot.com)

http://www.abante-tonite.com/issue/dec0909/hulaan_blues.htm


Tuesday, December 8, 2009

december 8 2009 abante tonite

‘Made in Malacañang’ ang sungay!
Rey Marfil


Kung sa boksing, ‘suntok-hangin’ ang pinakawalan ni Cong. Danny Sua rez (Quezon), aba’y ang lakas maghamon sa ring, iyon pala’y walang ibubuga kay Vice President Noli De Castro. Pakatapos ismolin ang kakayanan ni Uncle Noli na maupong Pangulo kapag nag-resign si Mrs. Arroyo, biglang natiyope si Suarez, maliban kung napuruhan sa P1 milyong steak dinner?

Hindi lang iyan, nabisto pang meron P1 bilyong inuutang sa Development Bank of the Philippines (DBP) si Suarez. Ang eksaktong resbak ni VP: “Iyan ang nanlibre kay GMA sa US trip. Kaya tumitira iyan dahil meron P1 bilyon loan na hinihintay sa DBP para sa Quezon project. Sobrang sipsip kay GMA at takot mag-resign kasi maa apektuhan ang loan niya. Halos P1 milyon din ang ginastos niya sa steak dinner ni GMA.”

Sa sobrang pagkapikon, pati accomplishment ni Suarez ngayong 14th Congress, ito’y pinakakalkal ni Uncle Noli sa Batasan Complex. Ang sabi pa ni Uncle Noli: “Masyadong sipsip (Suarez) dahil sa malalaking project ang nahihingi niya kay GMA”. Ang resulta, nabistong wala ni isang batas sa kabuuang 43 proposed bills na inisponsoran ni Suarez ang nailusot sa Lower House gayong chairman ng House oversight committee.

Kundi hindi nagkakamali ang Spy, naging ma ingay ang pangalan ni Suarez sa text tax bill subalit hindi lumipad ang proposed bill dahil pinalagan ng telecommunications companies (Telcos) ang metering system. Kaya next time, pagkatandaan ni Suarez ang palaging paalala ng mga matatanda ‘magbiro ka na sa lasing, ‘wag lang sa bagong gising’.
***
Kahit ‘saling-pusa’ sa Day Care Center, kakabahan sa Martial Law na idineklara ni Mrs. Arroyo sa Maguindanao, aba’y balikan ang background ni Marcos, hindi ba’t ‘pinagpraktisan’ ang ilang magulong lalawigan bago ipinatupad ang batas-militar sa buong kapuluan kaya’t posibleng magising isang araw, nagkalat ang sundalo at checkpoint sa Maynila -- ito’y nababasa at nasusulat sa kasaysayan.

Ang nakakatawa lamang, gusto pang magsenador ni Bongbong Marcos gayong 20 taong pinahirapan ng kanilang pamilya ang mga Pilipino. Bago puntiryahin ni Bongbong na makatabi ng upuan si Boy Kornik, unang dapat gawin ng Marcoses -- isoli ang ill-gotten wealth, lalo pa’t hindi nakakain ang sapatos ng kanyang mommy. Kahit ‘bonggang-bongga’ ang campaign slogan ni Bongbong, dapat nakadilat ang publiko kapag nagsusulat sa balota!

Kapag pinag-uusapan ang martial law sa Maguindanao -- ito’y kasalanang lahat ng misis ni Jose Pidal. Ang report: Takot ang mga huwes maglabas ng warrant, hindi ba’t Presidente ang nagtatalaga ng judges sa buong kapuluan? Kung sa simula, naging transparent si Mrs. Arroyo at hindi idinaan sa ‘palakasan system’ ang pag-appoint ng mga hukom sa Maguindanao, hindi na kailangan pang suspindihin ang habeas corpus para papanagutin sa masa ker ang mga Ampatuan.

Ni sa panaginip, ayokong isiping merong ibang misyon ang Malacañang sa mansyon ng mga Ampatuan o cover-up ang raid na naganap, maliban kung natunugang ‘ikakanta’ sa dayaan? Take note: Maraming ballot boxes at election paraphernalia ang nakumpiska ng militar, ito’y kasama sa bultu-bultong armas na nahukay sa rancho ng mga Ampatuan, hindi kaya puno ng certificate of canvass?

Ang tanong ng mga kurimaw: Sino bang nagbeybi sa mga Ampatuan, hindi ba’t si Mrs. Arroyo? Ang pag-upo ni Zaldy Ampatuan bilang gobernador ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) -- ito’y kagustuhan ng Malacañang kaya’t walang nakalaban, malinaw ang katotohanang ‘premyo’ dahil dalawang beses nakapag-deliver ng boto sa Maguindanao.

Kung sandamakmak ang armas ng mga Ampatuan, hindi ba’t mismong gobyerno ang nagbubulag-bulagan sa mga high-power firearms na dumadaan sa mga daungan? At ngayong napahiya sa buong mundo, isang martial law ang tugon ni Mrs. Arroyo para paamuin ng mga Ampatuan gayong ‘Made in Malacañang’ ang tumubong sungay!(mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/dec0809/opinions_spy.htm

Monday, December 7, 2009

december 7 2009 abante tonite

Lady solons nagpatalbugan sa kaplastikan
(Rey Marfil)

Katulad ng kasabihang ‘ang magnanakaw ay galit sa kapwa-magnanakaw’, ganito ang esksena sa pagitan ng dalawang lady solon na saksakan ng ‘plastic’ sa publiko matapos harapang magtaasan ng kilay ang mga ito.

Nasaksihan ng TO NITE Spy kung paano nagpatalbugan sa isang political event ang dala wang lady solon, patunay ang ‘pagpaplastikan’ sa harap ng mediamen at kauring pulitiko.

Dahil iisa ang organisasyong sinamahan, walang choice ang dalawa kundi sabay na magtungo sa Commission on Elections (Comelec) at kaagad ding lumutang ang pagiging plastic at hindi pagkakaintindihan ng mga kumag.

Nang magtalumpati ang unang lady solon at ihalintulad ang kanyang sarili sa isang singer na sumikat sa ibang bansa, pasimpleng binaterya ng ikalawang lady solon ang mga pagpapa-cute ng kasamahan sa media.

Tumaas ang kilay ng ikalawang lady solon nang marinig ang speech ng unang lady solon patungkol sa pagiging kamukha o kawangis ng isang sikat na singer, as in tinuya at pinagtsismisan ang sobrang bilib ng kasamahan sa kanyang sarili.

Hindi pa nakuntento ang unang lady solon sa pagkukumpara sa kanyang sarili bilang kawangis ng isang sikat na singer, ito’y muling bumanat at inihalintulad ang kagandahan sa isa pang dating sikat na singer/composer na lalong ipinagtaas ng kilay ng ikalawang lady solon.

Maging mediamen na nagko-cover sa political event, harapang narinig ang mga masasamang komento ng ikalawang lady solon at winawakwak ang pagpapa-cute ng unang lady solon, katulad ang alegasyong hindi kamukha ng dalawang sikat na singer kundi ng mga lola nito.

Clue: Kilalang primadona at plastic ang unang lady solon, hindi lamang sa hanay ng mga reporter na nagko-cover sa kinaaanibang chamber bagkus sa mga kauring mambabatas habang nasobrahan sa pagiging polite ang ikalawang lady solon dahil nagiging over acting (OA) ang pag-astang makamahirap gayong puro nakaw sa gobyerno ang tinatamasang karangyaan sa buhay ng buong pamilya. Meron letrang “A’ sa apelyido ang una, as in Ang hilig sa matandang karelasyon at meron “M” ang ikalawa, as in Magnanakaw po sila mula sa Lower House. (mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/dec0709/hulaan_blues.htm

Friday, December 4, 2009

dec 4 2009 abante

2 solon nagtawagang ‘sweetheart’ sa session hall

Bagama’t paulit-ulit itinatangging nagkaroon ng relasyon sa panahong magkasamang naglingkod sa nagdaang administrasyon, ngayo’y harapang tinawag na “sweetheart” ng isang mambabatas ang kasamahang lady solon.


Ang nakakatawa lamang, sa halip kiligin si Mang Teban, matinding pagkadiri ang naramdaman dahil wala sa hulog ang pagtatawagan ng “sweetheart” ng dala­wang mambabatas lalo pa’t parehong nalipasan ng panahon at may sari­ling pamilya ang mga ito.


Nakarelasyon ng mambabatas ang kasamahang lady solon bago pa man nagsama sa Kongreso, partikular sa panahong naglilingkod sa nagdaang administrasyon kung saan parehong malaya o wala pang asawa ang mga ito.


Nang magkahiwalay ang dalawa at magkaroon ng sariling karelasyon, mas naunang nag-asawa ang lady solon bago pa man nakapasok sa Kongreso, alinsunod sa payo ng mga feng-shui experts, kalakip ang paniwalang mamalasin ang kandidatura kung mananatiling single ito.


Kung kailan parehong nakatali sa kanilang asawa, mistulang kinukumpirma ngayon ng mambabatas ang naunang pakikipag-relasyon sa lady solon dahil harapang tinawag itong “sweetheart” sa loob ng session.


Pintahan n’yo na; Parehong pumupuntirya ng mataas na posisyon ang dalawang mambabatas. Kung senado o kongresista, ito’y parehong anak-mayaman at ipinanganak na may gintong kutsara sa bunganga.



http://www.abante.com.ph/issue/dec0409/kartada5.htm

Thursday, December 3, 2009

december 3 2009 abante tonite

Nagsawalang-kibo si Gibo!
Rey Marfil


Ang ‘worst-case-scenario’ ni PNP Chief Jesus Verzosa -- isang ‘rido’ o gantihan sa pagitan ng pamilya Mangudadatu at Ampatuan ang magaganap. Ibig sabihin, hindi pa natatapos sa pagmasaker ng 60-katao ang ending ng palabas sa Maguindanao. Kalokohan kung ‘di babawian ng Mangudadatu ang Ampatuan, anumang oras makaupo bilang gobernador ng Manguindanao at masibak sa puwesto ang lahat ng Ampatuan.

Take note: humigit-kumulang 20-katao ang nalagas sa pamilya Mangudadatu, ito’y posibleng bumawi ng 40-buhay kapag pinagbatayan ang ‘rido’ panuntunan ng Muslim brothers.

Maging sa survey ng Social Weather Station (SWS) -- ang ‘clan conflicts’ ang itinuturong ugat kung bakit magulo at mataas ang krimen sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). Kaya’t tamang aksyon ang checkpoints at chokepoints sa major roads na ipinapatupad ni Verzosa, pagkumpiska sa loose firearms at pagbuwag sa private armies ng mga warlords, pinaka-latest ang pagsibak sa 1,092 police personnel sa Maguindanao.

Sa mahabang panahon, naging kaibigan ng Malacañang ang Ampatuan kaya’t hindi madaling desisyunan ng sinumang PNP chief ang bumangga sa tinaguriang ‘hari’ ng Maguindanao subalit nagawa ni Verzosa.
***
Hindi kailangan graduate ng University of the Philip pines (UP) upang maintindihan ang kinahinatnan ng mga Ampatuan -- ito’y ‘inilag lag’ ng Malacañang matapos gamitin sa dayaan noong 2004 at 2007. Mantakin n’yo, nakapag-deliver ng ‘zero votes’ sa oposisyon, ngayo’y dinidikdik ng mga tropa ni Mrs. Arroyo.

Una, ito’y pinatalsik sa Bagong Lakas-Kampi (BAKLA), alinsunod sa direktiba ni Gibo Teodoro. Ikalawa, ipinakulong si Datu Unsay Mayor Andal Jr., at kahit hindi nakaposas, kulungan pa rin ang bagsak. At sinundan ng pagtalaga kay DILG Sec. Ro naldo Puno bilang emergency rule administrator sa buong ARMM -- ito’y may kapangyarihang suspendin ang sinumang elected officials.

At nakaraang Nobyembre 27 (Biyernes), mismong si Gibo ang nag-escort kay Vice Mayor Toto Mangudadatu sa pag-file ng candidacy sa pagka-gobernador ng Manguindanao.

Karumal-dumal at walang katulad ang karahasang naganap sa Maguindanao at kaisa ang inyong lingkod na nakimartsa at nag-ingay para humingi ng katarungan at kondenahin ang pagpaslang sa mga kauring media subalit nakakalungkot isiping ginagamit sa pamumulitika ng iilan, katulad ng ipinakita ni Gibo.

Mantakin n’yo, tatlong taon naupong Defense secretary, bakit ngayon lamang dinis-armahan ang mga naghaharing-uring Ampatuan, maging iba pang warlords sa ARMM, mapa-Mangudadatu, Dimaporo at Sinsuat?

Bakit nagsawalang-kibo si Gibo sa dayaang naganap at ngayong kinokondena ng buong mundo ang masaker, animo’y sumasakay sa galit ng taong bayan, maliban kung puntiryang maiangat ang popularidad? Ika nga sa kanta ni Ogie Alcasid, “Bakit nga yon ka lang”, Gibo?

Sa patas na laban, balikan ang background ng kalaban ng Ampatuan -- si Pax Mangudadatu, ang nag-iisang congressman ng Sultan Kudarat, ito’y nagsilbing gobernador sa loob ng 9-taon at pinalitan ng anak -- si Teng Mangudadatu at ngayong eleksyon, isang kamag-anak ang tatakbo.

Sa kaalaman ng publiko, parehong ‘bata’ ni Mrs. Arroyo ang Ampatuan at Mangudadatu at pareho ring isinasangkot sa dayaan sa nakaraang dalawang eleksyon.Noong 2004 election -- si Teng Mangudadatu, ito’y nabanggit ni ex-Comelec Commissioner Virgilio Garcillano Jr., sa Hello Garci tape.

At kung ‘di nagkakamali ang Spy, meron ding gulong nilikha ang Mangudadatu noong Hunyo 19, 2009 -- ito’y may kinalaman sa panunugod at pagpasabog ng grenade-launcher sa bahay ni Vice Mayor Piang Adam Jr., habang ka-meeting ang mga tauhan nito.

Take note: napasalang ang bayaw ni Adam -- si Rogelio Tano at sinunog pa ang kabahayan. Kaya’t nakalulungkot ang kawalang-kapangyarihan ng gobyerno para sawatain ang patayan sa rehiyon. At hindi natututo si Mrs. Arroyo, aba’y sa halip sawatain ang karahasan, animo’y sumasakay lamang at ginagamit ni Gibo ang massacre upang makakuha ng mga boto. (mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/dec0309/opinions_spy.html

Wednesday, December 2, 2009

december 2 2009 abante tonite

Gov’t vehicle kinumander ng vice presidentiable
(Rey Marfil)

Hindi pa man nakaka-first step patungong PNB Building, maagang ipinakita ng isang vice presidentiable ang pagiging abusado sa kapangyarihan matapos gamitin sa maagang pangangampanya ang mga government vehicles, sampu ng government workers na naka-assign sa ahensiya.

Ang pinakamalupit nasaksihan ng TONITE Spy, sagad-sagaran ang pang-aabuso sa kapangyarihan ng vice presidentiable dahil ipinakargo pa sa gobyerno ang lahat ng gastusin sa government vehicles, katulad ang konsumo sa krudo at gasolina, maging pang-toll fee.

Maliban sa ‘pagkumander’ ng mga government vehicles para gamitin sa pre-campaign activities, ipinasa rin ng vice presidentiable sa gobyerno ang pambayad sa daily allowance ng mga government staff o driver na naka-assign na magmaneho ng mga sasakyan.

Isa pang nakakasukang ginawa ng vice presidentiable, naka-charge to experience din ang overtime (OT) ng mga government staff, maging meal allowance o pagkain ng mga driver at iba pang tauhang hinugot sa ahensiya dahil ipinasa sa gobyerno ito.

Hindi lamang mga sasakyan at driver ang ‘kinumander’ o ginawang personal properties, as in inari ng vice presidentiable dahil damay din sa maagang pang-aabuso sa kapangyarihan ang ilang tauhan ng ahensiya na umaaktong bodyguard nito.

Sa nagdaang pag-iikot ng vice presidentiable sa iba’t ibang probinsiya, namumutiktik sa ‘red plate’ ang lahat ng sasakyang nakabuntot, mapa-service vehicles ng media na nagko-cover sa event hanggang sa security personnel nito.

Maging sa paghahain ng certificate of candidacy (COC) sa Commission on Elections (Comelec), nagkulay-pula dahil isang-dosenang government vehicles o red plate ang nakahambalang, as in ginamit ng vice presidentiable.

Hindi naman ikinagulat ng mga kurimaw ang maagang pang-aabuso sa kapangyarihan ng vice presidentiable dahil multi-milyong piso ang ibinayad, kapalit ang pakikipag-partner sa kauring pulitiko, katulad ang alegasyong ibinargain sa halagang P500 milyon hanggang P1 bilyon ang kandidatura.

Clue: Hindi lang plastic ang vice presidentiable bagkus numero unong political prostitute. Kung bebot o kelot, ito’y meron letrang “A” sa kabuuan ng pa ngalan at apelyido, as in Ang daming nakarelasyong pulitiko. (mgakurimaw.blogspot.com)