Friday, July 31, 2009

july 31 2009 abante

Esmi ng presidentiable, napagkamalang makikikain sa kasalan

Dahil hindi nagsisinungaling ang ebidensiya, napagkamalang alalay o tsaperon ang misis ng isang ambisyosong presidentiable sa isang wedding ceremony tulad ng mga dumadayo para makikain sa mga handaan gayong ninang sa kasal ang role nito.


Halos maglupasay sa katatawa si Mang Teban matapos masaksihan kung paano mapagkamalang miron, as in usisero ang misis ng presidentiable, partikular sa kasalang dinaluhan nito.


Ang masakit sa lahat, isa sa pinakagalanteng principal sponsor ang misis ng presidentiable sa wedding rites subalit napagkamalan pang miron, katulad ng mga nakikidayo para makakain nang libre sa mga handaan at kasalan.


Dahil kilalang pamil ya ang ikinasal, pawang kila lang pulitiko at perso nalidad ang tumayong principal sponsor at makaraan ang wedding rites, ilang kamag-anakan ng ikinasal ang nagpakuha ng litrato sa mga ninong at ninang.


Sa puntong ito, dalawan g kinikilig na bebot ang lumapit sa kila lang male politician para magpakuha ng litrato, as in humirit ng opportunity (photo ops) na agad namang pinagbigyan.


Dahil mag-partner sa wedding rites bilang principal sponsor, katabi lamang ng male politician ang misis ng ambisyosong presidentiable kaya inimbitahang sumama sa picture taking at kaagad ding pinaunlakan ng huli.


Taliwas sa inaasahan ng male politician, napagkalamang miron o ordinaryong bisita ang misis ng presidentiable dahil ginawang litratista matapos utusan ng dalawang bebot na kunan, kasama ang una, sabay abot ng kanilang camera rito.


Pintahan n’yo na: Malakas ang arrive ng male politician at inaasahang makakabangga ng ambisyosong presidentiable sa 2010 election. Kung sino ang misis ng presidentiable, ito’y binansagang “Chocolate”. (mgakurimaw.blogspot.com)

Thursday, July 30, 2009

july 30 2009 abante tonite

Kinawawa si Noli
Rey Marfil


Ang bagong gimik ni Donya Consuelo, as in Jamby Madrigal-Valade, kasama ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS), People for the Ethnical Treatment of Animals (PETA) at iba pang animal crusaders na ipagba­wal ang Greyhound dog racing sa Pilipinas.

Ang reklamo ni Jamby -- ina­abuso ang karapatan ng mga hayop at hindi dapat ginagamit sa sugal. Ang tanong ng mga kurimaw: Bakit pinapayagan ng gobyerno sa napakahabang panahon ang horse racing sa San Lazaro Maynila at nagawa pang ilipat sa Carmona Cavite?


Ayokong husgahan ang kaisipan ng mga animal crusader subalit paano ang karapatan ng mga tinale, aba’y weekly ang derby, mapa-Roligon Cockpit sa Pasay o tupada sa barangay. Anyway, tanging kauri ni Donya Consuelo at miyembro ng ‘alta-sociedad’ ang may kakayahang makabili ng Greyhound Dog kaya’t very expensive ang dog food, maging animal rights, hindi katulad ng askal, walang breeding at sinisipa sa kalsada.


Kung ‘cruelty to the a­nimals’ ang tingin ni Donya Consuelo sa Greyhound Dog Racing, hindi ba’t mas masahol sa ‘cruelty’ ang katayan ng aso sa Metro Manila? Ni sa panaginip, ayokong isi­ping bias ang pagiging animal crusader ng best friend ni Mar Roxas dahil mas maraming askal, as in asong kalye ang tinatadyakan, hindi pinapa­kain ng amo at ginaga­wang pulutan kada araw su­balit hindi magawang ipaglaban, maliban kung napatawad ang mga Askal sa Upper House?
***
Ala-Barack Obama ang campaign slogan ni Wow Dick Gordon subalit mi­smong sarili, hindi magawang baguhin, aba’y late sa housing probe ng Senate blue ribbon committee. Mantakin n’yo, kung anong gigil ipa-subpoena si Vice President Noli De Castro Jr., mismong misis ni ex-Congw. Kate Gordon ang atrasado sa public hearing noong nakaraang Hulyo 28.

Ang usapan: 1:00 p.m. subalit pasado 1:30 p.m., wala pa rin si Gordon, maging si Pong Biazon, chairman ng committee on housing, ito’y atrasado sa public hearing, as in pinaghintay ng humigit-kumulang 30 minutes si De Castro, maliban kung pinanindigan ng dala­wang senador ang pagi­ging “The Late Senator”.


Ang ipinagtataka ng mga kurimaw, naka-address ang Senate probe sa 53 libong delinquent housing loans ng National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) sa pagitan ng Deutch Bank Real Este Global Opportunities (Global) at joint venture sa Balikatan Housing Finance Inc. (Balikatan), alinsunod sa Senate Resolution No. 1094 ni Chiz Escudero, bakit inilihis ni Wow Dick sa TV ads ni De Castro ang isyu.

Kung gustong ipitin ni Wow Dick sa P500 mil­yon TV ads ng Pag-Ibig, bakit hindi naghain ng ibang resolus­yon upang isalang sa hot seat si De Castro, at least hindi obvious na pinag-iinitan ang makakaagaw sa party nomination bilang standard bearer ng BAKLA, as in Bagong Lakas at Kampi?


Hindi lang iyan, kung anu-anong pasaring ang ginawa ni Wow Dick sa public hearing, maging sa ambush interview gayong nakasama si De Castro sa majority block noong 13th Congress, sa ilalim ng liderato ni ex-Senate President Franklin Dri­lon, animo’y walang pinagsamahan at hindi nagkakasabay mag-merienda sa Senate Lounge, maliban kung bad trip si Wow Dick San Miguel Beer (SMB) product?

Ni sa panaginip, ayokong isiping ‘inggit lang’ ang nararamdaman ni Wow Dick dahil ‘bagyo’ ang rating ni De Castro kahit walang deklaras­yong tatakbo sa 2010, aba’y hindi uumubra ang pakiki­pag-photo ops sa mga dinukot ng Abu Sayyaf at kahit anong hugas ng kamay ang gawin sa TV ads, mas marami pa ang ‘limang tanda’ ng Safeguard commercial keysa percentage na nakuha sa SWS at Pulse! (mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, July 29, 2009

july 29 2009 abante tonite

Matandang solon, tulo-laway sa ex-GF
(Rey Marfil)

Katulad ng kasabihang ‘kalabaw lang ang tumatanda’, sadyang manyakis ang isang matandang miyembro ng Kongreso matapos magtulo-laway sa opening ng sesyon nang makitang nagmumurang kamyas ang dating karelasyong lady solon.

Bagama’t paulit-ulit itinatangging nagkaroon ng relasyon, hindi maitago ng matandang solon ang pagiging ‘Boy Maniac’, ilang oras bago ang State-of-the-Nation Address (SONA) ni Pangulong Gloria Maca pagal-Arroyo, animo’y asong nakakita ng lalahian sa kalsada.


Ang rason, labas ang ilang maseselang parte sa katawan ng nakarelasyong lady solon kaya’t bumabalik sa alaala ng matandang solon ang pagtatampisaw sa kama ng kasalanan na magagandang eksena sa panahong nagpupulot-gata.

Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano nanumbalik sa kaisipan ng matandang solon ang pakikipag-carnal knowledge sa pagitan ng lady solon nang makitang nakabuyangyang ang ilang parte ng katawan ng bebot at halos lumuwa ang mga mata sa katitingin dahil daring ang kasuotan nito.

Sa kasagsagan ng ses yon, palaging nakatuon ang mata ng matandang solon sa maselang parte ng katawan ng lady solon hanggang mag-adjourned kung saan kaagad pinagkaguluhan ng mga reporter ang bebot dahil sa kakaibang kasuotan nito.

Ang matinding revelation sa lahat, hindi nakuntento sa kanyang kinalalag yan ang matandang solon dahil pagka-adjourned ng sesyon, nagpa-cute sa harap ng dating karelasyon, as in nagkunyaring lalapitan habang pinagkakaguluhan ng mga reporter ang bebot.

Inakala ng mga reporter na magpapakuha ng litrato ang matandang solon sa naka relasyong lady solon kung kaya’t nagpagalingan ang mga cameramen at kaagad pumorma ang mga photographer subalit nagpa-cute lamang ang mokong.

Clue: Pangarap ng ma tandang solon ang maka rating sa Malacañang suba lit nauwi sa panaginip ang lahat kaya’t itinutulak ang nakarelasyong bebot para matupad ang kanyang pangarap. Kung kongresista o senador, ito’y parehong meron letrang “A” sa panga lan at apelyido, as in Ang hirap ng buhay at Ang hilig sa matandang karelasyon. (mgakurimaw.blogspot.com)

Tuesday, July 28, 2009

july 28 2009 abante tonite

Ang esmi ni cabinet official!
Rey Marfil


Kahit araw-araw pang mag-guest sa Wowowee si Manny Villar Jr., hindi matatakasan ang ethics probe sa C-5 road scandal at hindi rin matatakpan sa dami ng TV commercials ang double insertion, sampu ng mga subdibisyong nakinabang sa proyekto kahit walang eleksyong maganap sa 2010.

Ang ikinasusuka ng mga taga-Norzagaray, Bulacan, hindi makaharap sa Committee of the Whole si Villar subalit napakara­ming oras sa noontime show ni Willie Revillame at nagawa pang mamudmod ng bahay gayong hindi mabayaran ang kanilang lupa. Ni sa pana­ginip, ayokong isiping ‘Gloria in the making’ si Villar kapag naupo sa Malacañang, hindi ba’t puro takbo ang formula ng First Family sa bawat anomalya?


At ayaw ding isipin ng mga kurimaw na nagkaroon ng ‘triple insertion’ sa SWS survey, aba’y No. 1 ang mister ni Mam Cynthia Villar -- ito’y napakalayo sa Pulse Asia survey dahil pang-No. 5. Mantakin n’yo, ‘pick 3’ ang madalas gami­ting scheme ng SWS, as in tatlong (3) presidentiables ang hinihingi sa mga respondents, animo’y ginawa pang lotto.

Ang tanong ng mga kurimaw: kailan ba nagkaroon ng tatlong (3) Presidente sa Pilipinas, maliban kung aral kay ex-House Speaker Jose de Venecia Jr., si Mahar Mangahas at gustong lagyan ng Deputy President sa Visayas, Luzon at Mindanao? Teka lang, saan babawiin ni Villar ang paunang multi-milyong pisong ginagastos sa propaganda, ala­ngang ‘ilista sa tubig’ kapag nakarating ng Malacañang, ito’y siguradong merong pagkukunan!
***
Hindi natin babanggitin ang pangalan subalit alam n’yo bang nawindang at na-bad trip ang Palace choreo-grapher sa inasal ng misis ng isang ambisyosong cabinet official nu’ng nakaraang Independence Day Ball sa Malacañang -- ito’y dinaluhan ng mga business magnates at socialites, as in nagkalat ang mga ‘polite’ -- ang ka-tropa ng mga plastic.

Ang rason: always late sa cotillion rehearsals ang misis ng ambisyosong cabinet official. Ang isa pang ikinasusuka ng mga kurimaw, pinahihintay ang lahat ng VIP participants at palaging ‘center of attraction’ ang drama dahil gustong napapansin palagi ng mga kasama sa rehearsal.


Ang malupit sa lahat, sa mismong araw ng Independence Day Ball, ma­tinding pang-aagaw eksena ang ginawa ng ‘comman­der-in-chief’ ng ambisyosong ca­binet official, aba’y ‘naka-brightly colored Venus-cut gown’, as in wala sa dress code o napag-usapang damit ang kasuotan. Kundi nagkakamali ang Spy, ternong pastel ang dress code.

Ang resulta: pinagtitinginan ng mga bisita dahil naiiba ang damit nang mag-cotillion dance. Iyon lang, natupad ang misyon sa buhay, ito’y center of attraction. Hindi lang iyan, ‘nabaliw’ ang kilalang fashion designer habang ginagawa ang gown, aba’y pinakiki­alaman ang disenyo at tabas. Ang protocol sa couturier gown, kailangang irespeto ang crea-tive process ng designer. Ibig sabihin, kung ayaw mo sa kanyang ideya, patahi ka sa mga sastre sa kanto ng Arciaga, Quiapo, Maynila. Kaya’t nakakatakot kapag nanalo ang kanyang mister, baka mas masahol sa lahat ng mga ‘first lady’ kapag nabigyan ng konting papel!
***
Pahabol: Happy anniversary sa mga kababayan na­ting “kapatid” sa Iglesia ni Cristo, aba’y napakala­king selebrasyon ang ginawa kahapon at walang binatbat ang SONA ni Mrs. Arroyo. Wala tayong kamalay-malay, naka-95 taon ang INC sa Pilipinas. Sino bang mag-aakalang lalawak ang relihiyong ito ga­yong si­singhap-singhap lang noon, ina­api at hinahamak.

Ito lang ang alam kong relihiyon na nagmula sa Pilipinas at may mga sangay sa ibang bansa. Parang kuwento rin ni David, maliit ngunit tinalo ang higante. Ang mga pulitiko nga, nagkakandarapa sa pagbati sa INC sa kanilang ani-bersaryo. Talagang mara-ming ‘piranha’ sa Pilipinas, inaakalang nakukuha sa pagbati ang suporta ng INC. Sabagay, hindi matatawaran ang katatagan ng kaisahan ng relihiyong ito. At ang susi diyan, maga­ling na liderato. Kahit itanong n’yo pa kina Ate Arlene Dela Cruz, Gerry Baja at Sir Anthony Taberna! (mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, July 27, 2009

july 27 2009 abante tonite



Esmi ng presidentiable nag-prima donna!
(Rey Marfil)

Bagama’t kasing-labo ng sabaw ng pusit kung makakarating sa Malacañang ang kanyang mister, mas masahol sa mga naupong First Lady ang ‘commander-in-chief’ ng isang ambisyosong presidentiable.

Ang rason, saksakan ng prima donna ang misis ng ambisyosong presidentiable kaya’t matinding pagka-bad trip ang nararamdaman ng sinumang makausap at makaharap ng bebot, mapa-pulitika o kaya’y katropa sa negosyo, ma ging sa dating propesyong pinagmulan nito.

Sa report na naka lap ng TONITE Spy, hindi lamang pinag-uusapan sa mga coffee shops at lobby ng hotel ang sobrang pagka-istariray at prima donna ng misis ng ambisyosong presidentiable.
Maliban sa pagiging prima donna at palaging ‘pa-center of attraction’, saksakan ng pakialamera ang misis ng ambisyosong presidentiable kaya’t kaagad ikinatakot ng mga kurimaw ang pagiging mas masahol sa mga naupong First Lady sa Palasyo.

Bilang sample sa pagka-prima donna ng misis ng ambisyosong presidentiable, ito’y nasangkot sa malaking eskandalo ilang dekada na ang nakakaraan matapos bigyan ng mag-asawang sampal ang isang katrabaho.

Ang matinding revelation sa lahat, sinampal ng primadonang misis ng presidentiable ang may-ari ng kilalang salon dahil hindi nagustuhan ang pagkakalagay ng foundation at iba pang kolorete sa kanyang mukha.

Sa panahong sinampal ang may-ari ng malaking salon, ito’y kasikatan ng nabanggit sa kanilang propes yon habang nagtatahi pa lamang ng kanyang career ang primadonang misis, as in wala pang napapatunayan at wala pang salapi ito.

Clue: Makalaglag-mata kung manamit ang primadonang misis ng ambisyosong presidentiable. Ito’y meron letrang “N” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Naka-leggings always. Kung senador o gabinete ang presidentiable, ipagtanong kay Atty. V. (mgakurimaw.blogspot.com)

Friday, July 24, 2009

july 24 2009 abante

Guwapong senatoriable na-1-2-3 ng presidentiable

Sa halip ikatuwa ang pagkaroon ng lehitimong partido bilang preparas­yon sa 2010 national election, pinagsisihan ngayon ng isa sa mga senatorial bet ang mapabilang sa kampo ng desperadong presidentiable.


Ang rason, maagang nabalasubas ang guwapitong senatorial bet ng desperadong presidentiable, patunay ang kabiguang makapag-deliver ng huli.


Hindi maiwasang matawa ni Mang Teban matapos madiskubreng naisahan ang guwapitong senatorial bet ng desperadong presidentiable dahil hindi tumupad sa usapan ang nabanggit.


Napilitang tumawid ng bakuran, as in nag-ober da bakod ang guwapitong senatorial bet dahil pina­ngakuan ng multi-milyon pisong campaign fund ng desperadong presidentiable, hindi kabilang ang pagkargo sa kabuuan ng gastusin sa 2010 election, na hindi nito natupad.


Ang masakit sa lahat, hindi makaangat sa senatorial survey ang pangalan ng guwapitong senatorial bet dahil walang panggastos at hindi rin isinasama sa mga political gimmick ng bagong amo.


Pintahan n’yo na: Sandamakmak ang pondo ng desperadong presidentiable habang mestiso ang guwapitong senatoriable.

Wednesday, July 22, 2009

july 22 2009 abante tonite

Presidentiable nagregalo ng mantel
(Rey Marfil)

Kung anong gastos maglabas ng infomercial kada minuto sa mga primetime slot sa radyo at telebisyon, patunay ang multi-milyong pisong ipinondo sa propaganda para maiangat ang popularidad, siyang kunat ng presidentiable sa paghahanap ng regalo.

Kamuntikang malaglag sa kinauupuan ang mga kurimaw sa pangunguna ng TONITE Spy matapos madiskubreng mas mahal pa ang ipinambalot o pinang-gift wrap sa regalo ng mga staff ng presidentiable keysa sa laman nito.

Bagama’t kaliwa’t kanan kung gumastos sa TV ads, biglaang nagtipid ang presidentiable, animo’y kinakapos sa pondo lalo pa’t sangkaterba ang salaping winawaldas ngunit wala namang epekto sa popularity rating ang infomercial.
Ang rason, mukhang mantel na ipinangsasapin sa lamesa ang ibinalot ng presidentiable bilang regalo sa birthday celebrant taliwas sa nakaugaliang P500.00 gift certificate sa isang kilalang coffee shop.

Bagama’t lehitimong balabal o shawl ang regalo ng presidentiable, walang naka-appreciate dahil mas maa­yos pang tingnan ang ‘good morning towel’ na paboritong ipangpunas ng mga driver kapag pinagpapawisan.

Kapag sinuri ang regalo ng presidentiable, dalawang bagay lamang ang papasok sa isipan ng birthday celebrant, ito’y mantel o kaya’y tinabas sa kurtina, animo’y retaso ng mga sastre sa kanto ng Arciaga, Quiapo, Maynila.

Ang matinding revelation sa lahat, mas makapal pa ang ribbon o laso na nakapalamuti sa regalo ng presidentiable at kapag tinimbang, mas mabigat kumpara sa mala-retaso ng kurtina na nakapaloob sa kahon, as in pinalaki at pinagmukhang magara ang box sa pagkaka-gift wrap.

Isa pang ikinasusuka ng mga kurimaw, nakabalandra ang pagkalaking pangalan ng presidentiable sa box, nakapaloob dito ang campaign slogan, maging logo ng partidong kinakatawan.

Clue: Namemeligrong maiwan sa pansitan ang presidentiable lalo pa’t pansariling interes ang inaatupag kung saan ipinanganak na merong gintong kutsara sa bunganga at nagpapaka-trying hard magpaka-masa. Kung senador o gabinete, ito’y meron letrang “A”, as in Anak.

(mgakurimaw.blogspot.com)

Tuesday, July 21, 2009

july 21 2009 abante tonite

Independent water producers?
Rey Marfil


Kung hindi magbabago ng diskarte ang isang pre­sidentiable, ito’y magigising isang araw, wala nang natitira pang senatoriables. Hindi natin babanggitin kung sinong Congressman ang nagbabalak lumipat ng bakuran. Ang malinaw, bad trip si Congressman sa sistema ng presidentiable, aba’y puro pansariling interes ang inaatupag at ini-etsapuwera ang mga ka-tropa kaya’t nagdududa ang mga kapartido kung seryoso sa pagtakbong Pangulo ito. De­sididong tumakbong senador si Congressman at wala ng atrasan ang kanyang plano. Ang problema, walang malinaw na direksyon kung anong landas ang tatahakin ng kanilang partido sa 2010 kaya’t kinakabahan dahil baka maiwan sa kangku­ngan ito.


Ang reklamo ni Congressman, puro survey ang iniisip ng presidentiable at pagpapataas sa popularity rating gayong dapat unahin ang pagpapalakas ng orga­nisasyon, katulad sa grassroots. Kaya’t hindi ikagugulat ng mga kurimaw kung lumipat si Congressman lalo pa’t katabing bayan lamang ang isa sa tinaguriang ‘Asyong Aksaya’ sa hanay ng mga presidentiable. Take note: ‘namamakyaw’ ng se­natoriables si Asyong Aksaya at kilalang ‘political butterfly’ ang pamilya ni Congressman. Ibig sabihin, aanhin mo ang bahay na bato kung makunat pa sa belekoy ang nakatira dito? Hindi naman puwedeng laway ang ipambayad sa magbabantay ng boto?
***
Sa ilalim ng Build-Ope­rate-Transfer Law, lahat ng government priorities, kailangang dumaan sa public bidding o bukas sa publiko para maiwasan ang ‘aregluhan’ at hokus-pokus sa pagsubasta ng kontrata -- ito ang eskandalong kinasasangkutan ni MWSS Administrator Diosdado Jose Allado, aba’y idinaan sa joint venture ang Laiban Dam water project, sa pagitan ng San Miguel Bulk Water Corporation. Hindi barya ang pinag-uusapan sa water supply deal, ito’y nagkakahalaga ng $2 bilyon, as in P100 bilyon -- ito’y mas malaki sa NBN-ZTE scandal na naimbestigahan ng Senate Blue Ribbon committee. Kundi nagkakamali ang Spy, malapit kay First Gentleman Mike Arroyo si Allado, ito’y dating General Counsel of PAGCOR. At usap-usapan pang isa sa kapatid ni Eugenio ‘Udong’ Mahusay Jr., nag-expose sa Jose Pidal scandal, ito’y nasa MWSS Board!


Mismong si NEDA director Ralph Recto, pumalag sa mala-midnight deal ni Allado, malinaw ang liham noong Hunyo 26 at sinasabing ‘hindi katanggap-tanggap ang government gua­rantee’ -- malinaw ang conflict of interest lalo pa’t na­ngangailangan ng regulatory authority dahil naisapri­bado ang MWSS. Kaya’t hindi masisisi ang publiko kung nagpa-flashback ang pag-golf nina ex-Comelec chairman Benjamin Abalos at Papa Romy, as in SSS President Romulo Neri habang pinag-uusapan ang ‘Sec, may 200 ka dito’. Bago si Recto, kinontra ni Papa Romy ang joint venture su­balit nakakapagtakang pursigido si Allado na maitulak ang proyekto, maliban kung meron basbas ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang water supply deal lalo pa’t nakaupong chairman ng NEDA Board ito?


Hindi lang iyan, apat (4) na libong pamilya ang mawawalan ng tirahan at mala-independent water producers (IWP’s) ang ‘formula’ na nakikita ni Senate minority leader Nene Pimen­tel, animo’y kinopya ang independent power producers (IPP’s) scheme ni ex-President Fidel Ramos. Sa ilalim ng government guarantee, awtomatikong kakargahin ng publiko ang pagbabayad kahit walang tulo ang gripo, kahalintulad sa power contract na pinasok ni Tabako sa kasagsagan ng power crisis noong 1992. Ang masakit, taong 2016 ang ope­rasyon ng Laiban Dam pro­ject at walang katiyakang makakapag-deliver ng 1,900 milyong cubic meter kada araw. Ang masakit sa lahat, P15.5 bilyon kada taon ang babayaran ng gobyerno sa San Miguel Bulk Water Corporation, malinaw ang P400 bilyong kikitain sa loob ng 25-taon at puwedeng ariin panghabambuhay ang Laiban Dam project dahil renewable ang kontrata. Talagang onli in da Pilipins! (mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, July 20, 2009

july 20 2009 abante tonite

Presidentiable naka-take 12 sa TV ads
(Rey Marfil)

Kung dati-rati’y nagkaubusan ng daliri sa kamay at paa para bilangin kung ilang ‘take’ sa ginawang infomercial bilang preparasyon sa 2010 national election, hindi pa rin natututong magbuhay-artista pansamantala ang isang kunyong presidentiable.

Ang rason, nagkaubusan ng tape o rolyo ng pelikula ang buong crew bago na-perfect ng kunyong presidentiable ang bagong commercial na sinu-shooting dahil lamang sa pakikialam ng karelasyon nito.

Sa report na nakalap ng TONITE Spy, ilang oras nadiskaril ang shooting ng bagong infomercial ng kunyong presidentiable dahil pinakialaman ng karelasyon, as in umastang direktor ang bebot kaya’t na-bad trip ang mga crew.

Kundi nga lamang malaki ang ibinayad sa bagong commercial, muntikang mag-walkout ang buong staff dahil makailang-beses pinaulit ng karelasyon ang mga kuha, animo’y mas marunong pa sa direktor kung umasta ang bebot.

Nang unang mag-shooting ng commercial ang kunyong presidentiable, humigit-kumulang dalawampung beses nag-take o kinunan ang bawat eksena ng kumag dahil puro sablay o sabit ang linya, maging ang tamang expression habang ginagawa ang ipinag-uutos ng direktor.

Sa bagong commercial ng kunyong presidentiable, halos naka-labindalawang beses kinunan o nagkaroon ng re-take sa bawat eksena ang kumag dahil hindi nagustuhan ng karelasyong bebot ang mga shots at pinauulit sa direktor ang mga kuha nito.

Ang pinakamalupit sa lahat, pinagod ng karelasyong bebot ang buong crew at staff na nagsu-shooting ng bagong commercial ng kunyong presidentiable dahil kailangan pang itawid sa malayong lugar ang tape para lamang mapanood nito.

Naka-standby lamang sa loob ng mamahaling sasakyan ang karelasyong bebot, as in primadona ang drama ng mokang habang kinukunan ang mga eksena sa commercial ng kunyong presidentiable kung saan kaagad itatakbo ng staff o crew ang tape para panoorin at ipa-correct ang mga kuha dito.

Clue: Nagwawaldas ng milyones ang kunyong presidentiable sa commercial subalit kakapiranggot lamang ang epekto sa survey. Kung gabinete o senador at kung sino ang primadonang bebot, ipagtanong sa mga ‘kapamilya’ ang magkarelasyon. (mgakurimaw.blogspot.com)

Friday, July 17, 2009

july 17 2009 abante

Presidentiable napikon sa ‘debate’

Sa harap ng alegasyong takbuhing manok o duwag sa harapang debate, isang presidentiable ang napikon sa press conference matapos uriratin ng mga reporter ang pag-iwas sa imbitasyon ng event organizer.


Hindi maitago ni Mang Teban na matawa dahil biglang nagbago ng timplada ang pagmumukha ng presidentiable makaraang ungkatin sa press conference ang pagiging ‘takbuhing manok’ sa nakatakdang presidential debate ng malaking television network, animo’y kalaban ni Batman si Mr. Two-face.


Tatlong beses naimbitahan sa mala-presidential debate ang presidentiable subalit walang katapusang ‘regrets’ ang naging kasagutan sa event organizer dahil dadalo sa birthday party.


Bago sumalang sa press conference, maaliwalas ang mukha ng presidentiable at makailang beses pang nagpapatawa subalit umasim ang mukha at mistulang nangulubot nang mapadako ang isyu sa pagiging ‘takbuhing manok’ sa presidential debate.


Pintahan n’yo na: Pera-pera ang ‘formula’ ng presidentiable sa paghahanap ng suporta sa mga pulitiko, mapa-media o kaya’y pagkuha ng senatoriables. Kung gabinete o senador, ipagtanong kay Matet ng Senado.

Thursday, July 16, 2009

july 16 2009 abante tonite

Sina Boy Kunat at Aling Pilik-Mata ng Malacañang!
Rey Marfil


Kung anong paglalam­yerda at pagwawaldas sa go­vernment funds ng misis ni Jose Pidal, mapa-Pampanga o abroad, kabaliktaran sa ina­asal ng isang Undersecretary (Usec) sa presidential palace, aba’y pinapahirapan ang lahat ng staff at pinagtatrabaho ng magdamagan.

Kahit ‘hopiang may amag sa tabi’, hindi mapakain ang mga staff ga­yong kanda-kuba sa overtime at pagtatrabaho tuwing magla­lakwatsa si Mrs. A­rroyo. Kung meron dapat imbestigahan ang Department of Labor and Employment (DOLE), walang iba kundi si Usec B, as in Boy Kunat. Kahit itanong n’yo pa kay birthday boy at chairman Lito Dela Cruz, dean ng Wesle­yan College of Manila (WCM), Office of the Student Affairs.

Ang malupit sa lahat, dumadagundong ang opisina ni Usec Boy Kunat kapag naga­galit kahit wala naman dapat ipag-init ng ulo. Ang resulta: Nagkakandarapa at napapraning ang mga staff kung anong gagawin -- ito’y napa­kalayo sa pag-uugali ng mga dating naupo at huling pinalitan ng kumag.

Hindi lang iyan, pinapakialaman ni Boy Kunat ang lahat ng bagay kahit labas sa kanyang trabaho. Ang nakakalungkot, nagkawatak-watak ang mga tauhan ng isang namayapang Under­secretary na kanyang pinalitan dahil nagpasok ng napakaraming ‘tuta’ si Boy Kunat, animo’y nagtatayo ng sari­ling emperyo sa palasyo, maliban kung tinitipid ang opisina para makapag-hair transplant lalo pa’t Bokal!

Bagama’t ordinaryong tanawin ang pagbitbit ng sari­ling ‘crew’ ng sinumang appointee ni Mrs. Arroyo, nakakalungkot isiping nauubos ang oras ng mga beteranong emple­yado sa pagtu-tutor, aba’y kung saan-saang bangketa lamang pinagdadampot ni Boy Kunat ang mga staff kaya’t kailangan pang turuan mag-trabaho.

Sa unang tingin, nagkaroon ng ‘learning and tutorial school’ sa palasyo. Mabuti sana kung nagbabayad ng tuition fee o kaya’y service fee sa mga tutor. Ang problema, kahit balat ng mani, hindi magawang manglibre sa sobrang belekoy ni Usec B, ma­liban kung idol si Boy Kornik ng Upper House?
***
Napag-usapan ang kabulastugan ni Usec Boy Kunat, animo’y ka-tandem ang isa pang sipsip kay Mrs. Arroyo -- ito’y itago natin sa pangalang ‘Aling Pilik-Mata’, aba’y wala nang tatalo kung kawalanghiyaan ang pag-uusapan, as in manhid ang tainga ng mga taga-Malacañang sa pananakot ng kumag, katulad ang pagmamalaking kamag-anak ang isang abogadang malapit kay Mrs. Arroyo at ‘super-close’ sa Mahal na Pangulong ito.

Ang madalas panakot ni ‘Aling Pilik-Mata’, ipasi­sibak sa isang Atty. De Leon ang mga kasamahang nakakaaway at ‘ma-piranha’ kung makasipsip para maisingit sa foreign trip ga­yong ‘consu-holtant’ lamang ang posisyon.

Ang nakakatawang nasaksihan ng Spy, ngayon lang napasama sa foreign trip ng mother ni ‘Lion King’, animo’y nakapag-around the world kung umasta si Pilik-Mata, maliban kung naalog ang ulo sa eroplano kaya’t nag-iba ang timplada?

Ang labis pang nakakadismaya, palaging special treatment ang tratong hinihingi ni Pilik-Mata gayong utusan ang posisyon at napakahilig pang pag-awayin ang mga ka-opisina kaya’t nagkakaaberya.

Malinaw ang katotohanang, maling propesyon ang pinasukan ni Pilik-Mata, ito’y dapat ‘preacher’ dahil napakahusay gumawa ng kuwento, katulad ng mga ‘bulaang propeta’ na nagpapakilalang nakausap ang Lumikha gayong pang-estafa ang misyon sa lupa!

Ang malupit sa lahat, la­ging ‘COD’, as in cause of delay sa foreign trip si Pilik-Mata. Ang tingin sa kanyang sarili, ito’y napakataas ang posisyon at kasing-liit ng hanip ang mga ka-opisina ga­yong yaya at mutsatsa ang role sa out of town.

Walang ibang kawawa kundi ang mga ordinaryong government workers na walang koneksyon at hindi malapit kay Mrs. Arroyo. Mantakin n’yo, lahat ng empleyado sa departamento, ito’y nakaaway ni Pilik-Mata kaya’t hindi nakakagulat kung isang araw, malagay sa balag ng ala­nganin ang kanyang buhay, kahit isang tauhan, walang bumuhat para dalhin ito sa klinika.

Napakadaling makilala si Pilik-Mata dahil ito ang namumukod tanging nilalang sa Pili­pinas na naglalagay ng isang kilong pilik-mata! (mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, July 15, 2009

july 15 2009 abante tonite

Presidentiable ‘bopols’ mag-Tagalog
(Rey Marfil)

Kahit anong pagpupumilit magpaka-masa ng isang presidentiable bilang preparasyon sa 2010 national election, sadyang lalabas ang pagka-kunyo, patunay ang pagkaka­sabit-sabit ng dila tuwing magsasalita ng Tagalog sa bawat okasyon.

Nasaksihan ng TONITE Spy kung gaano ka-bopols magsalita ng Tagalog ang presidentiable, animo’y pasang-awa lamang ang grading na ibinigay ng kanyang titser sa Pilipino subject dahil nagkakapilipit ang dila nito.

Hindi mabilang kung ilang beses sumabit at nagkapilipit ang dila ng presidentiable kapag nagsasalita sa harap ng publiko, maging sa mga dinadaluhang pagtitipon at public hearing na ipinapatawag nito.

Ang masakit sa lahat, sariling wika ang binabalasubas at binababoy ng presidentiable, animo’y sumisimbulo sa tula ni Dr. Jose Rizal na higit pa sa malansang isda, patunay ang pagiging ‘bopols’ sa Tagalog dahil nagra-riot ang mga pandiwa at pang-uri.

Bagama’t itinuro sa eskuwela, simula kinder hanggang kolehiyo, ang tamang pagsasalita ng Tagalog o bahagi ng Pilipino subject ito, bagsak ang grado ng presidentiable kahit saang anggulo suriin.

Nagmula sa mayamang angkan ang presidentiable at nakapag-aral sa mga exclusive schools at de-kalibreng unibersidad kung kaya’t nakasanayang mag-Ingles, mapa-eskuwelahan o bahay lalo pa’t college graduate ang nagsilbing yaya.

Dahil sabit ang pagta-Tagalog ng presidentiable, madalas naiiba ang meaning o kahulugan ng mga katagang lumalabas sa bunganga kung kaya’t palihim itong pinagtatawanan ng mga kausap.

Maging staff ng presidentiable, hindi maiwasang matawa sa kahinaan ng kanyang amo na magsalita ng wikang Pilipino, animo’y nagra-rumble ang mga katinig, patinig, pandiwa at panghalip.

Hindi naman ikinagulat ng mga kurimaw ang pagpapaka-masa ng presidentiable sa pagsasalita ng Tagalog dahil kailangang kumbinsihin ang mga botante lalo pa’t kilalang ‘kunyotic mind’ at ipinanganak itong may gintong kutsara sa bibig.

Clue: Kinasangkapan ng presidentiable ang pa­ki­kipagrelasyon upang ma­ra­ting ang kinalalagyang posisyon sa pulitika. Ito’y meron letrang “A” sa apelyido. (mgakurimaw.blogspot.com)

Tuesday, July 14, 2009

july 14 2009 abante tonite

Galit si Art!
Rey Marfil


Maraming nagtaa­san ng kilay subalit hindi nakakagulat ang ‘pag-all out’ ni Senador Richard ‘Dick’ Gordon kay DILG Sec. Ronnie Puno bilang vice presidentiable. Tandaan: parehong Atenista ang dala­wa (2), kalokohan kung pagsisipsip lamang ang puntirya ni Wow Dick lalo pa’t walang mapapala.

Ang tanong lamang, makukuha ba ni Gordon ang bendis-yon ng Malacañang bilang standard bearer kung nakaharang ang dalawang (2) ‘Junior’ ni Mrs. Arroyo sa gabinete -- sina Vice President Noli De Castro Jr., at DND Secretary Gilbert ‘Gibo’ Teodoro Jr. Hindi bale si Puno, ito’y nakakasiguro ng suporta ni Mrs. Arroyo lalo pa’t utang na loob ang pagkakaupo sa trono.

‘Ika nga ng mga kurimaw, ‘up-close and persona­l’ ang pagkakilala ni Wow Dick kay Puno, kalokohan kung itataya ni Gordon ang kanyang pangalan at dangal kung peke ang papuri sa boss ni DILG Assistant Secretary (Asec) Brian Raymund Yamsuan.

Sabagay, puwedeng mangyari ang ‘Gordon-Puno’ tandem sa 2010. Ang kailangan lamang gawin ni Gordon, ito’y ‘magpasakop’ sa tropang BAKLA, as in Bagong Kampi at Lakas, para magkatotoo ang kanyang panaginip kung hindi puro pag-aaksaya lamang ng laway ang mga pronouncement.

In fairness kay Puno, ito’y tatlong (3) beses nang nagpanalo ng Presidente -- sina Tabako, Erap at Gloria, kaya’t hindi kuwestiyon kung puntiryahin ni Gordon ma­ging running mate ito.
***
Sa programang Kartada Escalera ng ‘Esca­lera Boys’ sa dzXL radio ng nakaraang Sabado, halos umusok ang tenga ni Department of Agriculture (DA) Secretary Arthur Yap sa isyung overpriced ang Vietnam rice na inangkat nito. Mantakin n’yo, kahit nasa Tagum City, hindi maitago ni Yap ang pagka-bad trip sa Reu­ters na naglabas ng balitang overpriced ang Vietnam rice.

Sa naging paliwanag ni Yap, pumasok sa kasunduan noong Disyembre 2008 ang Pilipinas at Vietnam, sa pamamagitan ng inter-agency body o Cabinet Rice Procurement Committee (CRPC). Ibig sabihin, kinausap ng Pilipinas ang gobyerno ng Vietnam sa pagsu-supply ng bigas dahil lean months o mahina ang ani, simula Hulyo hanggang Setyembre -- sa panahong ito nauuwi sa ‘tingi-an’ ang presyo.

Sa tindi ng pagkapikon ni Yap, inihalintulad sa isang supot na paputok ang expose ng Reuters, partikular ang alegasyong overpriced ang pagbili sa presyong $380 kada metriko tonelada (MT). Ang resbak ni Yap sa Reuters, hindi naintindihan ng dayuhang media organization ang freight on board (FOB) price noong panahon na iyon. Ibig sabihin, hindi umano isinama ang transport cost at iba pang standard expen­ses para ihatid ang produkto mula sa Hanoi patu­ngong Maynila -- ito’y ‘naglalaro’ sa pres-yong $456 hanggang $459, alinsunod sa official list ng Board of Trade ng Thailand na kinikilalang internatio-nal benchmark sa presyuhan ng bigas.

Ang deklarasyon ni Yap, walang 40% overprice sa Vietnam rice, katulad ng ibinibintang ng mga kritikong sumakay sa isyu dahil walang bigas na nagkakahalaga ng $380 kada tonelada noong Disyembre 2008. Kundi nagkakamali ang Spy, sinulatan ni Yap ang ma-nagement ng Reuters at inireklamo ang pagiging bias sa reporting, maging si Pablito Villegas -- ang analyst na tinutukoy ng Reuters, ito’y nag-email sa Food and Agriculture Organization (FAO) at itinanggi ang Reuters report at meron pang hiwalay na sulat kay Yap upang mag-sorry ito.

Ngayong umeksena ang Upper House, pinaka-latest ang rice probe na ikinakasa ng dalawang (2) presidentiables -- sina Loren Legarda at Mar Roxas, hindi masisisi si Yap kung mag-request na isama sa guest list o isalang sa hot seat ang pamunuan ng Reuters. Paano nga naman kung lumabas sa public hearing na baseless ang overpricing sa Vietnam rice, saan aber hahagilapin ang Reu­ters lalo pa’t corres­pondents lamang ang nakabase sa Pilipinas.

Ang ipinagtataka ng mga kurimaw, hindi ba’t kasali ang Private Sector Procurement Transparency Group (PSPTG) sa negosasyon kapag nag-aangkat ng bigas -- ito’y pinamumunuan ng kinatawan ng Bi­shops-Businessmen’s Conference (BBC)? Kung nagkaroon ng overpricing, katulad ng expose ng Reuters, walang ibang dapat sisihin kundi ang mga ‘fathers’ ni Santino, sampu ng obispo! (mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, July 13, 2009

july 13 2009 abante tonite

Presidentiable naduwag sa debate
(Rey Marfil)

Kung anong tapang puntiryahin ang No. 1 position sa gobyerno at ipangalandakan sa television commercial ang ambisyon, siyang duwag ng presidentiable sa national debate na itinakda ng isang malaking grupo, patunay ang makailang-beses na pag-iwas sa harapang diskusyon nito.

Sa report na nakalap ng TONITE Spy, hindi lamang naduwag bagkus ay umabot hanggang ilalim ng tiyan ang pagkabahag ng buntot ng isang presidentiable, animo’y asong nakakita ng malaking kalaban sa kalye na kumaripas ng takbo kaya’t ipinapa-ban ngayon ng organizer ang presidentiable at ayaw nang isali sa national debate dahil nalalagay sa alanganin ang programa nito.

Makailang-beses inimbitahan ang presidentiable sa harapang diskusyon ng isang malaking organisasyon, subalit kasing-dami din ng ‘invitation’ ang katagang ‘regrets’ nito.

Sa bandang huli, nadiskubreng takot humarap sa debate ang presidentiable, kalakip ang pangambang maurirat at maungkat ang mga eskandalong kinasasangkutan lalo pa’t walang mahanap na kasagutan sa posibleng makakatunggali o uupong panel.

Ang nakakatawa lamang, ‘hindi nakabili’ ng mahusay na script writer at director ang presidentiable dahil makailang-beses ginamit ang kanyang lumang script upang makalusot sa harapang debate ng mga presidential wannabes.

Nang unang inimbitahan ang presidentiable, kaagad nag-regrets at inirasong dadalo sa isang mahalagang okasyon kaya’t hindi mapauunlakan ang invitation, katulad din ang ginawang palusot sa 2nd round ng national debate kung saan isinangkalan naman ang birthday ng kanyang nanay.

Katulad sa 1st at 2nd round ng national debate, muling inimbitahan sa 3rd round ang presidentiable at ikinagulat ng mga kurimaw ang palusot ng kumag, animo’y kinopya lamang sa ikalawang pag-regrets dahil ginamit ang birthday ng kanyang misis.

Nang suriin ang mga palusot ng presidentiable at ipagtanong kung kailan ang birthday ng kanyang misis, ikinagulat ng mga kurimaw na isang linggo ang pagitan dahil mauuna ang nakatakdang national debate o petsa ng imbitasyon ng organizer, malinaw ang nararamdamang takot ng kumag dahil posibleng ilampaso sa debate.

Hindi naman ikinagulat ng mga kurimaw ang walang katapusang pag-iwas sa debate ng presidentiable dahil lahat ng sinabitang eskandalo, ito’y idinaan sa takbo, as in puro bayarang spokesman ang nagsisilbing mouthpiece para idepensa ang sarili nito.

Clue: Madaling makilala ang presidentiable dahil minu-minutong napapanood ang commercial sa telebisyon. Kung senador o gabinete, ito’y ipagtanong kay Matet ng Senado. (mgakurimaw.blogspot.com)

Thursday, July 9, 2009

july 9 2009 abante tonite

Hamon kay Puno!
Rey Marfil


Mapa-vice presidentiable o political operator, isang Ronnie Puno ang kailangan ng boypren ni Korina Sanchez sa 2010 election. Kaya’t huwag ikagulat ang ‘Roxas-Puno tandem’, aba’y tatlong Presidente ang ‘naitanim’ ni Puno sa Malacañang -- sina President Fidel Ramos, Joseph Estrada at Gloria Macapagal-A­rroyo.

Hindi isyu ang pakikipag-tandem ni Mar Roxas kay Puno --ito’y tumakbo at nanalong senador noong 2004 election sa ilalim ng K-4 Coalition. Ibig sabihin, dugong-admi­nistrasyon si Boy Pad­yak at malaking katanungan hanggang ngayon kung bakit nasa abroad ang boypren ni Ate Koring nang ‘mag-Gloria Resign’ ang Liberal Party (LP) noong 2005- sa panahon ni ex-Senate President Franklin Drilon bilang party President kung saan tumugtog ang Hello Garci tape!


Sa karakter ni Boy Pad­yak, hindi nakakasiguro si Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson bilang running mate kahit sanggang-dikit sa majority bloc ang mga ito. Balikan ang political background ni Ro­xas, mas mahaba ang kanilang pinagsamahan ni Puno, mapa-media forum o cabinet meeting. Sa panahon ni Estrada, si Roxas ang DTI Secretary habang si Puno ang DILG Secre­tary.

Pagkaupo ng misis ni Jose Pidal noong Ja­nuary 20 2001, nagpatuloy ang saga ni Boy Padyak sa Department of Trade and Industry (DTI), animo’y reward sa pag-ober da bakod, katulad din ni Puno bilang DILG Secre­tary. Take note: Tatlong taon na nanilbihang DTI Secretary ni Mrs. Arroyo si Roxas, simula 2001 hanggang 2004!


Si Roxas ang isa sa u­nang ‘nang-iwan’ kay Estrada sa kasagsagan ng Impeachment Trial hanggang magka-Edsa Dos kahit ‘anak-anakan’ ang turing ni Erap sa boypren ni Ate Koring. Take note: Si Roxas ang pinaka-favorite senatorial candidate ni Estrada noong 2001 kundi napatalsik sa puwesto. Kundi nagkakamali ang Spy, nakasamaan pa ng loob ni Erap si Ate Koring at kailan lamang nagkabati ang mga ito.

Ibig sabihin: Walang masamang tinapay sa pagitan nina Roxas at Puno kaya’t hindi imposibleng mauwi sa “Roxas-Puno tandem” sa 2010 lalo pa’t iisa ang pinaglingkurang amo at kabisado ang likaw ng mga bituka nito. Isa pang “take note” -- parehong Atenista sina Ro­xas at Puno, kahit itanong n’yo kay DILG Assistant Secretary (Asec) Brian Raymund Yamsuan!
***
Napag-usapan ang DILG, bakit hindi paimbestigahan ni Asec Yamsuan ang pang-aabuso ng mga tauhan ng CIDG-WCPD (WACU) sa misis ni Senate reporter Jojo Sicat, aba’y pang-FAMAS ang ‘script’ sa kasong Human Trafficking. Paano kung walang Benny Antiporda ang National Press Club (NPC), kawawa sa kapulisan ang mga mediamen kahit nagni-negosyo ng legal, animo’y nagpa-flashback ang mga eksena sa ‘Failon tragedy’, ilang buwan ang nakakaraan.

Kundi nagawang basahan ng ‘Miranda rights’ ang misis ng isang reporter, ano pa kaya ang simpleng mamamayang nagtitinda sa sidewalk, maliban kung standing operating procedure (SOP) ni PNP chief Jesus Versoza ang mambraso at manakit ng mga negosyante? Kahit itanong n’yo pa kay birthday boy Che Rivera ng San Pablo City.


Hindi natin idi-detalye ang buong pangyayari suba­lit nakakalungkot isiping biktima ng ganitong harassment ang mga reporter. Mantakin n’yo, lehitimong nagnine­gosyo si Abigail Sicat, may-ari ng isang bar and grill sa Molino 2 Bacoor Cavite, ito’y ni-raid at kinasuhan ng human trafficking, slight physical injuries, at resisting arrest.

Kahit ibinasura ng piskalya ang kaso, hindi dapat palagpasin ni Versoza ang 13 tauhan ng CIDG-WCPD- sina Chief Insp. Emma P. Trinidad, Chief Insp. Lyndelgrace Lumawag, SPO3 Leopoldo B. Platilla, SP03 Leodegario C. Carillo, SP02 Dominador B. Osias Jr., P03 Robert Elolahan, P03 Angelino Tutuni, PO3 Veronica Villareal, PO2 Marie Anne Dela Cruz, SP03 Marenel Deo, SP03 Wemerra Jean D. Saldia, SP01 Rhona C. Loveres at SP02 Romeo Bello Vilan.

Ito’y malaking hamon sa liderato ni Puno at siguradong maba-bad trip si Asec Brian kapag nabalitaan ang pang-aabuso ng kapulisan, anumang oras nakabalik ng Pilipinas mula Amerika!(mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, July 8, 2009

july 8 2009 abante tonite

Staff nangangalumata sa atrasadong gabinete
(Rey Marfil)

Kung nagkataong tumakbong senador at nanalo nu’ng nakaraang 2004 national election, nadagdagan ang mga tinaguriang ‘the late senator’ sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso, sa katauhan ng isang paboritong gabinete ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.


Sa report na nakalap ng TONITE Spy, mapa-Lower House o Upper House, may counterpart ang mga tinaguriang ‘the late solon’, patunay ang pagiging atrasado sa lahat ng lakad ng paboritong gabinete ni Mrs. Gloria Arroyo.

Kung sinasabitan ng ribbon ang mga late, katulad ng mga ‘most punctual’ sa elementarya at hayskul dahil maagang pumapasok sa klase, nakakasiguro ng gold medal ang paboritong gabinete ni Mrs. Arroyo sa pagiging pasaway sa Cabinet meeting.

Ang malupit sa lahat, hindi ordinaryong pagka-late ang naitatala ng paboritong gabinete ni Mrs. Arroyo, hindi lamang sa Cabinet meeting kundi sa sariling komperensiya o monthly meeting ng mga department heads sa pinangangasiwaang opisina nito.

Hindi kalahating oras kundi halos isa hanggang dalawang oras nale-late sa sariling meeting ang paboritong gabinete ni Mrs. Arroyo at walang ibang pinaka-kawawa kundi ang mga department heads na ka-meeting dahil atrasado rin ang uwi ng mga ito.

Madalas umuuwi ng madaling-araw ang mga department heads kapag nagpapatawag ng monthly meeting o komperensiya ang paboritong gabinete ni Mrs. Arroyo dahil atrasado ang pagsisimula ng pulong kaya’t karamihan dito’y tinatanghali ng pasok kinaumagahan sa kanilang opisina.

Mismong katropa sa palasyo ng Malacañang ang nagbansag sa paboritong gabinete ni Mrs. Arroyo bilang ‘the late Cabinet’ dahil wala pang dinaluhang Cabinet meeting na maagang dumating, as in palaging huli ang pasok sa kuwarto.

Dahil laging late ang paboritong gabinete ni Mrs. Arroyo, hindi maiwasang pagdudahang sinasadya para mapansin ng kanilang amo.

Clue: Mala-solar system ang career ng gabinete na palipat-lipat ng pwesto at naudlot ang senatorial bid noong 2004 lalo pa’t na-check ng oposisyon ang plano kahit mala-dikya ang ‘defense’ nito. Ito’y meron letrang “E” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in may Energy ka pa ba? (mgakurimaw.blogspot.com)

Tuesday, July 7, 2009

july 7 2009 abante tonite

Walang katulad si Secretary!
Rey Marfil


Mapa-August Moon o Moon cake, walang dapat ikagulat ang publiko kung planong palawigin ng PMA Class 78 ang termino ni Mrs. Gloria Arroyo, aba’y nagkalat sa gabinete ang promotor ng militarisasyon sa departamento. Hindi natin babanggitin ang pa­ngalan subalit nagpupu­yos sa galit ang mga kawani at ilang opisyal dahil mahigit 100 sundalo ang nagka-kampo sa tanggapan ng isang paboritong gabinete ni Mrs. Arroyo.

Mantakin n’yo, sa loob ng panu­nungkulan bilang Secretary, walang ibang inatupag kundi magdagdag ng sundalo, ma­liban kung pinapalakas ang security agency business at frustration ang pagkakaroon ng private army?

Napaka-technical ng trabaho sa departamento suba­lit puro “X-men”, as in ex-sergeant, ex-captain, ex-co­lonel at ex-general ang nakapwesto sa mga sensitibong posisyon kaya’t bad trip ang lahat ng mga bete­rano sa departamento, aba’y nagmukhang tutorial school para ipaintindi sa mga ni-recruit ni Secretary kung ano ang kanilang trabaho.

Take note: ganito rin ang reklamo ng mga opisyales at tauhan ng isa pang departamentong pinangasiwaan ni Secretary bago nailipat ito.

Ang masakit, sadyang malakas kay Mrs. Arroyo si Secretary at kahit inabot ng kamalasan sa isa pang departamento at naging kontrobersyal ang rubout case sa grupo ng mga pinaghihinalaang kidnappers sa isang business district, ito’y na-appoint.

Ni sa panaginip, ayokong isi­ping pang-bundok ang kategorya ni Secretary at hindi puwedeng magtrabaho bilang sibilyan dahil nagkakaroon ng krisis. Huwag lang malilipat bilang Executive Secretary, baka hindi uma­bot ng Hunyo 30 si Mrs. A­rroyo, aba’y nagka-krisis sa bawat lilipatang department ni Secretary!
***
Kung gaano kaseryoso para bakbakan ang kanilang amo, sumulat ang mga nag-aalburutong empleyado kay Senadora Miriam Santiago at pinaiimbestigahan ang dalawang kumpanyang ipinasa-pribado. Kundi nagkakamali ang Spy, pinapa-submit kay Secretary ang plantilla o listahan ng mga ipinasok dahil nauwi sa Department of Retired Soldiers (DRS) ang opisina nito.

Sa sumbong kay Santiago, malinaw ang katagang: “The department is the new branch of the Philip­pine Army (PA). We have more generals and soldiers going after the oil business than fighting the rebels.”

Maging itinalagang chief of staff (COS) ni Secretary, sa katauhan ng isa pang ex-general -- ito’y kinukuwestyong walang ‘accoun­tability’ kapag napa-trouble dahil nagtatrabaho kahit walang ‘go signal’ ang palasyo o wala pang papeles ito.

Ganito rin ang hiwagang bumabalot sa pagkakata­laga ng isa pang Undersecretary sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP), aba’y sob­ra-sobrang pagbabayad ng utang na loob ang ginagawa ni Mrs. Arroyo kay Secre­tary, kulang na lang, pati yaya at security sa kanilang bahay, ito’y ipa-appoint!

In fairness kay Secretary, ito’y sobrang napa­kabait sa mga kapwa sundalo dahil libre kain at palaging inaangkas sa biyahe. Iyon lang, puro kaibigan ang namamayagpag sa multi-mil­yong project, as in idinadaan lamang sa palakpak ang pagsasara ng kontrata kahit wala sa tono kung kumanta.

Hindi lang iyan, maging security guards sa lahat ng mga departamentong naupuan ni Secretary, ito’y hawak ng opisyal kaya’t doble-kita. Maging apat (4) pang opisina ni Secretary, animo’y barracks sa dami ng sun­dalong nakabantay. Tala­gang ‘one of a kind’ si Secretary, aba’y nasahod ang lahat nang magsaboy ng su­werte si Mrs. Arroyo!

Ang malupit sa lahat, walang pakialam si Secretary sa panawagang pagti­tipid ni Mrs. Arroyo dahil ‘nagmumumog’ ng gasolina ang service car at sangkaterbang back-up vehicles -- ito’y naka-Expedition at tatlong (3) vans, hindi pa kabilang ang tatlong (3) hagad na walang plate number, pagkatapos palagi pang huli sa mga meeting at kadalasa’y lagpas ng 12:00 ng hatinggabi kung matapos ang meeting.

Sabagay, puro abroad at pagwawaldas din naman ang kanyang amo. ‘Ika nga ‘kung ano ang ginagawa ni Gloria, ito’y nagiging tama sa mata ng kanyang mga bata’. (mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, July 6, 2009

july 6 2009 abante tonite

Presidentiable pang-grade school!
(Rey Marfil)

Hindi pa man tumatakbo bilang Presidente, kaagad nakitaan ng kahinaan ang isang presidentiable kapag nakarating sa Malacañang, patunay ang lantarang pagpapadikta at pagpapauto sa mga tauhang nakapalibot dito.

Sa impormasyong nakalap ng TONITE Spy, maraming bad trip sa diskarte ng presidentiable dahil walang matinong desisyon at palaging ikinukunsulta sa mga taong nakapalibot ang bawat gagawin nito.

Kundi nga lamang narating ang posisyong pinanghahawakan ngayon sa gobyerno, mapagkakamalang ‘special child’ ang presidentiable dahil kailangan pang i-tutor ng mga taong nakapalibot, as in hindi makakapagdesisyon ng sarili ito, animo’y takot mapalo ng kanyang titser o kaya’y masinghalan ng katabi.

Hindi naman kinagulat ng mga naglipanang kurimaw sa campaign headquarters ng presidentiable ang ganitong pag-uugali at diskarte ng kanilang amo lalo pa’t lumaking pinupunasan ang kanyang puwet ng kanyang ate at mommy kapag naiihi sa salawal, as in kinalakihang nagpapadikta sa mga kapatid.

Kilalang ‘mama’s boy’ ang presidentiable at walang sariling palo, as in kailangang ikunsulta sa kanyang ate at ina ang bawat desisyon kaya’t hindi bago sa pandinig ng mga kurimaw ang pang-grade school nitong diskarte.

Sa haba-haba ng panahong ginugol sa pulitika, hindi pa rin nagbabago ng diskarte ang presidentiable, pinakahuli ngayong naghahanda para sumabak sa presidential derby sa 2010 kung saan nagpapadikta pa rin ang kumag kahit nagpakadalubhasa sa kanyang propesyon.

Kahit makailang-beses nang nagpakita ng tapang ang presidentiable sa ilang malalaking isyu, ‘naba-bakla’ naman ito sa mga desisyon kapag nasusulsulan ng mga nagsisilbing adviser o tagapayo sa pulitika kung kaya’t hindi makaangat nang deretso sa mga survey ang mokong.

Clue: Madaling makilala ang presidentiable lalo pa’t nauuso ang commercial sa telebisyon. Kung senador o gabinete, ito’y meron letrang “A” sa kabuuan ng pangalan at apelyido. (mgakurimaw.blogspot.com)

Friday, July 3, 2009

july 3 2009 abante

Ex-official tumatakas para sa kabit



Kung pagiging ‘doble-kara’ ang pag-uusapan, walang tatalo sa isang da­ting opisyal na tumestigo sa malaking eskandalong inimbestigahan ng Upper House, patunay ang pagi­ging santo-santito kapag nakaharap sa publiko ga­yong merong nakausbong na sungay.


Hindi maiwasang masuka ni Mang Teban tuwing napag-uusapan ang isa sa tumayong witness sa malaking eskandalong naimbestigahan ng Upper House kasunod ang pagkakadiskubreng nabubuhay sa dalawang personalidad, as in two-face. Maliban sa pagiging mapagkunwari, mas nakakakadismaya ang ginagawang pagtakas sa mga security para lamang makaulayaw ang kanyang kabit.


Madalas naba-bad trip ang mga nagsisilbing security ng dating opisyal dahil tinatakasan sa dis-oras ng gabi para lamang mapagbigyan ang hilig gayong nagpapakasanto kung nakaharap sa media.


Ang nakakasuka, tumakas lamang ang dating opisyal para mairaos ang nararamdamang init sa katawan at mapagbigyan ang karelasyon habang nagpapakamartir ang lehitimong pamilya, katulad din sa gi­nagawang patay-malisya ng misis nito.


Pintahan n’yo na: Uma­astang anghel sa publiko ang dating opisyal.

Thursday, July 2, 2009

july 2 2009 abante tonite

Palakasan at resbakan?
Rey Marfil


Hindi natin babanggitin ang pangalan subalit usap-usapan ang ‘palakasan system’ sa Office of the Sergeant at Arms (SOAA), katulad sa overtime at deployment ng mga tauhan. Mantakin n’yo, isang araw lamang ang tra­vel order subalit inabot ng 4-days, maliban kung pang-iintriga lamang kay retired gene­ral Jose Balajadia Jr., ang bali­tang kuma­kalat sa basement at parking lot? Sa simpleng explanation, nagtatrabaho ng off duty ang mga taga-OSAA.

Ang malungkot, hindi naman napakaimportanteng aktibidades ang pinuntahan ng sena­dor dahil isang patimpalak lamang, as in beauty contest su­balit apat ang security ang ibi­nigay ni Balajadia.

Kundi nagkakamali ang Spy, may petsang June 26 (Friday) ang travel order ng mga tauhan ni Balajadia at isang araw lamang ang usapan su­balit hanggang kahapon (July 1), hindi pa rin nagre-report ang mga ipinadalang security personnel at meron pang balitang aabutin ng July 2 sa probinsya.

Hindi kuwestyon ang karapatang humingi ng security ng senador subalit ma­laking katanungan kung patas ang tratong ipinagkakaloob sa bawat nag-overtime at paano kung madisgrasya ang mga naka-off duty na tauhan, ito ba’y sasagutin ng Upper House, maliban kung meron ‘palakasan system’ kay Balajadia kaya’t nangyayari ang ganitong kalakaran? Ayaw pa naman ni Senate President Juan Ponce Enrile ng ganitong sistema!

***

Kung meron ‘palakasan system’ sa Upper House, mas malupit ang nangyayaring ‘resbakan blues’ sa ethics committee, pinakahuli ang complaint ni Atty. Elly Pama­tong laban kina Mar Roxas, Chiz Escudero at Loren Legarda. Ang reklamo ni Spikes King: promotor ng premature campaign at labag sa code of conduct, as in unethical ang maagang pangangampaya ng tatlong presidentiable. At hindi man lamang nabanggit ni Spikes King ang senador na nagwaldas ng P321 mil­yong advertisement sa isang TV network!

Ang isa pang ipinagtataka ng mga naglipanang kurimaw sa Upper House, bakit wala rin sa listahan ni Spikes King si Manny Villar Jr., gayong numero unong highest spender sa premature campaign, gamit ang advertisement sa radyo,

elebisyon at peryodiko. Mantakin n’yo, halos lumuwa ang ‘buwa’ ng mga televiewers sa mala-kabuteng commercial ni Villar sa primetime slot, hindi man lang napansin ni Spikes King ang mukha ng mister ni Ma’am Cynthia, maliban kung nalihis din ng landas at naligaw si Spikes King patungong Upper House, katulad sa iniimbestigahang C-5 road scam?

Sinuman ang nasa likod ng inihaing ethics complaint ni Spikes Kings, walang ibang pagdududahan sina Chiz, Mar at Loren Sinta kundi kampo ni Villar lalo pa’t inabsuwelto ni Spikes Kings, maliban kung meron ‘premature verdict’ ang nuisance presidential candidate na naglalaro sa kanyang kaisipan na maaaring sapitin ng mister ni Ma’am Cynthia kaya’t ayaw nang dagdagan pa ang pasanin sa balikat ni Villar.

Kung hindi mabigat ang mga dokumento ni Jamby Madrigal para patunayan ang 18 pagkakasala ni Villar, bakit kailangan pang kunin ang serbisyo nina Tatay Nene Pimentel, Joker Arroyo at katukayo ni Joselito Cayetano bilang spokesman?

Ni sa panaginip, ayokong isiping may katarata si Spikes King, aba’y nabulag sa commercial ni Pia Cayetano ga­yong hindi naman kaputian ang labada sa Ariel detergent powder, maliban kung nahihiya sa katukayo ni Joselito Cayetano dahil ka-tropa ni Villar ito o kaya’y naduling sa Safeguard soap kaya’t hindi maayos ang pagkakabilang sa ‘Limang tanda’ ni Wow Dick Gordon. Maging sa ‘Pag-Ibig commercial’ ni Vice President Noli De Castro, hindi kaya namanhid sa impeach proceedings si Spikes King lalo pa’t ka-tropa sa Wednesday Group ni Manny? (mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, July 1, 2009

july 1 2009 abante tonite

Misis ng presidentiable, nagbuyangyang ng kilikili
(Rey Marfil)

Gaano man kamahal ang isang bagay sa mundo, ito’y kayang tapatan ng pera subalit hindi nabibili ang pagkakaroon ng tamang ugali at etiketa, katulad sa ipinakita ng esposa ng isang presidentiable sa harap ng mga kaibigan at bisita.


Bagama’t maagang itinuturo sa grade school ang GMRC, as in good manners and right conduct, kabilang ang tamang pakikiharap, nasaksihan ng Tonite Spy ang nakakalokang trip ng misis ng presidentiable matapos magpunas ng kilikili at magkalkal ng daliri sa paa sa harap ng mga ka-meeting.

Nasa kainitan ng pakikipag-usap sa mga nililigawang supporters ng asawa, biglaang nagtanggal ng blazer ang misis ng presidentiable, sabay taas ng dalawang kamay at inunat ang katawan sa kinauupuan, animo’y pinapatuyo ang kilikiling namamawis.

Nagawang kapuhapin ng misis ng presidentiable ang magkabilang kilikili, as in walang kiyemeng pinunasan ng kanyang kamay at patay-malisya lamang nakikipag-usap sa mga kaharap.

Lalong nagulantang ang mga kausap nang magtaas ng paa ang misis ng presidentiable at ipinatong sa katabing silya bago kinutingting ang mga darili sa paa habang nakikipag-kuwentuhan kung kaya’t napangiwi ang mga kausap at palihim na napabigkas ng ‘Ewww’ at Yuck’.

Unang inakala ng mga ka-meeting na nagpapa-impress lamang ang misis ng presidentiable para makuha ang kanilang simpatiya subalit nadiskubreng likas sa nabanggit ang kawalan ng etiketa, as in bagsak sa GMRC.

Clue: Sa kahit anong isyu, ‘pera-pera’ ang polisiya ng presidentiable. Kung senador o cabinet secretary, ito’y ipagtanong lamang kay ‘Matet’.

(mga.kurimaw.blogspot.com)