Friday, May 29, 2009

may 29 2009 abante

Lady solon, nagpangat ng press release

Sa kagustuhang maka­pag­pa-beauty sa publiko ngayong mainit ang sex video nina Dr. Hayden Kho at Katrina Halili, nauwi sa ‘pangat’ ang press release ng isang miyembro ng Kongreso, animo’y obsessed ang lady solon na mabasa ang kanyang pangalan sa sex scandal issue.


Sa halip kaawaan, pi­nagtatawanan ni Mang Teban ang ‘pagmamaganda’ ng lady solon via press release, in aid for reelection bid, gamit ang sex video scandal kung saan paulit-ulit isinungalngal sa mga repor­ter ang statement nito.


Unang ibinaba sa media center ng media relation officer ng lady solon ang press statement suba­lit walang reporter ang pumansin, as in, dinedma ang pagpapa-beauty ng mambabatas.


Kinabukasan, inulit ng mga tauhan ng lady solon ang press statement at tanging petsa lamang ang binago su­balit wala pa ring pumatol sa hanay ng mga reporter.


Ma­kalipas ang 2-araw at pa­tu­loy ang pagka-bokya sa ginagawang pagmamagaling sa sex video scandal, mistulang nagkaroon ng ‘take 3’ sa press statement ng lady solon dahil muling inu­lit ang kalatas ng mam­babatas.


Nauwi sa ‘pangat’, as in pangatlong init ang press statement ng lady solon kung kaya’t matin­ding kantiyaw ang inabot ng MRO sa hanay ng mga reporter dahil walang kadala-dala ang kanyang amo.


Pintahan n’yo na: Puro porma lamang ang lady solon dahil kapag isinabak sa debate, ito’y tatalunin ng mga tambay at walang inatupag kundi ribbon cutting at photo ops. Kung senadora o congresswoman, abangan sa 2010.(www.mgakurimaw.blogspot.com)

Thursday, May 28, 2009

may 28 2009 abante tonite

Ang nababasa at nasusulat
Rey Marfil


Ngayong malinaw ang pagpipilian ng Kampi at Lakas, mas makakabuting tigilan na ng ‘bayaning isinusuka ng mga vendor’ ang ambisyong maupo sa Malacañang, ito’y hindi malayong matulad kay Prospero Pichay Jr., na nauwi sa pangarap ang ‘maitanim sa Senado’ dahil nalanta ang boto.

Bakit hindi makuntento si MMDA chairman Bayani Fernando na nakapasok ng palasyo at huwag nang puntiryahin pang maging occupant ng presidential residence. Mantakin n’yo, hindi pa nagsisimula ang selection process at May 28 pa iaanunsiyo ang merger ang Bagong Kampi at Lakas, as in BAKLA for short, awtomatikong burado sa listahan ng Palasyo.

Ang masakit, hindi man lamang ikinunsiderang presidentiable sa simula ng bakbakan, maliban kung taga-tiket lamang sa kanto ng EDSA ang turing ni Migz Zubiri kay Chairman?

Anyway, kung pagiging ‘junior’ ang batayan ng Lakas at Kampi sa pagpili ng standard bearer ngayong 2010, hindi pa huli ang lahat kay Fernando -- ito’y puwede pang humabol kina Vice President Manuel ‘Noli’ De Castro Jr., at Defense Sec. Gilberto ‘Gibo’ Teodoro Jr., aba’y puwedeng papalitan ang pangalan sa Marikina City Hall lalo pa’t misis ang nakaupong mayor -- si Maria Lourdes Fernando at napakadaling ipabago sa civil registry ito.

Ang magandang balita lamang kay BF, wala pang nanalong ‘junior’ sa presidential derby kaya’t puwedeng magkahimala kay Fernando.

Balikan ang nasusulat sa history book ni Gregorio Zaide, simula kay 1st Philippine Pre­sident Emilio Aguinaldo hanggang kay Mrs. Arroyo, wala pang nanalong junior sa presidential race, hindi ba’t talunan sina ex-House Speaker Ramon Mitra Jr., (1992), ex-Ambassador Eduardo Cojuangco Jr., (1992), ex-House Speaker Jose De Venecia Jr., (1998), at Fernando Poe Jr. (2004).

Kaya’t mag-isip sina Senador Manuel Villar Jr., maging sina Noli at Gibo sa 2010!
***
Kung anong malas ng mga junior, siyang suwerte ng mga ‘senior’, katulad ni President Manuel Ro­xas, President Sergio Osmeña, President Manuel Quezon, President Ferdinand Marcos, at President Joseph “Erap” Estrada, sa presidential derby.

Malay natin, maulit ngayong 2010 lalo pa’t dalawang presidentiables ang may nakakabit na ‘senior’ sa given name -- sina Erap at Senator Ping Lacson.

Kaya’t mag-ingat sa desisyon sina Senador Manuel Roxas II (junior din ito), at Senate pro-tempore Jose ‘Jinggoy’ Estrada Jr., ma­ging si Ilocos Cong. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., aba’y posibleng sapitin ang pagkatalo sa presidential race, katulad nina Mitra, De Venecia at Poe.

Balikan ang 1995 senatorial election, nasampolan ang batang Marcos, hindi ba’t na­talong senador gayong nama­yagpag sa unang sultada ng bilangan ito? Kahit itanong n’yo pa sa kanyang tiyuhing si ex-President Fidel Ramos?

Hindi lang iyan, hindi rin naupong Presidente si ex-senator Sergio Osmeña Jr., ito’y ama ni ex-senator Sergio Osmeña III na nagsilbing campaign ma­nager ng Genuine Opposition (GO) noong 2007 mid-term election. Katulad ni BF, may konting liwanag sa presidential bid ni Dick Gordon, ma­ging si Mr. Noted, as in Francis Pangilinan.

Kaya’t tamang payo ang ibinigay ni ex-senador Ramon ‘Agimat’ Revilla Sr., sa kanyang anak, bakit nga naman magmamadali si Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., bilang presidentiable, ito’y napakabata para sumalang sa presidential election, aba’y mahirap nga naman mapasubo at masingil sa mga kasalanan ni Mrs. Arroyo ga­yong puwede naman hintayin ang 2016 election?

Tandaan: Screen name lamang ni Se­nator Bong ang pagiging ‘junior’, as in Jose Marie ‘Jomar’ Bautista ang real name at nakatala sa birth certificate nito!(www.mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, May 27, 2009

may 27 2009 abante tonite

Senador naligaw sa session hall
(Rey Marfil)

Bagama’t walang amnesia, nagiging makakalimutin ang isang miyembro ng Upper House matapos maligaw sa session hall, katulad din sa naunang pagkalagpas ng opisina dahil iniwasan ang mga mediamen na nag-aabang ng ambush interview.


Nang umpisahan ang ethics probe, agaw-eksena ang pagdalo ng bigotilyong senador dahil bihirang mangyari ito.

Mala-Nora Aunor ang pagdalo ng bigotilyong senador sa ethics probe ng Committee of the Whole, as in isang “Himala” ang paglutang sa Upper House, maging ang maagang pagpasok sa session dahil mabibilang sa darili ang pag-attend sa mga public hearing.

Ikinatuwa ng mga kurimaw, sa pangunguna ng Senate reporters ang pagiging ‘most punctual’ ng bigotilyong senador sa ethics probe subalit nauwi sa katatawanan ang eksena matapos maligaw ng upuan ito.

Mula VIP Lounge, pumasok ang bigotilyong senador at dire-diretsong pumuwesto sa kaliwang bahagi ng session hall, sabay upo sa kinalalagyan ng mga kalabang paksyon na ikinagulat ng mga ka-tropa nito.

Nasa kasagsagan ng pagtatanong ang ilang senador sa general counsel ng ethics committee at lingid sa kaalaman ng bigotilyong senador na maling hanay ang kinalalagyan nito, partikular ang kaliwang bahagi ng session hall, kaharap ang mga kakampi nito.

Kundi pa ‘nasenyasan’ ang bigotilyong senador ng isa sa ka-tropang solon na nakaupo sa harapan nito, hindi napansin ng mokong na ibang tropa ang nasalihan nito, sabay tawa nang mapansing hindi kakulay ang mga ito.

Hindi naman nagpakita ng pagkataranta ang bigotilyong senador dahil patay-malisyang tumayo para lumipat sa kanang bahagi ng session hall kung saan nakapuwesto ang mga kauri sa majority bloc.

Clue: Hindi kuwestyon ang kabaitan ng bigotilyong senador kaya’t maraming naa-asembolang bebot, kabilang ang anak ng isang kinakatakutang police officer sa panahon ni Marcos at isang dating modelo, as in literal na tsikboy. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Tuesday, May 26, 2009

may 26 2009 abante tonite

Ang 'twins' ni Manong Johnny!
Rey Marfil


Sa pinakahuling Statement of Assets and Liabilities (SAL), nadagdagan ng P44 milyon ang yaman ni Mrs. Gloria Arroyo, ito’y walang binatbat kay Senador Manuel Villar Jr., aba’y P691 milyon sa loob ng anim (6) na taon. Ibig sabihin, P115.16 milyon kada taon ang ‘iniyaman’ ni Villar, simula 2001 hanggang 2007.

Ang huling account ni Villar, ito’y umabot sa P1.047 bilyon, napakalayo sa P355.85 milyong assets bilang House Speaker, as in pumangalawa lamang kay ex-Manila Cong. Mark Jimenez noong 2001.


At simula 2002, wala nang nakatalo sa yaman ni Villar, ito’y nagtala ng P482 milyong assets at lumobo noong 2003 dahil umakyat sa P531.2 milyon. At noong 2005, pumalo sa P760 milyon at mas nadagdagan ang yaman ni Villar noong 2006 dahil umabot sa P916 milyon, pinakamalupit noong Disyembre 2008, ito’y umabot sa P1,047 bilyon. At katulad sa mga nagdaang taon, wala ring naitalang liabilities o utang ang senador.

Kaya’t kalokohan kundi kasama sa idineklarang assets ni Villar ang kinita sa mga pag-aaring subdibisyon na dinaanan ng C-5 road project na ngayo’y iniimbestigahan ng Committee of the Whole!
***
Hindi kailangang graduate ng economics upang maintindihan ang problema sa electricity rates, bakit hindi gawing prayoridad ni Mrs. Arroyo ang ‘twin bills’ ni Senate President Juan Ponce Enrile -- ang Senate Bill 3147 at Senate Bill 3148.

Napakalaki ang pagkakaiba ng taxes at royalties sa pagitan ng indigenous sources energy at imported fuel. Kapag ikinumpara ang indigenous petroleum at iba pang “extractive industries”, katulad ng pagmimina, aba’y 60% ang royalties tax sa indigenous sources energy gayong 3% lamang sa pagmimina.

Hanggang ngayon, consistent sa No. 2 spot ang Pilipinas sa napakataas ang presyo ng elektrisidad sa Asya. Ang ‘twin bills’ ni Manong Johnny ang sagot sa pagdurusa ng mga Pilipino dahil ibababa ang exploration, development at production ng mga indigenous energy resources.

Ikumpara sa Malaysia, Thailand, Vietnam at Indonesia, tanging Pilipinas ang nagpapatupad ng higher royalties sa “domestic use” ng indigenous resources. Kaya’t ang tanong ng mga kurimaw, bakit hindi pakinabangan ang sariling enerhiyang nagmumula sa natural na yaman ng bansa, sa pamamagitan ng mas mababang power rates?

At bakit hindi bawasan ang royalties sa natural gas, aba’y umaabot sa P1.46 per kilowatt hour ang matatapyas sa konsumo ng kuryente. Hindi lang iyan, magiging ‘uniform’ sa 3% ang franchise tax sa distribution utilities sa ilalim ng SB 3147 -- ito’y magbibigay benipisyo sa mga consumers at matatanggal ang passed-on electricity charges na awtomatikong binabayaran kahit iba ang gumagamit.
***
Napag-usapan ang ‘twin bills’ ni Manong Johnny, animo’y nakadale ng ‘twins’ si Hayden, sa katauhan ng dalawang (2) young actress. Nakakaawa ang mga nabiktima ni Dr. Hayden Kho at nakakagulat ang mga kababaihang naka-sex nito. Hindi natin babanggitin ang pangalan subalit ilan lamang sa matunog ang dalawang (2) alaga ng Channel 2, isa rito’y nagbida sa maraming soap opera o teleserye habang ‘promising star’ ang ikalawang young actress.

Sa impormasyong natanggap ng Spy, nasampal ng inang aktres ang ikalawang young actress at namaga ang pisngi nang madiskubreng nakarelasyon si Hayden.

Napakalinis ng imahe ng dalawang (2) young actress -- ang una’y pa-tweetums ang arrive sa commercial at hindi nasangkot sa kung kani-kaninong lalaki. Ang ikalawang young actress, ito’y modelo ng mga kabataan at kapag lumabas ang sex video, asahang masisira ang reputasyon ng mga magulang.

At kahit sa panaginip, hindi maiisip ng mga kurimaw na papatol ang dalawang (2) young actress kay Hayden. Anyway, kalat na rin ngayon ang sex video ng isa pang sexy actress mula GMA 7 na naunang naeskandalong nakarelasyon ni Hayden. Take note: tumagal ng 20-minuto ang sex video, ito’y ilang cut lamang sa 40 videos ni Hayden. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, May 25, 2009

may 25 2009 abante tonite

Baklitang solon niregaluhan ng mansion
(Rey Marfil)

Lalo pang lumutang ang katakawan sa pera ng isang baklitang miyembro ng Kongreso taliwas sa ipinapakitang makatao at may takot sa Diyos, kasunod ang pagkakadiskubreng niregaluhan ng multi-milyon pisong mansion, kapalit ang pag-astang tuta ng isang mayamang pulitiko.

Katulad sa paglalarawan ng isang magiting at mahusay na alkalde ng Maynila laban sa isang konsehal na ‘So young, So corrupt’, ganito rin ang pagkatao ng isang baklitang solon na nagmamadaling makaipon, gamit ang posisyon at katungkulan bilang mambabatas.

Sa report na nakalap ng TONITE Spy, ba­yad ang bawat katagang lumalabas sa bunganga ng baklitang solon dahil binigyan ng multi-mil­yon pisong mansion sa bahagi ng CALABARZON ng isang mayamang pulitiko, as in hindi nagbabayad ng monthly amortization ang mokong.

Nasangkot sa eskandalo ang mayamang pulitiko kaya’t nangangailangan ng mahuhusay na kakampi kung kaya’t sinamantala ng baklitang solon ang pagkakataon upang pagkakitaan ito, sa pamamagitan ng pag-astang abogado.

Bilang kabayaran sa pag-astang ‘defense minister’ sa bawat isyung ipinupukol sa mayamang pulitiko, nadiskubreng nagmamay-ari ngayon ng isang malaking mansion sa bahagi ng Calabarzon ang kumag, as in multi-milyon pisong halaga ng iniregalo rito.

Sa kuwenta ng mga nagtitinda ng balot at penoy, hindi bababa sa P15 milyon ang halaga ng bahay sa subdibisyon na kinalalagyan ng iniregalong mansion sa baklitang solon ng mayamang pulitiko, alinsunod sa old price nito.

Ngayong tumaas ang bentahan ng lupa sa Calabarzon at nag-boom ang ganitong negosyo, napag-alamang pumapalo sa P20 milyon hanggang P80 milyon ang regular price sa subdibisyong kinalalagyan ng iniregalong mansion sa baklitang solon, depende sa sukat ng lupa at construction materials na ginamit dito.

Hindi naman ikinagulat ng mga kurimaw ang ginawang aksyon ng baklitang solon dahil paulit-ulit ang ganitong eksena sa buhay ang mokong, katulad ang pagkagat sa mga naging amo kapag wala nang mahuthot at hindi mabahugan ng ‘pedigree’ o tira-tira na lamang ang ipinapakain dito.

Clue: Walang kinikilalang kaibigan ang baklitang solon at nakikipagkaibigan, depende sa kung ano ang kikitain at mapapakinabangan nito. Ito’y merong letrang “A” sa kabuuan ng pangalan at apelyido. Kung kongresista o senador, abangan kung mananalo ang kanyang utol sa 2010. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Friday, May 22, 2009

may 22 2009 abante

Senador tulo-laway sa sex video

Bagama’t pinagduduhang ‘dual citizenship’, as in half Filipino at half-Filipina, lumutang ang pagiging manyakis ng isang miyembro ng Upper House matapos ‘magtulo-laway’ sa kumalat na sex video nina Dr. Hayden Kho at Katrina Halili.


Ang hindi lamang malaman ni Mang Teban kung kanino ‘nagtulo-laway’ ang senador - kung sa maseselang parte ng katawan ni Katrina o sa pag-aari ni Hayden lalo pa’t inaakusahang ‘tsikboy’ o puwede sa tsiks at sa boy ito.


Sa mismong kasagsagan ng privilege speech ni senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., kung saan kinondena ang pangba-baboy ni Hayden kay Katrina, kaagad nagpahanap ng kopya ang kasama­hang senador.


Makaraan ang talum­pati, nagawa pang ipagtanong ng senador sa mga staff kung saang website mapapapanood ang sex video nina Katrina at Hayden at kung paano makakakuha ng kopya ito.


Ang matinding revelation sa lahat, animo’y nagwawater-water ang senador sa 40-minutes sex video dahil kaagad umakyat ng kuwarto nang makakuha ng kopya para mapanood ito.


Pintahan n’yo na: Hindi kuwestyon ang husay ng senador sa pag­likha ng batas subalit trying hard ang pagpapaka-masa kaya’t nababaterya.(www.mgakurimaw.blogspot.com)

Thursday, May 21, 2009

may 21 2009 abante tonite

Ang tamang daan!
Rey Marfil


Kapag pinag-usapan ang C-5 road scandal, ‘di uubra ang campaign slogan ni Uncle Barrack Obama. Kung isasalin sa wikang Pilipino ang ‘Change’ isinisigaw ni Obama sa panahon ng kampanya, hindi ‘barya’ ang right of way na iniimbestigahan ng Committee of the Whole, as in multi-bilyong piso ang kalsadang dumaan sa pag-aaring subdibisyon ni Lolo Manny. Ibig sabihin, kahit anong kahol ang gawin ng katukayo ni Joselito Cayetano, hindi makukuha sa press conference ang paghahanap sa ‘tamang daan’ at gamitin ang presidential bid scenario upang matakasan ang ethics probe.


Ngayong umaga, magkakaalaman kung dadako sa proper inquiry o ibabasura ang ethics complaint ni Jamby Madrigal. Kapag natuloy ang ethics probe, hindi malayong magkatotoo ang prediksyon ni Dick Gordon -- panlimang senador si Villar sa masasampolan ng ethics committee, alinsunod sa kasaysayan ng Philippine Senate, kinabibilangan nina dating senador Ramon Diokno, Jose Vera at Jose Romero noong 1946 sa kasong ‘fraud and terrorism’. Hindi lang iyan, magkatulad ang sitwasyon ni Villar sa kaso ni dating Senate President Jose Avelino, ito’y napatalsik sa trono noong 1949 at nasuspendi ng isang taon.

Maging si dating Pangulong Sergio Osmeña Jr., ito’y nasuspendi bilang Congressman noong 1960 sa loob ng 15 buwan. Ang kaibahan lang, conflict of interest ang sinabitan ni Villar sa C-5 road, hindi katulad ni Osmeña nadale sa “serious disorderly behavior” dahil pinagmumura si dating Pangulong Carlos Garcia nang-i-veto ang anti-graft bill. Kaya’t ang tanong ng mga kurimaw: Paano kung mauwi sa expulsion at natalong presidente si Villar sa 2010, saan babalik ang mister ni Ma’am Cynthia, alangang magtayo ng sariling Senate building sa C-5 road o kaya’y mag-office sa Camella Homes?
***
Napag-usapan ang ethics probe, sadyang walang interes si Villar na harapin ang Committee of the Whole. Sa mismong get-together o weekly meeting ng “Thursday Club” sa Solid Mills Building, Makati City, aba’y malinaw ang deklarasyon ni San Juan Cong. Ronnie Zamora habang kausap si ex-DENR Sec. Jun Factoran, isang malutong na katagang “Hindi”. Ibig sabihin, lalabanan ang Committee of the Whole via airwaves, as in idadadaan sa ‘media battle’ ang C-5 scandal. Ang resulta: Nagpatawag nga ng press conference si Villar kinahapunan, ilang oras makaraang isalang sa preliminary inquiry ang ethics complaint ni Madrigal. Iyon nga lang, hindi pa rin sinagot ni Villar ang pitong reklamo ni Atty. Ernesto Francisco nang magpa-presscon sa Senate Lounge kundi naglabas ng sariling Google map.

Ni sa panaginip, ayokong isiping sumasablay ang ‘legal mind’ ng katukayo ni Joselito, aba’y naturingang abogado, hindi magawang payuhan ang kanyang amo na humarap sa ethics probe. Kung walang kinakatakutan si Villar, katulad ng press releases ni Alan Peter sa bawat interbyu, bakit natatakot sumunod sa proseso. Take note: Humarap si Cayetano sa ethics probe ng Kongreso kahit kinukuyog ng mga kampon ni Mrs. Arroyo dahil dispalinghado ang mga hawak na dokumento sa dollar accounts ng kanyang Tito Mike Arroyo, maliban kung hindi alam ni Villar ang ‘palabas’ sa C-5 road at takot ‘ma-dead end’ kapag ‘binaybay’ ng mga kasamahang senador ang katanungan kung bakit puro subdibisyon ang nakinabang sa proyekto?

Ang nakakatawa lang, mas naunang nag-ocular inspection si Villar sa C-5 road kaya’t malaking tanong kung sa ‘tamang daan’ ipinasyal ang Senate reporters kahapon, maliban kung kinakabahan sa ‘excursion’ ng Committee of the Whole kaya’t pini-preempt ang imbestigasyon? Kapag sinuri ang ocular inspection, isang araw bago pagbotohan ang preliminary inquiry report, animo’y ‘nag-ober da bakod’ sa police line ang grupo ni Villar at nililinis ang ebidensya sa crime scene, katulad ng mga eksena sa Crime Scene Investigation (CSI). Kaya’t abangan kung sinong matatapang na senador ang sasali sa botohan ngayon! (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, May 20, 2009

may 20 2009 abante tonite

Mistress ng pulitiko, tulo-laway maging mayor
(Rey Marfil)

Kung nakakasugat lamang ang mga katagang lumalabas sa bibig ng isang dating lady solon, malamang naka-confine pa hanggang ngayon sa hospital ang mistress ng maimpluwensyang pulitiko dahil gusto pang palitan bilang lehitimong asawa, katulad ng hangaring makapasok sa pulitika.

Sa report na nakalap ng TONITE Spy, sukdulan hanggang Zambales ang pagka-bad trip ng ex-lady solon sa mistress ng maimpluwensyang pulitiko matapos paboran bilang official candidate sa mayorality race ngayong 2010 national election, patunay ang pagbitaw ng katagang ‘hindi ipinagbabawal sa gobyerno, kahit prostitute’ patungkol sa kabit ng mister nito.

Ang ikinakasama ng loob ng ex-lady solon, lumalabas pang ipinangangalandakan ng kanyang mistress ang ginawang kataksilan, as in proud sa pakikipagrelasyon sa maimpluwensyang pulitiko, animo’y pelikulang ‘Ako Legal Wife’ ng Regal Films dahil umaastang lehitimong misis ito.

Dati-rati’y nasa sideline lamang ang mistress ng maimpluwensyang pulitiko subalit ngayong mapapaso ang termino ng isang kapamilya bilang alkalde, ito’y naglalaway bilang kapalit at nakikipagbalyahan sa legal wife.

Nagsisilbing miron lamang sa tabi ng entablado at tagaayos ng mga gusot ang mistress ng maimpluwensyang pulitiko sa panahong namayagpag ang political career nito at ngayo’y gusto pang makipagkumpetensya sa legal wife, hindi lamang sa araw ng dalaw kundi hanggang sa political arena.

Unang ikinunsiderang mayorality candidate ang misis ng lehitimong anak ng maimpluwensyang pulitiko subalit pumalag ang kanyang mistress at ipinagpilitan ang sarili bilang kapalit ng graduating mayor.

Takot mawala sa poder ang mistress lalo pa’t isa lamang sa maraming babaing naasembolan ng maimpluwensyang pulitiko kung kaya’t gustong ‘manahin’ ang posisyong babakantehin ng isang kapamilya nito.

Clue: Hindi matatawaran ang ‘magic’ ng maimpluwensyang pulitiko, mapa-masa o bebot at nakarelasyon ang mistress sa panahong magkasama sa industriyang nagpasikat sa mga ito. Kung senadora o congresswoman ang ex-lady solon, ito’y nagretiro noong 2007 kahit naka-first term lamang sa Kongreso. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Tuesday, May 19, 2009

may 19 2009 abante tonite

Maraming benefits sa singko sentimos!
Rey Marfil


Sa school year 2007-2008, pumalo sa 12.3 mil-yong grade school pupils ang naitala ng DepEd, ito’y kumakatawan sa 37,807 eskuwelahan habang 5.1 mil-yong high school students mula sa 6,198 eskuwelahan.

Ang katotohanan, ta­nging 348 libong guro ang nagtuturo sa 12.3 milyong bata na nasa edad 6 hanggang 11-taon habang 131 libong guro sa high school kaya’t hindi nakakapagtakang bagsak ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas, aba’y ‘wala na ngang makain, walang pambili ng gamot, ito’y wala pang edukasyon’.

Hindi naman puwedeng umasa sa Makati o kaya’y humingi ng himala kay Boy Padyak ang mga Pinoy lalo pa’t pang-eleksyon lang naman ang drama ng mga ito!

Hindi lang iyan, walang sariling computer laboratories ang karamihan sa public school, as in 47%, katumbas ng 3,060 eskuwelahan lamang mula sa 6,498 public high schools ang nabiyayaan ng computer laboratories at hindi pa up-to-date ito.

Ang malupit, meron ngang computer, wala namang internet connection ang 33% ng public high schools, katumbas ang 2.186 eskuwelahan at wala ring kumpletong information technology (IT) curriculum.

Ang pinakamasakit sa lahat, 50% lamang ng high school graduates ang nakakatuntong ng kolehiyo. Sa simpleng explanation, nakakadismayang 44% ng public schools sa buong Pilipinas ang walang computer habang 56% ang merong sari-ling computer subalit sisinghap-singhap, animo’y nagka-memory gap ang computer system.

Sa labing-anim na rehiyon, pinakamalalang kaso ang CARAGA region, aba’y 66% ang walang computer sa public schools, kasunod ang Region 9 (61%), Region 5 (55%), Region 7 (54%), Region 12 (50%), ARMM (50%), Region 6 (49%), Region 11 (48%), CAR (47%), Region 8 (46%), Region 1 (43%), Region 10 (41%), Region 11 (33%), Region 3 (30%), at Region 4 (30%).

At lumalabas sa pag-aaral, ta­nging public schools sa National Capital Region (NCR) ang pinagpala, aba’y 2% lamang ang walang computer.
***
Napag-usapan ang computer system sa public schools, bakit hindi gawing priority measures ng misis ni Jose Pidal ang text revenue kung gustong iangat ang kalidad ng edukasyon.

Ang sabi ni Mrs. Gloria Arroyo, “Hangad kong makapasok sa eskuwela ang bawat bata. Mayroong sapat na silid-aralan at computer sa bawat silid-aralan”, maliban kung nakalimutan ang inaugural address sa Quirino Grandstand noong Hunyo 30, 2004 o kaya’y naging busy sa panahong iyon dahil nasa kabilang linya si Garci kaya’t naisilid sa bulsa ang pangakong binitawan nito?

Kung kayang ‘pata­yin’ ng mga kampon ni Mrs. Arroyo ang impeachment complaint kada taon, bakit hindi utusan ang dalawang anak, hipag at bayaw, sampu ng mga kaporal sa Lower House, upang ilusot ang 50 sentimos kada text.

Sa proposal ni Cong. Danilo Sua-rez, lahat ay makikinabang dahil limang sentimos ang bubura sa humihinang sistema ng edukasyon dahil magkakaroon ng bagong computer laboratory ang bawat public schools.

Higit sa lahat, iiral ang transparency sa kinikita ng mga telecommunication firm at kuwentas-klaras kung saan mapupunta ang 5 sentimong shares ng telcos at gobyerno.

Take note: ‘text capital’ ang Pilipinas, katumbas ang 2 bilyong text messages kada araw at sa bawat 5 sentimos kada text, maliwanag ang P100 milyon o P3 bil-yon kada buwan at P36 bil-yon sa isang taon -- ito’y sapat upang tugunan ang computer lab ng bawat public schools.

Ang nakakalungkot, pumapalag ang telecommunication firms gayong ‘tubong-lugaw’ sa ‘pisong text’. Malinaw ang kuwenta ni Sua-rez, kahit gawing 50 sentimos ang text, malaki pa rin ang maisusubi ng mga kumpanya.Ibig sabihin, kahit iba­ba sa 30 sentimos ang text, kikita pa rin ang mga telcos, maliban kung sadyang matakaw sila sa pera?(www.mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, May 18, 2009

may 18 2009 abante tonite

Senador saling-pusa sa presscon
(Rey Marfil)

Kung meron senador ang naligaw ng opisina dahil ‘dinaga sa dibdib’ matapos makakita ng mga reporter, sa pangambang ma-ambush interview, nagmukha namang ‘saling-pusa’ sa press conference ang isang kasamahang mambabatas sa Upper House nito.

Magkaiba ang karakter ng dalawang solon dahil kung anong duwag sa interbyu ng unang senador, siyang hilig magdaldal sa mikropono ng kasamahang solon, patunay ang pagiging obsessed sa mga ambush interview at iba pang uri ng mga debate o diskusyon.

Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano nagmukhang ‘saling-pusa’ sa press conference ang isang mestisuhing senador matapos makisiksik sa forum gayong hindi naman hinihingi ng mga reporter ang partisipasyon ng mokong.

Tanging dalawang kasamahang senador ang nakaiskedyul sumalang sa press conference subalit laking gulat ng mga reporter nang makitang nakapuwesto sa kabilang dulo ng lamesa ang mestisuhing solon at hawak-hawak ang stand ng mikropono.

Walang choice ang mga reporter kundi pagbigyan ang mestisuhing senador at napaka-foul kung pagsasabihang limitado lamang sa dalawang kasamahang solon ang press conference.

Dahil hindi naman importante ang partisipasyon sa press conference, madalas nalalagpasan ang mestisuhing senador at nasentro sa dalawang kasamahang solon ang mga ipinupukol na tanong kaya’t nakapag-isip ng diskarte ang mokong, katulad ang pagsisingit nito.

Para mapansin ng media ang partisipasyon o presensya sa press conference, idinadaan ng mestisuhing senador sa pag-ubo at pag-ehem, animo’y may sintomas ng swine flu ang diskarte ng mokong, kalakip ang hangaring matanong sa isyu.

Katulad ng inaasahan, naawa ang ilang reporter kaya’t naisisingit ang komento ng mestisuhing senador subalit hindi pa rin nagpaawat ang mokong, katulad ang harap-harapang pagsisingit at boluntaryong magbigay ng opinion sa isyu kapag nalalagpasan ito.

Clue: Hindi kuwestyon ang husay ng mestisuhing senador kung paglikha ng batas ang isyu subalit kinakatakutang makatabi ng upuan dahil siguradong maliligo ng laway at magkaka-flash flood sa floor, as in Mulaway ng Senado. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Saturday, May 16, 2009

may 16 2009 abante tonite

Senador tumakas sa media, naligaw ng opisina!
(Rey Marfil)

Mistulang eksena sa ‘Wow Mali’ ang gina­wang pag-iwas sa interbyu ng isang miyembro ng Upper House matapos maligaw at lumagpas ng kuwarto para lamang matakasan ang mga mediamen na nakaabang.

Halos maglupasay sa katatawa ng mga kurimaw, sa pangunguna ng TONITE Spy matapos mauwi sa komedya ang tangkang ambush interview sa isang bigotilyong senador, animo’y nagpapatawa sa isang comedy show.

Bago nagkasabit-sa­bit ang bigotilyong senador, matamang nagbabantay sa labas ng session hall ang Senate reporters upang hingan ng komento ang mga mam­babatas na dumalo sa et­hics probe ng Committee of the Whole.
Isa ang bigotilyong senador sa kinursunadang kunan ng sound bite o interbyu ng Senate repor­ters kung kaya’t inabangan ang mambabatas sa dalawang entry at exit point, kabilang ang lagusan patungong Senate Lounge.

Eksklusibo sa mga senador ang VIP Lounge sa 2nd floor, katabi ang Se­nate Lounge na bukas sa lahat ng mga bisita at empleyado kung saan iisa lamang ang labasan ng da­lawang kainan patungong hallway, maliban kung aakyat ng 3rd floor hanggang 6th floor.

Bagama’t matinding pagbabantay ang ginawa ng Senate reporter, nagawa pa ring makaiwas ng bigotilyong senador sa ambush interview at mabilis na umakyat ng 5th floor kung saan nag-oopisina ito, kabuntot ang mga staff habang humahabol ang mga mediamen.

Sa sobrang pag-iwas ng bigotilyong senador at matakasan ang Senate reporters na naghahabol ng interbyu, ito’y naligaw pagsapit sa 5th floor, as in lumagpas sa kanyang kuwarto at nagulat na ibang opisina ng senador ang nasa harapan nito.

Kung hindi pa nagtanong ang bigotilyong senador sa mga staff kung nasaan ang kanyang kuwarto, hindi nalaman ng mga tauhan na nagkamali ang kanilang amo dahil inakala ng mga itong merong ibang pupuntahan sa 5th floor ang solon, as in dadalaw sa katabing kuwarto o kasamahang senador ito.


Clue: Hindi kuwestyon ang kabaitan ng bigotil­yong senador kaya’t nakakaa­sembol, mapamodel o kauri sa propesyon. Ito’y me­ron letrang “T” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in “Tatlong Alas”.

(www.mgakurimaw.blogspot.com)

Friday, May 15, 2009

may 15 2009 abante

Senador naglaway sa mga school girls!

Sadyang walang pagbabago ang isang miyembro ng Upper House dahil muling umatake ang pagiging manyakis, pinakahuli ang ginawang pag­lalaway sa mga magagandang estudyante mula sa kilalang exclusive schools.


Bagama’t kamuntikang nasampolan ng sexual harassment, lubhang manyakis ang senador at hindi maitago ni Mang Teban ang mandiri matapos makitang ‘tulo-laway’ ang mambabatas sa mga naggagandahang ‘school girls’.


Unang naispatang ini-interbyu ng ilang reporter ang senador sa loob ng session hall subalit nang mapansin ang naggaganda­hang ‘school girls’ sa hall­way, ito’y napatingin sa mga bebot at nawala sa isyu ang mga isinasagot.


Ang matinding revelation sa lahat, nagawang layasan ng senador ang grupo ng mga reporter kausap sa session hall at diretsahang inamin pang nais­torbo ang pagpapa­kuha ng picture sa mga bebot.


Kaagad nilapitan ng senador ang mga naggagandahang estudyante at mabilis nagpakuha ng lit­rato, sabay hawak sa baywang ng mga nakatabing bebot, animo’y ikinikiskis sa katawan nito.


Lingid sa kaalaman ng mga naggagandahang ‘school girls’ na manyakis ang senador dahil tuwang-tuwa pang nagpa­kuha ng litrato kahit harap-harapang tsina-tsansingan ang mga ito, katulad ng nakagawian ng solon sa sinumang makursunadahang bebot.


Pintahan n’yo na: Hindi kuwestyon ang husay ng senador sa paglikha ng batas subalit numero unong ‘staff killer’ dahil walang pinapalagpas sa mga tauhan basta’t mestisahin at tsinita. Ito’y merong letrang “A” sa pangalan at apelyido, as in Ang Manyak.

Thursday, May 14, 2009

may 14 2009 abante tonite

Bading lang ang nagsusulsi!
Rey Marfil


Kung nagkataong katabi ng upuan habang ini-interbyu sa isang morning talk show, sa malamang na-Richard Gomez si MMDA chairman Bayani Fernando, as in nabatukan ni pro-tempore Jinggoy Estrada, aba’y kasing-buhol ng traffic sa Edsa ang kasagutan ng bayaning isinusuka ng mga vendor tungkol sa P1.1 milyong tsekeng ipinang-birthday noong 2003, 2005 at 2006 mula sa katas ng Metro Manila Film Festival (MMFF), maliban kung aral sa mga ex-Metro aide kaya’t hindi naintindihan ang nila­laman ng speech ni Jinggoy?

Kaya’t ang biruan ng mga kurimaw, dapat mag-ingat sa pagmamaneho ang driver ni Jinggoy kapag nasa Edsa, siguradong plakado ang lahat ng sasakyan at sa mala­mang, hindi makukuha sa areglo kapag natiketan!

Ang nakakatawa, pagka-divert ng ‘MMFF funds’ tuwing birthday ni Fernando ang expose ni Jinggoy, ito’y malinaw sa tatlong tsekeng iprenisinta sa power point presentation subalit labas sa ‘yellow lane’ ang resbak ni Fernando. Kung hindi tumanggap ng cash gifts kada mag-celebrate ng birthday sa MMDA office, bakit naitanggi ang akusasyon ni Jinggoy?

Sa halip kontrahin ang ‘Katas ng MMFF expose’, ginawang palusot ni Fernando ang alegasyong naglalaway ang senador sa pag-handle ng Metro Manila Film Festival, maliban kung idol ni Fernando ang tropa ni Senador Manny Villar na nagdidepensa sa ethic­s probe, hindi ba’t mala-C5 road kung ilihis ang usapan? Kaya’t huwag ipagtaka kung mauwi sa 0% ang popularity rating ni BF!
***
Napag-usapan ang ethic­s probe, walang pinag-iba sa Cleveland Cavaliers vs Atlanta Hawks ang nangyari sa tropa ni Villar, aba’y na-sweep sa 2nd round ng NBA playoffs. Katulad ng ‘favo­rite line’ ni Erap na ‘weder, weder lang’, hindi ba’t da­ting majority bloc, sa pangu­nguna ng katukayo ni Joselito Cayetano nagsisilbing ka-double ni Villar ang ‘umiiyak’ sa adoption ng ethics rules na kesyo nauuwi sa number games ang labanan, animo’y nakalimutang naupo rin bilang Senate President ang kanyang amo, sa pamamagitan ng number games o suporta ng majo­rity bloc? Ika nga ni Jamby Madrigal, meron palang itik na pumuputak at sabi rin ng mga matatanda, kung sinong pumutak, siyang nangitlog, ‘di ba birthday boy Jay Lacson?

Pinagbigyan na ngang lahat ng luho ng mga ka-tropa sa pagplantsa ng ethics rules, ginawa pang resbak ni Villar ang alegasyong ‘tailor-made’ ang proseso gayong ‘participante’ ang lahat ng galamay nito. Hindi naman sastre ang tropa ni Manong Johnny at uso ngayon ang alteration station sa mall at bading lamang ang nasusulsi, kahit itanong n’yo pa kay Alan Peter.

At paanong ‘tailor-made’ ang ethics rules gayong napakahusay ng mga inarkilang abogado ni Villar. Hindi lang isa kundi tatlo ang tumayong counsel -- sina Nene Pimentel, Joker Arroyo at Alan Peter. Never mind si Pia Cayetano, ito’y pakurut-kurot lang naman sa floor, animo’y nagpakuha lang ng video dahil live sa ANC-21 ang hearing.

Ang malaking tanong ng mga kurimaw: Nasaan si Mr. Noted, as in Francis Pangilinan sa panahong kailangan ni Villar, maliban kung inabandona ang ka-tropa sa Wednesday Club dahil takot maipit sa Liberal lalo pa’t nag-aambisyon maging running mate ni Boy Pad­yak o kaya’y takot maging binatog kapag nagka-flash back at naungkat kung paano isinalang sa ‘washing machine’ bilang ex-ethics chair ang BW scandal na kinasangkutan ng ama nina Alan at Pia, maging ang kawalan ng proseso sa ethics probe laban kay Ping Lacson na agarang pinasagot at pinalabas pang sufficient in forms and substance ang mga kasinungalingan ni Ador Mawanay at tahimik na hinarap nito, hindi katulad ni Villar, aba’y maraming kumakahol at pumuputak. Anyway, miyembro ng majority bloc si Villar at ka-term sharing ni XP Frank Drilon bilang Se­nate President sa panahong naisalang sa ethics probe si Lacson.

Wednesday, May 13, 2009

may 13 2009 abante tonite

Senador nakuryente na naligaw pa!
(Rey Marfil)

Kung ‘killer punch’ ang kumbinasyon ng mga suntok ni People’s Champ Manny “Pacman’ Pacquio, dobleng sabit naman ang inabot ng isang miyembro ng Upper House matapos makuryente at maligaw sa session hall.

Halos maglupasay sa katatawa ang mga kurimaw, sa pangunguna ng TONITE Spy matapos masaksihan kung paano ‘naligaw’ at mabulag ng impormasyon ang isang senador, ilang oras bago magsimula ang sesyon.

Naging patakaran ni Senate President Juan Ponce Enrile na magsisimula ang sesyon, eksaktong alas-tres ng hapon at nakasanayan ng lahat ng deputado ang ganitong patakaran nito.
Kung meron kasalanan sa pagkaligaw ng senador, walang iba kundi sariling staff o tauhan dahil hindi nasabihan na atrasado ng tatlumpung minuto, as in 30 minutes ang pagbubukas ng sesyon.

Isa sa mga tinaguriang ‘the late senator’ ang mambabatas, as in palaging late pumasok ng session hall, at public hearing, maging sa mga dinadaluhang aktibidades kung kaya’t pinagtatawanan ang pagkakakuryente nito.

Dahil ilang araw nawala sa Pilipinas, nakaligtaan ng senador ang ethics probe ng Committee of the Whole tungkol sa eskandalong kinasasangkutan ni Villar kung kaya’t inaabot ng alas-dos ng hapon ang hearing dahil sa walang katapusang pagkuwestyon ng minority bloc sa ethics rules.

Katulad ng inaasahan, pinatunayan pa rin ng senador ang pagiging ‘the late senator’ dahil pasado alas-tres ng bumaba sa session hall subalit laking tuwa ng makitang mag-isa ito, as in feeling nito’y nakaisa sa mga maagang pumapasok at na-break ang record dahil puwedeng sabitan ng medalya bilang ‘most punctual’ sa class room.

Lingid sa kaalaman ng senador, napagkasunduan ng mga dumalo sa ethics probe ng Committee of the Whole na iurong ang opening ng sesyon, ganap alas-3:30 ng hapon kaya’t halos magkandabali ang leeg ng mambabatas sa kalilingon sa gallery kung nasaan ang mga kasama nito.

Kundi nabulungan ng mga tauhan ng Office of the Sergeant at Arms (OSAA), partikular ng ilang taga-Page nakatambay sa gallery, hindi nalaman ng mambabatas na atrasado ng tatlumpung minuto ang opening ng sesyon kaya’t mabilis umakyat ng kuwarto ito.

Clue: Hindi kwestyon ang husay ng senador subalit saksakan ng daldal sa public hearing, maging sa iba’t ibang interview. Ito’y tinaguriang ‘Mulaway’ ng Senado, as in talsik nito’y lumalaway at nagka-flash flood sa floor. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Tuesday, May 12, 2009

may 12 2009 abante tonite

No assurance sa hijacking!
Rey Marfil


Hindi mabilang ang hijacking ng mga delivery truck at container sa Pilipinas, katulad ng nangyari sa Cavite, aba’y ayaw bayaran ng insurance company ang policy. Ang palusot, hindi covered ng insurance ang truck kahit naka-insured ito.

Nakakalungkot isipin, wala nang matinong insurance company at ngayong dumaranas ng global financial crisis, lalo pang pinahihirapan ng maliliit na negosyante ng mga gahamang finance companies, gamit ang insu-rance system upang kumita ng limpak-limpak, as in sila lamang ang yumayaman.

Sa reklamong natanggap ng Spy, inarkila ng International Heavy Trucks Corporation (IHTC) ang pag-aa-ring truck ng Kasarda Transport Corporation upang hakutin ang isang 40-foot container van na naglalaman ng ‘skimmed milk’ mula Manila International Contai-ner Port patungong Batangas at idi-deliver sa Ne­stle Philippines Inc.

Sa kasamaang-palad, hinarang ng mga holdaper sa Cavite ang truck at isinakay sa puting SUV ang driver habang inilipat sa ibang truck. Sa simpleng explanation, naglahong parang bula ang 40-foot container van.

Mag-sister company ang IHTC at Kasarda Transport kaya’t regular ang pag-arkila sa mga truck para sa kanilang negosyo -- ito’y nalalaman ng MAA General Assurance Philippines Inc., ang insurance company na pinagkatiwalaan ng Kasarda Transport upang pangalagaan at protektahan ang mga pag-aaring truck nito.

Kundi nagkakamali ang mga kurimaw, nagkakaha­laga ng P10 milyon bawat isa ang insurance, kasama ang kargamentong nawala at ta­nging P3.5 milyon ang hinihingi ng Kasarda Transport. Ang malungkot, ayaw nga-yong bayaran ng insurance firm ang premium at itinuro ang IHTC na may kargo sa nawawalang truck. Ito ang pinakamalaking problema ng insurance industry at hanggang ngayon, hindi marendahan ng Insurance Commission (IC).
***
Napag-usapan ang MAA General Assurance Philippines, ang palusot ng kumpanya, ito’y walang sagutin dahil IHTC ang may dala ng truck. Ang tanong ng mga kurimaw: Para saan at kanino napunta ang binayarang premium ng Kasarda Transport upang ma-insured ang mga pag-aaring truck, maliban kung inakalang ‘pamasko’ ng MAA Ge-neral Assurance Philippines ang libu-libong premium na ibinayad ng Kasarda Transport at planong baguhin ang pangalan ng kanilang kumpanya bilang ‘No Assurance Philippines’?

In fairness sa MAA Ge-neral Assurance Philippines, ito’y nag-alok ng P500 libong settlement sa Kasarda Transport subalit mala­king kuwestyun kung bakit tinawag pang ‘insurance firm’ ang ganitong negos-yo kung ibabalik din lang naman ang ipinambayad ng isang policy owner. Ibig sabihin, sana inilagay ng Kasarda Transport sa baul ang kanilang pera kung ‘treasurer’ ang trabaho ng insurance firm. Kalokohan kundi ginamit sa negosyo ng mga insurance company ang ipinambabayad ng mga policy owner.

Talagang ‘Onli in da Pilipins’, aba’y gustong palabasin ng MAA General Assu-rance Philippines, kapag ipina-drive ang pag-aaring kot-se at nabangga ito, wala silang sagutin dahil hindi ikaw ang nagmamaneho at ilang tauhan ng Insurance Commission (IC) ang nakisimpatiya sa palusot ng insurance company -- ito’y napaka-laking kalokohan. Mantakin n’yo, kung anong bilis mani-ngil ng mga insurance company sa premium, siyang-bilis umiwas at magtago sa res­ponsibilidad.

Kung ganito ang polisiya ng mga insurance companies, katulad ng MAA Ge-neral Assurance Philippines, ito’y dapat pinaiimbestigahan sa Upper House dahil bilyones ang insurance industry sa bansa, hindi iyong puro si Celso delos Angeles ang binabantayan ni Boy Padyak. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, May 11, 2009

may 11 2009 abante tonite

Lady solon type makipag-room sharing sa ex-bf
(Rey Marfil)

Katulad ng kasabihang ‘sa bibig nabibingwit ang isda’, hindi maitago ng isang primadonang lady solon ang nararamdamang pangungulila sa dating karelasyong mambabatas matapos puntiryahing maki-room sharing dito.

Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano nadulas ang bibig ng primadonang lady solon matapos mapansin ang extension office ng matandang solon na dating karelasyon o ex-boyfriend nito.

Bagama’t matagal nang napapabalitang hiwalay ang dalawang solon, hindi pa rin ‘mamatay-matay’ ang isyung ‘guerrilla type operation’ ang relasyon ng dalawa, as in nagsasama at nagtatampisaw sa ulan kapag nalilingat ang mga bodyguard, sampu ng mga kapamilya nito.

Nang minsan napasyal ang primadonang lady solon sa hallway, kabuntot ang mga staff, ikinagulat kung bakit meron extension office ang matandang solon, animo’y gulat na gulat at mistulang itinatanong sa sarili kung bakit pinagtataguan ng dating karelasyon.

Katulad ng mga ordinaryong magkarelasyon na madalas pag-awayan ang paglilihim sa isa’t isa, sumandaling natulala at ‘napatingin sa dako pa roon’ ang primadonang lady solon, animo’y itinatanong sa sarili at pinagdudahan kung sinong bebot ang pinag-oopisina ng matandang solon.

Makalipas ang isang segundong pagkatulala, itinanong ng primadonang lady solon sa mga staff kung bakit nagkaroon ng opisina ang matandang solon, kasabay ang hirit na dapat bigyan din ng kahalintulad na benepisyo at oportunidad.

Ang ikinagulat ng lahat, meron pang pahabol na hirit ang primadonang lady solon, partikular ang pahayag na dapat mag-room sharing sila ng matandang solon kung kaya’t nagkatinginan ang mga staff, maging iba pang nakarinig sa tinuran nito, animo’y gustong bantayan kahit office hours ang dating karelasyon.

Kahit isang staff, walang nakasagot sa primadonang lady solon at dinedma lamang sa panukalang ‘room sharing’ na gustong mangyari ng kanilang amo dahil maraming nakakarinig sa hallway at iisa ang nasa isipan ng mga ito, partikular ang pagbisto sa kanilang relasyon.

Nagduda naman ang mga kurimaw sa balitang matagal nang hiwalay ang dalawang mokong, katulad ang katanungan sa kanilang sarili kung bakit kailangan pang humirit ng ‘room sharing’ ang primadonang lady solon at gustong bantayan ang matandang solon kung break na ang mga ito.

Clue: Mahilig sa matandang karelasyon ang primadonang lady solon habang numero unong manyakis ang matandang solon at kamuntikang nasampolan ng sexual harassment ng sariling staff nito. Ito’y kapwa merong letrang “A” sa kabuuan ng pangalan at apelyido. Kung kongresista o senador, abangan sa 2010 ang isa rito. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Saturday, May 9, 2009

may 9 2009 abante tonite

Governor, naglandi sa Senado!
(Rey Marfil)

Lalo pang lumutang ang pagiging ‘Tiyo paeng’ ng isang local official matapos maglandi sa mismong harapan ng mga kawani ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso, kabuntot ang mga security nito.

Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano nag-feeling babae ang isang kampon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo matapos bumisita sa opisina ng mga senador na animo’y merong matris na naglalakad sa hallway ang mokong.

Nagtungo sa Upper House si Governor upang i-lobby ang mga mahahala­gang proyektong nakalinya sa kanyang lalawigan, maging ang mga nahingi sa mga senador at iba pang economic measures na ipinanukala nito.

Ang nakakatawa lamang, hindi maitago ni Governor ang itinatagong kasarian, partikular ang pagiging ‘dual citizen’, as in half-Filipino at half-Filipina dahil naglakad nang pakendeng-kendeng sa hallway ng Upper House.

Maliban sa paglalakad ng pakendeng-kendeng, umasta pang bebot si Go­vernor habang kaakbay at hawak-hawak ang kamay ng isang magandang lady solon, animo’y kauri ang mambabatas.

Nakasabay ni Governor sa elevator ang lady solon at pagkababa sa 2nd floor, feeling-girl ang local official na naglalakad habang hawak ang isang kamay ng mambabatas, sabay pakembot-kembot.

Hindi rin naitago ang pagpilantik ng isang kamay ni Governor habang naglalakad at mala-Mama Monchang ang mga katagang lumalabas sa bunganga, katulad sa lingguwaheng gamit ng mga baklitang tambay ng parlor.

Kulang na lamang kausapin ng lengguwaheng ba­ding ni Governor ang lady solon habang naglalakad papasok ng session hall, katulad ng salitang ‘churva’ at ‘chenis’ kung kaya’t hindi maiwasang matawa ng mga naglipanang kurimaw na nakatambay sa hallway.

Ang ikinakasuka ng mga kurimaw, walang karapatang maging miyembro ng Ladlad Party-list si Governor dahil mala-dragon ang face, as in mukhang killer at mas sanggano pang tingnan kumpara sa mga inarkilang bodyguard.

Clue: Isa sa pinakamalapit at paborito ni Mrs. Arroyo si Governor. Kahit nagkasabit-sabit sa mga binibitawang deklarasyon sa media, hindi magawang isumpa ng Pangulo. Lala­king-lalaki ang pangalan ni Governor at patron ng mga manggagawa.(www.mgakurimaw.blogspot.com)

Thursday, May 7, 2009

may 7 2009 abante tonite

Magpapagod lang kayo!
Rey Marfil


Kahit pakyawin ng mga kampon ni Mrs. Arroyo ang air time sa radyo at telebisyon o kaya’y bilihin ang bawat pahina ng peryodiko, simula sa pinakamalaking diyaryo hanggang school paper, suntok sa buwan kung mananalo ang mga nag-aambisyong makatabi ng upuan sina Mulaway at Boy Kornik ng Senado.

Wala sa dami ng commercial ang panalo ng isang senatoriable, patunay ang kaso nina Chavit Singson, Prospero Pichay at Mike Defensor na sandamukal ang commercial subalit umuwing luhaan. Mismong si NEDA chief Ralph Recto, isang ‘reelectionist senator’ at asawa ng tinaguriang ‘star for all season’ -- si Vilma Santos, ito’y nasilat noong 2007 election.

Kung hindi ‘tumubo’ si Pichay at ‘natisod’ si walkin­g Tol Mike, sa malamang ma­ngingitim ang bigote at buhok ni TESDA chief Buboy Syjuco, aba’y hindi nga manalong Congressman ng Makati at paulit-ulit inilampaso ni Senator Joker, iyon pa kayang ambisyunin ang Senate seat?

Mabuti lang, na-trace ang hometown ng mga parents sa Ilo­ilo province kaya’t nakarating ng Congress. Ibig sabihin, magpapagod lamang si Syjuco sa 2010, katulad ni Chavit, hindi ba’t napipi “Ang boses ng mga taga-Probinsiya” noong 2007 gayong isa sa highest spender? Ang masakit, ‘bulag’ ang publiko kung sino ang nagpondo ng infomercial at katarantaduhan kung sariling bulsa ang magbaba­yad sa prime time slot.

Maliban kay Syjuco, puro pagmumukha ni DOH Sec. Francisco Duque ang laman ng peryodiko, pati pagsisipsip kay Mrs. Arroyo sa kanyang birthday, hindi pinatawad ng gabinete. Mantakin n’yo, milyones ang ginastos sa ‘birthday gree­tings’, gamit ang malaking tabloid at broadsheet gayong piso lang ang text.

Kung hindi pondo ng DOH ang ginastos sa infomercial, mas maraming ipapaliwanag si Duque, aba’y anong kapalit kung isang pharmaceutical o drug manufactu­rers ang nagbayad ng placement fee?
***
Napag-usapan ang sena­torial race, puro ‘panapon’ ang mga nagsusulputang senatoriables ni Mrs. Arroyo. Subukan n’yong ipagtanong ang pa­ngalan ni Kuya Efraim Ge­nuino, kahit sugarol at tambay ng casino, walang paki­alam kung sino ang Pagcor chief, iyon pa kayang nagla­laro ng ‘kara-cruz’, at tong-its sa kanto?

Kung si Cesar Montano, naturingang ‘best actor’ at nagampanan lahat ng karakter sa pelikula, mapa-Jose Rizal at Muro-Ami, ito’y hindi nakakita ng ‘Bagong Buwan’ sa pulitika kaya’t nauwi sa ‘Singing Bee’ at nakikikanta. In fairness kay Buboy, ito’y posibleng nasulsulan lamang dahil pagka-governor ng Bohol ang unang puntirya nito!

Kung meron nakakapanghinayang sa hanay ng gabinete ni Mrs. Arroyo at may karapatang makatabi ng upuan si Senate President Juan Ponce Enrile -- sina Finance Sec. Gary Teves at Agriculture Sec. Artur Yap. Hindi matatawaran ang credentials at husay ng dalawang gabinete kung trabaho ang pag-uusapan, iyon nga lang, hindi umaakyat sa survey dahil nakatatak ang imahe ni Mrs. Arroyo.

At kapag naging senador si Jun Lozada, katulad nang nangyari sa katukayo ni Joselito Cayetano na nag-expose ng hiladong bank account ni FG Mike Arroyo kaya’t na-ethics, walang ibang dapat sisihin si Mrs. Arroyo kundi si Tol Mike. Alam n’yo naman sa Pilipinas, madalas manalo ang ‘underdog’, isang taktika ngayon ni Senador Manny Villar sa ethics probe.. Ika nga ni XP Frank Drilon ‘makapatay ka ng tao, ito’y makakalimutan ng kapit-bahay mo pero kahit isang pasong lupa ang isyu, magpapatayan kayo’. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, May 6, 2009

may 6 2009 abante tonite

Senador labas-brief
(Rey Marfil)

Kung nagkalat ang mga ‘taong-labas’ sa kanayunan, isang mestisuhing miyembro ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang ‘labas-brief’, animo’y school boy na hindi marunong manamit at tumandang engot sa pananamit.

Katulad ng kasabihang mahirap ituwid ang matandang sanga at hindi nabibili ang porma, sadyang napaka-badoy at hindi uubra sa panlasa ng mga pasyonistang sina Rajo Laurel, Pitoy Moreno at Paul Cabral ang mestisuhing senador.

Hindi maiwasang pagtawanan ng mga kurimaw, sa pangunguna ng TONITE Spy, ang kakaibang estilo sa pananamit ng isang mestisuhing senador dahil hindi man lamang natutunan ang tamang-porma gayong nagkasungay na sa pulitika ito.

Hanggang ngayon, hindi man lamang naturuan ng konting kaalaman sa fashion ang mestisuhing senador dahil simula grade school hanggang magtapos sa high school at kolehiyo, hindi pa rin nagbabago ng porma at pananamit ito.

Sa unang tingin, hindi mapapansing ‘badoy’ pumorma ang mestisuhing senador subalit kapag sinipat ang kasuotan at tinanggalan ng Amerikana o kaya’y Barong, walang binatbat ang mga taga-probinsya, as in ‘tulonges’ ang mokong.

Ang rason, ‘labas-brief’ kapag pumorma o magbihis ang mestisuhing senador dahil nakaipit sa kanyang underwear ang kasuotang pang-itaas, katulad ng polo o kaya’y T-shirt ito.

Dahil labas-brief ang mestisuhing senador, madalas sentro ng katatawanan sa hanay ng mga kaibigan ang estilo ng pananamit ng mokong, katulad din ng nakaugaliang tuksuhan sa high school at kolehiyo.

Tanging ipinagpasalamat ng mga tauhan ng mestisuhing senador, hindi makakantiyawan ang kanilang amo kahit ‘labas-brief’ ang porma ngayon dahil ‘branded’, as in may tatak ang kasuotang underwear ng kumag.

Clue: Napaka-traydor sa kaibigan ng mestisu­hing senador at kinagat lahat ng nakatulong. Ito’y meron let­rang “A” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Ate si Lotlot.(www.mgakurimaw.blogspot.com)

Tuesday, May 5, 2009

may 5 2009 abante tonite issue

Naka-2nd round si Gibo!
Rey Marfil


Dalawang bagay lang kung bakit humingi ng 1-week travel si Manny Villar Jr. -- ito’y ‘umiwas at umiwas’ sa eskandalo, dalawang araw bago simulan ang ethics probe ng Committee of the Whole. Kung walang kinalaman sa conflict of interest ng P1.2 bilyong right of way sa C-5 road ang Spain trip ni Villar, kasama ang asawang si Las Piñas Congw. Cynthia Villar, bakit ngayon lamang napag-isipang mamas­yal sa Barcelona at Bilbao, simula Mayo 2 hanggang Mayo 10, maliban kung naubusan ng susunduin sa airport o kaya’y naghahanap ng O­FWs na lumuwa ang ‘buwa’ sa Spain?

Ang nakakatawa, bulag sa Spain trip ng mag-asa­wang Villar ang kanilang spokesman -- si Gilbert Remulla kahit kinumpirma ni Senate Pre-sident Juan Ponce Enrile ang paghingi ng travel authority ng nakaraang Marso 25, ma-liban kung tinangkang itago ng Nacionalista Party (NP) kaya’t ‘personal business matters’ ang press release sa media? Sa pag-eskapo ni Villar, lumutang ang ‘secret meeting’ sa pagitan ni Mrs. Gloria Arroyo, alinman sa Egypt at Sy­ria.

Take note: kasama ni Villar sa Spain trip ang ‘Zamora Brothers’ -- ang negosyanteng si Manny at Cong. Ronnie. At ‘dalawang bagay’ lang ang puwedeng mangyari sa ‘secret meeting’, hingin ni Villar ang bendisyon ni Mrs. Arroyo sa 2010 at rendahan ang administration senators sa Committee of the Whole.
***
Sa nangyaring Pacquiao-Hatton fight, walang ibang ‘big winner’ kundi si Gibo, as in Defense Sec. Gilbert Teo­doro Jr., aba’y mas marami pang advertisement kum-para sa tumamang suntok ni Pacman kay Hitman, as in ‘gifted’ ang nakapag-isip sa 2nd round ng ‘presidential take off’ ni Gibo.

Mantakin n’yo, mula snatcher, hol­daper hanggang kawatan sa Malacañang, nagpahinga at itinigil ang masamang gawain mapanood lamang ang laban ni Pacman. Ibig sabihin, humigit-kumulang 80 milyon ang nakapansin kay Gibo at siguradong maisasama sa next survey.

Napaka-simple ng mensahe ni Gibo sa Pacman-Hitman fight, ito’y seryoso sa 1st round nang ideklara ang pagtakbo sa 2010, malinaw sa one-minute television ads ang palabang pakikipagbuno kay Vice President Noli De Castro Jr., bilang standard bearer ng admi­nistrasyon. Kung public exposure ang misyon ni Gibo para maisama sa presidential survey, pinakamagandang timing ang ‘greetings’ kay Pacman sa television, ito’y magma-marka sa publiko.

Kaya’t dapat kabahan si De Castro dahil abot-grassroots ang koneksyon ni Gibo sa AFP -- isang criteria sa sinumang presidentiable na wala kay De Castro.

Pakatandaan ng publiko, posibleng mag-ala Tabako si Gibo, sino bang mag-aakalang mananalo si Fidel Ramos at patutumbahin si Mi-riam Santiago noong 1992? Take note: magkapareho ang background nina Tabako at Gibo na nagtrabaho sa Defense Department at wala rin ang pangalan sa si­mula ng presidential survey. ‘Ika nga ng mga kurimaw, masyado pang malayo ang 2010 at maraming himalang nagaganap sa mundo, katulad ngayon, sino bang mag-aakalang magkaka-bagyo sa summer.

Kapag nagkapi­lian ng standard bearer, hindi malayong masungkit ni Gibo lalo pa’t independent si De Castro, as in walang kapartido sa Lakas-CMD at Kabalikat ng Malayang Pi-lipino (Kampi).

Kung si Gibo ang ilalargang standard bearer ng Lakas at Kampi, asahang paaatrasin ng kanyang U­ncle Danding (ex-Ambassador Eduardo Conjuangco) si Chiz Escudero bilang manok ng Nationalist People’s Coalition (NPC).

‘Ika nga ng mga Caviteño, ‘mas matimbang ang dugo keysa tubig’. Kahit ‘anak-anakan’ at paborito ni Boss Danding si Chiz, iba ang lukso ng dugo. Kaya’t hindi malayong mauwi sa “Teodoro-Escudero tandem”, kasama ang Lakas, Kampi at NPC. ‘Ika nga ng isang life insurance firm -- ‘Family First’. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, May 4, 2009

may 4 2009 abante tonite

Senador may kakambal na tabo!
(Rey Marfil)

Kung ahas ang kakambal nina Tuklaw at Galema o merong ‘Kambal sa Uma’, isang mahiwagang tabo ang ‘partner in crime’ ng isang miyembro ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso at namumukod tanging bagay na nakakaalam ng sikreto sa buhay nito.

Sa maniwala kayo o hindi, isang tabo ang kakambal ng senador taliwas sa nauuso ngayong triplet at quadruplet, pinakahuli ang babaeng nangangak ng quintuplet

Bagama’t hindi literal na kakambal ng senador ang mahiwagang tabo, nasaksihan ng TONITE kung gaano kamahal at kaimportante sa buhay ng mambabatas ang bagay na ito, patunay ang nakaugaliang pagbitbit kahit saang lupalop ng mundo magtungo ang solon, animo’y ‘Kambal sa Tabo’ ang mga ito.

Ang rason, hindi makadumi o komportableng pumasok ng comfrot room ang senador kundi kasama ang mahiwagang tabo na nagsisilbing kakambal kahit saang parte ng Pilipinas magtungo o bumiyahe ito.

Tanging ipagpasalamat ng senador, ito’y nasa Pilipinas at legal ang pagiging “Boy Tabo” dahil kung nagkataong nasa Australia ang solon, posibleng natanggal sa Senado, katulad ng isang Pinoy overseas worker na tiniktikan ng kanyang bossing at binantayan hanggang kubeta kaya’t nasibak sa paggamit ng tabo.

Hindi komportableng gumamit ng tissue ang senador at nakasanayan ang payak na sistema sa paghuhugas ng puwet, katulad ng nakaugalian sa kanilang bahay, simula pagkabata hanggang mapasok sa pulitika at makarating ng Upper House.

Dahil nakasanayan ang gumamit ng tabo, nagiging mainitin ang ulo ng senador kapag nakalimutang ilagay sa bagahe ang mahiwagang tabo at kaagad din ipinapautos sa mga staff ang magtungo ng palengke para bumili ng pamalit kung nakakaligtaan sa out of town trip ito.

Ang matinding revelation sa lahat, awtomatikong nakahalo sa mga kagamitan o damit ng senador ang mahiwang tabo tuwing mag-iimpake ito dahil madalas nahihirapang maghanap ng ipapalit ang mambabatas kapag nasa ibang bansa lalo pa’t hindi uso ang tabo sa abroad.

Kayang tisiin ng senador ang mawalan ng sigarilyo at hindi makapangtsiks subalit hindi ang magtungo ng kubeta na walang bitbit na tabo dahil takot itong magasgasan ng tissue ang kanyang puwet.

Clue: Hindi kuwestyon ang husay ng senador at maaksyon ang pagpasok sa Senado. Kung reeleksyunista o tatakbo sa pagka-Pangalawang Pangulo, ito’y meron letrang “T”, as in Boy Tabo. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Saturday, May 2, 2009

may 2 2009 abante tonite issue

Solterong solon na-pressure sa ‘Mar-Korina wedding’
(Rey Marfil)

Hindi nainggit bagkus na-pressure ang isang solterong miyembro ng Kongreso matapos ianunsyo sa national television ang inaabangang “Mar-Korina wedding” ngayong taon bago sumapit ang 2010 national election.

Hindi maiwasang matawa ng TONITE Spy matapos aminin ng solterong solon ang nararamdamang pressure sa kanyang pamilya, maging sa karelasyong bebot ngayong inanunsiyo nina Sen. Manuel Araneta-Roxas II at ABS-CBN broadcaster Korina Sanchez ang pag-iisang dibdib.

May halong pagkainggit ang naramdaman ng solterong solon nang mabalitang magpapakasal sina Roxas at Sanchez ngayong taon lalo pa’t ka-batch ang senador sa hanay ng mga mambabatas na tumandang binata sa propesyon.

Ngayong in love ang solterong solon sa isang ba­tambatang pulitiko na dating staff ng kasamahang solon, hindi maitago ng mambabatas ang ma-pressure, maging ang nararamdamang konting inggit sa pagpapakasal ni Roxas kay Sanchez.

Sukdulan hanggang Tarlac naman ang kagalakan ng mga kurimaw sa session hall nang maulinigang naiinggit ang solterong solon sa “Mar-Korina wedding” matapos magbiro na ‘pahamak’ ang senador dahil mapapadali rin ang pagpapakasal nito.

Bagama’t biro ang alegasyong ‘pahamak’ si Roxas, nadiskubreng matagal nang kursunadang pakasalan ng solterong solon ang kanyang girlfriend at sinimulan nang ipakilala sa mga magulang, patunay ang pagbitbit sa bebot kapag meron family gatherings o pagtitipon.

Maraming babaing nasangkot sa solterong solon, kabilang ang dalawang personalidad at isang dating starlet na ngayo’y pulitiko subalit walang nauwi sa seryosong relasyon.

Higit sa lahat, maraming lumuha ng balde-balde sa solterong solon kung kaya’t hindi inaasahang magsi­seryoso sa relasyon, katulad ang paglalagay sa tahimik at mauuwi sa kasalan ang pakikipagrelasyon sa isang mestisahin at batam-batang pulitiko na dating staff ng kasamahang solon.

Clue: Hindi matatawaran ang kabaitan ng solterong solon, maging sa paglikha ng batas subalit naaakusahang ‘Mama’s boy’ dahil nang-iiwan ng tsiks kapag hindi natipuhan ng kanyang ina. Kung senador o kongresista, aba’y manood ng Showbiz News Ngayon (SNN) at baka maka-Binggo Ka! (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Friday, May 1, 2009

mayo 1 2009 abante issue

Solon, mala-Benjamin Button ang mukha

Kung may kinakatakutan ang isang ambis­yosong miyembro ng Kongreso, hindi ang kanyang misis kundi ang pinangangambahang pagkaungkat ng mga kaso ng land grabbing kaya hindi makapagkatulog patunay ang pagdami ng mga gurlis sa kanyang face.


Katulad ng madalas ipaalala ng mga nakakatanda na malupit rumesbak at sumingil si Karma, natatawa si Mang Teban, tuwing mapag-uusapan ang delubyong kinasasangkutan ngayon ng isang ambisyosong solon dahil malapit nang maging kamukha si Brad Pitt sa pelikulang The Case of Benjamin Button.


Ang rason, hindi makapagkatulog at nanga­ngalumata na ang solon sa dami ng iniisip dahil sa sangkaterbang kaso.


Kung nagkataong mahirap ang ambisyosong solon, posibleng namulaklak sa eye bug ang magkabilang mata o buong mukha sa kaiisip kung paano malalagpasan ang land grabbing case na nakaambang mabunyag.


Pintahan n’yo na: Pera-pera ang motto ng ambisyosong solon at binabayaran ang mga tumatayong ‘ka-double’ para sumagot sa mga kinasasangkutang eskandalo. Kung senador o kongresista, abangan sa 2010 election(www.mgakurimaw.blogspot.com)