Friday, April 29, 2011



Tamang desisyon!
REY MARFIL

Hindi lang makatwiran bagkus kapuri-puri ang aksyon ni Pangulong Benigno ‘PNoy’ Aquino na alisin ang pagbabawal sa lokal na mga eroplano na palawakin ang kanilang biyahe sa Estados Unidos (US) at makalipad hanggang sa mga paliparan sa Europa ang mga ito.

Sa pamamagitan ng Department of Transportation and Communications (DoTC), kinuha ng pamahalaang Aquino ang serbisyo ni retired Brig. Gen. Tim Neel -- ito’y dating opisyal ng Federal Aviation Administration (FAA) at may-ari at managing director ng Tim Neel & Associates, LLC. Ang misyon ni Neel, tulungan ang ating bansa.

Bahagi ng repormang ipinatupad ni PNoy ang pagsasaayos sa mga paliparan, katulad ang pagpapabuti sa imahe ng Pilipinas at tulungan ang industriya ng paliparan na umasenso at makabalik sa FAA’s Category 1 rating nga­yong taon o unang bahagi ng 2012.

Ang Tim Neel & Associates, isang kumpanyang mayaman ang karanasan sa internasyunal na kaligtasan sa pali­paran, kabilang ang pagtataya sa pamantayan ng kaligtasan ng pamahalaan sa civil aviation authorities, international air carriers at paliparan.

Maraming bansa sa Latin America at Caribbean ang natulungan ni Neel upang umangat ang kanilang aviation oversight programs, pinaka-latest ang pagtrabaho sa Ghana kung saan natulungan nito ang lokal na aviation authorities na maibalik sa Category 1 rating sa loob lamang ng ilang buwan.

Sa panahon ng administrasyong Arroyo, ibinaba ng FAA ang rating ng Pilipinas sa Category 2 mula sa Category 1 na nangyari noong 2008 matapos ang isinagawang pagtataya noong Nobyembre 2007 kung saan nakita ang ilang polisiya ng lokal na aviation sector na mababa sa internasyunal na pamantayan -- ito ang naging dahilan kung bakit hindi makapagdagdag ng biyahe ang mga lokal na eroplano sa US.

Isa sa pangunahing isyu ang kawalan ng kwalipikadong tao na titiyak ng seguridad at kaligtasan ng air transport sector ng bansa. Ang malungkot, pumalag din ang European Union hingil sa significant safety concerns (SSCs) na naging dahilan upang pagbawalang lumapag at lumipad ang ating mga eroplano sa mga paliparan sa Europa.

At para lalong maiangat ang rating, kinuha ng pamahalaan ang serbisyo ng 22 retiradong mga piloto para magsilbi ng full-time bilang mga inspektor ng Flight Standards Inspectorate Service (FSIS).

***

Napag-usapan ang aksyon, mabilis ang pagresponde ng administrasyong Aquino at pagkakaloob ng emergency shelter assistance (ESA) sa mga pamilya na naapektuhan ng pagguho ng lupa sa isang liblib na lugar ng minahan ng ginto sa Compostela Valley.

Ipinapakita ng pamahalaan ang kahandaan nito na tumugon ng mabilis sa mga krisis, partikular sa distribus­yon ng ESA sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa halagang P5,000.00 kada biktima.

Bukod sa ESA at tuloy-tuloy na pagkakaloob ng mga pagkain, ipatutupad rin ng pamahalaan sa tulong ng DSWD ang tinatawag na self-employment assistance program para sa mga kwalipikadong mga residente na naapektuhan ng trahedya.

Dahil sa seryosong banta sa buhay ng mga residente roon, pinalakas ng pamahalaan ang tulong sa lokal na gobyerno, katulad ang paglilipat ng mga residente sa mas ligtas na lugar upang maiwas sa trahedya at sakuna.

Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, April 27, 2011

Responsable ka ba?
Rey Marfil

Mismong si Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson ang nagsabing karapat-dapat suportahan ng publiko si Pangulong Benigno ‘PNoy’ Aquino III sa layunin nitong maisabatas ang kontrobersyal na panukalang reproductive health (RH) o responsible pa­renthood kung nais nating umasenso ang Pilipinas.

Kahanga-hanga ang katapangan ni PNoy na isang Romano Katoliko sapul nang ipanganak, aba’y.

nakahandang ma-ex-komumikado para lamang maisulong ang pro-RH stand. Ewan lang kung kayang panindigan ng mga nagmamagaling na kritiko ng Pangulo ang bawat katagang lumalabas sa bunganga ng mga ito, maliban kung “nagpaparamdam” lamang kaya’t umaastang “Mr. Know All” kahit hindi alam ang isyu?

Malinaw na hindi basta uupo at manonood na lamang si PNoy habang nagugutom ang maraming pamilya dahil sa kabiguan ng mayorya sa mga mag-asawa na malaman ang mabigat na responsibilidad ng pagpapamilya -- ito ang unang dapat isipin ng mag-partner bago sumiping sa kama o kaya’y maghabulan at magtaguan sa “kasagingan”.

Hindi dapat mag-alala si PNoy, naniniwala ang mga kurimaw na maaari pa ring magkaroon ng direktang komunikasyon sa Diyos ang Pangulo para humingi ng tawad sa na­ging pagkukulang at manalangin ng mga biyaya sakaling hindi na mainit ang pagtanggap ng Simbahan dito.

Tumpak ang posisyon ni PNoy, malinaw ang suporta ng mas nakakaraming Pilipino, mapa-Social Weather Station (SWS) at Pulse Asia survey o kahit pa “magbahay-bahay” ang grupong kontra sa RH bill. Hindi lingid sa kaalaman ng publiko, maraming Pilipino lalo na ang tinatawag na informal settlers ang namamatay dahil sa gutom, kawalan ng sapat na atensyon ng mga magulang at hindi pagkakaroon ng access sa maayos na serbisyong pang-kalusugan.
***
Napag-usapan ang paglobo ng populasyon, nakakalungkot rin na maraming mga bata ang nabibilanggo sa kanilang murang gulang dahil sa pagkakasangkot sa maliliit at maging sa seryosong mga krimen -- ito ba’y natanong o napag-aralan ng Simbahan, sampu ng mga kritikong nagngangakngak lamang subalit walang alam sa data?

Simpleng “arithmetic” ang gustong ipaiintindi ni PNoy, dapat isentro sa matalinong diskusyon ang talakayan ng mga kritiko sa RH bill at iwasan ang walang basehan o hindi makatotohanang bintang dahil hindi naman talaga nagsusulong ng aborsyon ang panukala sa pamamagitan ng paggamit ng contraceptives katulad ng condom.

Ang reklamo ng mga kurimaw, bakit hindi na lamang hayaan ang pamahalaan na gawin ang kanilang tungkulin nang walang balakid katulad ng pagsusulong ng responsableng pagpapa­milya o pagtiyak na magkakaroon ng access ang mga mag-asawa sa natural, artipisyal at modernong pagpaplano ng pamilya.

Ika nga ni Mang Gusting, hindi ba isang mortal na kasala­nan kung hahayaan na lamang ng kinauukulan na maghirap ang mga pamilyang Filipino dahil sa kawalan ng tamang kaalaman na makapamili ng laki ng pamilya at kung papaano haharapin ang psychological at financial concerns ng pagiging mga magulang?

Sa kabuuan, mapalad tayong magkaroon ng isang matapang at prinsipyadong lider katulad ni PNoy na nakahandang maparusahan ng Simbahan dahil sa kanyang paninindigan para sa RH bill, as in nakakabilib ang determinasyon ni PNoy na sumuong sa balag nang alanganin upang magkaroon ng magandang kinabukasan ang maraming pamilyang Filipino.

Hindi ba’t responsibilidad natin ang tumulong na isara ang tinatawag na pabrika ng mga sanggol na responsable sa paulit-ulit na seryosong mga problema ng bansa katulad ng kriminalidad, kawalan ng trabaho at iba pa dahil sa kawala ng kahandaan sa pagpapamilya? Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, April 25, 2011

Dalawang mukha!
REY MARFIL


Dalawang overseas Filipino worker (OFW) sa iisang dayuhang bansa, dalawang mukha, magkaiba ng sitwasyon at magkaiba ng opinyon.

Para isang patas na pagbabalita, narito ang opinyon nina Allan Asuncion at Boy Colbi tungkol sa lomolobong bilang ng mga Pinoy workers sa ibang bansa.

Kayo ang humusga kung sino sa dalawang email sender ang nasa katwiran at higit nakakaunawa.

From: Allan T. Asuncion [:ASUNCIONAT@yanpet.sabic.com]
Sent: Wednesday, April 13, 2011 12:13 PM
Sagot sa email ni Boy Bolbi at sa’yo Pareng Rey.

Mas maganda kung pinagsama nga ‘yung survey tungkol sa palpak ni Pareng Noynoy at ‘yung car niyang Porsche. Dahil kung hindi pinaghiwalay ‘yung dalawa siguro bagsak na bagsak ang rating ng Pareng Noynoy at lalo na itong darating na araw babagsak ang rating niya dahil sa walang control sa pagtaas ng bilihin. Karamihan sa mga sinasabi publicity at pawang mga kasinungalingan.

‘Di ba nu’ng nakaraang election naligaw ng landas ang mga botante dala ng mga surveys na ‘yan?

Naloko sila akala nila gaganda ang buhay nila, ‘yun pala lalong maghihirap.

Isa pa Pareng Rey ‘di ba napakapangit na ang isang lea­der natin nag-e-expect siya sa ibang bansa para magkaroon ng trabaho itong mga kababayan natin. Ibig sabihin n’un walang trabaho sa atin at napaka-inconsistent ‘yung mga balita. Kaya ang tawag diyan, gutom sa ‘Pinas.

Para malaman mo rin na noon kukonti lang ang nagmumura, ngayon dumami na. Siguro mga 10 times na dala ng kahirapan, sobrang kahirapan ng ‘Pinas, lalong naghirap.

Sabi nga ni Mike Enriquez (dzBB commentator) nagkaloko-loko na. Thanks
Allan T. Asuncion
Secretary, Operations
Saudi Yanbu Petrochemical Company
A SABIC Affiliate
Yanbu Industrial City 41912 Saudi Arabia
+966 (4) 321 4234F
+966 (4) 321 4272E
ASUNCIONAT@yanpet.sabic.com

***

Narito naman ang opinyon at tugon ni Boy Colbi kay Allan Asuncion kaugnay sa performance ni PNoy, maging sa dumaraming bilang ng mga OFW’s -- ito’y ipinadala sa inyong lingkod nakaraang April 23 (Black Saturday). Katulad ni Mr. Asuncion, si Boy Colbi, nagta-trabaho sa Saudi Arabia.

Kaibigang Allan,

Magandang umaga po. Sa palagay mo ba kabayan si Pa­ngulong Aquino ang nagpapataas ng mga bilihin? ‘Di mo ba alam na mula pa noong panahon ni Pangulong (Ferdinand) Marcos hanggang ngayon ay talagang pataas ng pataas talaga ang halaga ng mga bilihin?

Kung ikaw ang tatanungin, mas gusto mo ba ‘yong pamamahala ng dating Pangulong (Gloria) Arroyo na kinukunsinti ang corruption? ‘Di ba ang pamahalaan ngayon ni Pangulong Aquino ay ayaw konsintihin ang mga corrupt at hinahabol ngayon ang mga ninakaw noong mga nagdaang administrasyon?

Tungkol naman sa pagtatrabaho natin sa ibang bansa, ‘di ba matagal nang nangyayari ‘yon kapanahunan pa ng da­ting Pangulong Marcos? Bakit gusto mo yatang isisi kay Pa­ngulong Aquino ang pangingibang-bansa ng mga Pilipino?

Tungkol naman sa paghihirap ng mga tao sa ating bansa, kasalanan ba ni Pangulong Aquino ‘yon? ‘Di mo ba alam na naging Pangulo si Noynoy Aquino talagang mahihirap na dati sila.

At kaya sila mahihirap kasi hindi nakapag-aral.

Hindi pinag-aral ng mga nagdaang namuno sa ating bayan.

Tuwing eleksyon lang pinangangakuan ng libreng edukasyon pero kapag nakapuwesto na limot na ang pangako. Kinurakot na ang pera ng bayan.

Para sa akin kabayan, hindi pa pwedeng isisi kay Pa­ngulong Aquino ang paghihirap ng mga kababayan natin kasi wala pa nga siyang isang taon na nanunungkulan.

Hindi pa puwedeng ikumpa­ra ang kanyang performance sa mga nakaraang administrasyon.

Hintayin natin na makatapos siya ng panunungkulan bago natin hatulan ng bitay kung hindi niya ayusin ang kanyang panunungkulan. Okey ka ba diyan?

Ang gumagalang,
Boy Colbi
Petrocon - Al Khobar
ceferino.batalla@petrocon-arabia.com

Kayo ang tumimbang kung sino ang nasa katwiran.

Take note: Simple arithmetic kung bakit dumarami ang naghahanap ng oportunidad sa labas ng bansa kahit ma­laking sakri­pisyo ang pagiging estranghero sa lupain ng mga dayuhan -- lugmok sa kahirapan ang Pilipinas at lubog sa katiwalian -- ito ang minana ni PNoy sa mga da­ting nanungkulan at hindi pa nakakaisang taon ang Pa­ngulo sa Malacañang.

La­ging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, April 20, 2011

Mapalad tayo!
REY MARFIL

Mapalad ang Pilipinas sa pagkakaroon ng lider na katulad ni Pangulong Benigno ‘PNoy’ Aquino III, isang patunay ang pagpapalawig sa sakop ng fuel subsidy mula sa mga tsuper ng jeep at tricycle hanggang sa mga magsasaka at mangingisda -- isang patunay na walang ibang iniisip ang Pangulo kundi pagaanin ang buhay ng mga Pilipino.

Aminin o hindi ng mga kritiko ni PNoy, malaki ang maitutulong ng fuel subsidy na ipinagkaloob ng gobyerno para bawasan ang mga epekto ng walang humpay na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo, mapapagkain o sektor ng transportasyon.

Ang dapat maunawaan ng mga Pinoy, kahit magta-tumbling at maglupasay si PNoy, walang kontrol ang gobyerno sa nangyayaring pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo -- ito’y likha ng mga nangyayaring kaguluhan sa ibang mga bansa kung saan pinanggagalingan ng krudo o petroleum products.

Kung susuriin ang sitwasyon, kapuri-puri ang ayudang ito para sa mga maliliit na sektor na nag-ugat sa magaling na desisyon ni PNoy, sampu ng kanyang gabinete, maliban kung sadyang bingi at patuloy na nagbubulag-bulagan ang mga kamote o sadyang likas sa katawan ang magmagaling para hindi mabokya sa “6 p.m. news”?

Sa ilalim ng programa, gamit ang Executive Order No. 32 na nilagdaan ni PNoy -- gagawing institusyon ang Public Transport Assistance Program (PTAP) o Pantawid Pasada program -- ito’y meron paunang P450 milyong alokasyon upang tulungan ang sektor ng transportasyon -- isang paraan upang mapagaan ang buhay ng mga driver at pamilya nito.

***

Napag-usapan ang pagpapagaan sa pasanin ng publiko, hindi ba’t nakakatuwang marinig mula kay Executive Secretary Jojo Ochoa na maglalaan ang administrasyong Aquino ng P4.2 bil­yon para gumawa ng 20,000 bahay sa mga kasapi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP)?

Take note: Maliit lamang ang suweldo ng mga pulis at sundalo kaya’t napalaking benepisyo ang isinusulong ng Pangulo para sa kabutihan at kagalingan ng mga manggagawa sa gobyerno?

Makatwiran lamang na maging benepisyaryo ang police at military personnel sa murang pabahay lalo’t madalas silang nalalagay sa peligro o alanganin ang kanilang mga sarili sa pagtupad sa tungkulin upang matiyak na nasusunod ang mga batas at namimintina ang kaayusan at kapayapaan sa bansa.


Napakagandang balita ang housing project sa AFP at PNP, ipinapakita lamang ni PNoy ang kanyang sinseridad na aksyunan ang isa sa mga hinaing ng mga pulis at sundalo -- ito’y nakaligtaan sa mahabang panahon at hindi nabibigyan ng solusyon.

Bagama’t may ilang sinserong pagtatangka na bigyan ng di­senteng pabahay ang mga pulis at sundalo sa nagdaang panahon, marami pa rin sa kanila ang rumerenta ng bahay o kaya’y naninirahan bilang informal settlers -- ito’y isa sa “special concern” ni PNoy kaya’t pinapaaral kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo ang magiging konkretong aksyon at solusyon.

Sa kaalaman ng publiko, nilagdaan ni PNoy ang Administrative Order No. 9 na lilikha sa AFP/PNP Housing Project para magkaloob ng permanentng pabahay sa mga pulis at sundalo, isang patunay na nasa tamang direksiyon ang gobyerno sa pagtingin ng interes at kagalingan ng mga manggagawa.

Anyway, inuulit ng inyong lingkod -- para makatulong ta­yong lahat, suportahan ang kampanya ng gobyerno na maitala ang Palawan Underground River bilang “New Natural Wonders of the World” -- ito’y isang paraan upang lumakas ang turismo at karagdagang oportunidad sa Pilipinas.

Kesa sayangin ang load para manloko ng kapwa at lumikha ng intriga, bakit hindi ipadala ang mensahe sa 2861, sa pamamagitan ng pag-text sa letrang PPUR (2861).

Kahit paano, ikaw ay nakatulong sa bayan.

Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, April 18, 2011

‘Di nagbibiro!
REY MARFIL

Sa lumalalang air pollution at climate change, hindi nagbibiro si Pangulong Benigno ‘PNoy’ Aquino III sa panawagang “i-boykott” at i-report ang lahat ng sasakyang mauusok ang tambutso, mapa-public utility vehicles (PUV) o private vehicles. Kaya’t bago masampolan, tigilan ang pagiging pasaway sa kalsada kada araw at hindi ito kailangan pang pagnilay-nilayan ngayong Semana Santa.

Mismong si PNoy, napansin na madalang pa sa patak ng ulan sa tag-araw kung masilayan sa gabi ang mga bituin sa kalawakan sa nagdaang panahon -- ito’y bunga nang walang habas na pagsira sa kapaligiran, pinakamalupit ang ibinubugang usok ng mga motorsiklo at iba pang uri ng mga sasak­yan. Hindi kailangang tumambay ng EDSA para maaktuhan kung gaano kapasaway ang mga motorista, as in mapapansin pagdungaw pa lamang sa bintana ang usok ng mga sasakyan, aakalain pang hamog sa Baguio at Tagaytay.

Malinaw sa pag-aaral at datos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), halos 80% ng polusyon sa Metro Manila -- ito’y kagagawanan ng mga motorista o motor vehicles. Ganito kalala ang polusyon sa kapaligiran, mapa-tubig o hangin at nakakalungkot isiping pinabayaan sa mahabang panahon ng mga “ex-occupants”. Mabuti lang, matapang at walang takot si Manila Mayor Alfredo Lim magpatupad ng batas, ‘di sana nakadagdag pa ngayon sa malaking air pollution problem ang naglipanang kuliglig sa Maynila.

Ang masakit sa lahat, kasapakat ang ilang tiwaling smoke emission testing centers kaya’t hindi nababawasan ang bilang ng mga sasakyang nagbubuga ng makapal na usok, hindi lamang sa National Capital Region bagkus sa iba pang bahagi ng bansa.

Take note: Mismong si PNoy ang nakapansin sa ganitong problema kaya’t hinigpitan ngayon ng Department of Transportation (DOT), sa pamamagitan ng Land Transportation Office (LTO) ang pagpapa-rehistro ng mga sasakyan, partikular ang pagko-comply sa Clean Air Act -- ito’y hindi kaka­yanin ni PNoy kung walang kooperasyon ang mamamayan.

Bagama’t bad news ang air pollution, maituturing pa rin good news ang gumagandang pollution index sa Metro Manila, alinsunod sa report ni DENR Sec. Ramon Paje. Kahit papaano, meron pagbabago, hindi man ganun ka-dramatic ang improvement, as in manaka-naka’y nasusulyapan ni RTVM director Lito Nadal ang mga bituin sa kalawakan, hindi dahil naumbag ng asawa kundi lehitimong stars ang nakita.

***

Napag-usapan ang gumagandang pollution index, maraming good news na ginagawa ang pamahalaan, ilan lamang sa mga “patotoo” ang dumaraming puhunang inilalagak sa bansa -- ito’y karagdagang oportunidad sa mamamayan, ka­tulad ang Convergys, isang napakalaking BPO entity sa buong mundo. Kung hindi nagkakamali ang Spy, tinatayang 30 libo ang empleyado ng Convergys at magbubukas bagong limang sites sa Pilipinas, pinaka-latest sa San Lazaro, Manila.

Maliban sa Convergys nangangailangan ng karagdagang 10 libong Pinoy workers, as in 2 libo kada sites, nagpalawak ng operasyon o negosyo ang 7-11 convenience store at Starbucks.

Take note: Tinatayang 50 libong workers mula sa iba’t ibang service categories ang kakailanganin ngayong taon, mapa-BPO o kaya’y construction, isang patunay na malaki ang tiwala ng mga negosyante kay PNoy, mapa-dayuhan o lokal.

Anyway, para makatulong tayong lahat, suportahan ang kampanya ng gobyerno maitala ang Palawan Underground Ri­ver bilang “New Natural Wonders of the World” -- ito’y isang paraan upang lumakas ang turismo at karagdagang oportunidad sa Pilipinas.

Keysa sayangin ang load para manloko ng kapwa at lumikha ng intriga, bakit hindi ipadala ang mensahe sa 2861, sa pamamagitan ng pag-text sa letrang PPUR (2861). Kahit paano, ikaw ay nakatulong sa bayan.

Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo”. (mgakurimaw.blogspot.com)

Friday, April 15, 2011

Walang nakikita!
REY MARFIL

Sa 10th Student Catholic Action of the Philippines (SCAP) National Leadership Conference ginanap sa St. Paul University, Malate Maynila, pinabaklas ni Pangulong Benigno ‘PNoy’ Aquino ang teleprompter at hindi binasa ang inihandang speech -- isang patunay na hindi marunong mambola at mula sa puso ang mga katagang binibitawan sa harap ng madla.

Ang biro ni PNoy, dalawang bagay lang kung bakit walang teleprompter sa Fleur de Lis Auditorium ng St. Paul University noong nakaraang April 11, araw ng Lunes: Una, hindi type ang ginawang talumpati at ikalawa, hindi pa ikinakasal ang kanyang magulang na meron Presidenteng humarap sa mga taga-SCAP kung kaya’t nais nitong gawing madamdamin at malaman ang bawat kataga.

Patok sa mga kabataang estudyante mula sa iba’t ibang catholic schools ang speech ni PNoy at tawanan ang audience nang magbiro ang Pangulo na, “tumanda na ito dahil Student Catholic Action” ang orihinal na pangalan ng SCAP at nadagdagan ng Plan. Maging sina Bishop Rolando Tirona (SCAP national chaplain), Higher Education Secretary Patti Licuanan, Bishop Tony Ledesma at Ms. Sonia Rocco, pa­nay ang palakpak, sampu ng madre at kaparian.

Simple arithmetic ang mensahe ni PNoy sa mga kabataang estudyante, kung nais makatulong sa pamahalaan, kailangan tahakin ang daang matuwid, ito’y idinaan ng Pangulo sa isang kuwento kung paano ang takbo ng kanilang pagpapalitan ng text messages ni Father Jett Villarin ng Society of Jesus - nangyari sa provincial trip, partikular sa Caga­yan. At siyempre, tawanan ang audience ng “pasimplehan” ni PNoy na mas matanda si Father Jett, as in ahead sa Ateneo.

Ang text ni Father Villarin, “kung may oras ka, dumaan ka muna dito sa Xavier University.” Ang sagot ni PNoy, “Father Jett, pasensya ka na lima ang lakad ko, ‘tong araw na ito. Napaka-limited ng oras.” Ang tugon ni Father Jett “Naunawaan kita. Talagang mahirap ‘yang buhay mong napasukan na ‘yan. Siguro ito na ang purgatoryo mo dahil didiretso ka na sa langit” -- ito ang gustong mangyari ni PNoy, ang masalba sa purgatoryong ipinamana ng nakaraang administrasyon.

***

Napag-usapan ang purgatory, unti-unting naiahon ni PNoy ang sambayanang Pilipino sa kumukulong kumunoy, isang patunay ang carnapping sa buong bansa. Hindi ba’t naibaba sa 200 kaso nakaraang 1st quarter, ito’y malayo sa 489 kasong naitala nakaraang taon sa kaparehong yugto, malinaw ang pagbaba ng 255 kaso, katumbas ang 47.8%?

Bagama’t hindi sinasabi ni PNoy na natanggal ang carnapping, alinsunod sa kanilang pag-uusap ni DILG Secretary Jess Robredo, siguro naman hindi masamang i-appreciate o kilalanin ng publiko ang pagsusumikap ng gobyerno para maibangon at maisaayos ang bansa.

Sa motorcycles, bumababa ng 52.94% ang kaso ng carnapping. Kaya’t hindi masisi ni PNoy si Sec. Robredo kung mag­litanyang, “Ang hirap ho dito, marami tayong nagagawa pero ‘yung isang insidente lang, ‘yung pagka-kidnap doon sa anak ni Atty. Lozano, eh para bang sira na ang buong programa.”

Ang bakbakan sa pagitan ng Ombudsman, ito’y isa pang patunay kung gaano kaseryoso si PNoy upang maibalik ang magandang imahe ng militar. Ang kaso ni retired General Rodolfo Garcia ang isang buhay na halimbawang ibinigay ng Pangulo sa mga estudyante para ipaiintindi kung anong uri ng paglilinis ang ginagawa ng pamahalaan, dangan lamang meron nakaharang.

Ika nga ni PNoy, alinsunod sa kanilang pag-uusap ni DOJ Secretary Laila De Lima, “Ano pa bang ebidensya ang kailangan? Itong si General Garcia nag-alok ng higit P120 million pesos, isosoli raw sa gobyerno.” In-accuse kasi siya na over P300 million ang kanyang pina-plunder.

Dapat ba tayo magpasalamat doon sa Ombusman na nakabawi tayo ng over 120 million?

“Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.”(mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, April 13, 2011

Tama ba ang survey?
REY MARFIL


Maraming hakbang na ginawa si Pangulong Benigno ‘PNoy’ Aquino III upang agarang magkaroon ng trabaho ang ating overseas Filipino workers (OFWs) na naipit ng mga kaguluhan sa ibang bansa -- isang good news ang hatid ng Atlantic Gulf & Pacific Co. of Manila (AG&P) na nagsimulang kunin ang serbisyo ng engineers, welders, at mechanics – ito’y personal na kinausap para tulungan ang OFWs na nawalan ng trabaho.

Nakuha ng AG&P ang kontrata sa Bechtel (BEK tl) para sa konstruksyon ng liquefied natural gas facility sa Australia kung saan magtatrabaho ang OFWs. Ibig sabihin: Lalong tumitingkad ang mabuting hangarin ng pamahalaan na matulungan ang interes at kagalingan ng mga OFW’s at isang matinding patunay na pinapangalagaan ni PNoy ang mga Filipino.

Sa kaalaman ng publiko, isang American company ang Bechtel na may kinalaman ang operasyon sa engineering, konstruksyon at meron dose-dosenang mga proyekto sa iba’t ibang lokasyon sa mundo, mula Alaska hanggang Australia -- itoy naglagak ng $10 bilyong proyekto at nakakuha ang Bechtel ng paunang $130 milyong puhunan at aabot sa 4,000 Pinoy ang kakailanganin dito.

At sa hangaring pagkalooban ng maayos na serbisyong pangkalusugan ang mga mahihirap nating mga kabayayan sa buong bansa, kinuha ni PNoy ang serbisyo ng 10,000 bagong registered nurses -- ito’y isang pagtiyak sa “commitment” ng pamahalaan na itaas ang kalidad ng serbisyong pang-kalusugan sa mga mahihirap na komunidad, katulad ng medical consultations at routine check-ups.

Upang matiyak ang tagumpay ng programa, ipinasisi-guro ni PNoy na dapat ikalat ang 10,000 bagong registered nurses sa mga lugar kung saan mataas ang antas ng kahirapan. Maliban sa inaasahang pagkabawas ng malaking bilang ng nurses na walang trabaho, malaki ang maitutulong ng suweldo sa kanilang mga pamilya.

Maging ang problema sa negatibong epekto sa walang humpay na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo na isang pandaigdigang krisis ngayon -- ito’y ginawan ng paraan ni PNoy kahit walang kontrol ang pamahalaan dito, sa pamamagitan ng pagpapalawak sa sakop ng fuel subsidy.

Naunang inaprubahan ni PNoy ang P500 milyong fuel subsidy para sa mga pampublikong jeep at tricycles sa ha-ngaring mabawasan ang epekto ng serye ng pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo na nakakabawas sa kita ng mga tsuper. Ang pinaka-latest, posibleng maisama ang iba pang mga apektadong sektor, tulad ng mga magsasaka at mangingisda na gumagamit ng mga produktong petrolyo sa kanilang hanapbuhay.

***

Napag-usapan ang oil price hike, isang Pinoy workers mula sa bansang mayaman sa langis (Saudi Arabia) ang nag-email sa inyong lingkod at hindi kumbinsido sa sistema ng survey ginagawa ng Social Weather Station (SWS). Ang tanong ni Boy Colbi -- Tama ba ang paraan ng survey lalo pa’t pinagsama ang performance at kapalpakan ng administrasyon?

Mr. Spy,

Good morning sir. Sa palagay n’yo po ba ay tama ang paraan ng pag-survey ng Social Weather Station (SWS) na pagsamahin ang Performance at ang Kapalpakan, (kung masasabi nga na kapalpakan ang pagbili ng kotse ni PNoy)? Sa palagay ko po dapat hiwalay ito. Ano naman ang kinalaman ng pagbili niya ng kotse na gamit naman niya ang sariling pera. Nakabawas ba ‘yon sa performance niya?

At may nagutom bang Pilipino dahil doon?

Sa palagay ko lang mag-survey sila ng hiwalay tungkol sa Performance at mag-survey din sila tungkol sa Kapalpakan. Kung sa labada hiwalay ang puti sa mga may kulay. Ano sa palagay mo kabayan?
Regards,

Boy Colbi (ceferino.batalla@petrocon-arabia.com

Petrocon - Al Khobar

Kayo ang humusga at tumimbang sa obserbasyon ni Boy Colbi, nawa’y bukas ang SWS management dito. Laging tandaan: Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo”. (mgakurimaw.blospot.com)

Monday, April 11, 2011

“Sakay sa init”
REY MARFIL

Asahang sasakay ang mga kritiko ni Pangulong Benigno ‘PNoy’ Aquino III para banatan ang gobyerno sa resulta ng pinakabagong Social Weather Stations (SWS) 1st Quarter survey na isinagawa mula Marso 4 hanggang 7 na nagsabing 20.5% ng respondents ang nagutom isang beses sa loob ng nakalipas na tatlong buwan at 51% ang ikonokonsidera ang kanilang mga sarili na mahirap.

Hindi dapat malito ang publiko sa pamumulitika ng ilang naninira sa pamahalaan dahil labis ring naka-apekto sa serye ng mga paghihirap ngayon ang mataas na presyo ng krudo sa world market o pandaigdigang merkado dahil sa nagaganap na mga kaguluhan sa ibang bansa, as in walang kontrol ang pamahalan dito, maging pinakamakapangyarihang world leader -- isama n’yo pa si US President Barrack Obama o sino pang hari at reyna ng Britanya at Saudi Arabia.

Ibig sabihin, napaka-importanteng maging matalino ang mga tao at mabigyan ng gabay dahil ginagawa ni PNoy ang lahat para maiahon ang mga Pilipino sa kahirapan -- ito’y hindi puro dakdak, maliban kung hindi marunong magbasa ng good news ang mga kritiko o sadyang bulag sa katotohanan at puro intriga sa lovelife ang pinagdidiskitahan?

Ilan lamang sa good news -- ang anti-poverty program ng gobyerno na P21-bilyong Conditional Cash Transfer (CCT) na mayroong 1.4 milyong benepisyaryo sa buong bansa. Take note: Libu-libong pamilya ang nakinabang, ‘yun nga lang hindi pa nahahagip sa random survey ng SWS kaya’t negative ang arrive.

***

Napag-usapan ang survey, siguradong magiging iba ang resulta ng SWS kung nagmula ang mayorya ng respondents sa Visayas at Mindanao kung saan matatagpuan ang karamihan ng mga nakikinabang sa CCT. Pero pangunahing natanong sa hanay ng respondents ang mga nakatira sa Luzon, kabilang ang National Capital Region (NCR) kung saan 60,000 hanggang 65,000 lamang ang mga benepisyaryo ng CCT sapul noong Marso 2011.

Sa simpleng explanation, ayokong isiping nabigo ang survey na parehas at makatotohanang maibigay ang aktu­wal na bilang ng mga taong tunay na nakinabang sa anti-poverty program ng pamahalaan. Sa kaalaman ng publiko, sinadya ng pamahalaan na unahin sa CCT program ang pinakamahihirap na mga lugar sa Visayas at Mindanao, partikular sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), Caraga, Samar at Leyte. Kakaunti lamang ang bilang ng mga nakinabang sa NCR at Luzon kung saan naman nanggaling ang maraming respondents.

Sa katunayan, walang ibang inisip si PNoy kundi kapa­kanan ng mahihirap, patunay ang nilagdaang kautusan upang pagkalooban ng P500-milyong ayuda o subsidiya ang jeepney at tricycle drivers na nahihirapan sa mataas na presyo ng mga produktong petrolyo at maaring makinabang kinalaunan maging ang magsasaka at mga mangingisda.

Hindi lang ‘yan, todo-kayod rin si PNoy para personal na makiusap sa mga malalaking kompanya na kunin ang serbisyo ng mga Pilipinong propesyunal at overseas Filipino workers (OFWS) lalo na ang mga natamaan ng kaguluhan sa ibang bansa katulad ng ginawa nitong pakiusap sa executives ng Atlantic Gulf & Pacific Co. of Manila (AG&P) para saklolohan ang mga Pilipino.

Ginagawa ni PNoy ang lahat para mahanapan ng solus­yon ang mga problema na iniwan ng dating administrasyong Arroyo na pinalala ng pandaigdigang krisis sa langis. At bilang tulong sa mga dumaraming nurse graduates na tambay.

Kamakailan lang, ipinakita ni PNoy ang kanyang mala­king puso sa mga mahihirap nang atasan ang mabilis na pagkakaloob ng maayos na serbisyong pang-kalusugan sa mahihirap na mga komunindad sa buong bansa sa pamamagitan ng pagkuha sa serbisyo ng 10,000 bagong nurse kaysa nga naman dumami ang tambay sa bahay.

Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo”. (mgakurimaw.blogspot.com)




Friday, April 8, 2011

Mahigpit ang NFA
REY MARFIL

May ilang mga talunang rice traders sa nakaraang bidding ng National Food Administration (NFA) para sa 600,000 metric tons ng imported na bigas ang nagrereklamo dahil sa umano’y hokus-pokus sa subasta ng nakaraang Marso 23.

Kabilang sa mga nagrereklamo ang mga “favored rice traders” ng nakaraang administrasyon sa pangunguna ng anak ng isang kilalang miyembro ng rice cartel sa bansa na minsan nang naimbestigahan ng Senado sa ilalim ng gobyerno ni Pangulong Cory Aquino.

Partikular na inirereklamo ng mga luhaang rice traders ang masyadong mahigpit na bidding rules ng NFA na anila’y mahirap matugunan at hindi maganda para sa isang open competition.

Pero kung susuriin ang mahigpit na “instruction to bidders” na inilabas ng Bids and Awards Committee ng NFA -- makikitang kailangan ang ganitong panuntunan at polisiya para tiyaking patas ang pagsasagawa ng subasta.

May nakausap si Mang Gusting na miyembro ng NFA-BAC at ito ang mga sinabi sa ating mga dahilan kung bakit mahigpit ang tinatawag na terms of reference o TOR:

Una, masigurado na ang mananalong bidder ay susunod sa mga obligasyon ng pag-deliver sa Pilipinas ng volume of rice na kailangan, katulad ang pagsigurado sa financial capabi­lity ng mananalong bidder.

Ikalawa, tiyakin na ang bidder ay isang legitimate business entity at hindi isang front organization lamang.

Ikatlo, magpatupad ng mga mabibigat na penalties kung sakaling magkaroon ng default at ang pag-produce ng certification or warranty galing sa isang foreign source na magsasabi na ang bidder ay mabibigyan ng rice requirements kung mabibigyan ito ng contract.

Ang ika-apat na layunin ay para matiyak na walang partikular na grupo ang mag-momonopolyo ng volume of rice para sa importasyon.

Ayon sa tagapagsalita ng NFA-BAC si Atty. Gilbert Lauengco, para matiyak na ang mga objectives ay masusunod -- ang lahat ng bidders ay obligadong magbigay ng mga documentary requirements na nagpapakita ng compliance with registration at payment requirements sa lahat ng ahensya ng gobyerno.

Idinagdag pa ni Lauengco na ang ITB (Instruction to Bidders) ay biased sa pabor ng lehitimo at financially capable business entities.

***

Napag-usapan ang paghihigpit, isa pang inirereklamo ng mga talunang bidders ang pagiging masyadong maikli ng oras para makapag-comply sa lahat ng documentary requirements ng bidding process.

Ang sagot dito ni Lauengco -- ito’y bahagi ng competitive process sa isang public auction ay ang pagbibigay ng bid documents sa isang given deadline dahil ito ay nagpapakita ng organizational at financial preparedness ng isang bidder.

Ang isang bidder ay evaluated hindi lang sa basis ng kanyang financial offer kundi pati rin sa kanyang compliance sa mga legal and technical issues na nagpapakita ng organizational, legal at financial capability sa offer niya.

Isang importanteng portion ng documentary requirements ay available sa mga files ng mga legitimate business organizations tulad ng income tax returns, Mayor’s permit, certificate of registration, etc.

Ika nga ni Lauengco, kung ang isang prospective bidder ay hindi makapag-bigay ng mga proper legal documents sa binigay na deadline, ang NFA ay maniniwala na ang bidder na ito’y hindi lehitimong business entity na puwedeng mag-comply sa requirements ng batas.

Sa totoo lang, ang mga rice importation, ito’y dapat nasa bansa natin, sa simula ng “lean season”, partikular sa mga buwan ng Hulyo hanggang Setyembre habang ang isinagawang bidding process naganap noong Marso 23 o merong tatlong buwang overdue.

Dapat sana’y nagsimula ang bidding noong Disyembre 2010 ngunit dahil sa pagtasa ng mga prayoridad at programa, kasama na rito ang NFA roadmap at mga debate sa private vs. government rice importations ng bagong administrasyon -- hindi nasagawa nang mas maaga ang bidding process.

Ang mahigpit na bidding rules ng NFA ay bahagi ng mga reporma na isinasagawa ni Administrator Angelito Banayo at ito’y batid ng Malacañang kaya nga puring-puri ni Pa­ngulong Benigno ‘PNoy’ Aquino III ang NFA bilang isa sa mga nangungunang ahensya na tumatahak sa daang matuwid.

Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, April 6, 2011

Trustful
Rey Marfil

A total 135 rebel soldiers implicated in the attempted mutiny or revolt the previous administration entered the amnesty program offered by the Aquino administration, most with retired Marine Col. latest. Ariel Querubin - running and losing senatorial ticket of Senator Manuel Villar Jr.., Last 2010 elections.

So expect magpuputok the craw of the 'ex-housemates' in the palace because the combined free heater it.

The turning to the government of the rebel soldiers, such as by Cherubim and senator Antonio Trillanes IV, a proof how trust President Benigno 'PNoy "Aquino III of the public.

Try to flash back to events in the last 2010 election, did not belong PNoy of the Cherubim, and most other presidential candidate is supported by the group of Trillanes, Magdalo soldiers in particular.

In total 135 individual soldiers and a minced oath of allegiance to the government, 37 the officer, 98 enlisted personnel and 2 overseas applicants here. Clearly the message of Querubin -

"I am so grateful to the present administration for trying to correct the injustices and evils of the past administration and giving me the opportunity to once again be part of mainstream society and partner in nation-building."

In short explanation, nor PNoy corrected all errors and lack of previous justice administration.

***

Discussed the trust, another proof the 2x82 megawatt coal-fired power plant in Panay Island how much trust the public to PNoy, tens of foreign investors.

PNoy inaugurated last Friday by the coal-fired power plant expected source of prosperity in the province.

Note: Not now during the "Cro Magnon" decent power system so the main reason and capital of a province to attract foreign investors.

The pinasinayaang coal-fired power plant in La Paz Iloilo - it's ownership of Panay Energy Development Corporation (PEDC).

Not only a great help in Iloilo City the new plant but the whole Panay Island - a signal and major challenges in the Visayas grid, similar to the detection of new renewable energy resources especially that heating oil as the Middle East the commotion.

Breaking-even reverse the situation, power supply or electricity and still symbolizes the foundation of prosperity in every province.

Ie, the absence of electrical slow in the promotion so huge boost to the economy and society the new coal-fired power plant in Panay Island, unless you want to revert to the ancient system of living critics of PNoy, using lamp and lamp?

No joke injected capital of Panay Energy Development Corporation in Panay Island - it is worth P20 billion.

So much confidence of entrepreneurs in the Aquino administration and because no kiyemeng spend on straight paths believe the President and not passed on or turn suddenly drawn to tubohan of sinu-who mokong.

As evidence of good effects of coal-fired power plant and the great confidence of traders with PNoy, twenty-three hotels to open in the Visayas region this year - it further 1200 rooms.

The opened coal-fired power plant in Iloilo - it uses modern technology or circulating fluidized bed (CFB) technology boiled.

In simple explanation of experts - clean coal technology since the CFB boiler ibinubugang less carbon (95%) and removes the sulfur dioxide, as in almost no nitrogen oxide.

More importantly, 99% of the solid particles absorb it.

That po'y "readable and have learned" by director Paolo Mard Spirit of Natural Science (NatSci 1) subjects in the study at Trinity College.

Always remember : "Children fool me and I am the Spy Monkey." (Mgakurimaw.blogspot.com)



Monday, April 4, 2011

‘Di napapansin!
REY MARFIL

Simple arithmetic kung bakit bumaba ang net satisfaction rating ni PangulongBenugno ‘PNoy’ Aquino III, alinsunod sa survey ng Social Weather Station (SWS) -- ito’y manipis ang mukha at hindi marunong magbuhat ng silya.

Subukan n’yong mag-ikot, simulan sa Metro Manila hanggang kasuluk-sulukan ng Luzon, Visayas at Mindanao, walang makikitang tarpaulin ni PNoy sa national road, kabaliktaran sa nakagisnan ng publiko sa mahabang panahon.

Maging sa lahat ng provincial trip, kahit welcome banner, bihirang makitang nakaladlad sa national road at airport, maliban kung sobrang sipsip ang local officials na binisita.

Ganito ang sitwasyon ngayon sa bagong administrasyon -- hindi makapal ang mukha ng mga nakaupo sa pamahalaan at kailanman hindi binubuhat ang sarili para ipaalam sa publiko kung ano ang nagawa sa nagdaang sampung buwang panunungkulan.

Bagama’t inirerespeto ni PNoy ang kalayaan sa pamamahayag at hindi maaring saklawan ang interes ng bawat isa, hindi rin masisisi ng iba’t ibang media organization ang Pa­ngulo kung mag-emote, katulad nangyari sa isang ambush interview sa Iloilo.

Ika nga ni Mang Gusting -- mas madalas pinag-uusapan ang bad news at hindi nabibigyan ng espasyo ang magagandang ginagawa ng Pangulo -- isang rason kung bakit bumaba ang satisfaction ratings ni PNoy sa pag-akala ng publiko na walang ginagawang mabuti ang gobyerno nito.

***

Napag-usapan ang good news -- sa malamang hindi pa rin alam ng publiko na nabawasan ang rice deficit ngayong taon.

Ang 1.3 milyong toneladang bigas na kakulangan sa supply -- ito’y matatakpan sa loob ng tatlong taon dahil itinuwid ng Department of Agriculture (DA) ang ‘liko-likong sistema’ ng irigasyon.

At kahit pa pumasok ang bagyo at tag-tuyot, meron sapat na supply ng pagkain ang publiko, nangangahulugang gaganda ang ani at maayos ang kita ng mga magsasaka sa repormang ipinapatupad ni PNoy.

Sa maikling panahon, marami ang nakasuhan, nahuli ang pumatay sa mga journalist, ipinatigil ni PNoy ang nagmamantikang benipisyo at allowances ng mga big boss sa government and controlled corporation (GOCC’s) kaya’t malaking salapi ang natipid ng gobyerno. Isang malaking kalokohan kung galit kay PNoy ang publiko dahil sa ginawang reporma nito, maliban kung sadyang hindi matanggap ang resulta ng 2010 election kaya’t hindi makapag-move on.

Kahit pagbabali-baliktarin ang sitwasyon, hindi magagalit kay PNoy ang 400 libong pamilyang nabigyan ng financial assistance, sa ilalim ng conditional cash transfer (CCT) fund o Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang tanong ng mga kurimaw: Sila ba’y natanong sa survey?

Take note: Napakaraming ‘landmines’ na iniwan kay PNoy at nagkataong hindi makapal ang mukha kaya’t hindi naibabalita ang magagandang ginagawa nito.

Hindi rin siguro galit kay PNoy ang sampung libong nurse na ipakakalat sa bawat baranggay -- isang paraan ng gobyerno para bawasan ang dumaraming nursing graduates o board passers na nakatambay sa bahay at walang mapasukan.

At lalong hindi magagalit kay PNoy ang dalawampung libong pamilyang mabibigyan ng murang pabahay sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippines National Police (PNP), aba’y P200.00 lamang ang monthly amortization.

Nakaraang March 31, karagdagang apat na libong trabaho ang ipinangako ng AG&P kay PNoy at prayoridad ang mga nawalan ng trabaho sa bansang Libya subalit iilan lamang ang nakapansin sa magandang balita, katulad din ang pa­ngangailangan ng 20 libong nurse ng isang dayuhang kumpanya.

Kaya’t hindi masisi si PNoy kung mag-emote at maglintanyang, “Kailangan sigurong pakapalin namin ng kaunti (mukha) at purihin naming sarili namin paminsan-minsan.

Para malaman naman ng taumbayan na meron talagang nangyayari”.

Laging tandaan: Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo”. (mgakurimaw.blogspot.com)

Friday, April 1, 2011

Ang batas ay batas!
REY MARFIL

Hindi pa rin nagbabago ang pulso ng publiko -- nanatiling No. 1 si Senator Francis ‘Chiz’ Escudero -- ito’y nakakuha ng 82% approval ratings, alinsunod sa survey ng Pulse Asia, may petsang February 24 hanggang March 6, kabuntot si Senator Mi­riam Defensor-Santiago (79%).

Pasok sa “Top 5” sina Senate pro-tempore Jinggoy Estrada (75%); Senators Franklin Drilon at Loren Legarda -- nagtabla sa 70% awareness ratings. Malinaw ang pagbabago ng mga numero kapag ikinumpara sa mga nagdaang approval ratings ng mga incumbent senators.

Ilan pang pumasok sa Magic 12 -- sina Senators Alan Ca­yetano (69%); Senator Sonny Trillanes IV (68%); majority leader Tito Sotto III (67%); Senator Serge Osmeña III (64%); Se­nator Gringo Honasan (61%); Senator TG Guingona III (61%); Senate President Juan Ponce Enrile (60%); at Senator Bongbong Marcos (55%).

Sa labing-dalawang nabanggit, karamihan dito’y kauupo lamang noong nakaraang 2010 national election. Ang re-electionist ngayong 2013 mid-term election -- sina Escudero, Cayetano, Trillanes at Legarda -- kapwa nakasama ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino sa Genuine Opposition (GO) ticket noong 2007 mid-term election habang ‘nag-lone ranger’ si Gringo.

Nakaraang 2007 election din nadisgrasya ang career ni Sotto, maging si Senator Ralph Recto -- parehong tumakbo sa ticket ni Mrs. Arroyo at pareho rin umuwing luhaan ang mga ito.

At noong 2010 polls, naiba ang kuwento, nanalo si Recto sa ticket ng Liberal Party (LP) ni PNoy habang independent si Sotto.

Sa simpleng explanation at hindi kailangan pang hingin ang opinion ng mga nagpapakilalang political analyst o eksperto -- si Escudero ang ‘man to beat’ sa 2013 mid-term election at posibleng magtuluy-tuloy sa 2016. Kaya’t asahang ‘doble-sipag’ si Kuya Jose, as in Jinggoy lalo pa’t pambato ng Puwersa ng Masang Pilipino (PMP), depende sa magiging pagkilos ni Vice President Jojo Binay sa loob ng anim na taon.

***

Ilang minuto makaraang mabalitaan ang pagbitay ng pamahalaang China sa tatlong Filipino drug mules -- sina Sally Villanueva, Elizabeth Batain at Ramon Credo, walang sinayang na sandali si PNoy -- ito’y nagtungo sa Palace chapel upang mag-alay ng dasal at panalangin, kasama ang Church officials.

Ang grupo ni Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales na nagkataong bisita sa Premiere Guest House para bigyan-linaw ang posisyon ng gobyerno sa Reproductive Health (RH) Bill ang nakasamang magdasal ni PNoy sa Palace chapel, animo’y inadya ng Maykapal ang pagkakataon, ilang minuto makaraang iparating ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary (Assec) Ed Malaya sa Office of the President (OP) ang malungkot na balita via text message.

Sa kabuuan, hindi nagkulang ang administrasyong Aquino para isalba ang buhay ng tatlong Pinoy drug mules, patunay ang makailang-beses na pagliham ni PNoy sa Peoples Republic of China (PROC) upang ihingi ang pagbababa ng sentensiya at nagawa pang ipadala si VP Binay subalit pansamantala lamang ang kasiyahang ibinigay -- ito’y hindi lingid sa kaalaman ng karamihan lalo pa’t droga ang kinasasangkutan.

Bawat buhay, mahalaga kaya’t nakakalungkot ang sinapit ng 3 Pinoy workers sa China subalit, “Ang batas ay batas.

Malupit ang batas. At iyan ang batas”, as in walang ibang option ang Pilipinas kundi magmakaawa.

Masakit ang katotohanang nasasangkot sa illegal activities ang ilan nating kababayan para lamang umangat sa buhay -- ito nawa’y magsilbing leksyon sa karamihan.

Anyway, tiniyak naman ni PNoy na bibigyan ng scholarship ang mga naulila at magbabayad ang mga “mastermind”, as in bibigyan ng hustisya ang sinapit ng tatlo nating kababayan.

Ang hindi lubos-maisip ng mga kurimaw kung bakit sinisi si PNoy ng ilang “nagmamarunong” sa pamamalakad ng gobyerno gayong sa simula’t simula’y nalalaman kung anong taon hina­tulan ng parusang bitay at ano ang kanilang ginawa sa panahong “nagrereyna” sa pamahalaan?

Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)