Wednesday, March 23, 2011

Malinaw ang ebidensya!
Rey Marfil
03/23/2011

Sa harapang pagtatanong, hindi pa rin nagbabago ang approval and trust rating ni Pangulong Noynoy “PNoy” Aquino ito’y pinagkakatiwalaan ng tatlo (3) sa apat (4) na Pi­lipino at hindi nagsisinungaling ang ebidensya, malinaw ang resulta ng Pulse Asia survey, may petsang February 24 hanggang March 6 sa kabila ng samu’t saring pang-intriga at problemang kinaharap nito.

“No significant changes in the performance and trust ra­ting of President Aquino occur between October 2010 and March 2011 -- at the national level and in all geographic a­reas and socio-economic groupings” -- ito ang simpleng explanation ng Pulse Asia. Ibig sabihin: nanatiling mataas ang pagtitiwala ng publiko kay PNoy sa nagdaang siyam (9) na buwan at walang pagbabago sa October 2010 survey.

Nakapagtala ng pinakamataas na approval at trust ra­tings si PNoy sa Visayas region. Pumalo sa 75% hanggang 86% ang approval ratings ng Pangulo habang 75% hanggang 87% ang naitalang trust ratings, maging sa ‘socio-econo­mic groupings’, merong 78% hanggang 83% ang presidential performance nito.

Kapag sinuri ang approval ratings ni PNoy ngayong t­aon -- ito’y “naglalaro” sa 66% sa Metro Manila, 83% sa Visayas region habang 69% hanggang 80% sa tinaguriang “best of class ABC” at “poorest Class E”. Take note: nanatiling single-digit ang disapproval ratings ni PNoy sa national level -- ito’y nakapagtala lamang 7%.

Hindi lang iyan, maging sa iba’t ibang geographic areas -- ‘naglalaro’ lamang sa 4% hanggang 9% ang disapproval ra­tings ni PNoy habang 5% hanggang 8% sa socio-econo­mic groupings. At kapag sinuri ang majority trust ratings sa lahat ng geographic areas -- nagtala ng 69% hanggang 84% si PNoy habang 71% hanggang 78% sa socio-economic classes.

Pinakamataas ang approval ratings ni PNoy sa usapin ng paglaban sa graft and corruption -- ito’y nakapagtala ng 56%; paglaban sa kriminalidad (54%) at pagpapalakas sa natio­nal peace situation (53%). Sa simpleng arithmetic: epektibo at tiwala ang nakakaraming Pilipino sa slogan nitong “Kung walang corrupt, walang mahirap” at “Daang Matuwid”.

Isinagawa ang survey sa panahong mainit ang usapin sa impeachment proceedings laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez; plea bargaining agreement na pinasok ni retired general Carlos Garcia; diplomatic row sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan; pagsagip sa tatlong (3) Pinoy na bibitayin sa China; 25th anniversary ng EDSA revolution; evacuation ng mga Pinoy workers sa Libya at earthquake sa New Zealand.

***

Napag-usapan ang krisis sa Libya, merong sapat na pondo ang gobyerno para ilikas ang mga Pilipinong naiipit sa giyera, as in hindi isyu kay Budget and Management (DBM) Secretary Butch Abad ang pera -- ito’y merong inilaang P729.2 mil­yon. Ang problema, katigasan pa rin ng ulo ang rason kung bakit hindi agarang mailikas bago naganap ang pangbobomba. Hindi rin katwiran ang isyung mapanganib ang daan pala­bas ng Libya sa panahong ipinapatupad ang voluntary evacuation dahil nakalabas ang karamihan, maliban kung duwag?

Mapa-television, radyo at peryodiko, malinaw ang ba­lita -- maraming Pinoy workers ang nagpaiwan sa pag-aakalang huhupa ang tension sa Libya at ngayong lumala ang gulo at umuulan ng mortar at bala, saka hinahanap ang tulong ng pamahalaan, maliban kung gusto pang pabuhat kay DFA Secretary Albert Romulo para isakay sa mga barko at bus.

Anyway, ipinakita ng mga kongresista ang katapatan sa sinumpaang tungkulin at pagiging independent. Sa bisa ng 210 votes, tuluyang iniakyat sa Upper House ang reklamo laban kay Gutierrez at hindi nagpasulsol ang tropa nina Cong. Niel Tupas at Cong. Rudy FariƱas sa kabila ng samu’t sa­ring pang-iintriga bago ang botohan, katulad ang alegasyong marami ang nananakot at nakikialam para paboran ang pagbasura. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.”

(mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: