Sa taong 2011, inaasahang kikita ng $13 bilyon ang Information and Communications-Business Process Outsourcing (IT-BPO) at maaaring pumalo ng $100 bilyon sa taong 2020, katumbas ang 20% market share sa pandaigdigang industriya -- ito ang malaking rason kung bakit nag laan ng P62 milyon si Pangulong Benigno ‘PNoy’ Aquino III sa public-private partnership (PPP). Sa inauguration rites ng tatlong bagong pasilidad ng IBM-Philippines sa UP-Ayala TechnoHub, Commonwealth Avenue, Quezon City, malinaw ang mensahe ni PNoy -- binawasan ng IT-BPO sector ang dumaraming tambay sa kanto, patunay ang nalikhang 650 libong trabaho noong 2009 at $9 bilyong kinita dito. Kundi nagkakamali ang mga kurimaw, dinidedma lamang ang IT-BPO sector noong 2001 subalit ngayong panahon, magiging back-office sector -- ito’y kumuha ng 86 na libong tauhan sa IT-BPO sector at humigit-kumulang 40 libo ang nakapasok sa IT outsourcing ngayong taon. Take note: 10.2% ang naiambag ng IT-BPO sector sa service sector noong 2009 -- ito’y binubuo ng 49.5% sa gross domestic product (GDP) at ngayong 2nd quarter, pumalo sa 3.2%. Malinaw ang pakay ni PNoy -- ipagpapatuloy ng gobyerno ang paglinang sa IT-BPO sector at nasa kamay ngayon ng Commission on Information and Communications Technology (CICT) ang bola. Kung gaano kaseryoso si PNoy sa IT-BPO sector, malinaw ang inilaang P62 milyon sa Business Processing Association ng Pilipinas (BPAP), sa pamamagitan ng PPP program. Nasa ilalim ng kasunduan ng BPAP at CITC ang BPAP Talent Caravans, Pilot Plan ng National Competency Assessment Test (NCAT) ng Entry-Level BPO Talent; Expanded Learning ng IT Services (ELITES), Teacher Training at Capacity Building sa Health Information Management Outsourcing Industry -- katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). *** Napag-uusapan ang partnership, napakagandang ehemplo ang pagkakapit-bisig ng Department of Energy (DOE) at Renewable Energy Coalition (REC) upang paunlarin ang renewable energy sector lalo pa’t kinakapos sa power supply ang Pilipinas -- ito’y nagpatawag ng 2-day Renewable Energy Conference sa Dusit Thani Hotel, simula Disyembre 2 at pangunahing paksa ang mga polisiya at aksyon. Simula ng maisabatas ang Renewable Energy Act noong 2008, ngayon lamang naging seryoso ang energy department, sa ilalim ng pamamahala ni Secretary Rene Almendras -- ito ang pinakamalaking pagtitipon ng mga stakeholders na pinangangasiwaan ng Renewable Energy Coalition. Mantakin niyo, tinatayang 247,00 megawatt ng renewable energy ang hindi nagagamit ng Pilipinas, alinsunod sa pag-aaral ng US National Renewable Energy Laboratory. Kung pag-uusapan ang renewable energy, hindi lang napag-iiwanan sa ‘kamotehan’ ang Pilipinas kundi na baon sa burak -- ito’y isa sa global community o 100 bansa na sumumpa at nangakong magsusulong ng renewable energy subalit pupugak-pugak ang energy system. Hindi lang iyan, No. 2 sa pinakamalaking producer ng geothermal energy sa buong mundo ang Pilipinas subalit nakakalungkot isiping kinakapos sa power supply. Noong nakaraang taon, bumaba sa 42.13% mula 45.58% noong 2001 ang renewable energy shares, ma ging ang power generation -- ito’y bumagsak sa 32.5%, malayo sa 37.29% noong 2001. Mabuti lang, meron isang Secretary Almendras si PNoy na handang tumulay sa alambre, masolusyunan lamang ang problema sa kakulangan ng supply sa kuryente. Laging tandaan: “Bata niyo ko at Ako ang Spy niyo.” (mgakurimaw.blogspot.com)
|
No comments:
Post a Comment