Hindi maganda ang Pasko ng mga kritiko ni Pangulong Benigno ‘PNoy’ Aquino III, sampu ng mga naglalakad ng paliku-liko sa kalye at hindi maka-recover sa nakaraang eleksyon, aba’y mataas ang satisfaction rating nito, alinsunod sa huling survey ng Social Weather Stations (SWS), may petsang November 27-30 -- ito’y kinomisyon ng Business World. Hindi nagsisinungaling ang mga ebidensiya -- ito’y NASUSULAT at NABABASA -- malinaw ang SWS survey, hindi lang ‘good’ kundi ‘very good’ ang performance ni PNoy sa nagdaang limang buwan at tanging 10% ang diskuntento sa diskarte ng Pangulo -- sa malamang nakinabang sa likong daan ang natanong. Take note: Nakapagtala ng +64 net satisfaction rating si PNoy, nangangahulugang mas mataas ng 4% kumpara noong Setyembre. Sa unang tatlong buwan ni PNoy, simula Hulyo hanggang Setyembre -- ito’y nakapagtala ng +60 net satisfaction rating at makalipas ang dalawang buwan, nakabawi ang Pangulo sa bangungot na nilikha ng ‘Quirino siege’ at hindi umepekto ang kaliwa’t-kanang ‘pagmamagaling’ at pag-‘Mr. Know All’ ng mga dating nakinabang sa gobyerno. Kapag sinuri ang SWS November poll, pinakamalaking pag-angat sa satisfaction rating ni PNoy nagmula sa Mindanao region -- ito’y nakakuha ng +65 mula +52 (74% satisfied at 9% dissatisfied), maging sa Balance Luzon, nadagdagan ng 4% ang rating ni PNoy -- mula +65, umakyat sa +69 (77% satisfied at 8% dissatisfied) habang 2% sa Visayas region -- ito’y nakapagmarka ng +56 (71% satisfied at 15% dissatisfied) kumpara sa +54 noong Setyembre. Bagama’t nabawasan ang satisfaction rating ni PNoy sa Metro Manila -- ito’y ordinaryong paggalaw lamang lalo pa’t nakasentro ang lahat ng isyu sa Maynila. Take note: Kahit si Superman ang mag-office sa Guest House, hindi mawawala at makukuntento ang mga ‘reklamador’ sa Mendiola at Liwasan, as in araw-araw pa rin magmamartsa ang militant groups, sampu ng mga nag-iingay para pondohan ng dayuhang organisasyon. *** Napag-uusapan ang satisfaction rating, isang ‘long shot’ ang 9% pag-angat ni PNoy sa rural areas -- mula +58 nitong Setyembre -- ito’y pumaimbulog sa +67, maging sa urban areas, umangat ang rating ng Pangulo -- mula +61, naging +62 (73% satisfied at 12% dissatisfied), nangangahulugang nasa tamang direksyon ang Pangulo at sinusundan ito. Sa tinaguriang socioeconomic class, binigyan ng ‘excellent grade’ si PNoy -- ito’y nakapagtala ng +75 (82% satisfied at 7% dissatisfied) mula ‘good +49’ (ABC Class) at naka-very good sa Class D (masa) ang Pangulo matapos nakakuha ng +65 (74% satisfied at 9% dissatisfied) -- ito’y malayo sa naunang +59 (SWS September poll). Maging sa Class E (mas mahihirap), malinaw ang gradong ‘very good’ ni PNoy -- ito’y nakapagtala ng +65 (74% satisfied at 9% dissatisfied). Kahit ‘by gender’ o kasarian ng tao ang pagbatayan sa satisfaction rating, hindi nagbabago ang pagtingin ng mga kalalakihan at kababaihan kay PNoy -- ito’y ‘very good’, patunay ang naitalang +65 (76% satisfied at 10% dissatisfied) at +63 (73% satisfied at 10% dissatisfied), ayon sa pagkakasunod. Take note: Isang face-to-face interview ang ginawa ng SWS kaya’t tigilan ng mga kritiko ang pagdududa sa satisfaction o popularity rating ni PNoy dahil kahit kailan, hindi magnanakaw ang Pangulo. Anyway, walang binago sa schedule ng “Christmas Holidays” -- tuloy implementasyon ng Proclamation No. 1841 -- December 24 (Biyernes) at December 31 (Biyernes) -- ito’y special non-working days habang non-working holiday ang December 27 (Lunes) dahil pinakamalapit sa December 30 (Rizal Day). Laging tandaan: “Bata niyo ko at Ako ang Spy niyo”. (mgakurimaw.blogspot.com)
|
No comments:
Post a Comment