Wednesday, November 10, 2010

Walang tapik kay PNoy!

Walang tapik kay PNoy!
Rey Marfil


Hindi kailangang graduate ng Harvard University upang maintindihan ang ‘sabayang travel advisory’ na inilabas ng limang (5) bansa -- hindi kaya meron pang mas malalim na motibo para i-pressure ang gobyerno ni Pangulong Noynoy “PNoy” Aquino at itulak ang pansariling interes ng pinapaborang dayuhang estado?
Nakaraang linggo, nagpalabas ng sabayang travel advisory ang Canada, Australia, New Zealand, Britain at Amerika habang humabol ang France kaya’t nauwi sa kalahating dosena. Ang ipinagtataka lamang ng mga kurimaw kung bakit hindi sumama ang Japan gayong kilalang kaalyado ng mga bansang nabanggit, maliban kung pinoprotektahan ang APEC Summit na magsisimula ngayong weekend at iniiwasang madamay sa terror alert?
Kahit pa rugby boys sa ilalim ng LRT-Carriedo Station, sampu ng ‘row four’ sa eskuwelahan, hindi gaanong paniniwalaan ang travel advisory laban sa Pilipinas lalo pa’t mismong si ex-US President Bill Clinton ang bisita, simula ngayong araw at naka-iskedyul pang magbi gay ng speech sa harap ng ilan nating kababayan na nagbayad ng P25,000. Take note: napaka-sensitibo ng mga Kano kapag terror attack ang pinag-uusapan kaya’t hindi makuha ng mga kurimaw ang ‘equation at suma-tutal’.
Hindi lang iyan, maging si US Ambassador Harry K. Thomas Jr., malinaw ang deklarasyong ligtas mag-ikot sa iba’t ibang panig ng Metro Manila, gamit ang katagang “I’m going this week, next week and the follo wing week outside of Manila and I will feel very safe” habang namumudmod ng lapis sa Aurora Quezon Elementary School sa Malate, Maynila.
***
Napag-usapan ang travel advisory, nakalulungkot isiping walang koordinasyon sa Philippine government ang pagpapalabas ng terror alert at hindi man lamang binulungan ang sinumang counterpart sa Department of Foreign Affairs (DFA). Kaya’t hindi rin masisisi ng limang (5) bansa si PNoy kung ‘magtampururot’ lalo pa’t magpa-Pasko at nalalaman ng mga dayuhang lider na tatamaan ang tourism industry at negosyo.
Ang reklamo ni Mang Gusting na kapitbahay ni Beldy, kung kaibigan ang turing sa Pilipinas ng limang (5) bansang naglabas ng travel advisory -- bakit hindi man lamang tinapik sa balikat at sinabihang ‘Hoy Tarpulano, meron kaming nasagap na tsismis, baka puwede mong a yusin bago namin ipagkalat sa kanto’, maliban kung ginagamit lamang ang pagkakaibigan sa pansariling interes?
Sa kabilang banda, nakabuti ang terror alert sa panig ng publiko dahil naglabasan ang impormasyong nakapasok sa Pilipinas ang sampung (10) foreign terrorists, alinsunod sa deklarasyon ni Professor Rommel Banlaoi ng Philippine Institute for Peace, Violence and Terrorism Research. Ang resulta: walang tulugan ang Armed For ces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa pagbabantay ng bawat entry at exit point.
Higit sa lahat, nabawasan ang bilang ng mga mahihilig maglakwatsa kahit office hours at walang laman ang wallet, aba’y pahinga sa ‘window shopping’ sa takot mabiktima ng bombing. At pansinin ang Metro Manila, nagkalat ang pulis at walang nakakatulog sa front desk dahil kapag nalusutan, siguradong maa-ala Frisco Nilo na maagang humirit ng retirement. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: