Wednesday, November 17, 2010

November 17, 2010

Credit rating!
Rey Marfil


YOKOHAMA, Japan --- Habang abala si Pangulong Noynoy “PNoy” Aquino sa mala-lagaristang pakikipagnegosasyon sa iba’t ibang Heads of States na kasapi sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) summit, bumulaga ang balitang inilabas ng Standard and Poor (S&P) Rating Services tungkol sa kanilang evaluation sa foreign currency credit rating ng Pilipinas.
Bago pa man ginawang punching bag ni Peoples Champ Manny Pacquiao ang mukha ni Mexican boxer Antonio Margarito, masaya si PNoy na dumalo sa APEC summit, maging ang mga kasamang miyembro ng gabinete dahil sa bagong gradong inani ng Pilipinas, lumaktaw ng dalawang (2) baitang ang pigurang inilabas.
Ang pagbuti ng foreign currency credit rating, ito’y kadalasang dumadaan sa pagkakasunud-sunod: mula sa “BB minus,” pumaindayog ang grado ng Pilipinas sa “BB with stable outlook” at hindi na pinadaan sa “BB positive” ng international finance rating agency. Sa pananaw ng ilang financial analyst, mababa ng dalawang (2) baitang ang “BB positive” mula sa sinasabing “investment grade” kung saan may kasiguruhan ang mga namumuhunan. Sa usapang tambay: hindi dumaan ng “kinder at prep” bagkus diretso ng Grade 1.
At kahit binanggit ang malawakang tax evasion at manipis na tax base bilang isa sa mga dahilan ng mababang rating na minana ni PNoy, malaking bagay ang integridad at tiwala sa bagong administrasyon ng local at internatio nal finance sectors.
Dahil sa determinasyong huwag biguin ang pag-asa ng mga mamumuhunan, mapa-banyaga man o local, mariin ang marching orders ng Pangulo sa Bureau of Internal Re venue at Department of Finance na tukuran ang mga bagong revenue-raising measures ng malawakang reporma at malalimang pagbabago sa mga ahensya. At dahil na rin sa mga naumpisahang “overhaul” sa istruktura, pananaw at sistema sa pamahalaan, partikular sa sektor ng pananalapi, umangat ang estado sa “balance of payments” ng bansa.
Nakaraang Oktubre, kumpiyansang inanunsyo ng Bangko Sentral (BSP) na maaaring tumabo sa mahigit $8 bil yon ang surplus sa balance of payments ngayong taon, ito’y mas mataas ng $4 bilyon sa inaasahang BOP surplus dahil sa paglago ng export, remittance ng mga kababayan natin sa ibayong-dagat at maging ang ‘di inaasahang pagpasok ng bultu-bultong puhunan.
***
Isang domino effect ang good news, mula sa malakihang paglago ng export sector kahit na mala-kamagong sa tibay ang piso kontra dolyar ng nakaraang Setyembre hanggang sa mga konkretong pasalubong ni PNoy mula US at Vietnam, kanya-kanyang impake ang mga foreign investors mula sa ibang bansa upang ilipat ang puhunan sa Pilipinas, animo’y isang karera na paunahan kung sino ang makakaungos sa merkado at negosyo.
***
Matapos kumalat ang balitang “BB positive” mula sa S&P ang P43.9 kontra dolyar ng nakaraang Biyernes ng umaga, pumalo sa 43.7 ang trading. Ganito din ang suma-tutal sa palitan ng local bonds, ayon sa ilang insider.
Ibig sabihin, ang mga hakbang sa reporma na inumpisahang ipatupad, simula sa unang araw ng panunungkulan o napapanahong polisiya sa pananalapi at pagpapatupad ng matinong paggugol ng pamahalaan, sampu ng mataas na tiwala ng taumbayan ang naging panangga sa “mala-o nion skin” na temperamento ng mga kapitalista at pabagu-bagong sentimyento ng mga mamumuhunan. Kaya’t kapit lang mga kababayan. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy nyo.” (mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: