Kung sa baseball game, naka-first base si Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino sa 17th ASEAN Summit na ginaganap sa Vietnam at napakalaking bentahe ang pagiging ‘cool’ sa bawat meeting, mapa-bila teral o kaya’y simpleng huntahan sa labas ng confe rence room kung kaya’t pinagkaka-interesang kausa pin ng mga counterpart. Lingid sa kaalaman ng publiko, halos ‘jingle’ lamang ang pahinga ng sinumang world leader kapag meron dinadaluhang summit -- ito’y bago sa panlasa ni PNoy su balit hindi man lamang nakitaan ng pagkagulat ang lahat ng nakasama sa Vietnam trip, sa pangunguna ng mga ahensyang naghanda sa bawat meeting ng Pangulo. Tumatagal ng dalawang (2) oras ang bawat mee ting -- ito’y walang pinag-iba sa isang batang nasa grade school na nakaupo sa buong klase at nakikinig sa kanyang guro. Kung ‘row four’ ang isang Prime Minister o Pangulo, siguradong ‘mapu-food poison’ dahil mapapanisan ng laway sa buong maghapon lalo pa’t magkakasunod ang pagpupulong. Take note: tumatagal lamang ng lima (5) hanggang sampung (10) minuto ang recess o coffee break. Sa 17th ASEAN Summit, mas marami ang old ti mer, as in tinubuan ng tahid sa kaa-attend ng bilateral mee ting dahil ilang taon nang nasa poder. Ibig sabihin, napakahirap sa sitwasyon ni PNoy ang bawat dinadaluhang meeting lalo pa’t ‘first timer’ at hindi kabisado ang mga makakatabi o makaka-deal. Ang bentahe lamang ni PNoy -- ito’y matalinong tao at matuwid mag-isip kaya’t walang kaba ang Philippine delegates. *** Napag-usapan ang pagiging ‘first timer’, animo’y beterano sa world forum si PNoy -- ito’y nakipagsaba yan sa mga counterpart na tumanda sa kabibiyahe sa labas ng bansa. Take note: kahit katiting na sabit, hindi nakitaan ang Philippine President, malinaw ang kasabihang ‘ang taong naghahanda, hindi nadadapa’. Isa sa naging bentahe ni PNoy sa 17th ASEAN Summit ang pagiging “Bachelor President”. Kahit beterano sa world forum ang ilang lider, hindi alintana kung ba gito ang kausap sa bawat meeting lalo pa’t magkaka-age bracket at hindi nagkakalayo ang hobbies, mapa-libro o favorite film -- isang rason kung bakit hindi nahirapan makipag-deal. Hindi katulad ng ilang communist leader na feeling-tigasin, madaling makagaanan ng loob si PNoy -- ito’y approachable, sincere at ibinu-volunteer ang sarili. Ang resulta: palaging kahuntahan sa coffee break ang mga counterpart leader at madalas nakakapag-ambush interview ang foreign journalist kahit pa naka-kordon ang buong vicinity ng NCC Building (Vietnam) dahil kusang lumalapit ang Pangulo kapag merong sumisigaw ng “Mr. Aquino” kahit pasakay ng escalator. Sa kabuuan, naging alas ni PNoy sa bawat mee ting ang pagiging “smiling face” kaya’t nakalagayan ng loob ang mga old timer sa ASEAN Summit -- ito’y makailang-beses napansin ng ilang foreign journa lists, maging ng inyong lingkod, natanong “kung naka-smile pa rin ang Pangulo kapag nagagalit”. Kaya’t malaking kapakinabangan ang mga ‘ngiti’ ni PNoy para maitulak ang interes ng Pilipinas sa ASEAN Summit. Nawa’y maintindihan ng mga taong kumukuwes tyon kung ba kit nakangiti si PNoy sa crime scene ng hostage-taking. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)
|
No comments:
Post a Comment