Friday, November 12, 2010

Karismang PNoy at Rizal sa Japan! (11/12/2010)

Karismang PNoy at Rizal sa Japan!
Rey Marfil


Yokohama, Japan --- Naglalaro sa sampu hanggang labing-limang antas ng sentigrado (degrees Celsius) ang temperatura dito. Nakikita ang mala-usok na hininga, sinuman ang makasalubong. Bagama’t halos makakapilay sa mga nakakatanda ang ginaw, ito’y hindi alintana sa mga bisitang dadalo sa 18th Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders Meeting dahil sa init ng pagsalubong ng mga Hapon sa mga delegado.
Halos dalawang oras ang lalakbayin mula Narita Airport sa Tokyo papuntang Yokohama, as in mala-Maynila ang topograpiya dahil isa itong port city kung saan minsan sa kasaysa yan, dito’y napadpad ang bayaning si Jose Rizal. Ibig sabihin, noon pa man, meron koneksyon ang dalawang bansa sa kabila ng hindi makakalimutang pananakop ng Japan sa Pilipinas.
Sa mga kuwento ng mga nakakatanda, nahulog ang loob ni Rizal sa isang Haponesang dilag -- si O Sei San. Hindi kaila sa mga naninirahan dito, sampu ng migranteng Pinoy ang love story ng dalawa dahil naging paksa ito sa isang mala­king produksyon sa teatro sa pangunguna ng ating embahada, kasama ang Manila-Yokohama Sister Cities Association noong dekada 90’s.
Iwanan natin ang love story ng Pambansang Bayani. Nandito ngayon sa Yokohama si Pangulong Noynoy “PNoy” Aquino, kasama ang mga pinuno ng 21 bansang kasapi ng APEC upang pag-usapan ang pakikipag-ugnayan sa pangrehiyong ekonomiya at kung ano ang silbi sa mga bansa sa Asia Pacific bilang pagkukunan ng lakas sa pandaigdigang paglago matapos ang economic crisis sa nakalipas na dalawang taon.
Magiging usapin din sa mga dadaluhang pulong ni PNoy bukas (Sabado) ang hakbang na dapat tahakin ng mga bansang nasa Asia Pacific upang mapanatili ang paglago ng ekonomiya na nagsasaalang-alang sa Human Security at Human Development.
Sa panghuling serye ng mga pulong ni PNoy sa loob ng tatlong araw na halos patented ang temang “Kayod-PNoy” tuwing lalabas ng bansa -- ang APEC Leaders Retreat Session. Kapag sinuri ang iskedyul, almusal, tanghalian at hapunan lamang ang pahinga ni PNoy dahil kaliwa’t kanan ang bilateral meeting, nangangahulugang magtitiyaga sa spokesman ang 33-media delegation kahit walang “no ambush policy”, maliban sa arrival kahapon at inihandang dinner pagkatapos ng APEC Summit.
Bagama’t maluwag ang iskedyul kung ikukumpara sa mga mauunang dalawang (2) araw -- sa “the day” ng APEC Summit magaganap ang mga pag-usisa sa mga ginawang hakbang at natamong adhikain ng 21-APEC member sa nakalipas na dalawang (2) taon.
At hindi rin maaaring palampasin ni PNoy ang pagkaka taong ito upang makausap ang mahigit isang libo nating mga kababayang naninirahan sa Yokohama. Makapal ang lahing kayumanggi rito. Marami sa kanila’y nakapag-asawa ng mga Hapones at dito naninirahan.
Ilan sa kanila ang nagmamay-ari at nagpapatakbo ng mga negosyo. Paminsan-minsan, makakasalubong ka ng mga marinong bigla na lang sisigaw ng “Kabayan!”
Kahalintulad sa mga nauna nang paglabas ng bansa ni PNoy, babandila sa biyaheng ito ang palangiting “charm offensive” ng binatang Pangulo. Malamang sa hindi, dito na lubos maisasakatuparan ang mga kasunduang napag-usapan sa Vietnam, sa pagitan ni Japanese Prime Minister Naoto Kan, kabilang ang roads upkeep assistance package na nagkakahala ga ng P21.4 bilyon.
Kapag nagkataon, panalo na naman ang publiko sa dagdag na bilang ng trabaho at pondong iinog sa ekonomiya ng bansa sa mga susunod na taon -- ito’y panukod sa paglago ng pang kalahatang export ng bansa na pumalo sa 46%, as in nagkakahalaga ng US$5.314 bilyon sa buwan ng Setyembre nga yong taon kung saan ang bansang Japan ang pumangalawa sa pangunahing export market ng Pilipinas.
Ang multi-bilyong pigurang pang-ekonomiya na natamo ng bansa sa gitna ng mga agam-agam na pagtamlay ng export industry, ito’y nangyari lamang sa loob ng 5-buwang panunungkulan ni PNoy dahil sa paglakas ng piso kontra dolyar -- isang patunay na mahusay gumiya at magtimon ang Pangulo na kaila sa karamihan, ito’y isang ekonomista.
Napag-usapan na rin lang ang love story ni Gat. Jose Rizal at “charm offensive” ni PNoy, dito kaya sa Yokohama lilitaw ang isang “O Sei San” ng binatang Pangulo? Laging tandaan: “B ata n’yo ko, at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: