Monday, November 15, 2010

"Tokyo drift!" 11/15/2010

Tokyo drift!
Rey Marfil


YOKOHAMA, Japan --- Bago ang laban ni Sarangani Cong. Manny “Pacman” Pacquiao laban kay Mexican boxer Antonio Margarito sa Dallas, Texas, mas naunang nakapag-iwan ng tatlong (3) kumbinasyon si Pa ngulong Benigno “PNoy” Aquino sa Japan trip, malinaw ang gumagandang credit rating at multi-bilyon pisong infrastructure projects na napagkasunduan sa Tokyo, isang araw bago dumalo sa 18th APEC summit.
Higit sa lahat, nakaresbak si PNoy sa mga bansang nag labas ng travel advisory at sapol sa mukha ang Australia, United Kingdom (UK), France, Canada, New Zealand at United States. Mantakin n’yo, kung kailan ila-launch ang bagong slogan ng Pilipinas upang palakasin ang tourism industry, itinaon ang mapanirang statement. Kaya’t hindi masisisi si PNoy kung mag-isip na ‘tourism war’ ang rason ng terror alert lalo pa’t sariling kaalyado ang nagbubunganga sa kalye.
Sa kabuuan, hindi barya ang proyektong nasungkit ni PNoy sa Tokyo ng nakaraang Biyernes (Nov. 12) -- ito’y hindi bababa sa $3 bilyon, pinakamalaki ang po wer contract at target ni Energy Secretary Jose Almendras na makakapagsaing ang bawat Pilipino ng sakto sa oras at walang aberya -- ito’y kanyang reresolbahin sa loob ng dalawang (2) taon, as in wala ng power shortage sa Mindanao, Visayas at Luzon area.
Ngayong gabi, kasabay ang pagbabalik ni PNoy mula Japan, iaanunsiyo kung magkano ang proyektong ila lagak ng Marubeni Corporation sa expansion ng Sual at Pagbilao plant -- ‘di hamak mas malaki ang nauwing negosyo ni PNoy kumpara sa naunang biyahe sa Amerika at lumalabas pang ‘pasakalye’ ang paunang P21.4 bil yong ‘soft loan’ na ipinagkaloob ng Japan government habang magka-jamming sa ASEAN summit sa Vietnam ng nakaraang buwan.
Kaya’t napakalaking kapakinabangan sa isang bansang mahirap o developing countries, katulad ng Pilipinas ang state visit at pagdalo sa international forum o world summit ng isang Pangulo lalo pa’t dito lamang maila-lobby ng harapan ang mga kakailanganing proyekto.
***
Napag-usapan ang mala-Fast and Furious: Tokyo Drift event ni PNoy, kung hindi nagkakamali ang Spy, humigit-kumulang $130 milyon ang electronics products expansion ang kasunduang pinasok ng Toshiba sa economic zone -- ito’y kilalang electronics company at paboritong produkto ni Kuya Joel Locsin ang Toshiba brand pagdating sa laptop at computer system.
Ang Itochu Company, alinsunod sa dokumentong iprenisinta ng Department of Trade and Industry (DTI) sa isang media coverage event sa Tokyo -- ito’y tinata yang $120 milyon, sakop ang development ng 11 libong ektaryang sugarcane plantation sa Isabela. Take note: makakalikha ng 18 libong trabaho sa loob ng dala wang (2) taon at labing-limang (15) libong magsasaka ang makikinabang sa bio-ethanol production.
Maliban sa multi-million dollar investment, isang napakalaking balita ang gumagandang credit rating na inilabas ng Standard and Poor (S&P), nangangahulugang mas marami pang investors o kapitalista ang magkakainteres at hindi magiging bilasa ang Pilipinas sa international market -- isang patunay kung gaano kaseryoso si PNoy na ituwid ang ‘sanga-sangang daan’ na nakagawian sa nadaang 9 years. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: