Dapat maging malinaw sa 94 milyong Filipino -- hindi pagkakautang ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino ang P2.2 bilyong public works fund na ‘nakopo’ ni Congw. Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang distrito -- ito’y inutang ng nagdaang administrasyon kaya’t maling puno ang tinatahulan ng ilang aso. Bagama’t mahalaga ang proyekto sa mga taga-Pampanga, maging sa karatig-lalawigan at lungsod, isang malungkot na katotohanang si PNoy ang magbabayad sa pagkakautang ni Mrs. Arroyo -- isang malaking katanungan kung bakit mala-lahar ang bunganga ng mga kritiko ni PNoy, maliban kung ‘row four’ at hindi naiintindihan ang proyekto? Sa kaalaman ng publiko, hindi pork barrel ang P2.2 bil yon -- ito’y foreign-assistance loan ni Mrs. Arroyo at bahagi ng Mt. Pinatubo hazard mitigation project. Aminin o hindi ng mga kritiko, nangangailangan ng rehabilitas yon ang apektadong lugar sa pagsabog ng Mt. Pinatubo -- ito ang malaking problema sa Central Luzon tuwing umuulan at bumabagyo. Kung susuriin, maganda ang motibo ni Mrs. Arroyo subalit hindi maiwasang ‘bigyang kulay’ ang P2.2 bil yong loan lalo pa’t naibuhos sa 2nd district ang pondo at nasangkot sa kaliwa’t kanang eskandalo ang kanyang administrasyon. At hindi rin masisi ang mga kurimaw kung mag-isip na pinaghandaan ang pagtakbong Congresswoman noong nakaraang eleksyon. Ngayong binatikos si PNoy sa P2.2 bilyong loan ni Mrs. Arroyo, bakit hindi manalamin ang mga kritiko o kaya’y lumingon sa paligid at itanong sa sarili kung tama bang atakehin ang bagong administrasyon kahit wala naman kinalaman sa pangungutang ng esmi ni Mike Arroyo. Nakasandal si PNoy sa 2010 national budget, nanga ngahulugang administrasyon ni Mrs. Arroyo ang naglaan ng pondo at naglusot sa Kongreso. Kaya’t sablay ang pagdidikit sa pangalan ni PNoy upang palabasing ‘bini-beybi’ sa pork barrel si Mrs. Arroyo, maliban kung bahagi ng demolition job ang mga spin para pababain ang po pularity rating ng Pangulo at mailunsad ang masamang balakin ng mga ito? *** Napag-usapan ang pondo, mas pinatindi ni PNoy ang “paghihigpit ng sinturon”, malinaw ang direktiba kay Executive Secretary Jojo Ochoa na bawasan ang intelligence fund ng Office of the President (OP) at magkaroon ng transparency and fiscal discipline -- ito’y mis yon ng Pangulo para matapyasan ang unprogrammed at unaudited fund. Sa recollection ni Presidential Communication Ope rations Office (PCOO) Secretary Sonny Coloma, mismong si ES Ochoa ang nagrekomendang tapyasan ang intelligence fund ni PNoy -- ito’y nangyari sa budget hearing ng Upper House kaya’t nabawasan ng 4.3% ang 2011 proposed budget, as in ibinaba sa P4.075 bilyon mula P4.259 bilyon ngayong taon. Hindi lang iyan, kaparehong budget ang inaprubahan ng House committee on appropriations sa inihanda ng palasyo at 10 attached offices ang pinalusaw ni PNoy dahil nagkakaroon ng duplication sa trabaho, ka tulad ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) -- ito ang rason kung bakit nakatipid ang gobyerno at nabawasan ang intelligence fund ng Pangulo. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo” (mgakurimaw.blogspot.com)
|
No comments:
Post a Comment