New York City --- Hindi lamang pondo ang tinapya san ng triple bagkus ‘double triple’ ang pagbura sa lista han ng delegasyon ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino III sa Estados Unidos, malinaw ang pagtupad sa pangakong babaguhin ang nakaugaliang sistema sa nakaraang administrasyon na naging institusyon ang walang kapararakang pagbiyahe at magarbong hapunan sa resto. Kaya’t isang matuwid na biyahe at paglipad ang ginawa ni PNoy. Ngayong araw, lilipad si PNoy patungong San Francisco, Los Angeles, USA via Philippine Airlines (PAL Flight PR 105), kasama ang 50-men delegation bago tutulak ng New York City via chartered flight. Ganap na alas-siyete bukas ng umaga, darating sa New York City ang ‘Team PNoy’ upang dumalo sa 65th United Nations (UN) Gene ral assembly, kasama ang apat na gabinete -- DFA Sec. Alberto Romulo, DOF Sec. Cesar Purisima, DTI Sec. Gre gory Domingo at DOE Sec. Rene Almendras. Nauna ng isang araw sa New York ang media delegations mula sa iba’t ibang organizations, kinabibilangan ng ilang miyembro ng Malacañang Press Corps (MPC) -- Elena Luna (NBN 4); Roices Sibal (TV5); Sandra Aguinaldo (GMA7); Norman Bordadora (Inquirer); Maria Aurea Calica (Philippine Star); Leo Sarne (Radyo ng Bayan); at Leo Palo (dzME). At naghabol si Raymund Tineza ng Bombo Radyo! Bagama’t maliit ang delegasyon, mas malaking balita ang iuuwi ni PNoy sa mga Pinoy kaya’t beteranong reporter ang ipinadala ni Boss Eric Canoy, aba’y napa-cover si Ely Saludar (vice-president for marketing ng dzXL radio) at nauna pa sa San Francisco. Ang tanong lamang ni Marlo Dalisay: hindi kaya inakala ni Marlon Purificacion (Journal) na ‘New York, Cubao’ ang biyahe ni PNoy kaya’t napabili ng ticket at sumama ito? Maliban sa MPC members, ilang US-based reporter ang magko-cover sa biyahe ni PNoy -- sina Jing Reyes (ABS-CBN); Fred Gabot (Publisher, Filipino USA Today); Claire True (Reporter, Filipino USA Today); Lazaro Medina (Manila Times), at Kiko Calado (MBC-dzRH). Ibig sabihin, malaki ang inaasahan sa US trip ni PNoy, mapa-media o ordinaryong Pinoy. Kaya’t ngayon pa lamang, siguradong matutuwa kapag nabalitaang libu-libong trabaho ang kapalit nito. At siyempre, hindi nagpahuli si Danny Fajardo (Publisher, Panay News) na mataas ang kumpiyansa sa Aquino government, maging ang Bulletin, ipinadala si Elena Aben dahil na-late ang US visa ni Genallyn Kabiling. Kung hindi nga lamang nagkasakit ang anak ni ex-MPC president Sammy Julian (Panay News), sa malamang ka-jamming si Roy Mabasa (Bulletin) ngayon na ginawang Quiapo lamang ang San Francisco. Sa kabuuan, hindi biro ang malaking gastusin sa US trip ni PNoy kaya’t nakakagulat ang malaking media de legation lalo pa’t sariling gastos ng bawat network o publishing company ang hotel accommodation, pasahe sa eroplano hanggang sa pambayad ng terminal fee sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) o tip kapag nag-dine in at pagsakay sa yellow taxi -- nangangahulugan lamang na malaki ang tiwala ng mga Pinoy kay PNoy. *** Napag-usapan ang gastos, hindi nagsisinungaling ang ebidensyang inilatag ni Executive Secretary Paquito ‘Jojo’ Ochoa (PNO), halos triple ang natapyas sa kabuuang gastusin ni PNoy kumpara sa US trip ni ex-President Gloria Macapagal-Arroyo, maging sa delegasyon tuwing lalarga, palabas ng Pilipinas ito. Dati-rati’y 100 hanggang 150-katao ang delegasyon ni Mrs. Arroyo, sa pangunguna ng mga “palakpak boys” sa Kongreso, ngayo’y pawang ‘working staff and officials’ ang isinama ni PNoy at nilimitahan sa 50-men dele gation. Higit sa lahat, malaking katipiran ang P25 milyon kum para sa P76 milyon ni Mrs. Arroyo, sa kaparehong event at magkaiba ng taon. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)
|
No comments:
Post a Comment