Bagamat ‘dinugo’ ang turismo sa nangyaring hostage drama, ito’y pansamantala lamang at hindi nagsisinu ngaling ang ebidensiya -- pumalo sa $1 bilyon ang peso bond offer sa Philippine Stock Exchange (PSE), nanga ngahulugang nakapagbenta ng P44 bilyon ang Pilipinas at gumaganda ang ekonomiya. Sadyang pinagpala si Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino III, kahit samu’t saring pagbatikos ang inabot sa hanay ng mga nagmamarunong at umaastang ‘experts’ sa hostage taking, hindi nagbago ang pagtitiwala ng mga negosyante. Kaya’t mas lalo pang lumakas ang kumpiyansa ni PNoy na mabubura ang nilikhang bangungot ni Sr. Insp. Rolando Mendoza sa Quirino Grandstand. Para sa kaalaman ng publiko, tinanggap ang Philippine peso bilang katiyakan sa pambayad-utang, hindi katulad dati na dolyar at euro ang kinikilala sa international market. Iyon lang, hindi pa rin kuntento si PNoy sa naitalang rekord dahil mas marami pang hamong kahaharapin at kailangang imantine ang paglakas ng peso bond sa stock market. Sa ikinikilos ng ekonomiya, ito’y senyales na nasa tamang direksyon si PNoy, sampu ng economic team, alinsunod sa ipinangakong pagbabago at matuwid na daan. Kaya’t hayaang namnamin ni PNoy ang magandang bali tang tinanggap mula kay Finance Sec. Cesar Purisima lalo pa’t hindi tumitigil sa pag-atake ang mga ‘fore hire mouthpiece’ ng mga kalaban. Kahit sinong lumagay sa katayuan ni PNoy, ito’y magpi-feeling nasa ‘Cloud 9’ sa pag-rebound ng peso bond, aba’y tatlong linggong inuupakan sa hostage drama ga yong mishandling ng MPD-SWAT ang ugat kung bakit nagngingitngit si Hong Kong administrator Donald Tsang. Take note: Hindi trabaho ng Presidente ang mag-ala Ke vin Spacey sa pelikula (The Negotiator). *** Napag-usapan ang peso bond, hindi maitago ni PNoy ang kasiyahan sa dalawang ambush interview (Sangley Point, Cavite at Fort Magsaysay, Nueva Ecija) noong nakaraang Biyernes, aba’y mismong Pangulo ang nagbigay ng prediksyong gaganda ang ekonomiya pagsapit ng 3rd quarter ngayong taon o bago mag-Pasko. Kung susuriin ang pagpalo ng peso bond -- ito ang ‘record-high’ na naitala ng RP stock market at talagang mapapa-Wow Philippines si ex-senator Dick Gordon dahil mistulang walang epekto ang hostage-crisis. Paano pa kaya kung hindi ‘nag-joyride’ si Mendoza sa tourist bus, sa malamang mas mataas ang kinita ng RP government. Hindi lang iyan, nakapagtala ng all-time high ang local share prices -- isang positibong indikasyon na patuloy ang tiwala ng mga investors sa Pilipinas, as in umakyat sa 2.6%, katumbas ang 3,902.56 sa main index ng Philippine Stock Exchange -- ito’y mas mataas sa 3,800 forecast ngayong taon. Kung nahirapan kayong umintindi, subukang isangguni kay Gil Cabacungan ng Philippine Daily Inquirer ang inyong concern sa stock market. Mismong Department of Finance (DOF), inilara wang ‘landslide vote of confidence’ mula sa mga investors at financial markets ang pagpalo ng peso bonds -- ito’y kauna-unahang pangyayaring kumita ng ganito kalaki ang isang bagong administrasyon. Mantakin n’yo, halos 3-buwan pa lamang si PNoy, nakahanap ng P44 bilyong pambayad-utang, gamit ang peso dominated glo bal bonds. Ibig sabihin, kinikilala ang Philippine peso sa overseas bonds at mababawasan ang pagpalabas ng US dollar bonds. La ging tandaan: Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo. (mgakurimaw.blogspot.com)
|
1 comment:
Noynoy has a lot of plans especially for the business world so as long as the business people trusts him, we'll be fine. The stockmarket has skyrocketed while the rest of the world crumbles.
Post a Comment