Friday, August 20, 2010

Agosto 20 2010 Abante Tonite

Ang mahiwagang bunot!
Rey Marfil


Kabaliktaran sa nakaraang administrasyon, kung me­ron pang ‘extra sinturon’, ito’y gagamitin ni Pangulong Benigno Simeon ‘PNoy’ Aquino III upang higpitan ang paggasta sa natitirang pondo, maging ang inihahandang proposed budget sa 2011 at 2010, lalo pa’t nababaon sa pagkakautang ng gobyerno, kasabay sa paglobo ng populasyon.


Isang teknolohiyang itinutulak ngayon ni PNoy ang ‘coconet tech’ -- ito’y programa ng Department of Public Works and Highways (DPWH), sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture (DA) at Department of Environment and Natural Resources (DENR), aba’y makakatipid ng P2.5 bilyon si Sec. Rogelio Singon para pigilan ang soil erosion o pagkaanod ng lupa.


Mismong si PNoy, inanunsyo sa 40th anniversary ng Presidential Management Staff (PMS) at ibinida sa MalacaƱang Press Corps (MPC) ang geotextile via coco­net technology -- ito’y gumagamit ng cocofiber o coconet upang mabawasan ang pagbaha at pagkaanod ng lupa.

Sa matagal na panahon, walang silbi ang mga bunot ng niyog (coconut husk), maliban sa pagpapakintab ng sahig, iyon pala’y susi para makatipid ang DPWH.


Dahil sa bunot, tinatayang 2/3 sa kabuuang annual budget ng DPWH na nakalaan sa slope protection o panga­ngalaga sa pagdalisdis ng mga bundok at paguho ng lupa ang matitipid ng gobyerno, katumbas ang P2.5 bilyon mula sa P3 bilyong inilaan kada taon.

Kung hindi nagkakamali sa computation ng mga kurimaw, nangangahulugang P500 milyon na lamang ang popondohan ng Kongreso.
***


Napag-uusapan ang bunot, hindi maaaring ismolin ng mga kritiko ang kaalaman ni PNoy sa teknolohiyang ito lalo pa’t dumadaan sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) at mismong Pangulo ang nakasaksi sa paggamit ng bunot bilang slopes lining -- ito’y matagumpay at hanggang ngayo’y hindi natitibag ang kalye.


Hindi lamang napakasimpleng teknolohiya ang coconet, bagkus, napakamurang gamitin kesa magsemento o kongkreto.

Take note: P2,300.00 kada square foot ang halaga ng konkretong slopes, ito’y baryang maituturing sa P180.00 kada square foot kung bunot ang panapal sa slope, as in ‘coconet tech’.

Ibig sabihin, nakatipid na ang gobyerno, kumita pa ang mga magku-kopra sa naipong bunot.


Sa katulad ng inyong lingkod na lumaki sa isang pinamakahirap na probinsiya (Romblon), abot sa ating kaala­man kung gaano kapaki-pakinabang ang bunot tuwing bumabaha -- ito’y kadalasan ipinantatapal sa gilid ng mga sapa at pinakasimpleng pamamaraang naiisip ng ating mga kababayan bilang proteksyon sa kanilang bahay.


Bago pa man iprinisinta ng DPWH ang coconet technology, alam ng nakakaraming Pinoy kung gaano kaepek­tibong sumipsip ng tubig ang bunot.

Pansinin ang mga nagagandahang orchids sa bintana ng mga kabahayan sa probinsiya, hindi ba’t bunot ang pinagtataniman?

At bunot din ang madalas gamiting flower pot o kaya’y pinagtata­niman ng gulay sa mga likod bahay kapag limitado ang bakuran.

Kung hindi niyo pa rin maintindihan ang kaga­lingan ng bunot, subukang niyong kantahin ang “Da Coconut Nut” -- ang ipinanalo ng “Smokey Mountain” sa international song festival.

Sabi nga ni Maestro R­yan Ca­yabyab sa kanyang piyesa “There are so many uses of the coconut tree, You can build a big house for the family, All you need is to find a coconut man. If he catch the tree, he gets the fruit free”. Laging tandaan: Bata niyo ko at Ako ang Spy niyo.

(mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: