Simula kampanya hanggang ngayon, hindi madali ang laban ni Pangulong Benigno Simeon ‘PNoy’ Aquino III lalo pa’t naglipana pa rin sa iba’t ibang departamento at sangay ng gobyerno ang mga masasamang elemento -- ito’y malinaw sa naging mensahe ni PNoy sa 1st death anniversary ng inang si Pangulong Corazon ‘Tita Cory’ Aquino.
Ang paalala ni PNoy “hindi madali ang kanyang trabaho sapagkat may ilan na ipinaglalaban pa rin ang nakagisnang mali”.
Ibig sabihin, hindi nagtatapos sa ‘pagpatay’ sa mga wangwang at naghahari-harian sa daan ang problema ng lipunan, bagkus, ang malawakang katiwaliang nakasanayan sa mahabang panahon na naging malaking institusyon sa gobyerno.
Sa pagtahak ng ‘matuwid na landas’, asahang mas matinding seguridad ang ipagkakaloob ni Presidential Security Group (PSG) chief Col. Chito Dizon kay PNoy.
Kalokohan kung hindi gagawa ng marahas na pagkilos ang mga taong sagad hanggang buto ang kaitiman ng budhi dahil naisara ang gripo ng pinagkakakitaan.
Kaya’t kailangang mag-ingat si PNoy sa bawat kanto, aba’y mahirap makasalubong ng nagkukunyaring lasing.
Ika ni Pareng Ryan Pacpaco, sa bawat aksyon tungo sa isang matuwid na landas at tunay na pagbabago, hindi lamang ulupong ang nakabuntot kay PNoy na handang umatake at manuklaw, anumang oras na malingat ng puwesto, bagkus, ang mga asong kalyeng (askal) naulol dahil walang makain.
Take note: Santo-sawa sa bahog ang mga nawala sa poder ng nakaraang administrasyon at ngayo’y nangangayayat, as in labas ang mga buto sa gutom kaya’t siguradong maghahanap ng damay ang mga ito.
***
Napag-uusapan ang 1st death anniversary ni Tita Cory sa La Salle Greenhills, muling ipinakita ni PNoy ang pagiging mapagbigay sa media kahit nagdudumaling umalis para dumalaw sa puntod ng mga magulang sa Manila Memorial Park at kahit on the spot, hindi rin takot sumagot sa isyung panlipunan.
Lingid sa kaalaman ng publiko, walang naka-iskedyul na press conference si PNoy pagkatapos ng misa subalit pinaunlakan ang pakiusap ng Sunday group-MalacaƱang Press Corps (MPC) bago mag-exit sa area.
At katulad ng nakaugalian, nagkaroon ng ‘extra’ ang napagkasunduang ‘5-question’ dahil ayaw paawat ni Tita Vanz.
Kung hindi naghigpit ang organizer, posibleng umapaw ang pinagdausan ng misa sa dami ng gustong makinig sa talumpati at homiliya, animo’y take 2 sa dami ng mga nakiramay at dumalaw sa burol ng mga labi ni Mrs. Aquino bago dinala sa Manila Cathedral.
Kaya’t konting pang-unawa sa mga supporters ni PNoy kung nauwi sa ‘No ID, No Entry’ ang policy sa La Salle compound dahil masikip ang lugar at ito’y hindi event ng MalacaƱang.
Ang biruan ng ilang medi
a habang hinihintay ang pagdating ni PNoy sa La Salle, dapat kinuha ng organizer ang serbisyo ng tropa ni Ang Galing Pinoy partylist Rep. Mikey Arroyo sa pagma-marshal dahil nagpapakilalang kinatawan ng mga guwardiya kahit hindi pa naranasang mag-duty kahit 30-minutes sa entrance gate ng Batasan o kaya’y sa sariling opisina. Laging tandaan: “Bata niyo ko at Ako ang Spy niyo”.
(mgakurimaw.blogspot.com).
No comments:
Post a Comment