Friday, August 6, 2010

Agosto 06, 2010 Abante Tonite

May tama ka!
Rey Marfil


Walang pinag-iba sa lahar ng Pampanga ang ‘midnight appointments’, ito’y malaking ‘quarry’ sa huling dalawang buwan ni Mrs. Arroyo sa Palasyo at hindi kayang bilangin ng isang Grade 1 pupil sa dami ng mga ipinuwesto.

Sa pinakahuling inventory ni presidential legal counsel Ed de Mesa, may kabuuang 977-katao ang tatamaan ng Exe­cutive Order No. 2.


Ngayong nailabas ang EO No. 2, pinakamaginoong gawin ng mga kampon ni Mrs. Arroyo ang magbalot ng gamit at mag-voluntary exit kesa magmukhang kapit-tuko sa puwesto.

Mas nakakahiyang panoorin kung magpaparesponde sa Korte Suprema para harangin ang pagkakasibak lalo pa’t napakalinaw kung kanino linyado ang kanilang hanay.


Hindi kailangang law graduate (LLB) para maintindihan ang nilalaman ng EO No. 2, malinaw ang kautusan ni Pangulong Benigno Simeon ‘PNoy’ Aquino III, lahat ng GMA Boys na magkakabisa ang panunungkulan, simula Marso 11 pataas, kahit pa itinalaga bago naipatupad ang ban, ito’y dapat lumayas sa kanilang kinalalagyan.

Kaya’t asahang babaha ng luha sa mga departamentong pinamumugaran ng midnight appointees, maging ang ilan pang pinaboran ni Mrs. Arroyo kapag nabasa ang isa pang kautusan ni PNoy -- ang Executive Order No. 3.


Sa mga nagtatanong kung sino sa mga ‘GMA Boys’ ang tinamaan ng EO No. 2, ilan dito’y naunang nag-resign.

Kaya’t magandang ehemplo ang ipinakita ni ex-Press Secretary Jess Dureza, ito’y nag-voluntary exit bilang hepe ng Mindanao Development Authority (MDA). Sa mga ‘kapalmuks’, as in makakapal ang pagmumukhang tauhan ni Mrs. Arroyo, dapat humiram ng konting delicadeza at hiya kay Manong Jess.
***

Napag-uusapan ang hiya, sa mismong attached agencies ng Office of the Press Secretary (OPS), nagkalat ang mga taong walang delicadeza.

Mantakin niyo, meron pang humihirit ng suweldo sa nakaraang katapusan ng buwan (July 30), gayong kahit anino sa loob ng siyam na taon, hindi man lamang naaninag ng mga kasamahan sa opisina.


Hindi natin babanggitin ang mga pangalan, subalit nakakasukang isiping nagpapakita lamang tuwing araw ng sahuran, subalit sumasahod ng P35 libo hanggang P40 libo kada buwan bilang consultant.

Ang nakakatawa, umaasa pa ng milagro sa bagong administrasyon at gustong magpa-reappoint gayong nagpasasa sa kapangyarihan ang mga ito.


Ang isang pinakamalalang nadiskubre ng Spy, ang polisiya sa mga government station, mapa-radyo at tele­bisyon, animo’y sinalo ang lahat ng grasyang isinaboy ng Panginoon.

Katulad ng basketball game, aba’y sila-sila rin ang nagkikita sa finals at nagpapartihan sa kinikita ng gobyerno mula sa commercials at ipinambabayad ng mga block timer gayong pasuwelduhan ang mga ito.


Sa bagong administrasyon, hindi uubra kay Presidential Communication Office for Operations (PCOO) Secretary Sonny Coloma ang nakagisnang palusot ng mga itinatalagang ‘big boss’ sa government station.

Kaya’t simulan nang sanayin ng mga empleyado kung paano mamuhay at kumita ng patas sa loob ng anim na taon dahil malinaw ang mensahe ni P-Noy sa inagurasyon “Taong bayan ang Boss”, hindi ang mga ‘big boss’ sa network.


Anyway, patok ang ‘first pay check’ ni P-Noy sa Face­book, aba’y libu-libo ang sumaludo dahil transparent ang Pangulo sa kanyang suweldo (P63,002.17).

Sa loob ng 30-minuto, pumalo sa 2 libo ang nagbigay ng magandang comment at nag-tag ng “likes this” noong Miyerkules ng gabi.

Ang suhestyon ng MalacaƱang Press Corps (MPC): Pakasalan si Councilor Shalani Soledad upang hindi ta­maan ng 35% cut sa buwis. Laging tandaan: “Bata niyo ko at Ako ang Spy niyo.”


(mgakurimaw.blogspot.com).

No comments: