Wednesday, July 28, 2010

Hulyo 28 2010 Abante Tonite

Maraming umaray
Rey Marfil


Kung ‘nakakasugat’ lamang ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Simeon ‘P-Noy’ Aquino III, sa malamang duguang lumabas ng Batasan Complex ang mga katropa ni Pampanga Congw. Gloria Macapagal-Arroyo at tadtad ng tama ang bawat tagili ran ng mga ito, aba’y matatalim ang bawat mensahe ni P-Noy, katulad ang deklarasyong “walang kota-kota, walang tongpats at gagastusin ang pera para sa taumbayan lamang”, hindi sa anumang walang kapararakan.


Hindi kasing-haba ng nakaugaliang SONA ni Mrs. Arroyo sa loob ng 9-taon subalit tumatagos sa kaibutu ran ng bawat Filipino ang mensahe ni P-Noy, maging mediamen na nagko-cover sa Lower House, hindi mapigilang pumalakpak sa pagtatapos ng speech.

Higit sa lahat, maraming kauring mediamen ang tinamaan sa hamong ‘ipulis’ ang sariling hanay, mapa-block timer sa radyo, telebisyon, at print media hanggang community papers lalo pa’t hindi nagiging patas at makatotohanan sa banat.


Pansinin ang kaganapan sa session hall, naglahong parang bula ang mga
“Palakpak Boys” na pinauso ni Mrs. Arroyo sa mahabang panahon at walang ibang pinakamasipag pumalakpak kundi ang mga miron na boluntar yong nagtungo ng Kongreso

Anyway, kahit anong husay ng pintor, mahirap ipinta ang mukha ng mga katropa ni Mrs. Arroyo, aba’y bagsak ang mga tuka dahil puro kasakiman ng nakaraang administrasyon ang dumagundong at walang pagkakakitaang narinig sa loob ng 6-taong termino ni P-Noy.

Nang umpisahan ni P-Noy ang pagsulyap sa lumolobong budget deficit at katanungan kung saan dinala ang pera, nakatungo ang lahat ng katropa ni Mrs. Arroyo at kulang na lamang isubsob ang mukha sa lamesa nang himayin ang P2 bilyong calamity fund.

Kung hindi umiskerda si Mrs. Arroyo patungong Hong Kong, sa malamang napadausdos sa upuan at hindi lang laway ang nalunok nang resbakan sa pagbuhos ng calamity fund sa Pampanga (P105 milyon sa distrito ni Mrs. Arroyo) habang barya ang natikman ng mga taga-Pangasinan (P5 milyon) gayong bugbog-sarado sa bagyong Pepeng ito.
***
Napag-usapan ang SONA, samu’t-saring ‘landmines’ ang ibinunyag ni P-Noy, mapa-midnight appointments at midnight deals, subalit mas nakakapanginig ng kalamnan ang pagbubuhay-hari ng mga opisyales ng MWSS.

Mantakin n’yo, kinakapos sa water supply ang Metro Manila, nag-uumapaw sa raket ang mga opisyal at kung anu-anong bonuses ang naimbento para lamang lusta yin ang government funds.


Ni sa panaginip, ayokong isiping makakapal ang pagmumukha ng mga opisyal ng MWSS, partikular ang bumubuo ng Board of Trustees, aba’y P90 libo ang allo­wances sa board meeting kada buwan at meron pang P80 libong grocery incentive.

Hindi pa kabilang ang mid-year bonus, productivity bonus, anniversary bonus, year-end bonus, financial assistance, Christmas bonus, additio nal Christmas package bonus -- ito’y nagkakahalaga ng tig-P98 libo.

Ang tanong: nakakatulog pa kaya ng mahimbing ang mga opisyal habang dinadaanan sa kalye ang mga nag-iigib at nakikipagtulakan sa pila, maliban kung manhid sa balitang pati pangbuhos sa kubeta, ito’y pinaghugasan ng pinggan?


Ang pinakamalungkot sa lahat, lumalangoy sa pera ang mga MWSS officials, katumbas ang P2.5 milyong perks kada taon plus pakotse, technical assistance at iba pang salary loan, gayong halos pudpod ang sapatos ng mga retirees para i-follow up ang kanilang pension sa kanilang opisina.

Kung hindi pa tinamaan sa deklaras yon ni P-Noy na “Kung mayroon pa silang kahit kaun ting hiya na natitira -- sana kusa na lang silang magbitiw sa puwesto”, ano pang klaseng taong matatawag ang mga ito? Laging tandaan “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.”


(mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: