Malinaw ang deklarasyon ni Pangulong Benigno Simeon ‘P-Noy’ Aquino III sa kauna-unahang pagsasalita sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ng nakaraang linggo -- “Hindi tama na ang nagmamalasakit ay kinakawawa” kaya’t walang rason upang magkaroon ng demoralisasyon sa kasundaluhan kahit pa napaaga ang pagretiro ng Class 78 na humahawak ng sensitibong posisyon.
Kung nagtatrabaho ng matuwid at walang ginagawang kabuktutan ang mga naiwang ‘mistah’ ni retired AFP chief of staff Delfin Bangit, hindi kailangang katakutan ang bagong administrasyon.
Isang makatwiran at hindi bengatibong nilalang si Aquino kaya’t hindi dapat ginagawang isyu ang demoralisasyon sa promosyon ng Class 77 at Class 79, katulad ng ipipinta ng ilang kritiko at kaporal ni Mrs. Gloria Arroyo.
Sa harap ni Defense Secretary Voltaire Gazmin, mas malinaw pa sa ‘gin’ ang pangako ni Aquino -- “Sisiguraduhin lang natin na basta’t dumaan sa wastong proseso ang mga promosyong ito, ipapadala natin ang mga ito sa lehislatura (Commission on Appointments).”
Ibig sabihin, walang ‘palakasan system’ at kahit umabot sa dulo ng alphabet, ipagkakaloob ni Aquino ang marapat na ranggo at promosyon sa isang opisyal, hindi sa anumang kinabibilangang ‘PMA Class’ nito.
***
Napag-usapan ang ‘concern’ ng ilang PMA Class, kalokohan kung hindi abot ng kaisipan ni Sec. Gazmin ang ganitong problema -- ito’y retiradong heneral at naiintindihan ang saloobin ng mga sundalo.
Kaya’t ayokong isiping pakulo ng mga ‘die hard supporters’ ni Mrs. Arroyo ang senaryong ‘wawalisin’ ni Aquino ang Class 78 upang magkaroon ng demoralisasyon sa AFP at dumami ang ‘adventurer’.
Kung hihimayin ang talumpati ni Aquino, higit na mahalaga ang kagamitan, benepisyo, at tirahan ng isang sundalo, katulad ng gustong ipaintindi sa publiko.
Take note: hindi naisasanla sa Cebuana Lhuillier ang estrelya sa balikat ng isang koronel at heneral kapag nagugutom ang pamilya o kaya’y walang pangmatrikula ang anak nito.
Kahit pa dumating sa puntong pagharian ng Class 77 at Class 79 ang ‘key position’ sa AFP, napaka-imposibleng magkagulo o lumikha ng demoralisasyon lalo pa’t nalagay sa ganitong sitwasyon ang Class 78.
Talagang bilog ang mundo, aba’y nasa itaas ngayon ang ‘Class 77’ na na-etsapuwera ni Mrs. Arroyo -- ito’y walang pinag-iba sa lagay ng panahon na ‘weder-weder lang’ ang sitwasyon.
***
Ngayong alas-8:00 ng umaga, dadalo sa flag ceremony si Aquino sa Kalayaan grounds sa palasyo ng MalacaƱang -- ito ang kauna-unahang pagdalo sa flag ceremony bilang Pangulo.
At magiging busy ang MalacaƱang Press Corps (MPC) sa buong maghapon dahil guest of honor at speaker si Aquino sa 63rd anniversary ng Philippine Air Force (PAF) sa Villamor Air Base ganap alas-10:00 ng umaga. Laging tandaan: “Kayo ang Boss Ko, at Ako ang Spy N’yo.”
(mgakurimaw.blogspot.com)
No comments:
Post a Comment