Friday, July 23, 2010

Hulyo 23 2010 Abante Tonite

Walang krisis
Rey Marfil


Hindi kailangang Harvard graduate para maintindihang walang water crisis -- ito’y epekto ng samu’t sa ring kapalpakan ng mga nangangasiwa sa ilang ahensya ng pamahalaan sa nakalipas na panahon.

Mantakin n’yo, napakaraming ilog at lawa sa Pilipinas, hindi mapagkunan ng water supply dahil ‘tongpats’ at komisyon ang una ng pumapasok sa kukote ng mga opisyal.

Kung padamihan ng dam, pang-Guinness Book of Records ang Pilipinas subalit hindi naman mapagkunan ng water supply dahil kung sinu-sino ang naka-squat.

Ang nakakasuka sa lahat, ‘Onli in da Pilipins’ merong hydro power plant na walang lamang tubig ang dam -- ito’y matagal ng problema, hindi pa man sumagi sa isipan ni Pangulong Benigno Simeon ‘P-Noy’ Aquino III ang tumakbong Congressman ng Tarlac.

Ang magandang ba lita, tumaas ng 25 cubic meter ang tubig sa Angat Dam kahit paano nadagdagan.

Ngayong kinakapos sa tubig, maling gamitin ang katagang ‘water crisis’ at hindi rin akmang bumuo ng ‘crisis management’ o kaya’y italaga ni P-Noy ang sarili bilang ‘water czar’.

Kung susuriin ang sitwasyon, tanging 3% ng residente sa Metro Manila ang apektado sa water shortage kaya’t walang dapat ipag-panic at hindi makatwirang magdeklara ng state of calamity.

Subukan n’yong lumabas ng Maynila, amoy-bagong ligo pa rin ang mga taga-Cavite, Zambales, Olongapo, Laguna at Batangas!


Hihimayin ang nilalaman ng press conference ni DPWH Secretary Rogelio Singson, hindi lamang El Niño ang ugat ng water shortage sa ilang bahagi ng Maynila kundi ang kawalan ng ‘sintido kumon’ ng mga nakaupong opisyal sa National Power Corporation (Napocor).

Sa takot maulit ang eksenang iniwan ng bagyong Ondoy, pinakawalan ang tubig sa Angat Dam kaya’t namamaho ngayon ang ilang lugar. Siguro naman naiintindihan ng mga costumer ng Maynilad kung sino ang sasabunin ng walang banlawan kahit walang water supply.

***

Napag-usapan ang water shortage, nakakalungkot isi ping isinisisi kay P-Noy ang problema gayong 23 days pa lamang nag-opisina sa Guest House at hanggang ngayo’y hindi natatapos ang paglilipatang apartment sa PSG compound, aba’y kulang na lamang pati pag-igib at pagsalok sa timba, ito’y ipasa sa Malacañang.

Tandaan: Lahat ng problemang kinakaharap ngayon ng Pilipinas, ito’y ilan lamang sa ‘landmines’ na iniwan ni Mrs. Arroyo.

Hindi pa man nagwawakas ang misteryo ng tubig, inumpisahan ng kuyugin si P-Noy sa memorandum order ni BIR Commissioner Kim Henares sa implementas yon ng 12% VAT sa toll fee, simula Agosto 16, patunay ang pagpakita ng matinding pagkadismaya ng transport group gayong si Mrs. Arroyo ang pasimuno sa lahat ng pagbubuwis.

Ibig sabihin, bago pa man pumasok si P-Noy sa palasyo, matagal ng nakaumang ang 12% VAT sa toll fee kaya’t sa halip batikusin, bakit hindi bigyan ng pagkakataong makapagpakitang-gilas at ituwid ang mali.

Napakalawak ng problema sa gobyerno, ito’y hindi makukuha sa isang tulugan lamang kaya’t mas nakakadismaya ang pag-iingay ng transport group, katulad ang akusasyong hindi tumupad sa pangako si P-Noy.

Kung hindi ba naman tinamaan ng ‘tatlong gunggong’ ang iba’t ibang transport group, bakit hindi subukang pakinggan ang nilalaman ng unang State of the Nation Address (SONA) ni P-Noy at pagkalipas ng isang taon, walang nangyari saka balikan at singilin. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.”


(mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: