Walang pinag-iba sa “Diatab’s commercial” ang pag-iwas ni Pampanga Congw. Gloria Macapagal-Arroyo sa kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Simeon ‘P-Noy’ Aquino III ngayong hapon -- ito’y ‘mukhang guilty’ sa lahat ng ibinibintang, mapa-corruption, midnight deals hanggang pagkaubos ng government funds at sandamakmak na ‘landmines’.
Kung walang itinatago at hindi takot sa laman ng SONA ni P-Noy ang ina ni partylist Rep. Jose Miguel ‘Mikey’ Arroyo na nagpapakilalang ‘sugo’ ng mga guwardiya sa Kongreso, ito’y hindi kailangan pang lumiban sa SONA lalo pa’t napakaraming araw upang ipa-check up ang asawa na malakas pa sa kalabaw kung maglakad.
Anyway, para matahimik ang lahat ng bumabanat, bakit hindi subukan ang expertise ni Mikey sa pagguguwardiya, ito’y pagbantayin sa entrance gate ng Batasan.
Higit sa lahat, hindi naman masama ang kalagayan ni ex-First Gentleman Mike Arroyo, hindi ba’t nagawa pang pumila sa embarkation lane na sa kauna-unahang pagkakataon, ito’y ginawa sa loob ng 9-taon, katulad ng kuwentuhan ng mga tsismosong immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Teka lang, hindi kaya nahihiya lamang si Mrs. Arroyo at walang mukhang maiharap kay P-Noy kaya’t tumulak ng Hong Kong dahil ibang leksyon ang naituro sa panahong estudyante sa Ateneo?
Bagama’t karapatan ni Mrs. Arroyo ang mag-absent at hindi naman mababawasan ang problemang iniwan sa Pilipinas kung dadalo sa SONA ni P-Noy, mas mainam pa rin kung present sa Kongreso ang dating Pangulo dahil direktang maririnig sa bibig ng dating estudyante (Aquino) kung paano ire-recite sa classroom ang lahat ng iniwang ‘landmines’ nito.
Kung tutuusin, hindi rin matatahimik ngayong alas-3:00 ng hapon si Mrs. Arroyo habang nakabakasyon sa Hong Kong at humihigop ng mainit na Chinese soup.
At malaking kalokohan din kung hindi magtatanong si Mrs. Arroyo sa mga katropa sa Batasan Hills kung ano ang laman ng SONA ni P-Noy lalo pa’t merong paunang patikim sa pagkaubos ng calamity fund -- ito’y harapang narinig ng mga sundalo sa Fort Bonifacio.
***
Napag-usapan ang SONA, samu’t saring pagkuwes tyon kung bakit kailangan pang ipamukha kay Mrs. Arroyo ang mga iniwang problema sa gobyerno.
Merong nagsasabing isentro sa solusyon at aksyon, hindi sa anumang expose ang talumpati ni P-Noy ngayong hapon, animo’y nakalimutang ito’y ibinoto dahil sa pangakong transparency at pagbabago, maliban kung ‘immune’ ang mga kritiko sa pakikinig ng sirang plaka kada taon.
Hindi pa man tumatakbong Pangulo, ‘kuwentas-cla ras’ si P-Noy sa kanyang pagkatao, maging sa binitawang pangako kaya’t malaking kalokohan kung itatago ang mga kamalian ni Mrs. Arroyo sa mahabang panahon lalo pa’t namimiligrong mabangkarote ang gobyerno dahil sa kaliwa’t kanang midnight deal, at illegal distribution ng pondo.
Alangang sarilinin ni P-Noy ang problema gayong ‘matuwid na landas’ ang ipinangako at ibang tao ang nagwaldas dito.
Isang bagay lamang ang malinaw kung bakit kinakabahan ang mga kaporal ni Mrs. Arroyo na pag-usapan sa SONA ang mga kamalian at baho ng kanilang amo dahil i lan dito’y madadamay kapag nagsimulang maghalungkat ng mga papel sa drawer si ex-Chief Justice Hilario Davi de Jr., lalo pa’t hindi nagbibiro ang Truth Commission. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.”
(mgakurimaw.blogspot.com)
No comments:
Post a Comment