Kahit sinong lumagay sa katayuan ni Pangulong Benigno Simeon ‘P-Noy’ Aquino III, hindi lang iinit ang ulo sa kapalpakan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), aba’y alas-singko ng hapon huling nabigyan ng weather bulletin.
Sa sobrang aga ng ‘deadline’ sa pagsa-submit ng report sa Manila Bulletin, ito’y kamuntikan pang naunahan ng balita kinabukasan. Kahit itanong n’yo pa kay Roy Mabasa.
Hindi lahat puwedeng isisi ng PAGASA sa pagkakaroon ng lumang equipment kaya’t atrasado ang paglabas ng weather bulletin o forecast.
Kilalang mapamaraan ang mga Pinoy, kaya’t tinatanong ni dzRH reporter Raymund Dadpaas kung bakit sa ganitong sitwasyon hindi magamit ang pagiging malikhain upang bigyan ng babala ang publiko?
Lahat ng radyo at telebisyon nakatutok sa bagyo, kalokohan kung iisnabin ang tawag ng mga ito.
Kung alas-singko ng hapon huling nakatanggap ng weather bulletin si P-Noy, aba’y halos anim na oras bago tumama ang bagyo kaya’t may katwirang mag-init ng ulo.
Mantakin n’yo, kahit ka-dinner ni P-Noy ang Malacañang Press Corps (MPC) sa Heroes Hall, ito’y makailang-beses lumalabas at nagpapa-update sa sitwasyon lalo pa’t balitang mapupuruhan ang Quezon.
At kinaumagahan, buong maghapon (Miyerkules) naka-monitor sa epekto ni Basyang, pinakahuli ang relief operation sa Del Pan kinagabihan.
Saksi ang MPC officials kung gaano kaaligaga si P-Noy sa maaaring pinsala ng bagyo at mismong si Business Mirror reporter Mia Gonzalez, Acting President ng Press Corps, ang pumutol sa pagkukuwento ni P-Noy dahil ilang minutong pinag-uusapan ang bagyo gayong hindi man lamang nakikilala ang mga kaharap sa presidential table.
***
Napag-usapan ang dinner, ito’y isang simpleng hapunan lamang na ipinagkaloob ni P-Noy sa Malacañang reporters upang lubos magkakilanlan ang bawat isa lalo pa’t araw-araw makakabanggaan ng balikat sa bawat photo op at media coverage sa Rizal Room, Heroes Hall, Kalayaan Ground, at Guest House, maging sa foreign trip at out of town.
Take note: napakaordinaryo ng putahe at ambiance lang ang pagkakaiba dahil inihain sa Malacañang.
Sa mga nang-iintrigang bakit kailangang magpa-dinner si P-Noy gayong malakas ang ulan at binabagyo ang ilang bahagi ng Luzon, ito’y isang linggo nang naiskedyul bago pa man nagparamdam si Basyang, malinaw sa report nina Sandra Aguinaldo (GMA-7) at George Carino (ABS-CBN).
Ibig sabihin, walang choice si P-Noy kundi ituloy ang ‘getting to know you event’ lalo pa’t sala sa init at lamig ang kinalalagyan.
Nangyari ang dinner bago pa man nanalasa si Basyang at napakasimpleng pagkain ang ipinahain ni Social Secretary Susan Reyes sa hapag, hindi katulad ng maluhong steak ni Mrs. Arroyo sa Le Cirque Restaurant na daang libong piso ang bawat kagat. Higit sa lahat, sino bang hindi naghahapunan kahit p
a meron bagyong papasok sa kanilang lugar? Anyway, masaya si Pareng Mar Rodriguez sa dinner dahil hindi puro kuko ang nakita sa buffet table kundi ulam.
Sa humigit-kumulang dalawang oras na pamamalagi ni P-Noy sa lamesa, kausap ang media, ito’y apat na beses pang nag-excuse para tumanggap ng tawag sa mga kinauukulan dahil minu-monitor ang sitwasyon sa labas ng kanyang opisina kaya’t palaging naka-standby sa ‘di kalayuan si Assistant Secretary (Asec) Jun Delantar.
At kahit nakaranas ng black out sa Times Street, maagang gumising at ‘nag-homiliya’ si P-Noy sa office ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) -- dito nangyari ang paninermon sa PAGASA. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy nyo.”
(mga kurimaw.blogspot.com)
No comments:
Post a Comment