Tuesday, June 9, 2009

june 9 2009 abante tonite

Noli-Ping, Mar-Ping o Chiz-Ping?
Rey Marfil


Kung lahat ng presidentiables ay nagsasaya sa pag-atras ni Senator Ping Lacson, kalokohan kung makakangiti si Senador Manuel Villar Jr., ngayong ‘out of race’ ang chairman ng ethics committee, aba’y mawawalan ng saysay ang depensang pinagtutulungan ng mga presidentiable.

Ika nga ng mga kurimaw, siguradong ‘magkaka-buwa’ ang mga handler, sampu ng mga inarkilang spokesman ni Manny dahil hindi magagamit ng katukayo ni Joselito Caye­tano na palusot ang isyung pulitika ang ethics probe sa C-5 Road. Ang malinaw, kahit nabura si Lacson bilang presidentiable, kalokohan kung haharap ang amo ni Cayetano sa Committee of the Whole, kahit itanong n’yo pa sa mga mag-iitik sa Taguig at Pateros?

Sayang ang isang Ping Lacson upang pamunuan ang bansang lugmok sa katiwalian at kahihiyan. Mara­ming nagulat at nalungkot su­balit kahanga-hanga ang pagpapakatotoo at pagsakripisyo, aba’y napakahirap maghingi ng donasyon, ito’y siguradong babayaran kapag naupo sa palasyo. At hindi naman nagtatapos ang laban ni Lacson sa pag-atras bilang presidentiable dahil naglipana pa rin ang mga corrupt sa iba’t ibang go­vernment agencies.

Anyway, kahit multi-bilyon ang campaign fund ni Villar, subukan n’yong pa-atrasin, ewan lang kung sumagi sa isipan ang C-5 road scandal para mahiya sa mga botante? Ni sa panaginip, ayokong isiping may pinagmahan si Villar kay Mrs. Arroyo, aba’y balikan ang lahat ng eskandalo, hindi ba’t ‘dedmatic’ lamang ni Mrs. Arroyo at ‘for sale’ rin ng formula ng palasyo sa Kongreso, katulad ng mga banner story sa kakamping tabloid ngayong mainit ang ethics probe?
***
Ngayong nabawasan ang mga presidentiable, ‘pinaka-mabenta’ at ‘apple of the eye’ ng mga tatakbo sa 2010 election, walang iba kundi si Lacson. Take note: Humigit-kumulang apat milyon ang naitalagang boto ni Lacson noong 2004 gayong dalawang ‘heavyweights’ ang nakabangga sa entablado - sina Mrs. Arroyo at Fernando Poe Jr.

Kalokohan kung walang ibinawas ang mga ‘Garci Generals’ sa Mindanao votes ni Lacson, eh napakalinaw sa original CD hawak ni ex-Press Sec. Ignacio Bunye ang isang mil­yong hinihinging dagdag ng misis ni Jose Pidal!

Sa simpleng explanation, napakalaking ‘bentahe’ sa sinumang presidentiable ang kamay ni Lacson, patunay ang malaking suporta noong 2007 mid-term election, ito’y pangatlo sa senatorial race, kasunod ni senador Chiz Escudero. Ibig sabihin. ‘dagdag-pogi points’ si Lacson sa sinumang presidentiables dahil walang bahid ng corruption ang imahe nito.

At dahil hindi nagsisinunga­ling ang ebidensya, balikan ang 2004 presidential election, aba’y lumalabas pang mas maraming followers si Lacson kina Bro. Eddie Villanueva at Bro. Mike Velarde. Mantakin n’yo, tig-da­lawang congressional seat sa party-list system ang nasungkit ng El Shaddai at Jesus Is Lord (JIL) - ito’y katumbas lamang ng 500 libong boto. At marami pa rin ang utak-kalye, aba’y kahit nangangak ang Bayan Muna, ito’y nakasungkit ng tatlong silya!

Kung Spy ang tatanu­ngin, tatlong presidentiables lamang puwedeng suporta­han ni Lacson- sina Mar Roxas, Chiz Escudero at Vice President Noli De Castro. Kahit masiraan ng ulo ang lahat ng mga mag-iitik, kasing-labo ng putikan ang senaryong sasama si Lacson kay Villar.

Hindi natin babangitin ang pangalan, dala­wang kampo sa apat na pre­sidentiables na nabangit ang interesadong makausap ang kampo ni Lacson. Isa rito’y tumawag, ilang minuto makaraang i-anunsiyo ni Lacson sa ABS-CBN ang pag-atras sa presidential derby habang ang ikalawang presi­dentiable, ito’y nagpadala ng emisaryo para mag-usap ang magkabilang kampo.

Sabagay, magandang tambalan ang ‘Noli-Ping’, masarap din pa­kinggan ang ‘Mar-Ping’ at siguradong click sa kabataan at kababaihan ang ‘Chiz-Ping’. Sa tingin n’yo, alin ang mas masarap pa­kinggan at basahin sa mga streamers at tarpaulin nga­yong 2010? (mgakurimaw.blogspot.com)