At dahil hindi nagsisinungaling ang ebidensya,                      lalo pang nabisto ang pagiging desperadong maluklok sa mataas                      na posisyon ng isang pulitiko matapos samantalahin ang lamay                      upang mangampanya ito.                                         Sa halip matuwa si Mang Teban dahil isa ang kandidato sa pinakamaagang                      dumalaw sa burol ng isang namayapang mediaman, ito’y                      napalitan ng pagka-bad trip matapos itong makitang nangangampaya.                                         Ang rason, nauwi sa campaign sorties ang burol, as in na-divert                      ang tunay na diwa ng pagbisita dahil isa-isang nilapitan ng                      pulitiko ang mga bisitang nakikidalamhati sa pagpanaw ng mediaman                      upang makipagkamay ito.                                         Napakaraming tao sa burol at halos tayuan sa loob ng punerarya                      kung saan pawang mga kasamahan sa industriya ang nakikipaglamay                      sa pamilya ng namayapang mediaman, sa pangunguna ng mga beteranong                      mamamahayag.                                         Sa pintuan pa lamang ng punerarya, kaagad kinamayan ng kandidato                      ang lahat ng mga nakasalubong sa hallway o lobby, partikular                      sa entrance gate kahit sa ibang patay dumadalaw ang mga ito.                                         Nang makapasok sa mismong pinagburulan ng namayapang mediamen,                      isa-isa ring kinamayan ng presidentiable ang lahat ng mga                      nakikipaglamay at kahit siksikan sa loob ng kuwarto, nagawa                      pa nitong puntahan para mabati.                                         Makalipas ang 30-minuto, nagpaalam ang pulitiko sa pamilya                      ng namayapa at kaagad tumayo, hindi para lumabas ng kuwarto                      kundi muling kamayan ang lahat ng mga bisita o nakikipaglamay,                      katulad din sa naunang ginawa nang pumasok ito.                                         Pintahan n’yo na: Matindi ang pangangailangan sa media                      mileage ng kandidatong ito lalo pa’t nababawasan ang                      popularity rating bunga ng kinasasangkutang eskandalo.(mgakurimaw.blogspot.com)
  | 
2 comments:
hula, hula na
try these out x6c55f4x14 best replica bags replica bags australia find more info g3q95y2a68 replica gucci handbags replica bags near me replica bags qatar fake gucci e4d21d6c29 replica bags sydney
Post a Comment