Thursday, June 11, 2009

june 11 2009 abante tonite


Papuri kay Sir Raul ko!
Rey Marfil


Hindi maibaba ang kilay ng mga natatawa sa vice presidential bid ni DILG Sec. Ronnie Puno, kabilang ang pagdududang konektado sa Constituent Assembly (Con-Ass) resolution ang ‘pag-iingay’ upang ilihis ang kaisipan ng publiko sa Charter Change (ChaCha). At kung meron pinaka-bad trip sa lahat, walang iba kundi ang mister ni Mang Jun - si Senadora Miriam Santiago, aba’y hindi makalimutan ang pagkatalo kay Tabako.

Sa paniwalang si Puno ang ‘utak’ ng kamalasan noong 1992 election, inis-talo pa rin hanggang ngayon ang lady solon. At dahil mas sikat at maingay si Aling Miriam kumpara kay Puno, nakatatak sa isipan ng publiko na hindi dapat pinagkakatiwalaan ito.

In fairness kay Puno, ito’y walang ‘tatak-Hudas’, katulad ng ibang government officials, as in hindi kailanman nabansagang traidor sa kanyang amo. Kahit nagbaliktaran ang lahat ng cabinet members noong EDSA Dos, nanatili si Puno sa tabi ni Erap. At ngayong si Mrs. Arroyo ang bagong amo, walang negatibong masabi ang pamilya Estrada at wala rin maipintas ang Arroyo family, maging ka-tropa sa gabinete.

At kung walang tiwala si Mrs. Arroyo sa pagkatao ni Puno, sa malamang naghihimas pa rin ng bakal si Erap sa Muntinlupa nang ma-convict sa plunder case noong 2007, malinaw ang ‘personal intervention’ upang patawarin at bigyang absolute pardon si Erap. ‘Di ba birthday girls Lourdes De Vera at Atty. Myra Roa?
***
Napag-usapan ang 2010, malinaw sa survey ng The Center ang mahinang tambalan Villar-De Castro, ito’y nakapagtala lamang ng 27% habang 14% ang ‘De Castro-Villar tandem’, maliban kung dumikit sa isipan ng publiko ang C-5 road scandal, paano pa kaya sa susunod na survey lalo pa’t naisiwalat sa Committee of the Whole ang ‘18 kasalanan’ ni Villar kaya’t ipina-ethics.

Ang nakakagulat, malakas ang ‘Mar-Ping’ tandem (33%), kasunod ang ‘Erap-Loren’ (31%). Ang nakalimutan itanong ng The Center sa 1,200 respondents, paano kung ‘Chiz-Ping’ sa 2010, hindi kaya maglupasay si Loren Sinta? Sabagay, gasgas ng drama ang pagka-Crying Lady sa impeachment trial ni Erap.

Take note: Hindi maganda ang relasyon nina Danding Cojuangco at Edong Angara, kalokohan kung tatalikuran ni Loren Sinta ang taong sinandalan sa panahong kailangan ang suporta. Kung walang Angara, walang maga-guide sa political career ni Loren Sinta nang tumakbong vice president ni Da King!
***
Kung maraming natuwa, meron din nanghinayang kay DOJ Sec Raul Gonzalez, aba’y “one of a kind” ang gabinete. Kahit one liner, siguradong headline ang katagang lumalabas sa bunganga nito. At sa malamang, ipinag-pray ng mag-inang Cory at Kris Aquino, Susan Roces at iba pang kababaihang ininsulto sa mga interbyu.

Sa pagkasibak ni Gonzalez, lumutang ang espekulasyon konektado sa “Mancao script” kaya’t pinalitan ni Agnes Devenadera - kilalang malapit kina Atty. Mike at Mrs. Arroyo. Ibig sabihin, walang kinalaman sa Mancao story ang pagkasibak ni Gonzalez bagkus sa ‘Failon tragedy’. Anyway, welcome back, Kuya Ted!

Hindi natin babangitin ang pangalan subalit usap-usapan sa mga coffee shops, isang ‘malaking tao’ sa MalacaƱang ang na-bad trip kay Gonzalez sa handling ng kaso laban kay Ted Failon. Bilang komentarista, isa ang ‘malaking tao’ sa nauupakan ni Ted Failon sa dzMM radio at madalas laman ng kritisismo o pagbatikos kaya’t gustong makaganti at pursigidong ipakulong ang broadcaster kahit malinaw ang kuwentong nagbaril sa sarili ang misis nito.

Sa impormasyong nakarating sa Spy, ipinapadiin sa ‘parricide case’ si Ted Failon subalit pumalag si Gonzalez dahil walang ebidensiya laban dito. Kung may katotohanan ang report, aba’y kahanga-hanga pa rin si Sir Raul ko! (mgakurimaw.blogspot.com)