Kapag kumalat ang A(H1N1) virus sa isang                      lalawigan sa Luzon, walang ibang dapat sisihin ang publiko                      kundi ang isang presidentiable na nagbakasyon-grande sa abroad                      habang naka-recess ang Dalawang Kapulungan ng Kongreso.                                         Ang rason, naghakot ng mga local officials sa isang lungsod                      sa Visayas region ang presidentiable bilang preparasyon sa                      pagtakbo ngayong 2010 national election at hindi man lamang                      ito nag-self quarantine.                                         Matinding pagka-bad trip ang naramdaman ni Mang Teban sa presidentiable                      matapos madiskubreng dumiretso sa isang pagtitipon ng mga                      barangay officials ang pulitiko at hindi nagawang mag-quarantine                      kahit isang araw gayong isang linggong nagbakasyon-grande                      sa abroad.                                         Pagkalapag ng eroplano sa Pilipinas lalo pa’t merong                      direct flight sa lalawigan, diretso sa inisponsorang pagtitipon                      ng mga baranggay officials upang makipag-bolahan at makipag-kamayan                      sa mga supporters nito.                                         Kinargo ng presidentiable ang lahat ng gastusin                      ng mga local officials, simula pamasahe patungong Visayas                      region, pagkain hanggang hotel accommodation sa loob ng tatlong                      (3) araw.                                         Pintahan n’yo na: Madaming salapi ang presidentiable                      at may kinasasangkutang kontrobersiya.
  | 
1 comment:
hula. hula........
Post a Comment