Monday, June 22, 2009

june 222 2009 abante tonite

Presidentiable nanita at nagselos!
(Rey Marfil)

Katulad ng kasabihang ‘mahirap ituwid ang matandang sanga’, sadyang nakadikit sa kulay at dugo ng isang presidentiable ang pagiging mainggitin at butangera matapos pagselosan ang dalawang kauring presidentiables.

Nasaksihan ng Tonite Spy kung paano sitahin ng presidentiable ang ka-tropa matapos mabalitaang ini-etsapuwera ang kanyang pangalan sa ikinukunsiderang susuportahan sa 2010 national election.

Bagama’t walang responsibilidad ang ka-tropa sa presidentiable lalo pa’t hindi naman magkapartido at wala rin relasyon o hindi mag-boypren ang dalawa, mistulang pagmamay-ari ng kumag ang bawat desisyon ng kaibigan nito.

Ang nakakasuka sa lahat, harap-harapang sinita ng presidentiable ang ka-tropa nang mabalitaang nabura ang kanyang pangalan sa ikinukunsiderang susuportahang kandidato sa 2010 national election.

Bago sinita ang ka-tropa, lumabas sa peryodiko ang planong pagsuporta ng una sa dalawang presidentiables at inakala ng kauring presidentiable na lehitimong interbyu sa nabangit ang news report.

Dahil nakaugalian ng kauring presidentiable ang manita kahit hindi kaibigan ang mga nakakausap, as in madalas ‘feeling-close’ sa kaututang-dila, muling umiral ang pagka-butangera ng kumag.

Sa harap ng mga kasamahang presidentiable, nagawang sitahin ng kauring presidentiable ang ka-tropa at pinagselosan ang pagkaka-etsapuwera sa listahan ng mga ikinukunsiderang susuportahan gayong madalas magkasama sa meeting ang mga ito.

Ang nakakatawa, wala man lamang preno ang bunganga ng kauring presidentiable, as in walang pakialam kahit sino pa ang makadinig sa kanyang litanya dahil napalingon ang lahat at hindi maiwasang magtaasan ang kilay ng mga kurimaw.

Bilang depensa ng ka-tropa, inirason nitong wala pang desisyon at hindi na-interbyu, katulad sa nilalaman ng balita sa isang malaking peryodiko kung kaya’t walang dapat ipagselos ang kauring presidentiable, anuman ang pagkakaintindi nito.

Clue: Nangyari ang pag-emote ng presidentiable sa isang malaking rally at isa sa pinagselosan nito’y kapartido habang umatras sa laban ang ka-tropa. (mgakurimaw.blogspot.com)