Hindi nag-iisa si Presidentiable I sa hanay ng mga nag-aambisyon maging kapalit ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ‘scripted’ ang lahat ng media interview, mapa-radyo o telebisyon.
Kung guided question at scripted ang bawat tanong ng mga kakamping reporter, broadcaster at komentarista, ganito rin ang estilo ni Presidentiable P, patunay ang pag-iinarteng sumalang sa radio interview kapag hindi ka-tropa ang kausap.
Sa report na nakalap ng Tonite Spy, naging ugali ng kampo ni Presidentiable P, katulad din ni Presidentiable I ang magbigay ng paunang impormasyon sa reporter kung anong isyu ang dapat itanong sa kanilang amo.
Nagsisilbing handler ngayon ni Presidentiable P si ex-Undersecretary at promotor sa ‘guided questionnaire’ o scripted na tanong sa kanyang amo kapag isinasalang sa radio interview o kaya’y dinadaluhang media forum.
Ang gustong mangyari ni ex-Undersecretary, i-sentro lamang sa mga nagawa ng kanyang amo (Presidentiable P) ang isyu, animo’y naka-batak ng marijuana dahil napa-praning kapag nasingitan ng ibang tanong ang script ipinadala nito.
Bago ang interview, tinatawagan ni ex-Undersecretary ang sinumang anchorperson para i-briefing kung anong topic lamang ang puwedeng itanong sa kanyang amo.
At kapag nabaling sa ibang isyu ang tanong ng anchorperson, ito’y kaagad pagsasabihang ‘out of order’ at kapag ipinilit ang gusto, mabilis din pinapakansela ang interview o kaya’y tinatakot na tatanggalan ng commercial ang programa nito. Clue: Mistulang ‘Boy tulo’ sa commercial ang bagong gimik ni Presidentiable 1 at meron letrang I sa palayaw, habang nakapaka-trying hard sa commercial si Presidentiabel P, samantalang meron letrang “C” si ex-Usec, as in Corrupt kaya’t nasibak!(mgakurimaw.blogspot.com) |
3 comments:
hula, hula
iyong C... si Capco
hehehe
Post a Comment