Bagama’t minahal sa panahong magkasama                      sa trabaho, ngayo’y matinding pagka-allergic ang nararamdaman                      ng isang nagpapakabakyang presidentiable kapag napag-uusapan                      ang nakarelasyong bebot.                                         Hindi maiwasang matawa ni Mang Teban tuwing inuurirat ang                      nagpapaka-bakyang presidentiable sa kanyang nakaraan, katulad                      ang pagbabalik-tanaw sa nakarelasyong bebot at ngayo’y                      isa na rin ka-tropa bilang deputado.                                         Sa lahat ng mga naka-relasyon, namumukod tangi ang bebot sa                      mga kinaiinisan ng presidentiable, animo’y pinagsisihan                      kung bakit niligawan ito.                     Nang minsan mapasabak sa kuwentuhan ang presidentiable na                      ito at nabaling ang usapan sa mga nakarelasyon, mistulang                      ice cream na natutunaw ang opisyal, hindi dahil kinikilig                      kapag naipa-flashback sa isipan ang mga matatamis na karanasan                      kundi sa matinding kahihiyan.                                         Bilang depensa kapag napag-uusapan ang ex-gf, namumula ang                      mukha ng presidentiable at mabilis ding nagpapaalam, as in                      nagwu-walk out sa kuwentuhan, kasabay ng depensang magagalit                      o magseselos ang bagong karelasyon nito.                                         Pintahan n’yo na: Katanggap-tangap ang pandidiri ng                      presidentiable sa ex-girlfriend dahil mukhang lalaki ang bebot                      at matapobre.(mgakurimaw.blogspot.com)
  | 
No comments:
Post a Comment