Saturday, June 6, 2009

june 6 2009 abante tonite

Presidentiable namamakyaw ng senatorial bets
(Rey Marfil)

Sa hangaring makabuo ng line-up sa 2010 national election, lantaranang namimili ng senatorial candidates ang isang mapagkunyaring presidentiable dahil walang gustong pumasok sa ticket nito.

Katulad ng nakaugalian, idinadaan sa ‘pera-pera’ ng mapagkunyaring presidentiable ang pagbuo ng senatorial line-up, patunay ang pamamakyaw ng mga kandidato, simula sa local level hanggang senatorial bets.

Sa impormasyong nakalap ng TONITE Spy, maraming nagdadalawang isip sumali sa partido ng mapagkunyaring presidentiable dahil pababa ang rating at posibleng madamay sa masamang impresyon lalo pa’t nasasangkot sa isang eskandalo ito.

May pinagmanahan sa mga naglipanang kurakot sa palasyo ng MalacaƱang ang mapagkuyanring presidentiable dahil namimili ng mga supporters at naging polisiya sa buhay ang katagang PLAK, as in pera lang ang katapat ng bawat kausap nito.

Dahil hirap makabuo ng senatorial line-up, walang ibang choice ang mapagkunyaring presidentiable kundi mamakyaw ng senatorial bets, as in isa-isang kinakausap ang mga posibleng kandidatong senador sa 2010, kapalit ang pangakong sasagutin ang lahat ng gastusin sa kampanya ng mga ito.

Hindi naman ikinagulat ng mga kurimaw ang pamamakyaw ng senatorial bets ng mapagkunyaring presidentiable dahil ‘pera-pera’ ang polisiya sa buhay ng mokong, as in paniwala nito’y matatapalan ng pera ang sinumang kausap, katulad ng taktika ngayong nasasangkot sa katiwalian.

Kahit saliwa sa paniniwala ng mga senatorial bets ang plataporma ng presidentiable, pikit-matang ‘nagpapabili’ ang mga kandidato dahil napakagastos ang sumalang sa eleksyon at tanging nabanggit ang may kakayahang gumastos.

Pinakamahinang ‘presyuhan’ o offer ng mapagkunyaring presidentiable sa bawat tatakbong senador na papasok sa kanyang organisasyon, ang libreng commercials at multi-milyon pisong gastusin, simula poster hanggang pang-areglo sa mga lider.

Clue: Maliban sa pamamakyaw ng kandidato, namimili rin ng survey ang mapagkunyaring presidentiable para pumabor sa kanyang kampo ang resulta. Kung incumbent o ex-government official, ito’y ipagtanong kina Matet at Lotlot ng Senado. (mgakurimaw.blogspot.com)