Dahil hindi nagsisinungaling ang ebidensiya,                      bistado ang pagtatampisaw sa kasalanan ng isang kampon ni                      Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, partikular ang pakikipagrelasyon                      sa kanyang secretary.                                         Hindi maiwasang matawa ni Mang Teban dahil mala-George Bocobo                      si Palace boy, patunay ang pagkakabuking ng kanyang misis                      sa itinatagong relasyon sa pagitan ng kanyang secretary, simula                      ng maupo ito sa puwesto.                                         Bago nabisto ang kabulastugan ni Palace boy, tuwang-tuwa ang                      misis ng opisyal tuwing kasama sa lahat ng biyahe ang secretary                      dahil alagang-alaga ang kanyang mister subalit laking gulat                      nang madiskubreng ‘inaswang’ at ‘bumigay’                      ang bebot.                                         Sa napakamurang edad, kinuhang secretary ni Palace boy ang                      bebot na halos kasing-edad ng kanyang mga apo subalit na-in                      love ang opisyal.                                         Dahil maraming nasisiraan ng ulo kapag in love ang isang tao,                      kada taon nabibigyan ng promosyon ang bebot, alinsunod sa                      rekomendasyon ni Palace boy hanggang marating ng karelasyon                      ang mataas na posisyon.                                          Bagama’t tumaas ng posisyon, namumukod tanging secretary                      ni Palace boy ang meron access sa kuwarto ng opisyal at madalas                      pang magkulong ang magkarelasyon.                                         Kartada 9 ang katawan ng bebot, mestisahin at katamtaman ang                      taas kung kaya’t na-in love si Palace boy subalit may                      katapusan ang lahat, matapos mabisto ng kanyang misis at inaway                      ang kanyang mister, hanggang napilitan ang opisyal na ipatapon                      sa ibang lugar.                                         Inilipat ni Palace boy ang karelasyong bebot sa probinsiya,                      subalit hindi pa rin tumitigil ang dalawa sa kanilang pagtatampisaw                      sa kasalanan, patunay ang madalas na pagkikita sa ibang lalawigan                      at pag-abroad.                                         Pintahan n’yo na: Nag-aambisyon sa national office si                      Palace boy. Ito’y nagpapakilalang ‘Kuya’                      habang meron letrang “S” ang bebot, as in Suwabe                      sa kama.
  | 
3 comments:
hula, hula... tatakbong senador at ginagamit ang pera ng gobyerno sa commercial
sino kaya ito???
umarkila ng maraming sasakyan sa rally
Post a Comment