Nakaraang linggo, laman ng pahayagan ang reklamo ng isang grupo ng mga tricycle driver laban kay Parañaque Councilor Carlito ‘Doods Animal’ Antipuesto - ito’y may kinalaman sa ‘trike lending scheme’. Sa affidavit ng mga trike drivers, kapag nagkakahalaga ng P120 libo ang trike, sinisingil ng P250.00 kada araw ng Animal Antipuesto Trike for Life Foundation. Ibig sabihin, mahigit P91 libo sa isang taon ang hulog at pumapatak na P270 libo ang kabubuang halaga ng motorsiklo.
Kapag pumalya ng pitong araw ang trike, ito’y hahatakin o i-impound. At bago mailabas ang motorsiklo, kailangang magbayad ng P5 libong multa kung hindi, ito’y ipagagamit sa ibang tao. Pagkatubos, magkakaroon re-contract, as in ‘back to zero’ ang pobreng trike driver sa hulog. Kaya maraming driver ang nagbabayad ng mahigit sa limang taon o higit pa!
Hindi lang iyan, meron pang ‘micro-lending’ si Konsehal, aba’y nagpapautang ng P10 hanggang P15 libo subalit pumapalo sa 35% ang interes sa loob ng dalawang buwan o 60-days. Ang malupit pang nadiskubre ng mga trike driver, walang approval ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang lahat ng pinagagawa ni Konsehal at wala rin business permit.
Bilang local official ng isa sa tinitingalang bayan sa Metro Manila, dapat magsilbing ehemplo si Konsehal, aba’y paano kukuha ng business permit ang mga negosyante kung mismong lumilikha ng ordinansa ang lumalabag, maliban kung pinanindigan ang pangalang animal? Ito ang rason kung bakit naghain ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) ang mga trike driver. Kapag nagkataon, makukulong sa kasong syndicated estafa at tax evasion si Konsehal dahil sa ‘animalya’!
***
Habang dumadami ang tinamaan ng A(H1N1) virus, nababawasan ang ‘pogi points’ ni DOH Sec. Francisco Duque, aba’y lumalabas ang pagiging inutil. Tandaan: Mataas lamang sa lagnat at trangkaso ang A(H1N1) virus, ito’y madaling gamutin basta’t mag-self quarantine ang pasyente.
Ang hindi malunasan ni Duque - ang mga ‘kiti-kiti’ gayong mas maraming buhay ang nadale sa dengue. Kung problema sa DOH, hindi maresolba ni Duque, paano pa kung makarating sa Upper House, hindi kaya puro daldal lamang ang gawin at idaan sa press conference? Ibig sabihin, hindi “Ok DoH ko” ang nag-isip ng estratehiya para makilala si Duque ng publiko bilang preparasyon sa 2010 national election, as in isang kahangalan kung papurihan ito!
Kung hindi pa binaterya ni Senador Joker Arroyo ang walang katapusang press conference ni Duque, hindi magbabago ng ‘formula’ ang DOH. Mantakin n’yo, gusto pa yatang makipag-kompetisyon ni Duque sa Amerika, hindi naman Olympic Games ang pinaglalabanan, maliban kung obsession ng gabinete makopo ang headlines?
Ang dapat pagkatandaan ng publiko, minsan nang sumabit sa eskandalo si Duque noong 2004 national election - ito ang promotor sa pagda-divert ng OWWA fund bilang pang-areglo sa mga botante kahit pondo ng mga overseas Filipino workers ito.
Pagkatapos ng eleksyon, nasaan ang health card na ipinamudmod ni Duque sa mga mahihirap na botante, hindi ba’t isang beses lang nagamit? Take note: Si Duque ang chairman ng Philhealth nang maganap ang pagda-divert sa OWWA fund at katarantaduhan kundi ‘premyo’ ni Mrs. Arroyo ang pagkakaupo sa DOH? Kung ‘nailihis’ ni Duque ang OWWA fund kahit hindi sakop ng kanyang opisina, hindi kaya maulit ang C-5 road scandal ni Senador Villar kapag nakarating ng ito ng Senado?
(mga.kurimaw.blogspot.com)
2 comments:
comment, comment
jordan shoes
ralph lauren uk
nike cortez women
yeezy shoes
moncler sale
cheapjordans
jordan retro
golden goose deluxe brand
coach outlet online
michael kors outlet store
Post a Comment