Monday, June 29, 2009

june 29 2009 abante tonite

Senador, takot mag-tuck in
(Rey Marfil)

Kahit ipinanganak na meron gintong kutsada at plato, walang kiyeme sa brand ng kasoutan ang isang miyembro ng Upper House subalit napaka-allergic kapag pinag-uusapan ang mag-tuck in ng pantalon o labas ang sinturera nito.

Sa impormasyong nakalap ng Tonite Spy, kahit kailan hindi pa nasubukan ng kunyong senador mag-tuck in ng damit o nakalabas ang sinturon at nakaipit sa kaniyang pantalon ang pang-itaas nito.

Ang rason, takot ang kunyong senador makita ng publiko ang naglalakihang bilbil sa itaas ng kanyang pantalon kung kaya’t allergic mag-tuck in ng damit kahit pa branded o mamahalin ang kasuotang sinturon, maging ang pantalon.

Isa sa ikinakahiya ng kunyong senador ang nagla­lakihang bilbil lalo pa’t kasing lapad ng bangka ang kanyang katawan at baywang na labis ikinakadismaya ng mokong kapag sinusubukang mag-tuck in ito.

Sa tanang buhay ng kunyong senador, simula ng pumasok sa pulitika, ito’y hindi pa nakitaang naka-tuck in ng damit, as in palaging naka-tuck out o inilaladlad ang pang-itaas at tinatakpan ang bewang.

Hindi naman masisisi ng mga kurimaw kung maarte sa porma ang kunyong senador, katulad ang kawalang interes mag-tuck in ng damit lalo pa’t wala rin silbi ang sinturon, as in bumaba sa beywan ang ‘abs’ nito.

Kapag nag-tuck in ang kunyong senador, hindi rin makikita ang sinturon dahil tinatakpan ng kanyang bilbil ang kabuuan ng katawan, animo’y nagkaroon ng dalawang beywang ito.

Ang pinakamalupit nadiskubre ng mga kurimaw, abot-dibdib kapag pinag-tuck in ng damit dahil napa­kataas ng beywang ng kunyong senador at halos idaan sa balikat ang pagkuha ng pitaka kapag magbabayad sa restaurant ang mokong o kaya’t kukuha ng suklay at panyo sa bulsa nito.


Clue: Nag-aambisyong makarating sa palasyo ng kunyong senador at napakahirap ma-interbyu ngayong nagbabalak sumalang sa presidential election. Ito’y meron letrang “A”.

(mgakurimaw.blogspot.com)