Talagang ‘pera-pera’ ang labanan sa 2010, malinaw ang kuwenta ni Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson, gumastos ng P321 milyon sa TV commercial ang isang kasamahan sa Upper House. Take note: Setyembre 2008 nagsimula ang special operation at hindi kasama ang ‘monthly allowance’ ng ilang media personalities, maging radio plug sa mga radio station at ipinambibili ng headlines sa ilang peryodiko.
Kahit maliliit na tabloid lamang ang ‘nama-Manny Pacquiao’ ng presidentiable, malaki pa rin ang gastos sa pagbili ng banner story. Ang nakakatawa lang, mang-aagaw ng press release ang presidentiable, aba’y logo lamang ang pinalitan at hindi man lamang nire-rewrite bago ipamudmod ang statement ng ka-tropa sa organisasyon!
Hindi lang iyan, gumagastos ng kahalating milyon sa commercial kada linggo sa isang radio station ang presidentiable. Ibig sabihin, P2 milyon sa isang buwan kada himpilan kaya’t malaking katanungan kung paano babawiin ang salaping pinakakawalan, maliban kung ibinabalik lamang ang mga naibulsa?
Hindi nagbigay ng pangalan si Lacson kung sinong senador o presidentiable ang gumastos ng P321 milyon sa television commercial subalit lima ang natitira sa listahan -- sina Manuel Villar Jr., Manuel Roxas II, Loren Legarda, Francis ‘Chiz’ Escudero III at Richard ‘Dick’ Gordon.
Ang malinaw lang, alinsunod sa survey inilabas ng isang independent firm -- sina Villar, Roxas at Legarda ang topnotcher, hindi pa kasali si Chiz!
***
“Let’s Keep Our House Clean” -- ang tema ng isang patimpalak sa Lower House, alinsunod sa memorandum inilabas sa lahat ng mga departamento upang linisin ang kanilang kapaligiran.
Ang direktiba’y nanggaling diumano sa dalawang “Reyna” ng Lower House at inuutusan ang mga empleyado na sumunod sa mga “step by step guidelines (on how to clean) the workplace.
Sino nga ba ang ayaw makitang malinis ang kanyang kapaligiran para sa kapakananan ng lahat?
Lingid sa kaalaman ni House Speaker Prospero Nograles Jr., pinagtatawanan ang memorandum, aba’y pang-grade school ang guidelines, animo’y batang paslit ang tinuturuan kung paano gawin ang isang bagay.
Halimbawa: 1) Do not place anything under your desk. 2) Dispose unnecessary items in your desk drawers. 3) Arrange items in your desk drawers neatly for easy retrieval. 4) Do not pile up documents on your desk top. 5) Wipe your desk top every morning. 6) Do not leave unnecessary things on your desk top when you go home.
Kung ganito gumawa ng memorandum sa Lower House, huwag ipagtaka kung bakit iba ang pagkakaintindi sa voting separately ng mga Congressman!
Hindi lang iyan, isang departamento sa Lower House na meron pinakamaraming empleyado ang napilitang pagpalitin ang kanilang cabinet para lamang makasunod sa memorandum.
Mantakin n’yo, inilipat ang mga cabinet na naka-dikit sa mga dingding kaya’t lalong nasira at nababasa tuwing umuulan. Ang ipinagtataka ng mga kurimaw kung bakit nagkaroon ng re-modeling sa Batasan, as in ginastusan ng multi-milyong piso gayong hindi magawang ipakumpuni ang tumutulo at sirang opisina ng House employees!
Kung gusto ni Nograles, maging maganda at malinis ang kapaligiran ng Batasan Complex, dapat papasyalan kay House Media director Gil Bugaoisan ang bawat opisina para makita kung ano ang dapat kumpunihin at palitan.
Sa halip magwaldas ng pera sa paglalakwatsa ang mga kongresista tuwing may biyahe ang misis ni Jose Pidal, bakit hindi gastusin sa pagpapaganda ng Batasan?
Kaya’t hindi nakakagulat kung tinamaan ng A(H1N1) virus ang Lower House, aba’y ‘cosmetic formula’ ang paglilinis sa kapaligiran at puro biyahe ang inaatupag kaya’t nahahawaan ng A(H1N1), eh puwede naman pumirmis sa kanilang lalawigan.
Ang biruan ngayon, carrier ng dalawang virus ang mga Congressman - ito’y H1N1 at HR 1109. At makatwiran siguro na tuluyang isara ang Batasan para hindi magamit sa Con-Ass! (mga.kurimaw.blogspot.com)
3 comments:
comment,comment
Lich Van Nien 365
Xem Lich Am hom Nay
Xen ngay tot xau
Tu Vi Hang Ngay
Xem tuoi lam nha
Thuoc lo ban online
xem boi bai hom nay
12 cung hoang dao tu vi hang ngay
Xem tuoi vo chong
xem boi ngay sinh
x8b93x7w48 r8u71e2c70 f8t58f6f24 l3l35t8y22 j8u64n7r48 d5z51z5v95
Post a Comment