Wednesday, June 24, 2009

june 24 2009 abante tonite

Presidentiable namudmod ng sirang wall clock
(Rey Marfil)

Sa halip makakuha ng ‘pogi points’ ang pamumudmod ng orasan bilang preparasyon sa 2010 national election, mas lalo pang nabaon sa kahihiyan ang imahe ng isang presidentiable at pinagtatawanan ang pagpapa-cute sa mga botante nito.

Kung meron tinaguriang ‘the late senator’, ganito rin ang relo ipinadmudmod ng isang presidentiable bilang giveaways sa mga bumibisita sa kanyang opisina, kasunod ang pagkakadiskubreng atrasado at dispalinghado ang wall clock ipinagawa ng isang campaign contributor nito.

Sa report nakalap ng Tonite Spy, hindi lamang nagkabuhol-buhol kundi nagkasabit-sabit ang schedule ng mga constituents nabigyan ng wall clock ng presidentiable dahil atrasado ng isang oras, as in late ang long hand at short hand ng orasan.

Kapag sinuri ang wall clock ipinadmudmod ng presidentiable nakaraang Pasko, maging sa lahat ng mga bumibisita sa opisina ng mokong, mistulang nabaliktad ang daylight saving time (DST) ipinatupad ni dating Pangulong Corazon Aquino.
Nagsisilbing give-away o token ng presidentiable ang wall clock sa sinumang constituent na bumibisita at dumadalaw sa kanyang opisina kaya’t nagkalat sa malalayong probinsiya ang atrasadong relo nito.

Maituturing pang ‘home wrecker’ ang presidentiable dahil maraming nabigyan ng wall clock ang kamuntikang hiniwalayan ng kanilang mister lalo pa’t atrasado ng isang oras ang pagsasaing ng kanilang misis.

Ang nakakatawa sa lahat, kahit ilang palit ng double A battery at ikot sa long hand at short hand, hindi pa rin tumatama ang orasan ng presidentiable kaya’t hindi maiwasang pagduduhang tinipid ng campaign contributor ang mokong lalo pa’t makina ang may sira.


Clue: Mala-desperate housewives ang ‘pagwater-water ng presidentiable’ sa puwesto ni Mrs. Arroyo, maging ng karelasyon nito. Ito’y meron letrang ‘A’ sa apelyido, as in Ang hilig sa matandang karelasyon. Kung bebot o kelot, itanong kay birthday girl Cel Bueno ng dwIZ radio.

(mga.kurimaw.blogspot,com)