Tuesday, June 2, 2009

june 2 2009 abante tonite

Nagpaka-totoo lang si Puno!
Rey Marfil


Sa nangyaring sex vi­deo probe sa Upper House, unang na-bad trip ang Se­nate reporters, aba’y feeling-very important person (VIP) si Donya Consuelo, alyas Jamby. Mantakin n’yo, pasado alas-3:00 ng hapon nagsimula ang public hearing gayong ala-1:30 ang original schedule, as in isa’t kalahating oras na-delay gayong kumpleto ang resource persons na pinatawag ng komite.

Ibig sabihin, wala sa bisita ang pagka-atrasado ng public hearing kundi sa mismong chair kaya’t maraming nagtaa­san ng kilay kung bakit nagpapa-importante ang ‘ex-bestfriend’ ni Peter Sing at kung anong gimik ang pumasok sa kukote ng mga nagmamagaling sa kampo ni Donya Consuelo.

In fairness kay Donya Consuelo, ito’y biktima rin ng mga sipsip at nagmamarunong sa kanyang kampo. Hindi natin babangitin ang pangalan kung sinong abogadong pulpol ang nagbibigay ng mga sablay na payo sa lady solon subalit kapansin-pansing iisang tao lamang ang pinakikinggan ni Donya Consuelo kaya’t hindi nagtatanggal ng earphone.

Balikan ang sex vi­deo probe, hindi ba’t ‘protector’ ni Dr. Hayden Kho ang tingin ng publiko kay Dona Consuelo? Kahit sinong kurimaw ang tanungin ni Gary, iisa lang ang opinyon sa kanyang boss - ito’y kakampi ni Atty. Lorna Kapunan, aba’y nakipag-deal sa isang executive session at nagawa pang nakipag-meeting bago inumpisahan ang hearing kaya’t hindi masisisi ang publiko kung mag-isip ng negatibo. Mabuti lang, pumalag sina Senator Jinggoy Estrada at Senator Bong Revilla kundi nakinig sa dingding ang publiko!
***
Sa pagsanib-puwersa ng Lakas-CMD at Kabalikat ng Malayang Pilipino (Kampi) party, dalawa lang ang puwedeng pagpilian ng MalacaƱang - ito’y gawing PALAKA o Partido Lakas-Kampi, katulad ng kantiyaw ni Ka Tun­ying Taberna o kaya’y BAKLA, as in Bagong Kampi at Lakas, alinsunod sa pangalang ibinigay ng mga kurimaw.

Ang tanong: Sino ang irerekomendang spokesman ni majority floor leader Migz Zubiri ngayong nag-resign ang lahat upang bigyan-daan ang mer­ger, maliban kung makipag-koalisyon ang grupong LADLAD ni Danton Remoto?

Napag-usapan ang mer­ger, maraming nagtaas ng kilay sa deklarasyon ni DILG Sec. Ronnie Puno bilang vice presidentiable. Sa ngayon, walong pangalan ang nagpapatawag bilang presidentiables subalit sa ending, karamiha’y magsi-senador kapag gahibla ang ratings.

Hindi ba’t isang uri ng panloloko at pinagbobola lamang ng mga nagkukunyaring presidentiables ang publiko? Lahat ng pulitiko gustong tumakbong presidente gayong napakalinaw sa sinumang nakakaintindi sa pulitika ang senaryong nagpapapa-taas lamang ng presyo ang bawat presidentiables. Hindi katulad ni Puno, ito’y nagpakatotoo sa sarili at hindi inambisyon ang posisyong pahihirapan ang sarili na manalo!

Kung kapasidad bilang Vice President ang isyu, napakahabang panahon nag­lingkod sa gobyerno si Puno, ‘di hamak napakalayo kay Mr. Noted, as in Senador Francis Pangilinan na isa sa nag-aambisyon maging running mate, alinman kina Senador Manuel Villar Jr., at Senador Manuel Roxas II.

Take note: tatlong presidente ang naipanalo ni Puno - sina Pa­ngulong Fidel Ramos (1992), Joseph Estrada (1998) at. Arroyo (2004). Higit sa lahat, 1974 pa nasa DILG si Puno kaya’t alam ang pasikot-sikot sa local government units (LGU’s). (mgakurimaw.blogspot.com)