Kapag kumalat ang A(H1N1) virus sa isang lalawigan sa Luzon, walang ibang dapat sisihin ang publiko kundi ang isang presidentiable na nagbakasyon-grande sa abroad habang naka-recess ang Dalawang Kapulungan ng Kongreso. Ang rason, naghakot ng mga local officials sa isang lungsod sa Visayas region ang presidentiable bilang preparasyon sa pagtakbo ngayong 2010 national election at hindi man lamang ito nag-self quarantine. Matinding pagka-bad trip ang naramdaman ni Mang Teban sa presidentiable matapos madiskubreng dumiretso sa isang pagtitipon ng mga barangay officials ang pulitiko at hindi nagawang mag-quarantine kahit isang araw gayong isang linggong nagbakasyon-grande sa abroad. Pagkalapag ng eroplano sa Pilipinas lalo pa’t merong direct flight sa lalawigan, diretso sa inisponsorang pagtitipon ng mga baranggay officials upang makipag-bolahan at makipag-kamayan sa mga supporters nito. Kinargo ng presidentiable ang lahat ng gastusin ng mga local officials, simula pamasahe patungong Visayas region, pagkain hanggang hotel accommodation sa loob ng tatlong (3) araw. Pintahan n’yo na: Madaming salapi ang presidentiable at may kinasasangkutang kontrobersiya.
|
1 comment:
hula. hula........
Post a Comment