Napakaraming umaastang oposisyon at nagbo-boses oposisyon subalit ‘berde’ ang dugo kapag ipina-blood test sa laboratoryo, as in hunyango. Ang tanong ng mga kurimaw: Sino nga ba ang tunay na ‘lalaki’ sa oposisyon? Para malinaw ang lahat, isa-isahin natin.
No. 1. Jejomar Binay (PDP-Laban) - Maganda ang track record ni ‘Jobama’ bilang alkalde, aba’y puro libre sa Makati at on the house (OTH), simula pagkakasakit hanggang libing. Ang problema, Sa ‘Makati Iyon’, hindi pa nasusubukan bilang national leader.
Take note: Makailang-beses inanunsiyo ni Jobama ang kahandaang ‘magbigay’ kay Erap. Hindi kailangan maging residente ng Makati para maintindihang nagpapataas lamang ng rating at pagka-senador ang ending!
No. 2. Loren Legarda (NPC). Tanging pagka-senador ang credentials ni Loren Sinta - ito’y hindi humawak ng alinmang posisyon sa local level, kahit pagka-baranggay captain at hindi rin naupong gabinete bagkus diretso sa session hall ang biyahe mula pagka-brodkaster.
Paano maipapasilip ni Loren Sinta ang kakayahang mamuno kung hanggang ngayon, animo’y isa pa ring news reader ng ABS-CBN o nagbabasa ng balita sa telebisyon at nagmi-memorize ng script, maliban kung handang magpaturo sa kanyang bespren, as in makipag-brain storming kay Edong Angara kapag coffee break?
No. 3. Chiz Escudero (NPC). Tinaguriang bibig ng oposisyon sa Lower House subalit may balik ang deklarasyong, “Para manalo sa mga nakaraang eleksyon at sa mga susunod pang eleksyon kailangan niya ang tulong ng mga nagmamalasakit dahil pinanganak na hindi mayaman”.
Ibig sabihin, magkaka-flashback ang pagiging ‘anak-anakan’ ni Danding Cojuangco ng San Miguel na sanggang-dikit ni Mrs. Arroyo, maging kay Lucio Tan. Kung ganito ang kalakaran, paano magiging taga-oposisyon si Chiz?
No. 4. Manny Villar (NP). Kahit ilan pang Santino ang magdasal, malaking dagok ang C5 Road extension controversy sa mister ni Ma’am Cynthia. Kahit pa gumastos ng limpak-limpak at bilhin ang lahat ng air time sa radyo, telebisyon o kaya’y pahina ng mga peryodiko, isama natin ang mga nagsusulat sa dahon ng saging, kasing-labo ng tubig sa itikan ang senaryong “May Bukas Pa”.
Tama man o mali ang isyu, mas malalim pa sa gutter ang nilikhang sugat ng ‘singit at taga scandal’. Hindi lang iyan, laging pagduduhan ng mahihirap ang pagiging isang malaking negosyante ni Villar kapag naupo sa Malacañang, katulad ang pangambang lumawak ang mga lupain at malihis ang mga kalye, mapa-Luzon, Visayas at Mindanao!
No. 5. Mar Roxas (LP). Napaka-trying hard ang pagpapaka-showbiz. Sa Upper House, mas nangingibabaw ang imbestigasyon keysa solusyon, katulad ng Legacy scam, aba’y labing-apat na beses nagpa-hearing pero walang committee report at wala pa rin nasasampolan ito.
Sabagay, live coverage ang ANC-21, sayang nga naman ang exposure lalo pa’t 5% lang ang itinaas ni Roxas sa Pulse Asia survey gayong multi-milyon ang binayad sa commercial. At kahit adik ang tanungin, hindi masisi kung isiping ‘palabas’ o scripted ang kanilang relasyon ni Korina Sanchez.
Madaling sabihing, “Inggit lang kayo” pero noong 2004 nang tumakbong senador si Roxas, hindi ba’t binalak din magpakasal nito? Mabuti lang, natuloy ang pamamanhikan ng nakaraang linggo. Paano kung bagsak ang rating bago sumapit ang November deadline ng Comelec, hindi kaya maudlot ang Kori-Mar wedding?
No. 6. Erap Estrada (PMP). Tatakbo o hindi, nananakot o nang-iinis, paano magpapakilalang dugong-oposisyon kung tinanggap ang pardon na ipinagkaloob ni Mrs. Arroyo. Malinaw ang statement ni Erapsky, “Pinatawad ko na ang mga Arroyo at ang pamahalaang ito”.
Kung hindi kinikilala ni Estrada ang liderato ni Mrs. Arroyo bakit tinanggap ang absolute pardon? Sabagay, mahirap makulong ng anim na taon at binabaril sa Luneta ang nagpapaka-hero. Kahit taga-gapas ng damo sa Tanay Rizal, maniniwalang meron ‘secret deal’ ang magkabilang kampo. Hindi naman puwedeng puro lang paluwal ang palasyo? Kaya’t sino ngayon ang tunay na ‘lalaki’ sa oposisyon? (mgakurimaw.blogspot.com)
4 comments:
comment, comment..
nba jerseys
jordan 4
fila shoes
jordan 11
golden gooses
ferragamo belt
cheap nba jerseys
yeezy boost 350 v2
curry shoes
curry shoes
replica bags lv see post l2d23h5w04 replica bags forum replica bags qatar article b6u42s1y69 replica bags karachi find here c3z52r3u52 fake louis vuitton replica bags south africa j7h85r5x76
g3b09w6b99 k7y11y3k28 g5u54r3q04 v8o80p3s85 s5i59i8n87 u1d39e1j57
Post a Comment