Tuesday, June 16, 2009

june 16 2009 abante tonite

Ang presidentiable at mag-kuya!
Rey Marfil


Wala munang banggitan ng pangalan, nakakatawang isiping nauuso ang ‘mag-Kuya’ sa pulitika, aba’y meron dalawang mambabatas, sa katauhan ng isang senador at presidentiable, iisa ang naging girlfriend at parehong bad trip ang kanilang magulang sa bebot, as in hindi type ang pag-uugali.

Mabuti lang, sineryoso ng presidentiable kundi maraming asin ang ipapa-reserba ng bebot para iburo ang sarili sa pagka-dalaga. At iyong presidentiable, una naman naka-relasyon ang isang lady solon subalit ngayo’y deny to death ang presidentiable kapag napag-uusapan ang dating girlfriend.


Hindi lang iyan, pinag-selosan naman ng karelasyon ng presidentiable ang isa pang lady solon, aba’y napabalitang ‘nagkatipuhan’ ang dalawa, as in naging magkarelasyon sa maikling panahon kaya’t mamatay-matay sa inggit ang isa naman matandang senador na matagal nang kinukursunada ang lady solon. Ang matandang senador, ito’y naging karelasyon naman isa pang lady solon.

Anyway, dalawa pang senador ang naging ‘mag-Kuya’ sa isang showbiz personality at kapag napagkukuwentuhan ang bebot, ‘naka-tsamba lang’ ang sagot ng ‘pinaka-bunso’ dahil kilalang tsikboy subalit naisahan ng kaibigan - ito ang unang naka-relasyon ng showbiz personality.

Ang nakakatawa, marami silang ‘mag-Kuya’ sa bebot, pati literal na bunsong kapatid ng unang nakarelasyon ng showbiz personality, ito’y nakisawsaw din! Iyon ang tunay na mag-Kuya, nagbibigayan kahit magkaaway sa tunay na buhay!
***
Habang nalalapit ang November deadline ng Comelec, lalong lumalaki ang gastusin ng isang presidentiable, aba’y namamakyaw ng supporters. Hindi lamang senatoriable ang binibili at inaalok ng pondo, pati baranggay captain, ito’y meron buwanang payola na tinatanggap sa opisina ng presidentiable.

Mantakin n’yo, P10 libo bawat baranggay captain ang monthly allowance na inaalok ng presidentiable bilang preparasyon sa 2010 national election. Hindi lahat, pumatol sa bagong ‘modus-operandi’ ng presidentiable, subalit sa isang mahirap na lugar at kabilang sa poorest provinces, napakalaking bagay kay Kapitan ang P10 libo kada buwan lalo pa’t wala naman alkalde, gobernador, Congressman, senador, Vice President at Presidente ang nagbibigay ng ganitong halaga kapag nakaupo sa puwesto.

Maliban sa ‘grassroots level’, halos lahat ng air time sa broadcast, mapa-radyo at telebisyon, ito’y binili ng presidentiable. Ang nakakatawa lamang, pati local cable network sa mga probinsiya, ito’y pinasok, as in pinakyaw ang mga bakanteng air time para pabanguhin ang kanyang imahe at pagtakpan ang dapat takpan.

Kung meron dapat sisihin ang kampo ng ibang presidentiable kung bakit tumaas ang rate card ng radyo at telebisyon, walang iba kundi ang kumag, aba’y name your price ang formula sa probinsiya, animo’y nagka-double insertion sa presyo ng air time.

Sabagay, ngayon lamang kumikita ang mga may-ari ng local television at radio station dahil kapag walang eleksyon, kahit nawawalang kambing ni Ka Igno, ito’y inaanunsiyo. Take note: live coverage pa ang paghahanap niyan!

Ang pinakamalupit sa lahat, ipinagmamayabang ng presidentiable ang kahandaang gumastos ng P7 bilyon ngayong 2010 election. Hindi milyon ang pinag-uusapang gagastusin ng presidentiable, ito’y nagsisimula sa kapital B, as in Buwa.

Kaya’t ‘all the way’ ang ‘pamimili’ ng kakampi at sino bang makatanggi kung pinaka-da best offer ng presidentiable ang pagkargo sa gastusin ng sinumang senatoriables sasama sa kanyang ticket?

Sabagay, kahit magkaliku-liko at lumihis ang daraanan ng presidentiable o kaya’y ma-gutter at sumadsad sa itikan, siguradong uuwing pasipol-sipol ang makakasamang senatoriables sa biyahe.

Mantakin n’yo, Talo na, Kumita pa! Kung sino ang presidentiable, sayaw muna kayo ng itik-itik bago ang clue!(mgakurimaw.blogspot.)