Monday, June 15, 2009

june 15 2009 abante tonite

2 presidentiable scripted and interbyu (Part 1)
(Rey Marfil)

Bagama’t walang lahing-artista at napaka-imposibleng magbida sa mga nauusong telenovela lalo pa’t walang arrive ang porma, saksakan ng ‘arte’ ang dalawang presidentiable kapag isinasalang sa radio interview, patunay ang pagkakaroon ng sariling script sa bawat isyung itinatanong ng anchor.

Sa dalawang pulitikong nasaksihan ng Tonite Spy, pinakamaarte si Presidentiable I, patunay ang pagtangging magpa-interbyu sa kahit sinong reporter kapag walang kinalaman sa kanyang image building ang mga tanong.

Hindi maiwasang masuka ng mga naglipanang kurimaw sa labas ng headquarters ng Pulse Asia at Social Weather Station (SWS) ang kasinungalingan at pambobola ni Presidentiable I sa publiko, patunay ang ‘scripted’ na tanong sa lahat ng radio interview.

Bago isalang sa radio interview, nagpapadala raw ng script ang kampo ni Presidentiable I, kalakip ang kahilingan sa anchor na huwag magkakamaling ilihis ang tanong dahil kapag naiba ang isyu, ito’y nanganganib mawalan ng commercial sa kanyang radio program o i-aatras ang advertisement.

Kapag pinakinggan ang radio interview ni Presidential I, simula sa dulong kanan hanggang dulong kaliwa sa mga talapihitan ng mga radyo, iisa ang tanong sa pulitiko, partikular ang mga pagpapanggap sa buhay at itinatago ang kanyang baho sa pagbabayad ng air time, as in ginagamit ang media sa kasinungalingan nito.

Ang nakakasuka lamang, nagagawa pang mag-transcribe ng opisina ni Presidentiable I at ipinamumudmod sa mga reporter gayong kapag binasa ang transcript mula sa tatlo hanggang limang radio station naka-interview dito, iisa ang laman, as in xerox copy ang tanong at sagot ng kumag, maliban sa comma at period.

Hindi lang iyan, puro pambobola lamang ang laman ng interview o transcript ni Presidentiable I dahil walang matinong kasagutan at binabalikan lamang ng kumag ang mga karanasan sa buhay, simula ng ipanganak hanggang yumaman kung saan walang ibang layunin kundi bilugin ang ulo ng mga botante at takpan ang mga kabulastugang kinasasangkutan.

Clue: Kung sino si Presidentiable I, maging ang ikalawang presidentiable, abangan ang karugtong sa Miyerkules. Ang malinaw, parehong mayaman ang dalawa at magkaiba lamang ng sitwasyon. (mgakurimaw.blogspot.com)